Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 17 - Sixteenth

Chapter 17 - Sixteenth

Niyaya ako nina Mam Janna at Sir Leo na lumabas matapos ang workhours namin. At dahil ngayon ko lang sila makakasama at makakabonding. Pumayag ako. Kasama din namin sina Gino at Jed kaya alam kong hindi ako dapat mag-alala.

Sabay sabay kaming pumasok ng SM Megamall. Isa nalang na sasakyan ang ginamit dahil sa SM na magpapasundo si Mam Janna.

"Anong bibilhin mo Violet?" tanong niya at kumapit siya sa braso ko. Kami lang kasing dalawa ang babae sa grupo. Abala kasi sa pagkukwentuhan ang tatlong lalake.

"Um.." napaisip ako sandali. "Ano.. baka gamit sa bahay or bagong shoes." sagot ko nalang. Bahagya ako napalingon kina Jed dahil nakita kong tumatawa si Gino. Gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Masaya ka talaga kapag nakikita siya masaya no?" namilog ang mata ko sa sinabi ni Mam Janna. Siniko siko pa niya ako habang bumubungisngis siya sa gilid ko. Namula naman ako dahil nahihiya ako na mahuli akong nakatingin sa Boss namin.

"Hindi Mam Janna. Um.. Ano kasi.." pagkakaila ko at hindi man lang ako makapag-isip ng tamang irarason. Naunahan na ako ng hiya. Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila ako sa unang boutique na nakita namin.

Sinamahan ko si Mam Janna na mamili ng mga bagong shades ng lipsticks at eye shadows. Nag ikot ikot na din ako sa iba pang beauty products na makita ko. Hindi pa naman ako bumibili ng bagong shade. Napansin ko ang kulay rose pink na shade ng isang lipstick. Feeling ko bagay sa kulay ko iyon, plus wala pa akong ganoon shade. Wala naman lumalapit sa akin sales lady dahil lahat ay kausap ni Mam Janna. Dahan dahan kong kinuha ang isang lipstick na may nakadikit na "Try Me". Bawas na ito dahil sa paulit-ulit na paggamit ng mga sumusubok nito. Kinuha ko ang isang bilog na salamin at doon ay ipinahid ko sa labi ko ang lipstick.

Nakikita ko sa kabilang bahagi ng salamin sina Sir Leo na nagtatawanan habang tinitignan ang mga iba't ibang uri ng brushes na ginagamit sa make up. Hindi ko tuloy maiwasan tumawa sa ginagawa nila. Lalo ng sinubukan ni Jed ang isang sample eyeshadow sa kaliwa niyang mata. Mukha siyang may black eye.

"Rose pink is good. Bagay sayo." nagulat nalang ako nang mapansin kong nasa tabi ko na si Gino. Nakasilip siya sa salamin habang nakatapat ito sa pinkish kong labi. Kinuha niya sa kamay ko ang sample product at tinignan ang kulay na parang expert siya dito.

"Maraming ganito si Ate Marika kaya pamilyar ako." sabi pa niya at lumapit sa lalagyan ng iba't ibang lippies. Pagkaraan, kumuha siya ng ibang kulay at inabot sa akin. "I think bagay din sayo to. Nude colors." I chuckled when I heard him saying nudes.

"Why! Why are you chuckling?" he asked in puzzled look. Natutuwa pa din ako sa ganito niyang pag-uugali. Hindi kasi siya nahihiya sa mga ganitong bagay. Sasabihin niya kung ano ang bagay at hindi sayo. Even he talks about women. This is his feminine side. Ito na din siguro ang madalas magustuhan sa kaniya ng mga babae.

"Wala lang. You know the color of nude lipstick e." sabi ko habang pinipigilan ang tawa sa lalamunan ko. Tinignan niya ang hawak sa kanan kamay. At tumingin sa akin. "It does really look good on you. Lagi kasi akong chaperone ni Ate Marika kapag namimili e." dahilan naman niya. Hindi ko din siya masisi. I know Ate Marika, kapag namimili iyon hindi pwedeng walang judge na magsasabi sa kaniya kung bagay ba sa kaniya ito o hindi. Or else matatagalan sila sa pamimili.

"Subukan mo." aniya at inabot sa akin ang panyo niya. Mukhang inuutusan niya akong burahin ang nasa labi ko at ipahid ang shade na gusto niya.

Lumapit ang isang sales lady sa amin. "Tama po ang asawa niyo, bagay po sa inyo ang nude colors." ngiti niyang hayag sa amin. Nagkatinginan kami ni Gino at sabay umiling. "Hindi kami mag-asawa." bawi niya agad bago pa ako magsalita. Nadismaya ang mukha ng babae. At taimtim kaming tinitigan. Mukha ba kaming mag-asawa?

"Sayang naman Mam." sabi niya at sinapo ng kamay niya ang pisngi. "Alam pa naman ni Sir kung ano ang bagay sa inyo." at natawa siya ng bahagya. Hindi ako umapela sa bagay na iyon. Alam ni Gino ang lahat kahit hindi ako magsabi. Its his way of saying na hindi ko na kailangan sapilitan sabihin ang ilan bagay lalo at nahihiya ako.

I ended up buying the nude colors katulad ng gusto ni Gino. Habang si Mam Janna, nakapamili ng isang complete set na eyeshadows at lippies na Maybelline ang brand.

Nauuna sa paglalakad si Mam Janna habang kakukwentuhan si Sir Leo. Si Jed naman may kausap sa telepono niya. Nasa gilid ko naman si Gino na pasulyap sulyap sa paligid ng mall.

"Kamusta na nga pala sina Rejie at Sandra?" lumingon ako kay Gino na biglang nagtanong. Naalala ko na hindi pa pala sila nagkikita in person simula noon umuwi siya.

"Ah.. Ano.. Ayon. Mga pasaway pa din." may inis sa pagsagot ko. "Alam mo naman diba may asawa na sila pareho. Tapos nagkikita pa sila." hindi naman kasi ako sang-ayon sa palihim nilang relasyon.

"Alam mo, bilib din ako kay Rejie. He choose to cheat his wife so he could be with Sandra. Kahit alam naman natin mali." aniya habang nakatingin sa iisang direksyon. "You mean sang-ayon ka sa ginagawa nila?" umiling siya at animo sumeryoso ang mukha niya.

"Syempre hindi. Niloloko ni Rejie ang asawa niya. Mali iyon. I won't tolerate him. But of course, if they truly love each other then gawin nila ito sa tamang paraan. Iyon hindi sila nakakasakit ng ibang tao." tumango ako. At saka nakuha ng braso ko ang atensyon ko. Inaamin ko, hindi lang naman sina Rejie at Sandra ang gumawa ng mga maling desisyon. Ako din naman. May mga maling desisyon akong nagawa na nakaapekto sa buhay ko ngayon.

"Kung ikaw, magagawa mo din kaya iyon sa taong mahal mo? Will you take the risk just to be with him again?" may laman ang tanong sa akin ni Gino. Tumigil ako sa paghakbang at sandaling tumingin sa mga mata niya. Nangungusap at nagtatanong ang mga ito. Para bang humihingi ng sagot.

"Um.. Gino.."

"Gino! Violet! Bilisan niyo kaya!" Huminto ako sa pagsasalita nang marinig si Mam Janna na tinatawag kaming dalawa. Naiwanan na pala kami at papasok na sila sa Department Store. Tumakbo si Gino pasunod sa kanila habang ako binilisan ko ang paglalakad. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na masagot ang tanong ni Gino.. Pero kung itatanong ko iyon sa sarili ko? Kaya ko nga ba? Paano si Adrian? Mahal ko siya. At mahal ko pa ba si Gino?

*****

August 2005

Tumatakbo papasok ng palikuran ng mga babae ang dalagitang si Violet. Hawak niya ang likuran ng palda at ang bag niya. Hindi niya inaasahan madadatnan siya ngayon araw. Wala pa naman siyang dalang napkin o pamalit man lang, at base sa kaklaseng si Sandra na nakakita sa kaniya. May bahid na siya ng dugo sa palda.

Tuliro siyang pumasok ng CR. Binaba niya ang gamit sa lapag at hinubad ang asul na palda. Kitang kita niya ang tagos dito. At namomoblema kung papaano makakapagpalit kahit nagbilin na siya kay Sandra na ihiram siya ng palda sa mga faculty teachers nila. Hindi niya kasi alam kung ilan oras siyang magtatagal sa pananatili dito.

"Sandra, bilisan mo." bulong niya. Gusto na din kasi niyang magpalit, dahil naiilang siya sa suot. Lalo at unang araw niya kaya't siguradong sasakit ang puson niya.

"Si Kristine?" tanong ni Gino kay Sandra nang masalubong niya ito sa gate. Kasalukuyan may event ang eskwelahan kaya abala ang mga estudyante at ilan guro sa mga patimpalak na inoorganisa nila.

"Gino! Buti nalang nakita kita. Si Violet kasi, may ano.." hindi alam paano sasabihin ni Sandra ang nangyari sa kaibigan. Dahil lalake si Gino, nahihiya siyang banggitin na dinatnan ng buwanang dalaw ang dalaga.

"Ano nangyari kay Kristine?" ulit ni Gino pero balisa si Sandra at hindi makapagsalita ng diretso.

"Ano nangyari?" sumigaw si Gino at nagulat ang kaklase. "Si Violet dinatnan, wala siyang pamalit wala din siyang napkin. Nandon siya sa cr e." walang prenong sinabi ni Sandra. Hindi agad nakapagreact ang binata sa narinig. Kaya pala hindi mabanggit banggit ni Sandra. Ay dahil tungkol ito sa kanilang mga babae.

"Ano kailangan ni Kristine?" mabilis niyang tanong. Alam niyang ito ang mga oras na kailangan ng dalaga ang tulong niya kahit alam niyang nakakahiya ang gagawin niya.

"Napkin, tapos palda ulit saka gamot kasi sumasakit puson non." sagot naman ni Sandra. Napakamot sa ulo si Gino, may isa pa siyang tatanungin dahil baka kakailanganin din ni Violet ang isang malinis na underwear dahil sabi nga ni Sandra, natagusan ito.

"Ah yon lang e. Kailangan din ba niya ng ano.." tumigil siya. At namula sa ideya na iyon. "Alin pa Gino?" nagtatakang tanong ni Sandra at saka tumalikod ang binata. "Wala. Aalis ako. Hintayin niya kamo ako." sigaw agad ni Gino at tinago ang pamumula ng mukha.

Nagpaalam siya sa school guard na lalabas ng campus para sa isang once in a lifetime emergency. At dahil kakilala niya ang guard ay pinayagan siyang lumabas sa loob ng isang oras.

Nagpunta siya sa isang malapit na pharmacy store. Nagdadalawang isip siya kung ano ang bibilhin. Kung magtatanong ba o kukuha nalang siya sa mga nakadisplay. Pero wala siyang ideya sa ginagamit ng babae.

With wings o without wings? Dry comfort o cottony soft? Napkin o pantyliner? Modess o Whisper?

"Sir? Ano po bibilhin niyo?" nagulat ang binata nang pansinin siya ng sales clerk. Halos ilan minuto na kasi siyang nakatitig sa iba't ibang klase ng napkins. Nakatingin pa sa kaniya ang ilan kolehiyala na naririnig niyang nagbubulungan. Ito ang unang beses na pumasok siya sa ganitong lugar. Nasanay kasi siya na ang Mama niya ang bumibili ng mga gamit niya for personal hygiene. At lalong wala siyang ideya sa mga gamit pambabae at hindi sa bahay nila nakatira ang step sister na si Marika. Hinawakan niyang mabuti ang wallet niya. At nilunok ang ego niya.

"Para po sa girlfriend ko. She accidentally got her period and I need to buy her some napkins." lumabas sa bibig niya na ikinagulat ng sales clerk at saka siya palihim na natuwa. Tumigil din sa pagbubulungan ang ilan kolehiyala na nasa likod nila at namangha sa sinabi ni Gino. Kinuha niya ang isang pakete ng napkin at ibinigay sa binata.

"What else do you need?" nakangiti ito kay Gino. At saka niya naalala ang ilan pang kakailanganin niya. Like medicine for Violet's cramps.

Pagtapos niyang mamili ay dumaan siya sa bahay ng dalaga. Doon ay kinausap niya si Mabelle ang nanay ni Violet para ihingi ito ng isang palda, shorts at isang pares ng underwear. Inilagay ito sa isang paperbag, habang tinitignan ni Gino kung kumpleto na ang ibinilin sa kaniya.

Napansin ni Mabelle ang plastic na dala ng binata. May laman itong napkins at gamot. May binili din siyang wet wipes at isang maliit na bote ng feminine wash na kulay pink pa.

"Okay na po ito. Salamat Tita. Dadalhin ko na to' pabalik ng school." nagmamadaling paalam ni Gino pero bago pa siya umalis ay niyakap siya ng ina ni Violet. Nagulat pa siya.

"Tita?"

"Salamat sa pagbabantay sa anak ko ha." aniya at pinagbuksan ng gate ang binata. Nagtatakbo na si Gino patawid sa kabilang kalsada habang hawak nito sa kanan kamay ang paperbag.

*****

iamnyldechan