Kumaway ako nang makita si Adrian na hila hila ang trolley na pinaglalagyan ng isang maleta niya at isang kahon na mukhang kasama niyang inuwi. Napakabilis ng tatlong linggo pero pakiramdam ko ay matagal siyang nawala. Pagkakita niya sa akin ay lumapit siya agad. Nakangiti siya at niyakap ako.
"I missed you Mahal." sabi ni Adrian at hinalikan ako sa pisngi. Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. I really missed his presence. Walang nagluluto sa bahay o sumasalubong sa akin pauwi. Wala din nangungulit sa akin. Pagkapikit ko, ay naalala ko ang yakap ni Gino sa akin. Mabilis akong bumitaw na ikinagulat ni Adrian.
"Bakit Mahal?" nagtataka ang asawa ko. Kinuha ko ang dala niyang sling bag. "Wala. Let's get you home. Alam ko pagod ka." sabi ko nalang at hinila siya. Ibinigay ko sa kaniya ang susi ng kotse habang pinagtulungan namin isakay ang mga dala niyang gamit at ilan pasalubong.
"Kamusta sina Mama tsaka yon death anniversary ni Tatay?" pambungad niyang tanong nang makasakay kaming pareho. Sandali kong sinarado ang pinto at binaba ang phone ko.
"Okay naman. Hinahanap ka nila." sagot ko at sabay ngumiti siya. "Babawi nalang ako sa kanila." aniya pa bago siya magsimulang magmaneho. Gusto ko sanang banggitin na kay Adrian ang tungkol sa Villamontes. Pero hindi ko alam kung kailan tyetyempo. Pagod siya ngayon, at magpapahinga. Tapos kinabukasan, may pasok na ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag. Natatakot ako na magalit siya.
Nakaramdam ako ng antok nang makadaan kami sa Cubao. Traffic na ng alas-diyes ng umaga at sumisikip na ang mga kalsada. Napansin kong nakatanaw si Adrian sa labas ng kotse. Doon nakatingin sa halos kaharap namin billboard site sa tapat ng Cubao Station ng MRT. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Its an advertisement of Villamontes, kitang kita ko ang mukha ni Gino with the caption of "The Future of Villamontes". Ayokong magpahalata kay Adrian na nagulat ako sa nakita. Inuunahan na ako ng halo halong takot at kaba. Pinagpapawisan nga ako kahit alam kong kulob kami sa aircon ng kotse.
"Gino is so popular na? Hindi na siya maabot." may lamig at tila inis sa magaspang na tono ng asawa ko. Sabay tumingin siya sa akin na may pekeng ngiti. Hindi ko mabasa ang pinapakita niyang iyon pero alam kong nakakatakot. He's never been mad or felt aggravated to someone. Hindi ko pa siya nakitang magalit. At natatakot ako sa ideya sa kung paano siya magpakita ng inis at poot sa isang tao.
"Oo nga.. Akalain mo yon." sinabayan ko ng tawang paurong ang sagot ko. Huwag lang niyang mapansin na alam ko ang tungkol don. Umusad ang sasakyan namin. Tamang tama para umikot kami ng daan at iwasan ang traffic. Parang nakahinga ako ng maluwag nang hindi na namin napag-usapan pa si Gino. Pero alam ko na mas dadami pa ang pagkakataon na mababanggit at mababanggit ang pangalan niya.
Pagkadating namin sa bahay, ay pinagtulungan namin ipasok sa sala ang mga maleta na inuwi niya. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa, bago pa man siya magpalit ay nakatulog na siya.
Binuksan ko ang brown na maleta at tinanggal ko doon ang mga damit na binaon niya. Kumuha ako ng laundry basket sa kusina at doon iyon inilipat. Nakatanaw lang ako kay Adrian mula sa kusina. Pagkaraan, ay inakyat ko sa kwarto ang mga malilinis na damit. Naupo ako sa kama at naramdaman ko ang malakas na vibration sa cellphone ko. Pagdukot ko sa bulsa, nabasa ko kaagad ang pangalan ni Mam Janna sa lockscreen.
Violet, pakidala yon iniwan kong report sayo last friday. May meeting daw bukas sabi ni Mam Marika.
I thought it was a text from Gino. Simula kasi nang ihatid niya ako sa Cavite at yon huli namin pag-uusap ay hindi na siya nagparamdam. But the last words he told before he leaves ay hindi ko naman makalimutan. Paulit-ulit sa isipan ko. Rewind tape palagi at kung saan saan ko naririnig.
Umiling ako sa hangin at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa. Lalakasan ko nalang ang loob ko na harapin si Adrian at sabihin ang totoo, kaysa humaba pa ang pagsisinungaling ko sa kaniya.
*****
Nasanay na akong gumising ng maaga kaya't alas-singko palang ay bumangon na ako para magluto ng agahan. Pero pagtayo ko palang sa higaan ay hindi ko na nakita pa si Adrian. Nasa pinto palang ako ng kwarto ay naririnig ko na siyang nagluluto sa kusina, at may kausap.Binuksan ko ang pinto at humakbang ako papalabas.
"Oo, gusto ko sanang ipahanap mo ang taong yon sa mga tauhan mo." the way he talked was mixed with hatred and superiority. Parang galit siya kung makipag-usap. At kung utusan niya ang nasa kabilang linya ay parang tauhan niya. Inakala kong dahil lang iyon sa antok at biglang pagkagising ko kaya binalewala ko. Bumalik ako sa kwarto para ihanda ang mga susuotin.
"Goodmorning Mahal." masaya niyang bati sa akin pagkakita ko palang sa kaniya sa may kusina. Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain. Parang hindi siya pagod sa byahe niya kahapon. Nakaligo na at nakapagbihis na ako. Bitbit ko na ang shoulder bag at lalagyan ng laptop ko.
"Ihahatid na kita." pagpresinta niya at saka nilapag sa tabi ko ang isang tasa ng kape. Gusto kong tumanggi na ihatid ako pero magtataka na siya.
"Mahal." sabi ko at hinawakan ang palad niya. Tumigil siya sa paghalo ng kape sa tasa niya at tumingin siya sa akin.
Sabihin mo na Violet!
Iyon ang ipinagsisigawan ng isipan ko. Bakit ba masiyado akong duwag sa pagsasabi ng totoo sa kaniya? Hindi dapat ako matakot, dahil walang akong ginagawang masama.
"Bakit Mahal?" tanong niya. Naiipit ata ang dila ko at hindi ako makapagsalita. "A-ano kasi.." bumwelo ako ng malalim na paghinga. At sabay na tumunog ng malakas ang ringtone ng phone ni Adrian. Naistorbo ako sa sasabihin. Binitawan niya ang kamay ko at sinagot agad ang tingin ko ay importanteng tawag.
Bahagya siyang lumayo sa akin kaya't hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Is it about work? Or kausap nanaman niya ang taong iyon.
"Mahal, hindi kita maihahatid. Okay lang ba na bumawi nalang ako bukas." malungkot niyang sinabi at humalik sa noo ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Oo naman. Is it about work? Pinapapasok ka ba ng maaga?" alinlangan siyang tumango. Parang hindi pa siya sigurado sa isinagot niya. Matapos kong kumain, nagpaalam ako sa kaniya na aalis na ako. Naiwanan ko pa siya sa kusina habang nagliligpit ng pinagkainan namin. Humalik ako sa labi niya.
"I love you." aniya at hinalikan akong muli. Sasagot na sana ako pero nakaramdam ako ng pagkalito. Confused of giving him a reply or thinking what should I reply back. I love you too? Hindi.
Litong lito akong lumabas ng bahay. Nagtawag ako ng taxi na dumadaan sa kanto namin. Mainit na agad ng alas-siete, pero mukhang mas titirik pa ang araw pag sapit ng alas-onse. Binagtas ko ang kahabaan ng Ortigas. Mahaba pa din ang traffic at tila usad pagong ang mga sasakyan. Kung pinapayagan lang ako ni Adrian na magmaneho edi sana hindi ko na iisipin magcommute.
Pawisan akong bumaba sa tapat ng Villamontes. Nagmamadali akong kunin ang disposable tissues sa bag ko habang papasok ako ng elevator. Hindi ko napansin nakasunod sa akin si Mam Janna. Pinigilan ko ang pagsasara ng elevator at hinintay siyang makapasok.
"Oh! Goodmorning Violet!" masaya niyang bati sa akin. Tumango lang ako at pinunasan ang noo ko sa dami ng pawis na inabot ko sa byahe.
"Diba ngayon ang uwi ng asawa mo?" binanggit niya. "Oo, kahapon lang." nararamdaman ko sa paa ko ang ugong ng elevator.
"So.." she paused and looked at me. "Did you told him na nagtatrabaho ka sa company ng ex mo?" nagulat ako. Si Mam Janna ang isa sa iilan na nakakaalam sa mga pinagdadaanan ko tungkol sa pagbabalik ni Gino at ang tunay niyang pakay. Minsan kasi ay napagkwentuhan namin natatakot akong sabihin kay Adrian na nagkikita na kami ni Gino. At dahil superior ko siya sa trabaho at mas madalas kaming mag-usap ay komportable akong sabihin sa kaniya ang mga saloobin ko tungkol doon. She understands me well, siguro dahil may asawa din siya and somehow she has been to this kind of situation before.
"Hindi ko alam Mam Janna. Ang hirap pala magsabi ng totoo." bumuntong hininga ako.
"I know. Pero diba hangga't tinatago mo ang totoo, mas mahihirapan ka talaga magsabi. Much worst kung sa iba pa niya malalaman." hindi iyon maialis sa isipan ko, na baka may magsabi sa kaniya. Mabilis kumalat ang balita, may pakpak ang balita may tainga ang lupa.
"Yeah, tama ka Mam Janna. Sasabihin ko na sa kaniya later." malungkot kong tugon.
"Violet, gaano mo ba kamahal si Adrian? More than you loved Gino?" nagulat ako sa itinanong niya. Hindi ko pa yon naiisip. Mahal ko ang asawa ko. Pero sa mga nakalipas na linggo, meeting again with Gino made me realized there's still something on him. Hindi lang pag-aalala, bilang kaibigan. Ayaw kong aminin pero hindi pa ako nakakamoved on. Lalo ng malaman ko na hindi lang ako ang nahirapan sa mga desisyon namin. He suffered too.
Bumukas ang pinto ng elevator at nagtungo kami sa office. Halos sabay lang kami naglalakad ni Mam Janna, habang ako walang kamalay malay sa dinadaanan. Sinalubong kami nina Sir Leo at Jed. Sabay nakita ko si Ate Marika na kakwentuhan sila.
Binaba ko ang dala kong bag sa mesa at panandalian umupo. Hindi ko nasagot ang huling tanong ni Mam Janna. At mukhang hindi pa ata ako handang magbigay ng sagot. Lumingon ako sa abot tanaw kong opisina ni Gino. Mukhang wala pa siya.
"He's late." aniya Ate Marika na nakatayo sa likuran ko. Tumingin ako sa kaniya. "Ha? Bakit naman?"
"He said he needs to take care of something." hindi ko gusto ang sinabi ni Ate Marika. I know Gino more than anyone else and by the time he told me na babawiin niya ako. He mean it.
*****
Binuksan ng isang waiter ang pintuan para kay Adrian. His superior asked him na umattend ng isang meeting to discuss investment sa isang anonymous na bisita. At dahil nagpapalapad ng papel si Adrian for promotion ay tinanggap niya iyon kaya hindi niya naihatid ang asawa sa trabaho nito. The meeting was unexpected scheduled. At dahil siya lang ang libre sa oras na ibinigay ng sekretarya ng negosyante na kikitain niya ay wala siyang pagpipilian kundi puntahan ito.
The meeting was set in one of the most luxurious restaurants in BGC. Makakapasok ka lang dito if you have a day before reservations. At kadalasan ang mga nagpupunta dito ay iilan kilalang tao. His table was set inside a private room with one food handler and a waiter. Inihatid siya dito at doon iniwan. Nakaayos ang mga pagkain nakahanda sa kabilang mesa. The room was old British style. Dumagdag pa ang mga mamahalin muwebles at upuan na mukhang galing pa sa ibang bansa.
"Mr. Villamontes is here." nagulat si Adrian sa ibinungad sa kaniya ng waiter. He knew that surname. And he knew whom it belongs. Nakaramdam siya ng lito at pagtataka. Takot at kakaibang sindak sa presensya ng dating kaibigan. Its almost seven years and he's still intimidated by that man.
Pumasok si Gino suot ang pinakamagara niyang damit. Binalak niya talagang silawin si Adrian sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon. And what his wealth had brought him.
"Long time no see, Adrian." aniya at naupo sa isang makintab na upuan kulay lupa na nagrereflect sa malaking chandelier sa gitna ng kwarto.. Hindi niya inaalis ang may galit na pagtitig niya dito. Adrian is in debt. At kailangan niya iyon pagbayaran.
"You came back from dead." pang asar na sinabi ni Adrian at tumawa siya na parang insulto sa binata. Pinipigilan ni Gino ang galit. He must remain his posture.
"I came back to remind you that you need to return what is already mine." matigas at pawang may diin ang bawat salitang binibitawan ni Gino.
"Return you what! Violet is not a thing!" bumugso na ang mataas na tono ni Adrian sabay na inihampas niya sa kaharap na mesa ang mga kamay.
"Kung sino ang traydor sa atin dalawa sa kwarto na to'. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko." sinapo ng kaliwang kamay ni Gino ang pisngi at sumandal sa kinauupuan. He tried to control his temper. Ilan taon ba siyang nagtimpi at nanahimik. Oras na para ilabas niya lahat ng galit.
"Hindi ako nagtraydor. You left Violet. Its your lost." pinagdidiinan ni Adrian.
"Ginamit mo ang kahinaan niya Adrian, and by the time she held on to you. You erased me on the picture." He knows Adrian. Tuso ang dating kaibigan.
"I will never do that to Violet. Kung sino ang mas dapat sisihin dito. Ikaw yon at hindi ako." binalak ni Adrian na buksan ang pinto matapos niyang magsalita. But Gino stood up bago siya makalabas ng kwarto.
"Kilala mo ako Adrian. Hindi ako titigil na alamin ang katotohanan. And by that time comes, pagsisihan mong kinuha mo sa akin Kristine." matigas niyang binitawan at hinayaan makaalis si Adrian. He sighed deeply enough to release anger. Hinawakan niya ang noo. Malaking sakit sa ulo ang kaibigan pero mas lalo nananakit ang dibdib niya sa pakiramdam na ikinulong silang pareho ni Violet sa mga kasinungalingan.
Alam niyang matagal nang may pagtingin si Adrian kay Violet pero nagbulag-bulagan siya dahil nagtitiwala siya dito. Kaya't hindi niya akalain na isa mga dahilan kung bakit hindi na niya nakausap ang nobya ay kagagawan ng bestfriend nito.
Adrian holds every letters and gifts he sent for Kristine. Including the last letter he sent 7 years ago na laman ay ang singsing na ibibigay niya sa paghingi ng kamay nito sa kasal. Lahat ay pinigilan niya para hindi na muling magpatuloy ang pagmamahalan ng dalawa.
At hindi niya iyon hahayaan sa pangalawang pagkakataon.
*****
iamnyldechan