Tahimik lang ako habang pinagsasaluhan namin dalawa ni Adrian ang mga pagkain inorder niya.I'm still worried about what happened earlier. Wala ng imik ang asawa ko after we left. Wala na din siyang in-open topic tungkol kay Gino.
"Um. Adrian.." binaba ko ang hawak kong kubyertos. "I can leave Villamontes, if you want." inangat niya ang paningin sa akin at sabay ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nanginginig. "You need to calm down. Hindi naman ako galit." aniya at hinalikan ang kamay ko. "In fact, papayagan naman kitang magtrabaho doon, if its about your promotion." hindi ako makapaniwala sa naririnig. Hindi siya galit kahit alam niyang si Gino ang boss ko.
"Kahit nandoon si Gino?" habol ko pa. He tried to remain that smile. "Oo naman. Ano pa bang magagawa niya sa atin? We are already married." huminga ako ng malalim. Natutuwa ako dahil hindi man lang nagalit sa akin si Adrian. He really understands me. Kahit naman noon pa siya na ang umintindi sa akin. "Your loyalty is still mine diba, Mahal?" nagulat ako sa tinanong niya. At walang kamalay-malay akong tumugon. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin doon pero tama siya. Dapat alam ko na ang lumugar. Baka naman Gino needs space to move on at palagi akong nandiyan kaya hindi niya magawa at naghahabol pa din siya. I should give him a proper answer. Kailangan na niyang tumigil.
Masaya na ako with Adrian.
Masaya nga ba?
Isang tanong na pilit nagsusumiksik sa isipan ko habang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na masaya na ako. Kung sigurado na nga ba ako sa isang bagay, bakit may kailangan akong pagdudahan?
Umuwi kami ng alas-otso ng gabi. May ilan pa kaming pinamili na mga bagong gamit sa bahay at ilan dress na isusuot ko pamasok. May ilan kasing nasisira na sa kakalaba ko at kakapaikot sa washing machine. Ayoko lang gumastos kami sa damit ko kaya tinatahi ko ang iba. Pero si Adrian nahuhuli ako minsan at pinagagalitan.
Sumunod ako sa asawa ko paakyat sa kwarto matapos kong ibaba sa kusina ang mga grocery bags. Binalak ko na maligo dahil mainit na mainit ang pakiramdam ko. Paghinto ko sa tapat ng pinto na nakaawang, nakita ko si Adrian na binuksan ang isang uri ng safety box na mukhang galing sa closet niya. Hindi ko pa nakikita ang safety box na iyon na binuksan niya sa harapan ko. Siguro ay doon niya tinatago ang mga importanteng papeles namin at pera. Hindi naman kasi ako mahilig magtanong at makealam lalo at gamit ni Adrian.
I respect our privacy. Iyon ang tinuro ni Mama sa akin isang araw bago ako ikasal, para maiwasan ang pagdududa at pag-aaway. Gusto kong maging mabuting asawa tulad ni Mama.
Hindi na muna ako tumuloy at sinarado ko ang pinto.
*****
Alas-sais y media na ako bumangon ng kama. Pagkapa ko sa katabi ko ay unan nalang ang nahawakan ko. Mukhang maagang bumangon si Adrian. Hindi tumunog ang alarm clock. Kaya late nanaman ako kung magising. Bumangon ako at nagsuot ng tsinelas bago bumaba.
Sa pinto palang ng kwarto, ay naririnig ko na ang dalawang tinig na nag-uusap. Pamilyar ang boses ng lalake sa akin at saka ko lang napagtanto that it was Rejie.
"Rej!" sigaw ko nang matanaw ko siya mula sa hagdan. May hawak siyang tasa ng kape habang nakikipagkwentuhan sa asawa ko. At nagalak siya nang makita ako. Halos magtatakbo ako pababa ng hagdan at saka sinalubong siya ng yakap.
"Namiss mo naman ako masiyado!" aniya Rejie at hinimas ang ulo ko. "Ngayon ka lang dumalaw!" sigaw ko at bahagyang natawa siya. Lumapit sa akin ang asawa ko at hinagkan ako sa noo bago abutan ng isang tasa ng gatas. Kumulot ang noo ko dahil hindi kape ang ibinigay niya sa akin.
"Mag gatas ka. Acidic kana naman niyan e." sermon niya bago pa man ako makakatwiran. Pinaghainan niya kami ng almusal tulad ng sinangag at omelette. Inabutan ko si Rejie ng isang pares ng kutsara at tinidor.
"Anong meron at naligaw ka dito?" tanong ko sa kaniya. Lumingon sandali sa akin si Adrian at tila nagbago ang mukha niya. Parang hindi maganda ang dahilan kung bakit naparito si Rejie.
"Nahuli kami ng asawa ni Sandra." mabilis kong nilipat ang atensyon ko kay Rejie na katabi ko lang. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Ang mabuking silang dalawa. Napaismid ang asawa ko at tinalikuran kami.
"Rejie, we told you before na itigil niyo na yan. Now, what happened to Sandra? She was locked away by her husband." hindi ko maipaliwanag ang pagsisisi sa mukha ni Rejie. Nagsisisi ba siya dahil minahal niya si Sandra o ipinaglaban niya ang mali?
Nawalan ako ng gana kumain. Hindi dahil nagkakaproblema si Rejie kung paano sosolusyunan ang kahihiyan ginawa nila ni Sandra. Dahil alam kong nasa pareho akong posisyon. Ayokong makaramdam ng ganitong pagsisisi si Gino once he continue fighting for me.
Hinatid ako nina Rejie at Adrian sa trabaho ko. Paghinto ng kotse ay binuksan ni Rejie ang bintana at namangha siya nang makita ang pangalan ng kompaniyang pinagtatrabahuhan ko.
"You are working with Gino?" ayoko sana na banggitin pa niya pero lumabas na agad sa bibig niya. Alanganin akong tumango at lumingon kay Adrian na tahimik lang nakaupo sa driver's seat.
"Oo kaya wag kana mag-ingay sa mga kaklase natin ha. Baka kung ano pang makarating na chismis sa kanila e." pagbabanta ko kay Rejie at kunwaring isinarado niya ang bibig. Hindi na umimik si Adrian. Nagmaneho na siya matapos kong makalayo ng ilan dipa sa kanila.
Huminga ako ng malalim. Si Gino naman ngayon ang haharapin ko. Ano pa ba ang mas exciting sa pagpasok ko sa trabaho? Matamlay akong nagtungo sa elevator. Pagkapindot ko ng 9th floor ay biglang tumigil ang pagsasarado ng pinto.
"Kanina pa kita tinatawag at parang hindi mo ako narinig." may inis sa sinabi ni Gino. Hindi ako makapagsalita sa bigla niyang pagsulpot. Sumandal siya sa kabilang pader at nagsimula na sa pagsara ang pinto. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatayo sa magkabilang bahagi ng elevator. Naramdaman ko na ang pag ugong nito paakyat sa susunod na palapag.
Hindi ko siya matignan ng diretso. Siguro ay naiilang ako matapos nilang magharap ni Adrian. Kung kanino ako mas natatakot malamang kay Gino iyon. Pero hindi ko maiwasan hindi siya pagnakawan ng sulyap. Masiyadong guwapo ang itsura niya ngayon kahit masungit siya at suplado. Parang dati rati lang ay ako lang ang may karapatan hawakan siya at tignan. Pero mali! Mali na ang pagpantasyahan ko pa siyang muli!
"Hinatid ka niya?" malamig ang pakikitungo niya sa akin pero nagagawa pa din niyang magtanong.
"Oo." sabi ko at inilihis ko ang mga mata ko sa kaniya. Gusto ko nang sabihin na itigil na niya ang pakikipag-away kay Adrian dahil wala naman itong patutunguhan maganda. Lalo at ito din ang gumugulo sa mga bagay na gusto kong paniwalaan. Ayokong magsisi siya like Rejie did. "Um.. Gino.. Gusto ko sana.. na itigil mo na yan plano mo kung ano man yan." saad ko at hindi ko tinatanggal ang mga mata ko sa dala dala kong bag.
"Bakit? Ayaw mo na ba talaga sa akin?" parang sinampal ako sa tanong niya na iyon. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita para sagutin ang tanong niya. Natutuyot ang lalamunan ko sa lamig ng aircon sa loob ng elevator.
"Tell me, Kristine. Ayaw mo na ba talaga sa akin?" sandali kong ibinuka ang labi ko. Pero biglang tumigil ang elevator at namatay ang mga ilaw.
Ah!
Napasigaw ako nang tila sumadsad ang elevator dahilan para tumigil ito. Napaupo naman ako dahil sa lakas ng pwersa nito sa paghinto.
"Kristine! Wag ka ng tumayo." naririnig ko ang tinig ni Gino. Hindi ko siya makita pero alam kong nakatayo siya dahil hawak niya ang mga kamay ko. Halo halong kaba at takot ang nararamdaman ko. Ayokong nakukulong sa ganitong kasikip na lugar at madilim pa. Hindi ako makahinga.
"Open up!" sigaw ni Gino at sunod sunod na kinatok ng malakas ang pinto. Ayaw nitong magbukas. Kinapa niya sa dilim ang emergency button para sana buksan ang pinto pero hindi ito gumagana. Hinagilap ko sa bag ang cellphone ko na alam kong naka full charge. Binuksan ko ang flashlight nito at itinapat kay Gino.
"Natatakot ako." mahinang bulong ko habang nanginginig ako. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "Hey, don't be scared. Nandito ako okay. Makakalabas tayo. I promise!" pinaglapat niya ang mga palad namin. I felt security. Ito ang unang beses na marinig ko ito sa kaniya pagkatapos ng pitong taon.
"I need to text Marika. Baka nagkaroon ng problema sa electricity ng building." aniya at mabilis kinuha ang phone sa bulsa niya. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Mainit ang mga ito at sabayan pa ng paghimas niya sa likod at balikat ko. He always made me comfortable, lalo pag ganitong natatakot ako. Hindi na sa kaniya nawala ang ganitong pagkalinga. I will surely miss this.
"Gino, its not true na ayaw ko sayo." sabi ko habang hindi ko pinag-iisipan ang mga nilalabas ko sa bibig ko. Para bang inuutusan lang ako ng isipan ko sabihin mo ito. At wala akong kontrol.
"So? You want me to stay?" tanong niya at hinawakan ang kanan pisngi ko. I smell Dior Sauvage. He never changed his choice of perfumes. Ganitong ganito din ang amoy niya kahit ba na pagpawisan siya. Humawak ako sa braso niya. At dahan dahan akong tumugon. Kung may isang katotohanan na gusto kong aminin sa sarili ko ngayon, iyon ay gusto kong manatili si Gino sa tabi ko kahit iyon ang pinakamakasariling desisyon gagawin ko.
"I will stay, Kristine." huli kong narinig bago ako tuluyan mawalan ng malay.
*****
8 years ago,
Matapos kumalat sa campus ang nababalitang scandal nina Violet at Lawrence ay agad binigyan ng suspension ang dalaga ng halos dalawang linggo. Ito ang naiisip na solusyon ng Administration para maiwasan kumalat ang video at chismis. Pero mas nagdulot lang ito ng mas dumaming pambubully kay Violet.
"Salamat naman dumating ka, Regine. Kailangan ni Violet ng makakausap." galak na sinabi ni Mabelle nang dumating si Regine, isa sa mga kaklase ni Violet.
May dala siyang pagkain na paborito ng kaibigan.
"Nag-alala nga po ako nang malaman ko na hindi na siya pumapasok. Tapos hindi man lang niya kinakausap sina Rica." malungkot na wika ni Regine.
"Ganundin ako, if Gino was here. He knows what to do. Kasi kung may isang tunay na nakakaunawa sa anak ko, iyon ay ang pinsan mo." hindi alam ni Regine ang isasagot. Wala siyang ideya kung nasaan ang pinsan at ano ang dahilan kung bakit ito biglang nawala. Hindi tuloy niya alam paano haharapin si Violet dahil paniguradong magtatanong ito kung nasaan si Gino.
Hinatid siya ni Mabelle sa kwarto ng anak. Doon ay nakita niya ang dalaga na namumugto ang mga mata sa pagluha habang kalat kalat sa sahig ang iba't ibang litrato nilang magkakaibigan. Magulo ang silid, kalat ang mga damit at walang nababawas sa mga pagkain hinatid ni Mabelle para sa anak. Hindi alam ni Regine kung ano ang mararamdaman, awa ba o lungkot sa pinagdadaanan ng kaibigan. Violet doesn't deserve any of this. Hindi masamang tao ang kaibigan niya kaya't hindi niya naiintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
"Violet.." tawag niya dito at lumapit sa dalaga. Pagkarinig nito ng tinig niya ay agad lumapit sa kaniya at niyakap siya. Nabitawan ni Regine ang paperbag na dala. Sa pagkapit sa kaniya ni Violet ay damang dama niya ang takot, lungkot at pagkabalisa nito.
"Where is Gino?" bungad nitong tanong. Bumitaw sa kaniya ang dalaga. Malalim ang mga mata ni Violet, hindi pa ito natutulog at mukhang hindi pa nakakapagpahinga ng maayos.
"Violet, hahanapin ko si Gino. Pababalikin ko siya dito. Pangako yan." sabi niya at hinawakan ang mga kamay nito. Namuo ang mga luha sa mga mata niya.
"Please, hanapin mo si Gino. I need him. I need to explain everything to him." nanginginig siya at tila pabagsak na ang mga luha. Pumikit si Regine, kung alam lang niya kung nasaan si Gino ay hindi siya magdadalawang isip na dalhin ito dito. Pareho lang sila ni Violet na naapektuhan ng pagkakamaling iyon. At bilang isang nakakatanda, kailangan niyang malaman ang katotohanan sa likod ng eskandalong iyon.
"Regine? Why are you here?" nagulat ang dalaga sa pagsulpot ni Adrian mula sa likod nila. Hindi niya akalain makikita niya ito dito, pero alam niyang matalik na magkaibigan ang dalawa.
"I am visiting my friend." aniya Regine habang kalong sa bisig niya ang umiiyak na kaibigan. Binaba ni Adrian ang dalang bag. At saka taimtim na tumitig sa kaklase.
"Wala na kayong karapatan ni Gino na makita si Violet." matigas at madiin niyang binitawan. Napatayo ang dalaga.
"And why? Violet is my friend." katwiran niya. Kinuha ni Adrian ang dala ni Regine na paperbag at itinapon sa labas ng kwarto. Napaawang ang mga labi niya.
"She doesn't need you or Gino."
Iyon ang huling pagkakataon na bumisita si Regine sa bahay nina Violet. Simula ng bantaan siya ni Adrian ay hindi na siya sumubok na makita ang kaibigan. At hanggang sa mabalitaan nalang niya na kasal na ang dalawa.
*****
iamnyldechan