Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 19 - Eighteenth

Chapter 19 - Eighteenth

Nakatambay sa terrace si Gino habang iniinom ang kapeng itinimpla sa kaniya ni Violet bago ito matulog. Nagpaalam sa kaniya ng maaga ang kaibigan dahil maaga ito gigising kinabukasan para tumulong sa pagluluto ng mga pagkain ihahanda para sa death anniversary ng namayapang ama. Maaga din siyang aalis para bumalik sa Maynila.

Sinilip ni Gino ang cellphone. Naghihintay siya ng update kay Marika tungkol sa kikitain kliyente sa Makati bukas ng umaga. Kaya kailangan niyang bumyahe ng madaling araw. Gusto sana niyang umalis ngayon gabi, pero ayaw siyang payagan ni Mabelle. Kaya he chose to just stay and wait for the dawn.

Hindi naman siya dalawin ng antok kaya napili nalang niyang tumambay sa terrace. May katabi siyang electric fan na umaandar para hindi siya kagatin ng lamok. Suot niya ang isang pulang Nike jacket na binaon niya dahil alam niyang matindi ang lamig ngayon sa Cavite.

Madaming gumugulo sa isipan niya. Lahat ay tungkol kay Violet. Naguguluhan siya sa ideya kung may dahilan pa ba siyang ipaglaban ang dating nobya o tanggapin nalang na may asawa na ito. Gusto niya sana sa pagbalik niya sa Maynila bukas ay buo na ang loob niya sa gustong gawin. Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil may humihila at pumipigil sa kaniya. Ito ba ay sarili niya o pagmamahal niya para kay Violet.

"Gino? Bakit nandito ka?" nagulat siya nang lapitan siya ni Mabelle, ang nanay ni Violet. May dala din itong isang tasa ng kape na gawa sa pinakuluan bigas. Lumapit ito at naupo sa tabi niya.

"Hindi makatulog?" tumango si Gino. Nakatingin lang siya sa mga bituin na malinaw na kumikislap sa langit. Maitim na maitim ang ulap pero hindi nagbabadya ng masamang panahon.

"Tita, sorry nga po pala kasi.. iniwan ko si Kristine." binanggit ng binata.Sandaling tumahimik si Mabelle. At ngumiti siya. "Tinatawag mo pa din siyang Kristine.." lumingon si Gino sa kaniya.

"Si Christopher lang ang tumatawag sa kaniya sa pangalan na yan.. tapos ikaw." naalala ni Gino na minsan binanggit ni Violet ang tungkol sa ama na tumatawag sa kaniya sa second name niya. Dahil unang beses niyang tinawag ang pangalan sa Kristine at hindi Violet na nakasanayan ng lahat.

"Mahal na mahal po talaga niya ang tatay niya." aniya ng binata. Ngumiti si Mabelle. "Oo, sobra. Kaya non namatay ang tatay niya, pinasan niya lahat ng pagsisisi. Kahit hindi naman siya ang dahilan ng pagkamatay. Palagi niyang sinisisi ang sarili." may lungkot at pangamba ang tono ni Mabelle. Dahil alam niya ang matinding pinagdaanan ng anak. Saksi siya kung paano magdalamhati ito sa biglaan pagkamatay ng ama.

"Sorry po Tita. Kaya nga po I want her to forgive me for leaving her." hinawakan ni Mabelle ang kamay ng binata. "Alam ko, mahal na mahal mo anak ko. At hindi ka din perpekto, nakagawa ka ng mga maling desisyon noon mga bata kayo. At naiintindihan ko iyon."

May biglang naalala si Gino. "Tita, I just saw something weird about Kristine. May peklat siya sa bandang wrist niya." nagulat si Mabelle sa binanggit ni Gino. Nagtataka siya dahil hindi ito naikwento ng anak niya. "Walang sinabi sayo si Violet?" umiling siya. Bumuntong hininga si Mabelle. At saka sinapo ang noo niya.

"Naalala mo, non umalis ka. Hinarap niya ng mag-isa ang kahihiyan. Dahil don hindi siya nakatapos ng kolehiyo." napaawang ang mga labi ni Gino sa nalaman. Akala kasi niya ay nakapagtapos si Violet sa parehong eskwelahan.

"Naexpelled siya. Dahil don sa kumalat na scandal nila ng kaklase niyo." nabalikwas sa pagkakaupo si Gino at muntikan matabig ang tasa niya. "Sinira ko po ang video camera bago ako umalis. How did it?" bulalas niya.

"Hindi ko alam, basta isang araw kumalat ito sa campus. Pinatawag ako ng Dean at President ng school. Malaking kahihiyan daw ang ginawa ng anak ko kaya kailangan nila itong tanggalin." malungkot na kwento ni Mabelle. May ilan butil na ng luha ang napupuno sa gilid ng mga mata niya na nagpupumigil bumagsak.

"At abot abot ang pangungutyang inabot ni Violet. Binully siya, binabastos, sinasaktan. Kaya iyon, ayaw na niyang pumasok. Nagkukulong siya sa kwarto, ayaw niya akong kausapin o kahit sino sa mga kaibigan niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko." at tuluyan bumagsak ang mga luha niya. Mabilis na kinuha ni Gino sa bulsa ng shorts ang panyo at ibinigay sa matanda.

"Inilipat ko siya ng school kaya lang umayaw siyang pumasok. Sinarado niya ang mundo niya. Wala siyang kinakausap. Palagi siyang umiiyak, palagi siyang malungkot. Hindi na namin siya nakikitang tumatawa. Pumayat siya kasi hindi na siya kumakain at hindi siya nakakatulog. Inulan kami ng chismis, hanggang sa mapaaway na ako." pinahid ni Mabelle ang mga luha sa pisngi.

"Tita, I'm sorry." niyakap ni Gino si Mabelle. "Alam mo kung ano yon pinakamasakit, yon makita si Violet na nagdurusa at wala akong magawa. Tapos isang araw nakita ko nalang siyang nag-aagaw buhay." nakadama ng pagkagulat si Gino at takot sa nalaman. Binalak kaya ni Violet na magpakamatay?

Itinuro ni Mabelle ang kanan pulso ng kamay niya. "Ang mga peklat na nakita mo, mga marka iyon ng laslas niya. Kaya palagi siyang nag-susuot ng relo. Kasi sa paraan na iyon tinago niya ang mga pinagdaanan niya. Masakit sa akin kapag nakikita ko ang mga yon, kasi hindi na siya mabubura sa alaala ng anak ko."

Parang nanlambot sa kinauupuan si Gino sa mga nalaman. Hindi niya alam ang tindi ng pinagdaanan ni Violet noon. Wala siyang alam.

At dahil sa pagbulag-bulagan niya sa galit at poot ay nakalimutan niyang nasasaktan din ang nobya.

"I-I didn't know.. I-I'm sorry." naluluha siya habang nanginginig sa pagsasalita. Pero hindi niya hinayaan tumulo ang mga iyon, ayaw niyang magpakita ng awa. Dahil hindi iyon kailangan ni Violet.

"Wala kang kasalanan. Kung may taong dapat sisihin dito, iyon ay ang gumawa sa anak ko nito. Yon lalakeng gumamit at umabuso sa kaniya. Dapat nga don pinakulong ko." galit na sinabi ni Mabelle.

"I wasn't there for her. Si Adrian ang katabi niya so he deserve Kristine's love."

"Masaya ako dahil muling sumigla ang anak ko dahil kay Adrian. Siya itong hindi sumuko kay Violet. Siya itong nanatili at inalagaan ang anak ko. Pero.." tumigil siya at lumingon kay Gino.

"Ayoko man sabihin ito.. pero sa mga mata ng anak ko, ikaw ang nakikita ko." nagulat ang binata. "Hindi ako pabor sa iyo o kay Adrian, pareho ninyong mahal si Violet. Siya lang ang makakapagdesisyon kung ano ang mas matimbang sa puso niya. At ganun ka din, Gino. Magdesisyon ka para sa sarili mo at hindi para sa anak ko." hinawakan niya ang mga nanlalamig na palad ni Gino.

"Gawin mo ang tama, Gino na walang natatapakan tao." wika niya at niyakap ito. Alam niya ang ibigsabihin ni Mabelle. Hindi rin kasi ito pabor na muli silang magkasama ni Violet lalo at may asawa na ito. Alam din niyang hindi alam ni Adrian na magkasama sila. Kaya't parang gumagawa na din ng pagtataksil si Violet sa sarili nitong asawa. Naiinis siya sa ideya na iyon, dahil lalo siyang pinagkakaitan ng pagkakataon bawiin ang minamahal.

Nagmamahal lang siya pero mali ang pagkakataon at pamamaraan na natitira niyang alas para makuhang muli si Violet. Kailangan niyang lumaban ng patas.

At hindi ngayon ang oras para siya ay sumuko, dahil sa pagbabalik ni Adrian, doon pa lamang magsisimula ang tunay na laban.

*****

Maagang gumising si Violet para tumulong sa pagluluto. Bumangon siya ng eksaktong alas-kwatro ng madaling araw. Malamig at tila makapal ang hamog kaya't hindi muna siya naghubad ng medyas. Pagkatapos niyang maghilamos ay nagtungo siya sa garahe para kunin ang mga panggatong na gagamitin sa pagluluto.

"Anong?" nagulat pa siya dahil nakita niya ang sasakyan ni Gino sa tapat ng gate nila. Ibigsabihin ay hindi pa ito nakakaalis. Binuksan niya ang gate. At sinilip kung nasa loob na ng sasakyan ang binata.

"Gising kana?" halos mapatalon sa kinatatayuan si Violet nang gulatin siya ng mababang tinig ni Gino.

"Ginulat mo naman ako. Akala ko umalis kana." aniya at hinampas sa balikat ang kaibigan. Natawa si Gino.

"I'm about to leave but I stayed for a bit to tell you my goodbye." wika nito at dahan dahan lumapit kay Violet. Nagtataka siya sa kakaibang pakikitungo sa kaniya ng binata. Para bang may gusto itong sabihin.

"Gino?" hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at niyakap. Sa gulat niya ay hindi siya agad nakakibo habang nakasandal ang mukha niya sa balikat nito. Hinawakan siya nito sa ulo at dahan dahan hinimas. She could almost feel its warm breath behind her nape. Hindi niya maramdaman ang lamig. Dahil sa init ng palad at dampi ng balat nila sa isa't isa ay nakakalimutan niya ang malamig na nakaraan.

"This is not my goodbye. Kristine.. I will come back to get you. I will fight back. I promise." pagkabulong nito sa tainga niya. Ay saka lumapat ang labi nito sa kaliwa niyang pisngi. She is speechless.

Ang kaba, takot at pagkalito ay sandaling nawala.

Napunan ito ng mga salita mula sa binata ng kasiguraduhan na sa pagkakataon ito, ay ipaglalaban siya ng dating nobyo. Ipaglalaban siya sa kahit anong paraan alam niya.

Dahil naniniwala si Gino, na hindi dito nagtatapos ang kwento nilang dalawa.

*****

iamnyldechan