Tumigil sa pagtakbo si Violet pagdating niya sa mismong gate ng bahay nila. Nanginginig ang laman niya habang binubuksan ito. Hindi na siya nakapaggrocery pa. Tanging tumatakbo sa isipan niya ngayon ay ilan katanungan kailangan niya ng kasagutan. Hindi pa rin niya magawang maniwala kay Lawrence pero gusto niyang manggaling mula kay Adrian ang totoo. Doon lang ay makakampante siya.
Binuksan niya ang gate at dahan dahan pumasok.
Sa may pinto palang ay naririnig na niya ang tinig ng asawa na may kausap sa telepono. Adrian always talked to someone she didn't know. At kailanman ay hindi nito binabanggit kung sino iyon.
"Mahal?" nagulat pa ito nang pumasok si Violet na walang imik sa sala nila. Bahagya niyang ibinaba ang telepono na kanina lang ay nasa tainga niya. "Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nag grocery ka..." he paused and noticed na walang dalang kahit isang grocery bag ang asawa.
"Tell me Adrian what is the truth." matigas niyang binitawan. Nagtataka ito at nilapitan si Violet pero umiwas siya.
"Sagutin mo ako Adrian. Lawrence told me it was a set-up." aniya at bigla ay kumunot noo ito.
"Nagkita kayo ni Lawrence! That guy who used you!" magaspang na sinabi ng nanggagalaiti na si Adrian. Umiling si Violet.
"He told me everything, hindi ko na alam kung kanino ako maniniwala. Just tell me, Adrian. Ano ba talaga ang totoo!" sigaw niya. Hindi ito nagsalita. Nanatiling tahimik si Adrian habang hinahanap ang mga tamang salita na bibitawan. Dahil maaaring sa isang iglap ay mawala sa kaniya ang asawa.
"What did he tell you?" may kaba at takot sa tono niya.
Gusto niyang sumabog sa inis. Hindi niya akalain magkikita pa ang dalawa sa dinami dami ng pagkakataon. And he didn't expected Violet would have the guts to talked to him. Ang alam niya ay sagad ang galit nito sa binata pero bakit ngayon ay magtatanong ito at makikinig sa sinabi ng taong yon. Did Violet knew something kaya't namumuo na sa utak nito ang ilan katanungan? Whatever reason it is, he wouldn't let Violet go, not now.
He sighed.
"Maniniwala ka talaga sa taong iyon kaysa sa asawa mo?" umiling si Violet. "I am asking you, Adrian. Ano ang totoo!" tinabig niya ang baso sa katabing mesa. Nabasag ito at naglikha ng ingay. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik.
"Okay. If you wanna know the truth.." he paused at tumingin sa asawa. "I did everything I could, so we could be together." unti unti nang naluha si Violet sa sinabi ni Adrian. Hindi siya nagsalita at basta umakyat sa kwarto nila. Naghanap siya ng bagpack at doon ay isinilid ang ilan gamit na kaya niyang bitbitin. Nagmamadali siya sa pagtakbo sa hagdan at hindi man lang nililingon si Adrian. She couldn't stop her tears.
For all she knew, her husband whom she trusts her entire life was the one who betrayed her.
Binuksan niya ang pinto.
"I trusted you, Adrian. Pero hindi ko alakain magsisinungaling ka sa akin." sigaw niya habang dala sa balikat ang bag.
"Saan ka pupunta? Pupuntahan mo si Gino at iiwanan mo ako?" may galit na sa pagsasalita niya.
"At bakit anong pakealam mo kung saan ko gustong magpunta!" nanlaki ang mga mata ni Adrian sa isinagot ng asawa. Hinawakan niyang mahigpit ang cellphone.
"You are not going anywhere." aniya.
*****
10 years ago,
Naglalakad ang binatang si Adrian patungo sa susunod niyang klase. Hindi maalis sa isipan niya ang planong pagsagot ni Violet sa binatang nanliligaw sa kaniya na si Gino. Adrian vows to never love anyone but his bestfriend pero ngayon ay halos abot kamay na ng ibang tao ang iniingatan niyang relasyon sa kaibigan. Sinubukan niyang magsabi sa dalaga ng tunay niyang nararamdaman pero natatakot siyang tanggihan nito kaya't inilihim niya ng mas matagal ang sikretong ito.
"Adrian!" nagulat siya sa tinig ng isang babae na tumawag sa pangalan niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang boses nito. Kaya lumingon siya. He saw a student but a year ahead of him.
"S-Sino po kayo? I don't remember knowing you." nahihiyang sinabi ng binata. Tumawa ang dalaga.
"You know my half brother, Gino. Right?" nanlaki ang mga mata ni Adrian sa narinig. Hindi niya alam na may kapatid si Gino. Pinagmasdan niya ang mukha ng estudyante na nagpakilalang kapatid ng kaklase. There's no resemblance, pero sabi nito ay half brother. Ibigsabihin maaring magkadugo sila sa ama o ina.
"Why are you here?" pasupladong tanong niya sa dalaga.
"Why am I here? For all I know, you need my help." sarkastiko niyang sagot dito. Bahagyang nakaramdam ng inis si Adrian at tinalikuran ito. Ayaw niya sa mga babaeng suplada at akala mo ay magaling sa lahat ng bagay.
"I don't have time for you. May klase pa ako." sabi niya at lumakad palayo. Hindi siya pwedeng lumiban sa major subject niya. Lalo at Top One sa Dean's Lister ang lihim na karibal niya na si Gino.
"I can make Violet, yours." nabitawan niya ang librong dala dala sa braso niya. At dahan dahan binalikan niya ng tingin ang dalagang hindi natitinag sa kinatatayuan nito. What does she mean by that?
"What are you saying? Violet is my bestfriend." pagkakaila niya. Alam niya ay walang nakakaalam bukod sa sarili niya ang lihim na pagmamahal sa kaibigan. Kaya ano ang sinasabi ng babaeng ito?
"Umamin kana. Because were in the same page. You're secretly inlove with her, same with my brother." nakangiti nitong sagot.
"What? Kapatid mo si Gino at gusto mo siya? Are you crazy?" natawa ang dalaga. "We are not related. Anak ako ni Papa sa unang pamilya bago niya naging asawa si Tita Millia na may anak na sa unang asawa din nito." hindi alam ni Adrian ang reaksyon gagawin. So it means they're not really blood related. Pero hindi pa din maganda ang ideya na magkakagusto siya sa tinuringan kapatid. Its literally disgusting.
"I don't trust you." galit na sinabi ng binata at sinundan ito ng malakas na halakhak ng dalaga.
"I don't need your trust. I just need your cooperation." aniya at nilapitan si Adrian. "Tell me what you want." sunod pa niya. Hindi maitanggi ni Adrian ang pilit na inooffer sa kaniya ng misteryosang babaeng ito. Pero ano nga naman ang karapatan niyang mamili? If he cooperates with this woman, he can get whatever he wants. Including the woman he loves.
"So Adrian, think again. What is it you want?" ngumiti ang dalaga.
"I want Violet to be mine."
Lumipas ang buwan at sinagot ni Violet ang manliligaw na si Gino. Naging usap usapan sa campus ang relasyon nila na madaming bumatikos dahil sa hindi daw babagay ang dalaga sa tulad ng binatang si Gino na mayaman at popular. Marami rin ang nagkalat na chismis na maduming babae si Violet para lang iwanan siya ng nobyo pero hindi sila nagtagumpay. Habang si Adrian ay palihim na gumagawa ng hakbang para sa matagal na nilang plano na dalawa ni Marika.
Nakaupo ang binatang si Lawrence sa harapan ng gymnasium habang hinahanap sa dala niyang bagpack ang ipapasang term paper sa Professor nila sa Law. Nang bigla nalang sumulpot sa harapan niya si Marika.
"You're Lawrence right?" nakangiti niyang tanong. Nagulat pa siya at nagtaka. "Diba ikaw yon Ate ni Gino? Anong kailangan mo?" suplado niyang tanong habang abala pa din sa paghahanap. Iyon nalang kasi ang pag-asa niya para makapasa sa Law Major.
"Dinig ko, nagkakaproblema ka daw sa studies, am I right?" natigil sa paghahanap si Lawrence. "Sino ka ba ha? Wala akong panahon sayo ah." singhal niya dito at tumayo. Sinuot niya sa likod ang bagpack.
"I can make you pass in all of your failed subjects ng walang kahirap hirap, just do me a favor." pigil sa kaniya ng dalaga. Tinignan niya ito. Seryoso ang mukha nito at hindi talaga nagbibiro. Pero bakit siya sa dinami dami ng tao na puwedeng hingan ng pabor.
"A-Ano bang gagawin?" curious niyang tanong. Ngumiti si Marika.
"Its just a little act.." hindi niya lubos naiintindihan ang gusto nitong sabihin. Pero alam niyang hindi maganda ang kahihinatnan nito.
*****
Nagising si Gino mula sa isang bangungot. Namumuo ang pawis niya sa noo at napabalikwas siya sa pagkakahiga. He was drunk. At hindi na niya alam ang sumunod na nangyari.
"Is it morning?" tanong niya nang mapansin mataas ang araw na halos natatanaw niya mula sa bintana. Bumangon siya sa pagkakahiga at napansin bukas ang suot niyang polo.
Bumukas ang pinto. "Sir!" nagulat si Gino sa pagtawag sa kaniya ng nagmamadaling si Janna. Hindi na siya kumatok at basta nalang pumasok sa loob.
"Janna? Dito na yata ako natulog last night." sabi niya na parang hindi pa din malinaw ang mga nangyayari.
"I found the man you are looking for." hindi makapagsalita si Gino sa nalaman. Did Janna found Lawrence? Kung totoo man, ay magkakaroon na siya ng mga kasagutan sa katanungan. Iyon lang ang tanging paraan para maliwanagan siya sa mga nangyayari at malaman ang tunay na nagkasala sa dating nobya.
"Where is he?" agad niyang tanong at pagkatapos ay tumayo siya at naghahanap ng maisusuot. Nakita niya ang isang bagpack sa ilalim ng mesa at doon ay kinuha ang isang malinis na tshirt. Hindi na siya nagpaalam pa kay Janna at basta hinubad ang polo at isinuot ang damit. Napalingon ang empleyado sa matikas na pangangatawan ng binata at napansin ang isang pulang lipstick sa dibdib nito.
Janna couldn't hide the feeling of disgust knowing Marika has feelings for her younger brother. At isa ito sa mga dapat malaman ni Gino, that he shouldn't trust his older sister, anymore.
"Sir." tawag niya sa binata. "Yes Janna?" lumunok siya ng kaba bago magsalita. Pinakiramdaman muna niyang walang nakikinig sa kanila. She even looked at the CCTV camera na nakakabit sa tapat ng pintuan ng office ni Gino.
"Sir, I think you shouldn't trust Mam Marika." sabi niya sa mahinang tinig. Nagtaka si Gino.
"What do you mean by that?" tanong niya dito. Bumuntong hininga si Janna bago magsalita.
"I think she is madly inlove with you."
*****
iamnyldechan
Sorry for late updates.
Enjoy reading.