Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 18 - Seventeenth

Chapter 18 - Seventeenth

Umaga ng Sabado, ang usapan namin ni Gino na magkita. Nagpresinta kasi siyang ihatid ako sa Cavite. Nakaayos na ang ilan gamit na dadalhin ko pauwi, including personal things at ilan pasalubong kina Mama. Nakalimutan ko din magtext na may kasama akong umuwi. For sure, magugulat sila kapag nakita si Gino, lalo na si Mama.

"Sakay na." tawag niya sa akin nang huminto siya sa tapat ko. Dala niya ang Montero Sport na palagian niyang gamit sa pagbyahe. Isinakay ko ang mga dala ko sa likod ng sasakyan. Napansin ko ang ilan bilao na may takip at isang kahon.

"Para saan yon dala mo?" tanong ko nang makasakay ako sa harapan. Sandali siyang nag U-Turn sa pinakamalapit na u-turn slot.

"Pasalubong ko sa inyo. Mga pagkain iyon at ilan regalo na I think magugustuhan ng mga pinsan mo." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi na ako nagsalita. Mukhang siya pa ang mas excited na makita sina Mama. Binagtas namin ang kahabaan ng Edsa at Ortigas. Hindi ko naman namalayan nakatulog ako sa byahe. Malakas ang aircon sa sasakyan, at dahil maingat siya sa pagmamaneho, nawala ang atensyon ko sa pagbabrowse ng cellphone ko at bigla nalang akong nakatulog.

Nagising nalang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Pagdilat ko, tumama agad sa mga mata ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa tanghalian. Lumingon ako sa driver's seat at wala si Gino. I decided na bumaba ng sasakyan. Nasa isang gasoline station kami at mukhang nagpagasolina siya.

"Nasaan kaya iyon?" tanong ko pa sa sarili ko. Sabado ngayon kaya madami ang bumabyahe papasok ng Cavite. Puno ang mga stop over, at mga fastfood sa kahabaan ng Cavitex. May iilan din tourist bus na mukhang may fieldtrip sa Tagaytay. Hinanap ko ang pinakamalapit na restroom. Malamig na malamig kasi sa sasakyan kaya't mabilis ako makaramdam ng ihi.

Panay pa ang pag-inom ko ng tubig. Hindi masiyadong mahaba ang pila kaya't nakapasok ako ng restroom.

"Kristine!" nagulat ako nang marinig ko na tinatawag ako ni Gino. May dala siyang Frappe na galing sa Starbucks. Kalalabas ko lang ng CR at lumapit ako sa kaniya.

"Kain muna tayo. Nagugutom ako." sabi niya at saka tumalikod. Sumunod ako sa kaniya sa Starbucks kung saan siya umorder ng pagkain namin. Hinila niya ang isang upuan at doon ako umupo. Ibinaba ko ang dala kong shoulder bag sa ibabaw ng mesa habang siya ay pumila para umorder ng pastries na kakainin namin.

As usual, amoy barakong kape sa paligid. At may iilan customers na nagkukwentuhan at panay ang pagkuha ng selfie sa iba't ibang sulok ng cafeteria. May mga estudyante, couples at isang pamilya. Kinuha ko ang phone sa bag ko at napansin ang lumutang na message ni Adrian. Binuksan ko iyon.

How are you Mahal? Malapit na ako umuwi. Anong gusto mong pasalubong?

Nag-isip ako ng gusto kong ipabili sa kaniya. At dahil nasa Singapore naman siya, I thought magpapabili nalang ako ng mga bagay na wala dito.

"Binilhan nalang kita ng Cappucino. If its still your favourite?" inangat ko ang tingin ko kay Gino na nakatayo sa harapan ko. May dala siyang tray at binaba sa harapan ko. Hinawi ko ang bag ko na halos humaharang sa mesa namin. May dalawang plato ng mango blanc slices, dalawang tasa ng magkaibang flavor ng kape at table napkins.

"Kain na." yaya niya sa akin. Tahimik kong kinuha ang isang pares ng kubyertos.

"You really like mangoes right?" tanong ko. Hindi ko talaga iyon balak na banggitin pero dahil iyon pa din ang madalas niyang iorder ay hindi maalis sa isipan ko na sabihin iyon. "Ah oo. Weird no?" tumawa siya bago isinubo ang itinusok niya sa tinidor.

"Hindi naman. Naalala ko lang bigla." sabi ko pa at itinuon na sa pagkain ang atensyon ko. Pasulyap sulyap ako sa kaniya habang hawak niya sa kaliwang kamay ang cellphone. Sumusunod sa paggalaw niya ang mahaba niyang buhok. Mukhang hindi pa siya nagpapagupit. Ayaw pa naman niya ng sumasayad ang buhok sa noo, iritable siya.

"Alam, mo.." sabi ko at..

"Alam mo, kinakabahan ako na harapin sina Tita Mabelle." napaawang ang mga labi ko sa lumabas sa bibig niya. Napahawak ako batok ko at hindi ko alam ang isasagot. "Bakit naman?"

Hindi niya ako tinitignan ng diretso. Nahihiya ba siya?

"Kasi diba, bigla akong nawala. And its almost seven years since I came back. Hindi kaya, galit sila sa akin?" natutuliro niyang tanong. Wala akong naaalala na minsan nagalit si Mama kay Gino. Siguro nagtampo, pero hindi ang sumama ang loob. Palagi pa nga siyang tinatanong ni Mama, at wala din naman akong maibalita dahil hindi ko na alam ang nangyari sa kaniya.

"Kilala ko si Mama, hindi iyon galit." ngiting sagot ko. "Baka yakapin ka pa non pag nakita ka." biro ko pa at natawa siya. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya at nawala ang alinlangan niya.

"Hindi talaga maiwasan ang bad decisions noon mga bata pa tayo no." hayag niya at tumingin sa akin. "Siguro nga.." wala akong maisagot kaya't nilihis ko ang tingin ko sa dalawang babaeng nag uusap mula sa katapat namin mesa. May mga laman ang bawat salitang binibitawan niya. Bakit?

Nakarating kami ng Alfonso bago mag alas-tres ng hapon. Dumaan pa kami sa Tagaytay at inabutan ng traffic. Kaya't dapat mas maaga pa sana kami makakauwi sa amin. Hindi ko na itinuro kay Gino ang daan papasok sa Barangay Solis at mukhang naalala pa niya ang daan patungo sa amin.

"Wala na ang lubak lubak dito." sabi niyang habang abala sa pagmamaneho. Tumanaw ako sa bintana. Pinaayos kasi ng bagong kapitan ang kalsada patungo sa amin. Kaya hindi na mahirap ang pagbyahe o pagpasok ng mga sasakyan sa loob.

"Ang daming nagbago dito." sabi pa niya. Ilan taon siyang hindi nakabisita sa lugar namin kaya alam kong madami siyang mapapansin pagbabago. Lalo na siguro sa bahay namin.

"Hinto kana, Gino. Nandito na tayo!" nagulat siya at mabilis na inihinto ang sasakyan. Pumarada siya sa tapat ng gate namin. Tumanaw pa siya sa bintana at hindi makapaniwalang iyon na ang bahay namin.

"Bahay niyo na to?" nagtataka pa siya. "Oo kaya baba na tayo." natatawa kong sagot at binuksan ko ang pinto. Binuksan ko ang gate, wala pang sumasalubong sa akin at mukhang mga abala sila. Tinulungan ko si Gino na ipasok ang mga gamit na dala namin. Bukas din ang pinto kaya't pumasok na kaming dalawa. Hinubad ko ang sapatos ko bago ako sumampa sa loob. Bagong linis ang sahig.

"Dito mo na ilapag yan." sabi ko kay Gino at sumunod siya sa kusina. Nilapag namin dalawa ang mga pagkain binili niya sa ibabaw ng mesa. Napansin kong lumilibot ang tingin niya sa buong bahay. Siguro dahil kailan pa siya huling sumampa dito, taon na ito.

"Anak!" nagulat ako nang sumigaw si Mama mula sa labas. Patakbo siyang ibinaba ang mga dalang labahan at yumakap sa akin na para bang isang taon kaming hindi nagkita. Laging ganito si Mama. "Ma! Makayakap kana man!" sabi ko at halos masakal ako sa pagkakayakap niya.

"Napakatagal mo kasing umuwi. Wala akong katulong maglaba." dahilan niya at sumimangot ako. Sabi ko na nga ba at paglalabahin lang niya ako kaya gusto niyang umuwi ako ng maaga.

"Goodafternoon po Tita." tumigil si Mama sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Gino mula sa sala. Nakangiti lang ito at tila hinihintay siyang makilala ni Mama. "Gi.. no?" patanong siyang lumingon sa akin at tumango tango ako. Saka siya dahan dahan lumapit kay Gino. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. At saka unti unting natawa.

"Ikaw na ba talaga yan?" hindi ko alam kung naiiyak ba o natatawa si Mama sa reaksyon ng mukha niya. Niyakap agad niya si Gino. At saka hinimas ang buhok nito. "Bata ka! Bakit ngayon ka lang dumalaw dito!" aniya ni Mama at hinalikan sa pisngi si Gino.

"Sorry po Tita Mabelle. Busy po kasi ako sa trabaho." sagot niya at ngumiti si Mama. "Hindi ka na nagbago, kapag talaga trabaho o pag-aaral malalim ang dedikasyon mo."

Niyaya kami ni Mama na kumain. May iniluto siyang kare-kare at mabangong bagoong baboy na niluto niya. Nakapamalengke na siya kaninang umaga ng mga potaheng ihahanda nila bukas para sa anibersaryo ng pagkamatay ni Papa. Tinulungan kong maghain ng pagkain si Mama habang si Gino ay ayaw niyang pakilusin. Kinuha ko naman ang basket na may laman damit na hindi pa naisasalang sa washing machine.

"Kain na Gino. Wag ka mahihiya." naririnig ko si Mama habang kinakausap si Gino. Natatawa ako habang tinitignan sila ganitong ganito rin kasi noon mga panahon naglalagi si Gino sa bahay namin at palagi siya ang inaasikaso ni Mama at hindi ako. Minsan nga ay nagtataka ako kung mas anak pa ata ni Mama si Gino kaysa sa akin. Dahil lagi niya itong hinahanap.

"Sasama ka ba sa amin bukas?" tanong sa kaniya ni Mama. Tumigil siya sa pagkain at sandaling uminom ng tubig. "Uuwi na din po ako bukas ng madaling araw. " nagulat ako sa isinagot niya. Oo nga pala, sabi niya ay ihahatid lang niya ako at babalik agad siya ng Manila. Halatang nalungkot si Mama dahil sumimangot ang kanina ay masaya niyang mukha.

"Pasensya na Tita. Hayaan niyo po at dadalaw ulit ako dito." habol ni Gino bago magbago ang mood ni Mama. Bumuntong hininga ako.

"Sige sige. Kumain ka diyan ha. Tatapusin ko lang iyon labahin ko." paalam niya at sumunod sa akin sa labahan. Agad kong kinuha ang isang tuyong damit para pagpunasan ng kamay ko bago ako bumalik sa kusina. Tapos ng kumain si Gino nang abutan ko siya.

"Ako na maghuhugas niyan." sabi ko at hinubad ang suot kong relo. Nilapag ko iyon sa ibabaw ng refregerator namin. At kinuha ko sa kamay niya ang hawak na mga plato.

"Nakakahiya. Kaya ko naman." aniya at hindi pa din ako pumayag. Pagagalitan ako ni Mama kapag hinayaan ko siya ang maghugas ng pinagkainan niya.

Binuksan ko ang gripo sa may lababo. Kinuha ko kaagad ang sponge.

"Pahugas nalang ako." paalam ni Gino at lumapit sa akin sa may lababo. Sinapo ng mga madudumi niyang kamay ang pag-agos ng tubig. Hinihintay ko siyang matapos. Tumigil nalang siya nang mapansin kong nakatingin siya sa akin.

"Bakit?" nagtataka ako. Itinuro niya ang kanan kamay ko. Naalala ko na hinubad ko ang relo. Tinakpan ko iyon gamit ang kaliwa kong kamay. "Ano nangyari diyan?" tanong niya. Lumihis ang mga mata ko sa direksyon kung saan siya hindi nakatingin.

"Ano.. Wala yan. Nadisgrasya lang." mabilis kong sagot at dahan dahan dumikit sa kaniya para itulak siya palayo sa gripo. "Tapos kana maghugas? Magpahinga kana sa sala. Bilis." sabi ko lang at hindi naman siya

umapela pa. Madali kong hinugasan ang plato. At isinuot agad ang relo. Hindi dapat ito makita ni Gino or much worst malaman pa niya kung saan ito nagmula.

*****

iamnyldechan