Huminto ang kotse sa mismong tapat ng bahay ko. Nanatili akong walang imik hanggang sa buksan ko ang pinto. Sandali ko siyang sinulyapan at napansin kong nakatingin lang siya sa manebela niya at walang balak magsalita. Huminga ako ng malalim. I shoudn't expect anyway.
Hanggang sa makalabas ako ng kotse ay talagang hindi na siya nagsalita. Hindi na din ako lumingon pa sa kaniya o nagpaalam. Nilabas ko sa bulsa ko ang susi ng gate.
"Kristine.." nagulat ako nang marinig ang tinig ni Gino. Nakadungaw siya sa bintana ng kotse. "Pumasok ka ng maaga bukas," sabi niya bago ko pa man buksan ang gate. Tumango lang ako.
I swallowed my pride. "Gino.. Sorry about what I did to you." at yumuko ako.
"Its okay Kristine." umiling iling ako. Hindi man lang siya magalit sa akin. Sumigaw siya at ipamukha sa akin ng mga pagkakamali ko. Lagi siyang ganito, laging okay lang. Kahit alam kong hindi na.
"No, everything.. for everything.." parang papatak na ang luha ko habang nakatingin sa kaniya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan niya. At bigla ay dumampi na ang maiinit niyang palad sa pisngi ko para pahidin ang mga luha ko.
"You don't have to be sorry, you just loved." sabi niya at kinuha ang panyo sa bulsa.
"Pero sinaktan kita." at tuluyan na akong umiyak na parang bata. Gino chuckled.
"Pain grows within me, Kristine. And your love healed it. So cheer up. Hindi ako galit o masama ang loob." ngumiti siya at dahan dahan hinila ako sa mga bisig niya.
"Magpahinga ka, okay." binulong niya sa tenga ko at saka ko pinilit ngumiti. Nakakagaan ng pakiramdam ang yakap niya. Para ba nitong binura ang mga pagdududa ko sa sarili at galit na pilit kong tinatago.
"Sige." hindi ko siya matignan ng diretso.
"Oo ba. Papasok ako ng maaga bukas." ngiti niyang sagot sa akin. Hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok sa loob. Hindi ko naman napansin tumatawag si Adrian at hindi nagvibrate ang phone na nasa bag ko.
__
Nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng phone ko.
Pinilit ko pang bumangon sa kama at inabot ang phone na nasa side cabinet. Nakita ko ang pangalan ni Mama at sinagot ko ang tawag.
"Ma?"
Anak? Umuwi ka sa sabado ha. Death anniversary ng Papa mo.
"Ah.. Oo nga po pala." Hindi ko pupwedeng makalimutan ang anibersaryo ng pagkamatay ni Papa. Ilan taon na din ang lumipas simula noon mamaalam siya. Hindi ko na din matandaan ang mukha ni Papa.
"Opo, Ma. Uuwi ako nitong Sabado." sabi ko bago ibaba ang telepono. Bumaliktad ako ng pagkakahiga at nakatingin lang ako sa kisame. Tumataas na ang sikat ng araw na tumatama sa bintana. May hangin na umiihip sa pinto at tila tinatangay ang kurtina.
Nakita ko ang alarm clock. Mag aalas-otso na at hindi pa din ako kumikilos. Halos twenty years na ang nakakalipas pero pakiramdam ko sariwa pa din ang pagkamatay ni Papa.
Lumulutang ang isipan ko habang pasakay ako ng elevator. Hindi ko napansin na tinatawag pala ako ni Jed.
"Ate Vi!" sigaw niyang muli. At saka lang ako lumingon para makita siya na hinahabol ako papasok ng elevator. Iniharang niya ang kamay para hindi magsarado ang pinto.
"Sorry. Kadarating mo lang pala?" at parang bumalik ako sa ulirat ko. Hinihingal pa siya at mabilis hinanap ang bote ng tubig na baon niya. Hinayaan niyang mahulog sa lapag ang mga nakasabi na gamit sa balikat niya.
"Oo kaya. Kanina pa kita tinatawag Ate. Hindi mo ako naririnig." aniya at halos maubos ang tubig niya. Kinuha niya sa bulsa ang panyo at pinunasan ang naumong pawis sa noo niya. Pagkatapos sinimulan na niyang pulutin ang mga gamit. Gumusot na din ang polo shirt na kanina ay plantsadong plantsado pa.
"Buhok mo, para kang bagong gising!" sabi ko at saka sinuklay ng daliri ko ang nagtayuan niyang buhok sa harapan. Para kasing nakababatang kapatid ko na si Jed. Kaya hindi ako naiilang na lapitan siya at ayusin ang kung ano man ang magulo sa kaniya.
"Good mood kana ulit Ate?" nakatawa niyang tanong.
Umismid ako at napakibit balikat. "Oo naman. Bakit ano ba ang mood ko kahapon?" mataray ang tono ko. "Malungkot." mabilis niyang sagot. Lumingon ako sa kaniya habang abala na siya sa pagkalkal ng phone niya. Malungkot pala ako kahapon?
"Hindi mo kasi nakikita si Kuya Gino. Kaya ka malungkot." tuloy pa niya. Napahawak ako sa mukha ko. Napaka obvious na ba at talagang nakita niyang ganun ang itsura ko kahapon? Hindi pwede. Mali ang nararamdaman ko.
Bumukas ang pinto nang makarating na kami sa ikasiyam na palapag. Pagpasok palang sa opisina ay naroon na sina Mam Janna at Sir Leo na sabay nagkakape. Binaba ko muna ang gamit ko sa mesa at inayos ang ilan papel na nagkalat sa ibabaw nito. Kahapon yata ay tuliro ako at naiwan ko nalang kalat kalat ang mga gamit sa mesa ko. Hindi ko pa naman ito ugali. Binuksan ko na din ang PC at nilabas ang laptop ko. Sa susunod na linggo ay magseset ng appointment sa may-ari ng Alejo Condominiums ang Manulife. Kaming dalawa ni Jed ang pinalalakad doon. Kaya hihingi ako ng isang araw na pagliban sa Villamontes. Sayang ang comission makukuha namin once they approve the investment campaign.
"Kape?" napansin ko na may nagbaba ng tasa sa gilid ko. Akala ko si Sir Leo pero ng inangat ko ang tingin ko. Its Gino. Nandito na siya?
"Kape din sayo Jed. Tara kain na sa pantry." yaya niya sa binata. At saka lumipat ang tingin sa akin na tila nagyaya na. Natutuwa ako dahil bumabalik na sa dating kasiglahan si Gino. Hindi ko na kailangan mag-alala na malungkot siya o may dinadamdam. Isa pa, kaya ako nagkakaganito ay dahil pakiramdam ko, ako ang nagdudulot sa kaniya ng kasamaan ng loob. At obligasyon ko na alisin yon.
Dahil iyon ang nakasanayan ko. Ayokong maging pabigat.
Sumunod ako sa kanila sa pantry matapos kong basahin ang message ni Adrian sa akin sa Messenger account ko. Nagsend din siya ng picture niya na kasama ang iilan kaibigan sa ilan tourists spots sa Singapore. Binabalak nga niyang dalhin ako doon sa anibersaryo namin. At talagang hindi na ako makapaghintay.
"Ate! Kain na!" sumigaw na si Jed at nagtatakbo na ako pasunod sa kanila dala ang tasa ko.
__
Tumigil si Gino sa harapan ng cubicle ni Violet nang mapansin niya ang isang picture. Pabalik sana siya sa opisina para kunin ang ilan pagkain binili niya para sa mga empleyado. Nakita niya ang litratong isinend ni Adrian kay Violet sa Messenger nito. Naiwan kasi nitong bukas ang chatbox nila at hindi pa naisasarado ang litratong binuksan.
Hindi niya alam ang mararamdaman. Selos, tampo, galit o pagkahinayang. Napakaswerte ng dating kaibigan dahil nandoon ito sa mga panahon mas kailangan siya ng nobya. Ang mga oras na siya ay takot at nalilito.
"Nagseselos?" nagulat si Gino nang tabihan siya ni Janna. Kinuha nito ang mouse at sinimulan iscroll down ang chat box nina Violet at Adrian. "Stop it Janna. Its their privacy." naiilang na wika ni Gino. At inagaw ang mouse at saka isinarado ang mga bukas na windows. Pumeywang si Janna at tinignan ang binata.
"That's a face of jealousy." sarkastiko niyang sinabi. Umiling si Gino. Wala na siya dapat ikaselos. Alam niyang nasa mabuting kamay na si Violet. "Hindi. Masaya na siya. Let's just accept it." matigas niyang binitawan. Bumuntong hininga si Janna at saka tinapik ang likuran ng binata.
"If you just saw her yesterday, she was worried sick at halos mapraning siya sa kakaisip kung saan ka hahanapin. And you will just say let her be, because she's happy now?" naiinis at may puntong sinabi ni Janna. Naniniwala kasi siyang may pag-asa pa ang dalawa. Pero hinahadlangan sila ng komplikadong sitwasyon. Napahigpit ang hawak ni Gino sa tasa niya. At saka kumulot ang noo niya na kanina ay kalmado pa.
"She's married. Ano ang laban ko?" nakakapanghina na tanong ni Gino.
"Sabi mo sa akin, hindi mo siya nagawang ipaglaban noon. And now you were asking kung ano ang laban mo? Kailangan ba talaga may rason lagi para lumaban or sumugal? Hindi ba pwedeng lalaban ka lang kasi that's what your heart desires?" lumapit si Janna at hinawakan sa balikat ang binata. "Its now or never." bulong niya bago pa man siya bumalik sa pantry. Naiwan walang imik si Gino. Naninikip ang dibdib niya habang iniisip kung saan siya magsisimulang muli para mabawi ang naudlot na pagmamahalan nila ni Violet.
Mataas ang respeto niya kay Adrian. At utang na loob sa pananatili nito sa tabi ng nobya noon mga panahon wala siya. Pero oras na nga kaya para bawiin ang pagmamay-ari niya?
--
Nakaupo ako kaharap ang laptop ko habang nagtatype at nag iisip ng financial strategy na gagamitin ko sa pakikipagmeeting sa mga Alejo sa susunod na linggo. Lahat na ata ng brainstorming ay ginawa ko pero kahit isang word wala pa akong naitatype. Lumingon ako sa pwesto nina Mam Janna at Sir Leo. Pareho silang abala at tutok sa ginagawa. Makakaistorbo lang kung hihingi ako ng tulong na hindi naman related sa Villamontes.
Yumuko ako at isinandal ang pisngi ko sa kahoy na lamesa. Malamig ito na tila tinutukso akong makatulog. Nakaangat pa naman ang paningin ko sa blankong document file sa harapan ko.
"What are you doing?" nagulat ako at nabitawan ko ang wireless mouse na kanina ay hawak ko lang. Pinulot agad iyon ni Gino at ibinalik kung saan ito nakapatong. Inayos ko ang pagkakaupo ko at ang buhok ko. Nakakahiya, dahil nakikita niyang tatamad tamad ako sa trabaho.
"Sorry. Naligaw ka?" kaswal kong tanong sa kaniya. Kanina lang kasi ay nakakulong siya sa opisina at may kinausap na empleyado mula sa ibang departamento. Hinila ni Gino ang isang bakanteng monoblock at doon naupo. Hindi niya inaalis ang tingin sa laptop ko.
"May ginagawa kang proposal?" tanong niya at itinuro ang blankong dokumento. Dahan dahan akong tumango. "Sa Alejo yan. Inassign kami diyan." sabi ko naman. Binuklat ni Gino ang folder na galing sa Manulife na laman ay tungkol sa Alejo. Sandali niya itong binasa at sinuri.
"May gagawin ka sa weekends?" bigla ba naman niyang itinanong habang seryoso akong naghihintay ng sasabihin niya tungkol sa proposal na gagawin ko. Iba pala ang nasa isip ko. Napahawak ako sa batok ko. "Uuwi ako sa Cavite sa Sabado." nahihiya ko pang sinabi. Halatang nagulat siya sa narinig.
"Kina Tita Mabelle?" hindi ako makapaniwalang naalala pa niya si Mama at ang bahay namin sa Cavite. Madalas kasi kaming pumunta doon kapag walang pasok. At talagang kilalang kilala siya sa amin.
"Oo. Eh, baka magcommute ako non e kaya kailangan maaga ako." sabi ko pa at kinuha ang folder na kanina ay hawak niya.
"I can drive you there." nanlaki ang mata ko sa narinig. "Ha? Seryoso?" tinanguan niya ako. "Oo naman. Don't worry ihahatid lang naman kita tapos babalik na ako dito. Wala kasi akong gagawin sa Sabado." sabi pa niya. Wala naman sigurong masama na pumayag ako sa inaalok niya. Hindi naman ako ang pakay niya kundi gusto lang siguro niyang kamustahin sina Mama. Dahan dahan akong sumang-yon.
"Good." nakangiti siya ng abot-tenga at binigyan ako ng isang thumbs-up. "Oo nga pala, you can get Alejo's approval by studying their marketing strategies. Find some weak points of their other companies and used them as strengths you may offer them by projecting it in your proposal." hindi ako nakapagsalita sa sunod sunod na sinabi niya.
"Ah oo! Salamat!" sabi ko at kumuha agad ako ng notebook at saka nagtake down notes. Hindi ko na napansin umalis siya pero palihim akong ngumiti. He is really paying attention.
__
iamnyldechan