Nakita kong humahangos at mainit ang ulo ni Gino papasok sa opisina niya. Narinig ko lang ang malakas na pagbagsak ng pinto. Halos lahat kami ay nagulat, nagtataka sa ikinikilos niya. Lumapit ako sa mesa ni Mam Janna para magtanong.
"Highblood ata si Gino?" bulong ko. Bumuntong hininga si Mam Janna. "Narinig ko kanina kay Marika na may kikitain dating kaibigan itong si Gino. Pero mukhang dating kaaway.." nagulat ako. Kilala ko siya, oo may galit o inis siya sa isang tao pero hindi niya yon pinapahalata. Nilapag ni Mam Janna ang folder sa harapan ko. "O siya, dalhin mo na yan sa kaniya. Papirmahan mo para madala ko na sa Marketing Department." nanlaki ang mata ko at umawang ang labi ko. "Bakit ako? Highblood pa siya."
"Hindi na yon highblood pag nakita ka niya." nakangiting saad ni Mam Janna at pinilit akong tumayo sa upuan ko. Pinagtulukan niya ako hanggang sa harapan ng opisina ni Gino. "Sige na, para malaman mo na din bakit siya nagkakaganyan." aniya at iniwan na ako mag-isa. Alam ko naman okay kami ni Gino, pero nababahala pa din ako na tanungin siya. Huminga ako ng malalim at sandaling inayos ang buhok ko. Tumingin pa ako sa salamin pader ng kwarto at chineck kung pantay ang foundation ng mukha ko.
"Um.. Sir Gino?" mahinang tawag ko sa kaniya pagsilip ko sa nakaawang na pinto. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakaupo sa umiikot na swivel chair niya. Nakatalikod ito at tila nagpapahinga siya. I don't want to disturb him. Its his way of regaining himself from devastation. Hinila ko ang doorknob para sana isara na ang pinto. But he turned and saw me.
"Anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako at tila napahiya sa itsura ko. Nagmumukha kasi akong naninilip at nakikinig ng chismis. Tumawa akong pilit at kunwari ay natawa ako sa joke niya.
"Ano.. Ah.. Mam Janna needs your approval about this." at ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong folder. Pinalapit niya ako sa mesa niya at naglabas siya ng ballpen. His face was blank. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. Pagtapos niyang basahin ang ilan papel sa harapan ko, mabilis niyang pinirmahan ito.
Gusto ko siyang tanungin pero anong karapatan ko manghimasok sa buhay niya. Dati rati ako ang unang nakakaalam ng mga problema niya. Pero ngayon, saan ako dapat lumugar?
Binuksan ko ang pinto. "Um.. Gino.. Baka gusto mo sumabay sa amin kumain mamaya?" nilingon niya ako pagkarinig ng sinabi ko.
"Ha?" halatang nabigla siya.
"Mamayang lunch." nahihiya ako habang nakatingin siya sa akin. Ang awkward. "Basta, hintayin kana min mamaya. Mukhang di ka nagbreakfast." tinapos ko na ang sinabi at nag atubili akong malakabas ng kwarto. Parang may bato sa lalamunan ko na pumipigil sa hininga ko. I just made myself embarrassed. Para akong nahihiyang bata na hindi makatingin ng diretso sa crush niya.
Bumalik na ako sa cubicle namin at nagpresinta na akong magdala ng folder sa Marketing Department.
*****
Eksaktong alas-dose bumaba kami sa cafeteria nina Lola Adel. Nakasunod sa amin si Gino na walang imik at nakatingin lang sa iisang direksyon. Hindi ko maiwasan mag-isip kung ano ang tumatakbo sa utak niya. The more he keep it to himself, the more he suffers. Kaya nga ayoko siyang nagkakaganito. He's pressuring himself at pinaparusahan niya ang sarili. Alam ko yon dahil ganitong ganito siya noon mamatay ang ama niya. Hindi niya kami kinakausap, hindi siya nag-oopen up.
"Gino?" I called him at lumingon siya sa akin. Tamang tama ay bumukas ang pinto ng elevator at nauna sa paglabas sina Mam Janna. Parang nagising siya habang tulala.
"Bakit?" nagulat pa siya ng tawagin ko. "Is something bothers you?" sa wakas ay naglabas din ako ng tatanungin. Kanina pa ako nagpapractice sa utak ko on how will I approach him.
"And if something is?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya pabalik sa akin. His sarcasm killed my confidence. Pagkaraa'y dumaan siya sa harapan ko at sumunod kina Jed. Naiwan ako sa kinatatayuan ko na tila nalubog sa mga tanong na nagmula sa kaniya. How did he became cold all of a sudden?
Dahil kaya iyon sa ka meeting niya kaninang umaga? May hindi ba siya nakuhang investor or nag failed ang plano niya? I wanna know. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi ko inalam. Pero takot din akong malaman, dahil alam kong madadamay ako. Adrian is here. Hindi na dapat ako makealam at dapat maging professional. Gino is my boss.
Kumain kami at hanggang sa cafeteria ay wala na siyang imik. Katabi siya ni Mam Janna at katapat niya si Jed na kumakain. Nakaupo ako sa kabilang side ng mesa pero abot tanaw ko siya. May oras na natutulala siya at nag-iisip. Minsan naman may itatanong si Sir Leo at late siya kung magresponse. Para bang hindi niya narinig ang tanong sa kaniya.
He's off.
Siniko ako ni Mam Janna. At bahagya siyang lumapit sa tenga ko. "Gino is kinda weird today. Hindi siya jolly ngayon." hindi ko alam ang isasagot. Iyon din naman ang tumatakbo sa utak ko. Umiling nalang ako. "Hindi ko alam Mam Janna. Hindi ko na siya maintindihan." malungkot kong saad. At tinuloy ang atensyon ko sa pagkain. Maya maya tumunog ang phone ko na nakapatong sa tabi ko.
It was a call from my husband. Sinagot ko ang tawag at nagpaalam sa kanila na sandali kong kakausapin si Adrian.
"Wait lang po, tumatawag ang asawa ko." sabi ko at nakita kong tumayo si Gino dala ang plato ng pinagkainan niya. He left us without a word. Hindi ko namalayan tinatawag ako ni Adrian mula sa phone ko, dahil nakatuon lang ang paningin ko kay Gino na papalabas na ng cafeteria.
Matapos namin kumain, ay nagkayayaan kami ni Mam Janna na bisitahin ang isang bagong bukas na milktea shop na halos katabi lang ng canteen. Habang sina Jed at Sir Leo ay nauna na sa office.
"Order kana, treat ko." nakangiting sinabi ni Mam Janna. Sandali kong binasa ang isang menu sa harapan ng cashier. Saka ko itinuro ang Wintermelon flavor.
"Wintermelon, Large saka isang Matcha Green Tea Large din. Fifty percent lang ang sugar level." naririnig ko ang kahera habang inuulit ang order namin. Kakaunti palang ang tao na dumadayo. Kaya marami ang space para tumambay at mag unwine.
"Are you worried about him?" panimula ni Mam Janna ng ibaba niya sa harapan ko ang large size milktea na inilibre niya. Dahan dahan akong tumango. "Opo, kaya lang ayaw niya magsabi." nag-aalala kong sagot.
"Men are men. We can't argue with that. Kapag talaga ayaw nilang magsabi hindi natin sila mapipilit."
"Kaya nga po. Pero sana matuto naman siyang magtiwala ulit." sabi ko at huminga ako ng malalim.
"I know. Pero malay mo kaya siya nagkakaganyan is because he is working to trust again. Let's just believe on him. Komplikadong lalake si Gino. Kahit ako hindi ko siya naiintindihan. But I tried to understand him the way I could. Maybe that's what you need to do." sagot niya at ngumiti sa akin.
Alam ko ibang iba na ang Gino na nakilala ko noon kumpara sa ngayon. Mas matigas, mas mahirap intindihin ang dating lalake na palaging may alam na solusyon sa kahit na anong gulo na pasukin ko. He always wear that kind of smile that lift us from negativities. Palagi niyang pinapalakas ang loob namin magkakaibigan that's why lahat sa amin ay nagsipag mag-aral. Pero ngayon, siya pa ba ang Gino na kilala ko noon? Siya pa rin ba ang lalakeng minahal ko noon?
*****
Alas-kwatro ang labas namin ngayon Lunes. May inventory kasi at maagang pinaliban ang mga empleyado mula Marketing hanggang Finance Department. Napuno ang lahat ng elevator dahil sabay sabay sa paglabas ang mga tao ngayon na papauwi. Kahit kaming lima ay nagkasya sa iisang elevator.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap pa si Gino. Susubukan ko nalang ulit at baka bukas ay okay na siya.
"Sasabay ka ba sa amin Violet?" asked Sir Leo. Umiling ako. Nangako ako kay Adrian na magkikita kami sa SM Megamall at kakain sa labas. At dahil hindi naman ako pupwedeng magpasundo sa kaniya ay magcocommute nalang ako.
"Hindi po. May lakad kami ng asawa ko." sagot ko naman at sabay tinignan ako ni Mam Janna. Alam ko ang sinasabi ng mga mata niya. Kung nakausap ko ba si Gino? Wala naman pagkakataon. Kaya pinalampas ko nalang. Pagbukas ng pinto ay nagsitungo kami sa lobby. Nagpaalam sa akin sina Sir Leo at Jed habang kasama ko naman si Mam Janna na hintayin ang asawa niya.
"May date pala kayo ng asawa mo." asar niya at inabutan ako ng suklay. Natawa ako at kinuha iyon. Naupo ako pansamantala sa isa sa mga sofa kasama ang iilan empleyado na mukhang naghihintay din ng mga kasabay. Inilabas ko ang maliit na pulbos sa bag ako at naglagay sa mukha ko. Bigla ko naramdaman ang kamay ni Mam Janna sa balikat ko. Kinakalabit ata niya ako.
"Bakit Mam Janna? Nandiyan na ba ang asawa mo?" tanong ko at lumingon sa kaniya. At laking gulat ko nang makita si Adrian na papasok ng lobby. He wore his working suit. So ibigsabihin nanggaling pa siya sa trabaho. Nabitawan ko ang pulbong hawak ko. At saka parang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba. Did he already found out? May nagsabi kaya sa kaniya?
Kusa akong tumayo at walang kamalay-malay na lumapit sa kaniya. He doesn't look mad. Pero natatakot ako sa sasabihin niya. Nakatingin sa amin lahat ng tao dahil iyon ang unang beses na sinundo ako ng asawa ko.
"Adrian! Paano mo nalaman?" nanginginig ako at ayoko magpahalata. Nakangiti siyang humarap sa akin. "I asked Jeron, yon Supervisor mo. He said that he gave you a promotion." hindi ko alam bakit napaka kalmado ng presensya ni Adrian habang nagsasalita. Hindi ba siya galit na nagtatrabaho ako sa Villamontes?
"Kaya pala all of a sudden, naisip kong kumain tayo sa labas. Because we need to celebrate something." bumuntong hininga ako. I knew it. He would understand. Kinuha niya ang kamay ko.
"Wow. What a surprise." pakiramdam ko ay lumapit ang mata ng bagyo sa kinatatayuan ko. That deep, husky voice I heard behind me was from a guy I've known.. At sa wangis ng ngiti ng asawa ko ay hindi ko gusto ang pagbabago nito.
Nilingon ko si Gino at nanatili lang akong kalmado.
"Long time no see, Gino." bati ni Adrian na may pekeng ngiti. Hindi ko na gusto ang awra ng dalawang lalake sa harapan ko. The way they looked at each other ay parang may malalim silang sigalot sa isa't isa.
"You already knew na dito na nagtatrabaho si Kristine."
Nakangiti ngunit galit ang mga mata ni Gino. Natatakot na ako. Gusto ko ng hilahin ang asawa ko dahil alam kong hindi magpapapigil si Adrian. Lumingon ako kay Mam Janna na tila tulala sa mga nakikita.
"Oo, at walang problema sa akin. In fact, we will celebrate her promotion, right Mahal?" at lumipat ang tingin sa akin ni Adrian habang madiin binigkas ang salitang Mahal. Ayokong harapin si Gino. Sa pagkakatanda ko, he promised to me that he will get us back together kahit alam kong imposible na.
"Well, that's good. Enjoy your celebration." tila lalong gumagaspang ang tinig niya. Pero nag iwan pa din siya ng ngiti na kahit alam ko naman pakitang tao lang iyon. "I hope we get to see each other, everyday. Diba Adrian?" aniya at ibinulsa ang dalawang kamay.
"Of course, hatid sundo ko ang asawa ko." sagot naman ni Adrian at saka lumapag sa kanan balikat ko ang braso niya. Tumalikod si Gino. "You should be, baka sa isang kurap lang ng mata mo, eh bigla nalang mawala si Kristine.." matapos niyang bitawan iyon ay tumingin siya sa akin and he left an irritating smile.
Tahimik ang buong paligid nang mga oras na iyon. Everyone was shocked at hindi alam ang dapat na gawin. Makikinig o manonood. Hihinto o maglalakad. Kahit ako ay walang imik hanggang sa tapikin nalang ako ni Adrian at niyayang umalis.
Masama ang kutob ko sa paghaharap nilang dalawa.
Isang palaban at isa na hindi marunong sumuko.
Kaya alam kong walang magpapatalo.
*****
iamnyldechan