Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 23 - Twenty Two

Chapter 23 - Twenty Two

Naririnig ko ang mga nagtatalong tinig nina Gino at Ate Marika. Naalala ko na nawalan ako ng malay habang nakulong kami sa loob ng elevator. Sa isang iglap nanghina ako dahil sa phobia ko sa mga enclosed places. Pero malinaw sa alaala ko ang mga huling sinabi ni Gino.

He will never leave me.

Naiinis ako dahil lalo ko pa siyang binigyan ng pagkakataon na ituloy ang plano niyang pagbawi sa akin. Lumalayo ako sa tsansa na maayos na ang mga nananahimik namin buhay. Bakit hindi ko siya magawang isuko?

"Gising kana pala? Thank God." nakahinga ng maluwag si Ate Marika nang makita akong gising na. She felt relief dahil mukhang kanina pa sila nag-aalala. Bumangon ako at agad niya akong inalalayan.

"A-anong bang nangyari?" napansin ko si Gino na galit kung makipag-usap sa hawak niyang telepono. Lumapit si Ate Marika sa akin at bumulong. "He was mad because nagkaroon ng short circuit sa isa sa mga transformer kaya ayon nawalan ng kuryente. Tapos hinimatay ka pa, he was worried sick at gusto kana niya dalhin sa ospital." nagulat ako. Hindi ko tuloy lubos maisip kung anong reaksyon ni Gino habang wala akong malay kanina. Takot na takot kaya siya?

Lumapit sa akin Gino pagbulsa niya ng cellphone. "Are you okay now?" napatitig ako sa mga mata niya. He almost squeeze my hand. "Ah oo." saka ko dahan dahan kinuha ang kamay ko. Habang ginagawa niya yon, kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Pumasok ng silid si Mam Janna at tinawag si Gino para kausapin. Habang kinuha naman ng isang Company Nurse ang blood pressure ko. Si Jed ang umalalay sa akin pabalik sa office namin. At dahil balik na sa normal ang kuryente sa buong gusali ay pupwede na kaming bumalik sa trabaho.

"Dapat sana, umuwi kana lang." nag-aalala pa din si Mam Janna sa akin. Umiling ako. "Okay na po ako. Talagang natakot lang ako kanina." dahilan ko at saka nilapag ni Jed ang isang orange juice in can sa mesa ko. Nagpabili kasi ako sa isang vending machine sa may lobby.

"So.." dumikit ang balikat ni Mam Janna sa balikat ko at saka mahinang bumulong. "So what else happened between you Gino? Ang tagal niyo nakakulong doon." pakiramdam ko ay tumaas ang temperatura ng katawan ko that made me blush.

"H-Ha! Wala ah. W-walang nangyari." napalakas ang sagot ko at pinagtinginan kami. Even Sir Leo na abala sa computer niya ay napasilip sa amin. Tinawanan ako ni Mam Janna. At pinisil ang pisngi ko. "I just wanna remind you that if you keep on hiding what you truly feel, it may affect you inside. Ayoko lang magsisi ka." hindi ko siya lubos na naiintindihan. Pero kung may isa man ipinupunto si Mam Janna ay siguro ang dapat na sagot ko kay Gino tungkol sa nararamdaman niya. Pero I just asked him if he could just stay. At sumagot siya kaya lumalayo na ako sa tunay kong hangarin. Ganito ba talaga ang tukso?

Ilulubog at ilulubog ako sa mali hanggang sa hindi na ako makaahon. What if I cheat too, like Sandra and Rejie? Ano nanaman iisipin sa akin ng tao? Minsan na silang naniwala na marumi akong babae.. At ngayon iisipin nanaman nilang kumakabit ako.

Napailing iling ako sa hangin at saka natabig ko ang lalagyan ng ballpen na halos katabi lang ng siko ko.

Nagpagulong gulong ito at mabilis akong tumayo sa upuan para habulin yon. Huminto ang pag gulong nito sa paanan ni Gino.

"Gino!" bulalas ko nang pulutin niya ang latang lalagyan ng ballpen ko. He still look worried.

"Halika nga sa office ko." aniya at basta ako hinila. Hindi na ako nakatanggi pa dahil mukhang hindi naman niya ako papayagan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nang makapasok naman ako, narinig kong inilock niya iyon. Hindi ako kinakabahan and I feel comfortable being with him. I choose to seat in of the velvet sofa na nakaharap sa isang coffee table. Habang siya ay tumungo sa isang mesa malapit sa glass window. Naririnig ko ang mga kalansing ng tasa at kutsara. Is he making a coffee?

He turned to me holding a two pieces of mug. Ang isa ay binaba niya sa harapan ko habang ang nasa kaliwa naman niya ay inilapag sa office table niya. Naupo siya sa umiikot na itim na swivel chair.

"Why did you dragged me here?" tanong ko. Hindi siya nagsasalita at basta hinihigop lang niya ang kape. "Diba you just fainted earlier in the elevator. Bumagsak ang blood pressure mo, tapos sabi ko kina Janna na pauuwiin ka so you can get rest. And now you're being stubborn again staying here at work." he sounded superior and yes its okay dahil boss ko siya. Pero nararamdaman ko how he cares that much. Bumuntong hininga ako.

"Okay na ako Gino." pagkumbinsi ko.

"No!" at lumakas ang paglapag niya ng kamay sa matigas na mesa. "You will rest here till the end of the day. Huwag matigas ang ulo, pwede!" I chuckled and before he realize he blushed. Napatakip tuloy ako sa labi ko.

Ganitong ganito siya noon the day before ako nagpumilit na sumama kina Rica na uminom. Kung may gusto man ako ibalik sa nakaraan siguro iyon ang araw na yon. I was so stubborn and narrow-minded. I didn't listen to him, at ginawa ko ang gusto ko. That's how it started. Kung nakinig lang ako sa kaniya, I may not ended up in this position.

Nakaidlip ako ng halos kalahating oras sa sofa kung saan ako nakaupo. Dahan dahan kong kinapa ang balikat ko habang nakatagilid ako sa paghiga. Napansin ko ang navy blue na coat ni Gino, nakabalot ito sa akin. Umikot ako at tila natigilan ako nang maramdaman ko ang matigas na inuunanan ko. Kinapa ko iyon, its some kind of jeans and its thighs were hard, parang nag wowork out. Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko at mabilis akong bumangon.

I saw Gino fallen asleep too.

Nakapahinga ang batok niya sa sandalan ng sofa at tila mahimbing na ang tulog niya. Ang isang kamay niya ay siyang nakapatong pala kanina sa balikat ko. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito. He's sleeping like a baby. Maingat akong gumalaw sa pagkakahiga ko. Pinagmamasdan ko ang natutulog niyang mukha habang iniisip kung ano nga ba ang tunay na nangyari at nagkalayo kami? Siya nga ba ang lumayo o ako?

"Why are you staring at me?" napabalikwas ako sa pagkakahiga at tumalikod. He's awake. Lumunok ako. He almost caught me staring at him.

"Ah wala. Gising kana pala. Ginulat mo ako." sabi ko at ngumisi na kunwari wala akong alam sa tinatanong niya. "Really huh?" narinig ko siya at mabilis niyang hinila ang braso ko. Napahiga ako sa dibdib niya at halos yumakap ako sa kaniya ng bigla nalang ako mawalan ng balanse. "Gino, what are you doing!" inis kong tanong habang pinipilit kong bumangon but he insist at hindi ako hinahayaan makawala sa kamay niya.

"Just rest for awhile." aniya sa mahinang tinig. Mali ito, hindi namin ito dapat ginagawa. What if someone see us? Anong klaseng paliwanag ang gagawin ko? At sino ang maniniwala.

"Gino, please." pakiusap ko pero hindi siya nakikinig. I smell his seductive fragrance. Para nitong pinipigilan ang paghinga ko at tila sumasaklob sa buong mukha ko. It suffocates me yet I can't resist the smell of it. Pumatong ang isang kamay niya sa ulo ko and slowly caress it.

I love you Kristine..

Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko. How he used to tell me how much he loves me. Parang itong multo na tila hindi pa nabibigyan hustisya ang pagkawala niya kaya't bumabalik siya sa mundo ng tao at hindi kayang manahimik. Ganito kaya ang nakaraan ko, ibigsabihin kaya ay may hindi pa ako natutuklasan? At kung mayroon nga, ano naman yon?

*****

Bumangon ako kaagad nang maalala ko na nakatulog na ako ng mahimbing sa opisina ni Gino. I saw the sunset from the glass windows. Madali kong sinilip ang suot kong relo. Its almost five thirty. Naalala ko na susunduin ako ni Adrian ng alas-singko at hindi magandang sila ang magpang-abot ni Gino. Agad akong tumayo at nagtatakbo pabalik sa cubicle ko. Wala na sina Mam Janna o kahit si Jed. Hinanap ko ang nakapatong na shoulder bag sa mesa ko.

Its gone!

Napahawak ako sa noo ko. Where is it? Kailangan ko nang makababa ng lobby. Lumingon ako sa paligid, wala din si Gino. Tingin ko ay dala niya ang mga gamit ko kaya't sumakay agad ako ng elevator. Sinimulan akong kabahan, at halo halong scenario na ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi na ako mapakali habang nag-iisa at hinihintay na tumigil ang elevator sa ground floor. Pabalik balik ang sulyap ko sa relo, at tila nananalanging tumigil sandali ang oras.

Pagbukas na pagbukas palang ng pinto ay mabilis na akong lumabas. Nagtatakbo ako sa lobby, hinahanap ng mata ko si Gino or Adrian. But I found nothing. Naghahabol ako ng hininga kaya't naupo ako panandalian. Parang tumakbo ako ng 1 kilometer sprint. Halos lumuwa ang mata ko sa pagod at pagtagaktak ng pawis sa bawat gilid ng noo ko.

"You seem exhausted." narinig ko ang tinig ni Gino mula sa gilid ng kanan tainga ko. Parang kuryente itong nagpalamig ng pakiramdam ko. Napaangat ako sa kinauupuan at nilingon siya mula sa likuran ko. I saw him carrying my bag.

"I thought umuwi kana dahil you left my office without telling me. And you also left your things." aniya at inabot ang gamit ko. Para tuloy akong tanga sa pinaggagawa ko. Kung ano ano kasi ang tumatakbo sa isip ko. Yumuko ako sa sobrang kahihiyan.

"S-sorry.." sabi ko.

"Its fine. Wait.." tumigil siya at napansin kong kinuha niya ang panyo sa bulsa at dali daling dumampi ito sa noo ko. He lift up my chin leveled to his face.

"Nagtatakbo ka ba? What are you thinking?" tanong niya at natawa. Hindi ko alam bakit ganito ako kampante when he touch me. There's no any doubt and hesitations. Its his own will. Bawat maingat niyang dampi ng panyo sa mukha ko ay parang nakalutang ako sa langit.

"Violet!" nagising ako sa pagpapantasya habang si Gino ay tumigil sa ginagawa. That voice was from my husband. At ito ang unang beses na tumaas ang boses niya mula sa normal na tinig niya. He is mad, already.

Hindi ko siya magawang tignan ng diretso. Natatakot ako na tumingin sa mga mata niyang alam kong galit na galit sa nakita.

"What are you doing with her!" magaspang niyang tono at paglapit sa akin ay hinila ako sa kanan braso.

Nabitawan ni Gino ang hawak na panyo.

"Pawisan siya kaya't.." pagpapaliwanag niya but suddenly Adrian speak up. "At anong karapatan mong gawin yon sa kaniya? She has her own hands, at bakit isang tulad mo na boss niya ay mag-aalala sa simpleng pawis niya sa katawan? Are you his dad?" I sensed Adrian's anger arising. Hinawakan ko na siya ng mahigpit sa braso at dahan dahan siyang hinila. Kapag hindi ako gumawa ng paraan, sasabog na din si Gino.

Alam kong hindi na din maganda ang pagsalubong ng asawa ko sa kaniya. Kumulubot na kasi ang noo niya at nagpipigil na huwag sumagot.

"Yes, I'm his boss. At anong masama kung mag-alala ako sa empleyado ko?" nakangiti ngunit peke ang isinalubong niya.

Adrian chuckled in disgust. "Ginagawa mo ba sa lahat ng empleyado mo ito? Punasan ang pawis nila?!" naririnig na ng ibang empleyado ang papataas na tono ng asawa ko. "Adrian, let's go.." bulong ko sa kaniya pero matigas siyang magpaawat.

"No, we won't leave until THIS GUY know his place!" sigaw niya sa akin. Nagulat ako. Ito ang unang beses na pagtaasan niya ako ng boses.

"Hey. Wala kang karapatan sigawan si Kristine!" aniya Gino at hinila ang kaliwang kamay ko, but Adrian on the other side didn't let go of my right hand. Nabitawan ko ang dala kong bag. Everyone is looking, at wala akong maiharap na mukha sa kanila.

I am humiliating myself again.

"She is my wife. Let go of her!" sunod ni Adrian at hinila ako.

"You don't have any right to hurt her!" laban naman ni Gino. Nasasaktan na ako sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay naiipit na ang pulso ko sa higpit ng pagkakahawak nila sa mga kamay ko. I'm about to explode..

TAMA NA GINO!

Buong lakas na sigaw ko. Halos umalingawngaw ang tinig ko sa buong ground floor and everyone turned to us na parang may entertainment show. Nakatingin ako sa kaniya na hawak ang nanlalaban kong kamay. "Tama na Gino, just stop this nonsense!" galit na ang kalooban ko at alam kong hindi maganda ang lalabas sa bibig ko.

"Kristine.. I.."

"Tapos na tayo Gino. I am married now. Tama na tong kahibangan na to." at buong pwersa kung hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya. I immediately grabbed my bag at hinila si Adrian sa gitna ng eskandalong iyon.

Wala na akong mukhang ihaharap sa lugar na iyon.

I'm sorry Gino..

*****

iamnyldechan