Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 25 - Twenty Four

Chapter 25 - Twenty Four

Violet

Dalawang araw na akong hindi umaalis ng bahay simula nang magresign ako sa Villamontes. Abot abot ang sermon natanggap ko kay Sir Jeron nang malaman niyang umalis ako sa trabaho. Wala naman din kasi akong pagpipilian. Normal na ang takbo ng buhay namin ni Adrian. Kinakausap na niya ako pero pakiramdam ko mabigat pa din ang kalooban ko.

Nakasilip ako sa bintana habang unti unting sinasaklon ng mga kulay abong ulap ang langit. Nagbabadya na uulan.

"Mahal?" nagulat ako when I saw Adrian rushing down to stairs. May dala siyang isang extra bag sa kanan balikat niya. Naalala ko na nagpaalam siya na may aatenan siyang seminar sa Batangas for two days.

Maaga siyang susunduin ng shuttle sa may labas ng kanto.

"Nadala mo na ba yon mga bilin ko sayo?" pagpapaalala ko. Tumango siya at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Ingat ka. Magtext ka ha." sabi ko habang nagsusuot na siya ng sapatos sa may tabi ng pinto. "Oo, I promise. Lock the doors okay." sabi pa niya at binuksan niya ang pinto. He turned to me for awhile at lumapit para yakapin ako.

"Mahal, I love you." bulong ko sa kaniya and he replied. Hinalikan niya akong muli sa noo. Paglabas niya ng gate, ay naramdaman ko nanaman ang lungkot, ang pag iisa. Napasampal ako sa mga pisngi ko at umiling. Its not the time to get sad.

Naghanap ako ng mga gagawin. Naglista ako ng mga ipapamili ko sa supermarket. Naalala ko na hindi ko na ito nagagawa simula nang maging abala ako sa trabaho. Ayoko din naman iasa pa ito sa asawa ko. Pagbihis ko ay nagbitbit ako ng isang loot bag at payong. Dahil nga mukhang uulan ay hindi ako pupwedeng magkasakit kaya hindi puwedeng magpaulan.

Alas diyes ako nakarating ng SM North. Malakas na ang ulan sa labas na may kasamang umiihip na hangin. Mabuti nalang ay nakarating ako dito kundi basang basa ako at giginawin. Inikot ko muna ang Department Store para sana ibili si Adrian ng necktie.

"Ano kayang magandang kulay?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa iba't ibang kulay ng neckties.

Peach.. I like peach..

Nagulat ako sa tila flashback na narinig ko sa tainga ko. It was Gino, na kasama kong mamili dito. I heard his voice. Naalala ko, ako ang pumili ng kulay ng neck tie niya. At gustong gusto niya.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana na mamili. Nilagpasan ko ang mga bilihan ng mens accessories at lumabas na ako para sumunod na pasukin ang supermarket. Nakalabas na sa bulsa ko ang ginawa kong listahan.

Alas-dos na ako lumabas ng supermarket at malakas pa din ang ulan. Walang tigil. Naupo ako sandali sa isa sa mga bakanteng upuan sa may food court. Madaming kumakain at nakatambay. Masayang nagsasalo sa mga pagkain at nagkukwentuhan.

And then there is it again..

Some scenes from the past. Unti unti kong naalala ang mga araw na magkasama kami dito. Kumakain na parang magkaibigan at walang nakasamaan ng loob na nangyari. Pero kailangan na iyong burahin dahil wala iyon idinudulot na maganda.

Nagdesisyon akong tumayo at magtungo na sa exit. Dahil madilim ang langit ay parang alas sais na ng gabi. Hindi ako pwedeng abutan ng dilim sa daan. Adrian might worry. At ayoko nang maging dahilan pa ng kahit anong pag aalala o takot sa asawa ko.

Bago pa man ako lumabas ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko mula sa bulsa. Pagsilip ko its a message from Jed.

Ate, andito yon last payslip mo. Pwede mo na daw daanan sabi ni Mam Marika.

Ngumiti ako, akala ko ay hindi ko na makukuha ang huling sahod ko. Mabuti nalang ay inasikaso ito ni Mam Janna sa HR. Sumilip ako sa relo ko and its almost three, kaya't may oras pa ako na dumaan sa Villamontes para kunin ang payslip ko. May suot akong jacket at naka shorts ako na hanggang tuhod. Magaan lang naman ang dala kong loot bag na may laman groceries.

Kahit maulan ay sumakay ako ng LRT na patungong Edsa. Basang basa akong humakbang sa hagdan paakyat ng istasyon habang bitbit ko ang mga pinamili. Walang text sa akin si Jed tungkol kay Gino. Malamang ay hindi pa ito bumabalik. Ilan gabi na akong nagdadasal na sana ay kung nasaan man siya ay maayos ang kalagayan niya. Ayokong dumating sa punto na pagsisihan ko pa ang mga magiging desisyon ko.

Pagtapak ko sa gusali ng Villamontes. Muling nanumbalik sa mga alaala ko ang nangyari. Dahan dahan akong lumingon sa paligid, busy ang lahat. Magulo dahil sa paglabas masok ng mga empleyado. Lalo pa at malakas ang ulan. Problemado sila kung papaano uuwi. Sumakay ako ng elevator. Hinila ko sa isang paper bag na dala ko ang isang bimpo. Ipinunas ko iyon sa mukha ko at sa mga braso't binti. Ang panget naman tignan kung, makikita ako nina Mam Janna na parang basang sisiw.

Pagtigil ng elevator mula sa 9th floor ay lumabas na ako. Tahimik sa buong hallway. Sumilip ako sandali sa relo ko, its almost six. Siguro ay nakauwi na sina Mam Janna, kaya't hindi na maingay. Pagpasok ko sa may office, nakita ko ang mahabang sobre na nakapatong sa dati kong mesa. Maybe Jed left it kung hindi man kami magpang abot. Hinila ko ang isang swivel chair mula sa mesa ni Sir Leo at doon ako naupo. Binaba ko ang mga grocery bags na dala ko. Sandali kong inunat ang likuran ko sa sandalan ng upuan. Saka hinubad ang mga tsinelas kong naputikan.

"Magkano kaya ang laman?" tanong ko at saka binuksan ang laman ng sobre. Puro siya papel ng isang libo. Kung bibilangin ay nasa higit sampung libo ito. Ngumiti ako, makakatulong ito kung sakali na maghanap uli ako ng trabaho. At maidadagdag ko sa gastusin sa bahay. Pagtapos kong bilangin ang laman ay ibinulsa ko ang pera.

Lumingon ako sa paligid ng opisina. Dati lang ay dito ako nagtatrabaho. Pabalik balik sa isipan ko ang ilan masasayang pangyayari kasama ang mga katrabaho ko dito.. at si Gino.

Huminga ako ng malalim. Nagdesisyon na akong tumayo at kinuha ang mga dala ko. Bago pa man ako lumabas ay napansin kong bukas ang pinto ng opisina ni Gino. Nagtaka ako kaya't pinuntahan ko yon. I thought there is someone inside. Pero wala din tao sa loob. At saka nakuha ng atensyon ko ang view sa kabilang side, the view of the rain outside the windows. Madilim na madilim ang langit, mahangin at napakalakas ng ulan. Kitang kita ko sa ibaba ang ilan empleyadong nagtatakbuhan at naghahanap ng masisilungan. Siguro ay may bagyo.

O talagang nakikisimpatya ang langit sa nararamdaman ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib ko. Its beating crazily. The beat itself makes me nervous, and I don't know why. Maybe the feelings I have right now, or Gino's. Huminga ako ng malalim.

At saka tumalikod.

"Kristine?" nagulat ako sa narinig na tinig. Pag angat ng tingin ko ay nakita ko si Gino na nakatayo sa tabi ng pinto na basang basa. May dala siya sa kamay na isang plastic na may laman bote. Habang nakasabit sa balikat niya ang tumutulong jacket. Nangangalumata siya. Mukhang hindi yata siya natutulog man lang. He looks miserable. At dahil iyon sa akin.

"A-anong nangyari diyan!" tanong ko when I saw his hands bleeding. Nakipag-away ba siya?

"This?" aniya at tinignan ang kamaong nagdurugo. He just smiled na parang wala sa sarili. "I tried to kill someone. But of course, I can't because I'm weak." sabi niya at sabay tinawanan ako na parang biro ang lahat. Nakaramdam ako ng inis. Lumakad siya ng pagewang gewang patungo sa sofa at doon ay ibinagsak ang tila mabigat na katawan.

"Why are you here? I thought you don't love me anymore." nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nalungkot. Iyon na kasi ang nakatatak sa isipan niya.

"K-Kinuha ko lang yon sahod ko. Aalis na din ako. Sorry." sabi ko at nagmadali na akong lumapit sa pinto. "Sige, leave. I don't need you." parang may kutsilyo na direktang tumusok sa dibdib ko. Masakit, malalim at nakakamatay. Gusto ko siyang pagalitan. Paano ko siya tutuluyan iwanan kung ganyan ang kalagayan niya? Lalo lang niya akong pinapahirapan.

"Umayos ka nga Gino!" sigaw ko at binitawan ang dala kong grocery bags. Lumapit ako sa kaniya sa may sofa. Halos magkandahulog na siya at naligo na siya sa ulan. Hinila ko ang jacket na pilit niyang binabalot sa sarili.

"Don't pretend you still care!" magaspang na singhal ni Gino at tinabig ang kamay ko. Nagulat ako at tumigil sa ginagawa. Nanlambot ako at tila babagsak na ang mga luha ko.

"Hindi mo na ako mahal diba? Bakit ka pa nandito? Nakokonsensya ka? Well, I don't need your pity." galit na sinabi niya at saka siya nagpumilit tumayo. Kinuha niya ang bote ng alak at binuksan. Kahit na parang tutumba na siya ay sinisikap niyang makatayo at makalakad. Masakit ang nakikita at naririnig ko sa kaniya.

"I-I'm sorry.." bulong ko na alam kong hindi niya maririnig. Tumalikod ako at doon nagsibuhos ang luha ko. Mabilis ko iyon pinahid. "Aalis na ako." paalam ko.

"Sige umalis ka! At wag ka ng babalik!" sigaw niya. Pumikit ako at tila sumabog na ako sa pagtitimpi. Nilingon ko siya at mabilis kong nilapitan. Akma ko sana siyang sasampalin pero mabilis niyang hinawakan ang kanan kamay ko.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal, Kristine?" tanong niya at nagbago ang wangis ng mukha niya. Nangungusap at humihingi ng sagot. Inagaw ko ang kamay ko at nilihis ang tingin sa kaniya.

"Hindi na kita mahal, Gino. Kaya tama na to!" singhal ko at lumayo sa kaniya. Dinampot ko ang nabitawan kong grocery bags. Hinawakan ko kaagad ang doorknob. Pero napatigil ako nang maramdaman ko ang mga braso niya sa katawan ko.

"I love you." aniya sa tainga ko habang nakasandal ang buo niyang katawan sa likuran ko. Tila isang patalim na sumayad sa balat ko ang tinig na pinakawalan niya. Lumunok ako. It shouldn't be like this. Pilit kong tinatanggal sa beywang ko ang mga kamay niya. "Let me go Gino!" inis kong sinabi.

"No. Tell me that you still love me!" asik niya. Nagpupumiglas ako sa yakap niya at nang makawala ako ay halos mawalan ako ng balanse sa kinatatayuan. Napaupo ako.

"Aray." hinawakan ko ang balakang ko. Nakaramdam ako ng kirot mula sa pagkakabagsak. Dahan dahan akong tumayo.

"Hindi na nga kita mahal diba! Si Adrian ang mahal ko!" bulalas ko sa harapan niya. Bahagya siyang natigilan. At bigla ay sumuntok siya sa isang picture frame na nakasabit sa dingding. Narinig kong nabiyak ang salamin at sumabog sa harapan ko ang mga piraso non. Nagkalat sa sahig ang mga bubog at tumulo ang dugo mula sa kamao niya.

"I don't believe you! I just saw in your eyes!" aniya habang salo salo ang kamaong kumikirot, at halos bumagsak siya sa kaniyang mga tuhod sa hapdi na nararamdaman. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin, iiyak o maaawa. Sa nakikita ko ngayon, sobra sobra ko nang nasasaktan si Gino.

Sobra na..

"Ipaglalaban kita kahit saan impyerno ako dalhin! Just to make it up to you.." napaawang ang labi ko sa narinig. He still blaiming himself for all what happened in the past. At pakiramdam ko siya itong mas nasasaktan.

Habang ako, pinapaniwala siya sa isang kasinungalingan.

Kusang bumagsak ang mga luha ko. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. He is crying like a baby.

"I'm sorry for leaving you. I'm sorry for making you feel its your fault. I'm sorry for not being there to protect you. I'm sorry because I was the man you loved." sunod sunod niyang sinabi habang humahagulgol siya. Its not his fault, neither of us. Walang may gusto sa nangyari at heto apektado pa din kami pareho ng nakaraan matagal nang tapos.

If only I could bring back time. Hindi na sana ako sumama sa inuman na iyon. But fate brought us there. And if isn't because of our mistakes, we will not become the people we are now.

And yet people is bound to make mistakes. Figuratively and literally..

"I should be the one to say sorry, Gino." saad ko at saka pinunasan ang mga dugong nagmula sa kamao niya. Tumingin siya sa akin. At pumatak ang luha ko sa pisngi niya. "I made you believe in a lie." Tumingin ako sa mga mata niya.

"I still love you."

At pagtapos kong binitawan ang katotohanan pilit kong itinatanggi sa sarili ko. Ay ang paglapat ng mga labi namin.

I still love Gino. And yes its my mistake to loved him even I am married. People is bound to make mistakes. But loving him until now is I think the only right decision I made.

Kailan ba nagiging tama ang pagkakamali? Kailan ba naging mali ang pagmamahal?

*****

iamnyldechan