Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 28 - Twenty Seven

Chapter 28 - Twenty Seven

Huminto ang sasakyan ni Gino sa tapat ng gate ng bahay nina Violet. Alam niyang naroon ang dating nobya. Gusto niyang makita ito at pilitin sumama sa kaniya. Wala na siyang pakealam kung maiwanan niya ang Villamontes. Ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.

Humigpit ang hawak niya sa manebela. Hindi niya inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Nagbabakasakali na baka lumabas si Violet, pero halos nagtagal na siya ng dalawang oras ay wala siyang nakita. Nagdesisyon na siyang umalis at ipagpabukas nalang ang paghihintay dito. Tamang tama naman ang pagdating ng isang kotse sa harapan ng gate. Bumaba agad si Adrian dala ang mga gamit niya. Kumatok siya ng malakas para marinig ng asawa niya.

Violet open the gate. Halos nagtaka pa siya sa maagang pag uwi ni Adrian.

"Mahal? Ang aga mo." ikinagulat ni Violet ito. Akma niyang kukunin ang dala nitong bag at bigla biglang lumapag sa kanan pisngi niya ang malapad na kamay nito. Sa lakas ng hapit nito ay nawalan siya ng balanse at halos mapaupo siya.

"A-Adrian!" iyon lang ang lumabas sa bibig niya. She didn't expected that Adrian would hurt her. Namuo ang mga luha sa mga mata niya. At sinalo ng mga kamay niya ang namumulang pisngi.

"How dare you to cheat on me! Minahal kita Violet with all my heart. I thought you were loyal to me." nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Did Adrian knew na may nangyari sa kanila ni Gino? How could he? Wala siyang pinagsabihan.

"A-I'm.. I-I'm sorry.." bumuhos ang luha niya. Ibinato ni Adrian ang mga dalang gamit at pinagsisipa ang mga paso ng halaman. Nagsibasagan ito at nagkalat ang mga lupa at sirang bulaklak na inaalalagaan ni Violet.

"Tama na please. I'm sorry Adrian!" pigil sa kaniya ng asawa at niyakap niya ito sa beywang. Pilit niyang inaawat ito sa pagwawala.

"Pinagkatiwalaan kita Violet!" sigaw niya at saka sumuntok ng sumuntok sa matigas nilang pader hanggang sa magdugo ang mga kamao niya. Lalong nakaramdam ng takot si Violet at pinilit pakalmahin ang asawa.

"I know. That's why I stopped seeing him. Kasi ikaw ang mahal ko. Please. I'm sorry.." bulong niya at nawalan siya ng lakas sa pagkapit niya sa beywang nito. Napaluhod siya at humagulgol sa iyak. Alam niyang kasalanan niya kaya't abot abot ang paghingi niya ng tawad kahit alam niyang hindi magiging madali ang pagpapatawad sa kaniya ng asawa. At tinatanggap niya ang pagsampal sa kaniya nito. Kulang pa nga ito sa ginawa niya.

Bumuntong hininga si Adrian. Sinapo niya ang noo at lumapit sa nanghihinang asawa. Kinalong niya ito sa mga bisig.

"Mahal na mahal kita Violet, that's why I did all of this." sabi niya dito na parang may malalim siyang pinanggagalingan. Pakiramdam niya ay hindi siya handa na sabihin pa dito ang totoo. Pero kung gumawa man ulit ng paraan si Gino na makuha siya ay ipaglalaban niya ito kahit magkamatayan sila.

Dahil ang pagmamahal niya dito ay hindi basta basta nasusukat ng pagtitiwala. He could kill for his love.

He could do anything, he could lie and make Violet believe that the only one she needs to trust is him.

*****

Dumating si Gino na tila magulo ang isip. Natatakot siya na baka totoo nga ang ibig sabihin ni Violet sa bigla niyang pag-alis.

That night was their last.

He rests himself. Nakatingin lang siya sa umiikot na ceiling fan sa loob ng opisina niya. Habang tambak naman sa kabilang bahagi ng mesa ang mga dokumentong dapat niyang pirmahan ngayon araw. He couldn't take off his mind about Violet. Nag-aalala siya and at the same time ay nakakaramdam ng kakaibang takot.

"Sir Gino?" bumukas ang pinto and he saw Janna entering the office. May yakap yakap itong envelope.

"If its about the meeting with Imperial. Cancel it or send Ate Marika to meet them." matamlay niyang sinabi bago pa man makapagsalita si Janna.

"Sir, its about Violet." nagulat si Gino at bahagyang napabalikwas sa pagkakaupo.

"What do you mean about her?" tanong niya. Yumuko si Janna. Hindi niya kasi alam paano magtatanong, baka isipin ay nakekealam siya sa dalawa. But she is worried to Violet. Gusto lang niya na maging masaya ang kaibigan pero marami ang pumipigil dito. Isa na ang dahilan na may asawa siya. At alam naman niyang kung ano man ang ginawa ng kaibigan ay mali sa paningin ng tao at Diyos.

"She really loves you, Sir Gino." nahihiya siyang sabihin. Hindi pa sumasagot ang binata. Nakatingin lang siya dito. "She really loves you, I know it. Sa maikling panahon kasama ko siya. She's just scared. She just can't afford another mistake again kaya I understand her for choosing to left rather than to stay." at tumigil siya sa pagsasalita. "Sir, don't give up on her.. Please.." pakiusap ni Janna.

Natigilan si Gino at inikot ang inuupuan swivel chair. "I will." iyon lang ang sagot niya. Ngumiti si Janna. "Thank you Sir.." aniya bago lumabas ng pinto.

"Janna." nagulat siya ng tawagin ng Boss. Lumingon siya muli dito habang hawak na ang door knob.

"I want to ask a favor and please keep it only to yourself." mahinang bulong nito. Nagtataka si Janna sa ibig sabihin ni Gino pero tumango lang siya at lumabas na ng kwarto.

Tamang tama naman na lumabas si Marika sa opisina niya at nakita si Janna na nagmula kay Gino. Pagdaan ng empleyado sa harapan niya ay bumati lang ito sa kaniya.

"Si Gino?" tanong niya kay Janna. "Nasa loob po Mam Marika." sabi niya. Napukaw naman ng mga mata ni Janna ang hawak nitong bote ng whiskey.

Are they gonna drink?

Tanong niya sa sarili. Siguro ay paraan ito ni Marika para maibsan ang sinasama ng loob ng kapatid. Pero mahigpit na bilin ni Gino na walang ibang pwedeng makaalam ng pabor na hiningi niya kundi siya lang. Kaya kahit si Marika o si Leo ay hindi niya puwedeng pagkatiwalaan. Nagtataka lang siya kung bakit hindi sa kapatid nito siya humingi ng request. Bakit sa kaniya?

Hindi na kaya niya pinagkakatiwalaan si Marika? O alam niyang may traydor sa loob ng kompaniya.

Bumukas ang pinto at lumingon agad si Gino. Akala niya ay si Janna kaya't bahagya pa siyang nagulat sa nakita. Its his sister, Marika. May dala itong bote ng whiskey at dalawang wine glass. Binaba niya ito sa isang mesa sa kabilang bahagi ng kwarto.

"Were drinking." sabi niya. At hindi naman siya nagpapigil. He really needs to drink. Mukhang hindi rin naman kasi siya makakatulog ng maayos, sa pag-iisip. Binuksan ni Marika ang bote at nagsalin sa hawak niyang baso. Inilapag niya ito sa harapan ni Gino at doon naupo sa ibabaw ng mesa habang nakadekwatro.

"You have news about Violet?" tanong ng kapatid sa kaniya. Umiling si Gino at mabilis na tinungga ang laman ng baso. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Marika. "Nothing." matigas niyang sagot.

Muli ay nagsalin siya ng alak sa baso nito. Habang nilalaro lang niya sa kamay ang wine glass na hawak at umiikot ang kakaunting laman nito.

"Ako nalang ang aattend sa meeting ng Imperial, mamaya." paalam ni Marika. Tumangong walang alinlangan si Gino. Nakakailan baso na siya sa pagtungga ng iniinom. He just wants to sleep kaya't tinutuloy tuloy niya ang pag-iinom. Pero sa ibang tao its a lustful tactic.

Alas-sais ay ubos na ang tao sa Villamontes. Nakapatong sa sofa ang folder na iniwan ni Janna para sana basahin ni Gino sa pakikipagmeeting niya sa Imperial. But he was wasted. Nakaubos siya ng halos dalawang bote ng whiskey sa loob lang ng tatlong oras. At hindi na niya magawang bumangon pa sa pagkakahilo niya.

Kinuha ni Marika ang folder at lumapit sa tulog na tulog na si Gino. Hinaplos niya ang pisngi nito.

"You're too naive, Gino. For not even noticing what really is happening." aniya at ngumiti. Inilapit niya ang mukha nito. At dahan dahan ay dumampi ang labi niya sa labi ng binata.

"You focused on her too much.. And you didn't realized how much your big sister loves you." unti unti niyang binuksan ang butones ng polo nito at iginapang ang mga kamay sa dibdib nito. She really likes Gino more than a brother she knew. At dahil they are half siblings, hindi ito naging hadlang sa malalim niyang pagtingin sa kinakapatid. But everything she planned was ruined a by girl named Violet.

Her lips begin to explore its rugged chest. The tempting desire she kept for years. Gumapang pa ang labi niya sa ibabang bahagi nito going to his abs. Gino groaned unconsciously as he felt Marika's lips. This is what she wants, ang mapasakamay ang binata. Hindi niya hahayaan mauwi sa wala ang lahat ng plano niya.

"Shit.." bulong ni Janna habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Marika sa walang malay na si Gino. Hindi niya kinakaya ang nakikita. Tinakpan lang niya ang bibig ng mga kamay habang nakatingin dito.

Umiling iling lang siya. At nagmadaling lisanin ang lugar na yon. She need to leave bago pa malaman ni Marika na naroon siya. She need to keep it to herself katulad ng sinabi ni Gino.

And she needs to find a man named Lawrence.

*****

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang mag-away sina Adrian at Violet. Bumalik na sa normal ang pag-uusap ng dalawa kahit ba sa pakiramdam ni Violet ay tila galit pa din ang asawa. Gusto nalang niya kalimutan ang nangyari kahit hindi iyon ganun kadali.

"Mag-grocery ako mamaya." paalam niya kay Adrian na abala sa kaharap na laptop. Nagbasakali siyang magpaalam kahit na alanganin siya nitong payagan. Dahil alam naman niyang iisipin ni Adrian na makikipagkita siya kay Gino.

Tinignan lang siya ng asawa. "Ah sige. Ibili mo na din ako ng perfume. Okay lang ba?" nagulat si Violet sa sinabi nito. Hindi pa siya umaalis sa kinatatayuan. Hindi naman mukhang galit si Adrian o naiinis. Ibigsabihin kaya nito ay talagang okay na sila.

"Ah sige. Aalis na pala ako." sagot lang ni Violet bago tumalikod. "I trust you, Mahal." natigilan siya sa narinig. Gusto nanaman pumatak ng luha niya. Pero nagtuloy tuloy na siya sa paglabas ng bahay.

She decided to take the route going to Waltermart Roosevelt. Kaysa na mapalayo pa siya ng husto kapag pinili niyang magpunta pa ng SM North. Dala dala niya sa bulsa ang wallet habang hawak niya ang isang nakatiklop na loot bag na lalagyan ng mga bibilhin niya.

Papasok na siya ng mall nang ilabas niya ang cellphone at chineck kung ano ano ang mga bibilhin.

"Hindi nga ako nakapasok kahapon, nalasing kasi ako." halos mabitawan ni Violet ang phone na hawak nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi siya puwedeng magkamali dito. Kahit na matagal na panahon na ang lumipas ay tandang tanda niya ito. She would never forget the man who abused her. The reason why Gino left and she had a miserable life. Lahat ay bumalik na parang isang tumatalon na rewind tape. Mabilis at hanggang ngayon ay sariwa pa din ang sakit na idinulot nito.

"Lawrence.." she murmured as she looked at him. The guy was still the same jerk it was before. Tinubuan lang ng balbas ang binata at nag matured ng kaunti.

"Violet.." aniya ng mababa at gulat na tinig mula kay Lawrence. Hindi agad ito nakagalaw sa kinatatayuan. Binabangga na sila ng mga taong papasok at papalabas ng mall.

"Its been years.." sabi pa nito at akma na lapitan ang dating kaklase. Umatras agad si Violet sa takot niya.

"Wag kang lalapit!" sigaw niya at nagkakaripas siya ng takbo. Nagulat ang binata sa reaksyon nito. Bahagya siyang napaisip na hindi pa din ito nakakalimot dahil kung paano siya tignan kanina ay parang namumuo pa din dito ang galit. Hindi naman niya ito masisisi. Walang kapatawaran ang ginawa niya. Pero ngayon at nagkita na silang muli, ay hindi niya pakakawalan ang pagkakataon na ito.

"Aalis muna ako, George." paalam agad niya sa kasamahan. Nagtataka naman ito sa biglang pag-alis ni Lawrence.

*****

Hingal na hingal si Violet sa pagtakbo. Tumigil siya nang umabot na siya sa palengke ng Muñoz. Pawisan ang mukha niya at halos hindi na siya makahinga. Pinili muna niyang maupo habang nanginginig ang mga tuhod. Parang gustong kumawala ng dibdib niya sa lakas ng kabig nito. Ibang iba ang takot na naramdaman niya nang aksidente silang magkita ni Lawrence. Sa dami ng lugar sa Quezon City at sa dinadami ng pagkakataon ay bakit ngayon pa?

"Hayop siya." gigil niyang sambit. Hindi mawala ang poot na dinadala niya sa taong sumira ng buhay niya. Dahil dito kaya umalis si Gino at kung bakit napakababa na ng tingin niya sa sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga bago muling tumayo. She decided to take a taxi papuntang SM North. Hindi na niya kakayanin pang lumakad at bumalik doon. Ayaw na niyang makita pa muli ang mukha ng kasumpa sumpang lalakeng iyon.

"VIOLET!" sigaw ng isang tinig mula sa likuran niya at mahigpit na hinawakan ang kanan braso niya. Muntikan siyang mawalan ng balanse sa kinatatayuan. Paglingon niya ay mukha ng pagod na si Lawrence ang tumambad sa kaniya.

"Bitawan mo ako!" she shouted and everyone looked at them. Pero hindi siya binibitawan ng binata.

"Listen to me first!" bulalas niya.

"Why should I listen to you! Sinira mo ang buhay ko." naluluha pero may galit na sigaw ni Violet at lumapag ang kaliwa niyang palad sa pisngi ng dating kaklase.

Namula ang pisngi niya. "I deserve it. I'm sorry.." bulong ng binata. At unti unti ay binitawan ang braso ni Violet. "Just listen to me first.. Please.." pagmamakaawa niya.

Hindi niya alam kung paano siya maniniwala kay Lawrence. Walang ibang tumatakbo sa isipan niya ngayon kundi ang mga nangyari noon. Pero bakit pakiramdam niya ay dapat niyang pakinggan ang gustong sabihin nito.

"I know, were both young and naive. I admit, nagkamali ako dati. But as you know, were both victims here." nagulat si Violet. "Naset-up tayo." tuldok niya sa sinabi.

"A-Ano?"

"Maniwala ka man sa hindi. Matagal akong itinago ng konsensya ko. I was afraid na ako ang masisi sa mga nangyari sayo so I stay hidden. But these past few years, it keeps on haunting me. I should've told you the truth when I had the chance. But I was scared."

"Kanino ka natatakot?" nanginginig si Violet. Kinakabahan siya sa mga susunod na malalaman.

"To your husband." nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Its your husband you should ask."

*****

iamnyldechan