Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 15 - Fourteen

Chapter 15 - Fourteen

Nagtataka ako at hindi ko nakita si Gino buong araw. Ang sabi ni Jed, hindi daw ito papasok kaya't nakahinga ako ng maluwag. Kasi wala akong dapat iwasan. Isa pa, wala din siguro siyang lakas ng loob na harapin ako matapos ang nangyari. Sinampal ko siya.. Sa unang pagkakataon.

Pakiramdam ko masakit pa din ang palad ko. At ganun din ang dibdib ko.

"Ate, may lakad ka ngayon?" tanong ni Jed sa akin nang mapansin niyang maaga akong nagliligpit ng gamit. Sinadya ko talaga na matapos ng maaga ang lahat ng pinagawa ni Mam Janna. Magkikita kami ni Regine ata ayaw ko siyang paghintayin. Lalo at may anak siyang inaalagaan.

"Oo, may kikitain akong kaibigan e." sabi ko. Umalis ako ng eksaktong alas-singko. Mabuti nalang at hindi gaanong mahaba ang pila sa MRT kaya't hindi ko kinailangan, makipagsiksikan.

Nagtext sa number ko si Regine. Nasa SM North siya at dala niya ang anak. Doon daw kasi sila susunduin ng asawa niya kaya't naisipan na din niyang makipagkita sa akin. Nakita ko sa Messenger ang picture na kinuhanan niya habang naghihintay sila ng anak niya sa Food Court. Natutuwa naman ako, dahil masaya na si Regine sa buhay pamilya niya.

Nakarating ako sa mall bago mag-alas sais ng hapon. Pagpasok ko palang ng Food Court ay nakilala ko kaagad si Regine. Kinawayan niya ako.

"Violet!" nakatawa niyang bati at sabay niyakap ako ng mahigpit. Nakita ko ang anak niyang mahimbing na natutulog sa baby chair nito.

"Wow, umorder kana ng pagkain." nagulat ako nang makita ang mga pagkain sa mesa. Hindi talaga niya hahayaan na ako ang magtreat sa kaniya.

"Oo, kasi for sure ikaw nanaman ang magbabayad." sabi niya at inabot sa akin ang table napkin.

"Tulog na tulog yon bata." sabi ko at nagpipigil ako ng sarili na manggigil sa bata. "Wala pa ba kayong balak mag-anak ni Adrian?" natigilan ako sa tinanong niya. At bahagya ay natahimik ako.

"Hindi pa kami makabuo." matipid kong sagot. Hinawakan ni Regine ang kamay ko.

"It takes time, ano ka ba? Baka sarili mo nanaman ang sinisisi mo?" hindi ko man aminin sa sarili ko, hindi pa din maitago ng mukha ko ang pagkadismaya na baka ako ang may problema kaya't hindi kami makabuo ni Adrian.

"Regine.. I am working with Gino's company." sabi ko at diretso siyang tinignan. Huminga siya ng malalim.

"Ginugulo ka ba niya?" Ano ba ang isasagot ko? Oo. O hindi..

Hindi ako makasagot.

"Violet, hindi mo masisisi si Gino. Kung gumagawa siya ng mga bagay na magpapagulo sa utak mo. I think its his way to make you understand how hurt he is before." paliwanag ni Regine.

"Rej, ano pang magagawa niya eh may asawa na ako. Anong gusto niyang gawin ko? Pagtaksilan ko si Adrian."

Umiling si Regine.

"Naalala mo umalis siya dati without telling us." tumango ako. "Pumunta siya sa bahay non, he was raging in fury. Hindi niya alam how to handle those kind of emotions. Syempre mga bata pa tayo non. We could just make decisions kapag galit tayo."

"Tapos he just decided to go out of country. Pinigilan ko siya." nakikita ko sa mga mata ni Regine na totoo ang sinasabi niya.

"Pero hindi siya nagpapigil diba?" tanong ko at tumango siya. "Pinili niya akong iwan." matigas kong bulalas. "Na hindi alam kung ano nangyayari sa akin! Ganon na ba siya katigas!" may galit na sa tono ko.

"Violet, umalis lang siya para makalimot. Hindi nga siya tumagal e, he decided to come back after I told him na hindi mo kasalanan ang nangyari. It was just the effect of alcohol and someone abused you." sandaling tumigil si Regine. At hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Nagkita pa nga kami non, at paulit-ulit niyang sinasabi na mahal ka niya at wala na siyang pakealam kung ano nangyari sayo, ano ang nagawa mong mali. He was about to asked you marriage!" nagulat ako sa sinabi niya.

"Tapos, bumalik nalang siya sa bahay na galit nanaman. Tinatanong ko siya kung bakit, akala ko nga nagkita kayo. And then, he said huli na." nanginginig ako habang hawak ko ang isang baso ng tubig.

"You were with someone." unti unti nang namuo sa mga mata ko ang malalaking butil ng luha.

"I'm sorry Violet.." sabi ni Regine at pinunasan niya ang pisngi ko. "Wala kang kasalanan." umiling iling ako.

"Dahil sa akin, nasaktan si Gino. Nagtiwala siya sa akin e. Tapos.. " hindi ko na naituloy pa ang sasabihin. Nahihirapan na akong huminga.

"Wag mo sisihin ang sarili mo. Diba Gino came back to be with you." hinimas ni Regine ang likod ko. "Pero hindi na kami magkakabalikan.. At kailangan na namin tanggapin yon." naiiyak ako habang nagsasalita. Kasabay pa ang masikip na paghinga at tila mabigat na bagay na dala dala ng dibdib ko.

Hindi ko na mabubura pa ang dinulot kong sakit kay Gino. Hindi na..At hindi na pupwede.

__

Matamlay akong umuwi ng bahay. Alas-nuebe na ako dumating at tila mahapdi pa din ang mga mata ko sa walang tigil na pagluha ko kanina. Naalala ko tuloy ang ginawa kong pagsampal kay Gino. At kung paano ako nagalit sa kaniya.

Pareho lang naman kaming, kailangan nang maliwanagan at maintindihan na may mga bagay na hindi na pupwedeng ibalik, kasama na doon ang relasyon namin ni Gino.

Bukas na bukas din ay magsosorry ako sa kaniya. At siguro yayakapin na ang katotohanan na hanggang dito nalang ang lovestory namin dalawa.

Natulog ako sa sofa sa may sala. Nagkausap pa kami ni Adrian bago ako matulog. Gusto ko na siyang umuwi. Pakiramdam ko pinapatay ako ng kalungkutan ko. At natatakot ako na isang araw bumalik ako muli sa dating ako.

"Absent si Sir Gino." iyan ang bungad ni Jed sa akin pagpasok ko palang kinabukasan.

"Ha? Nanaman." nagulat pa ako. Kahapon, wala siya. Hanggang ngayon ba naman.

"Hindi ko nga alam e. Sabi ni Mam Janna, pag daw ganitong absent yon, its either may inaasikaso or baka broken." naupo ako at binaba ang gamit ko. Dahil kaya sa akin yon?

"Hindi naman siguro siya.. broken." bulong ko. Kilala ko si Gino, kapag hindi siya nagpapakita. Nag iisip siya. At hindi ko gusto ang ideya na yon.

"Bakit? Namimiss mo si Ex?" nakatawang bulong sa akin ni Jed. Siniko ko siya. "Baliw. Hindi ko siya namimiss. Dalawang araw na siyang wala, of course. Magtataka ako." dahilan ko naman.

"Baka papasok na yon, bukas." gusto ko na magdilang anghel si Jed at magkatotoo ang sinabi niya. Dahil nag-aalala na ako sa kaniya.

Wala ni isa kina Mam Janna ang nakakaalam ng dahilan kung bakit hindi pumapasok si Gino. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang hanapin or alamin kung nasaan siya. Pumasok sa isipan ko si Regine, binabalak kong itanong kung saan siya nakatira ngayon.

Nag-iwan ako ng message sa Facebook Account ni Regine. Nananalangin ako na maseen man lang niya ang message ko.

Inabutan kami ng lunch at wala pa din akong natatanggap na reply. Sumabay ako kina Jed na kumain sa cafeteria na katabi ng Villamontes. Parang wala nga din akong gana na kumain.

"Order kana Violet." sabi ni Mam Janna habang nakapila kami. Nakita ko ang matandang minsan kakwentuhan ni Gino. Naisip ko na baka blood related sila dahil pinapahatid pa niya ito sa bahay nito gamit ang sasakyan niya. Nagpaiwan ako matapos kumuha ng pagkain sina Jed.

"Um.. Pwede ko po ba makausap si Manang Adel?" tanong ko sa isang babaeng nagsasalok ng kanin sa isang tasa. Nakatingin siya sa akin at siguro kinikilala ako.

"Manang, may naghahanap po sa inyo!" bigla niyang sigaw na kinagulat ko. Lumabas ang matanda mula sa kusina. Tinuro ako ng babae at lumapit siya sa akin.

"Oh ija? May problema ba sa pagkain?" tanong niya. Hindi ko alam paano ako magtatanong. Baka kung ano ang isipin niya. Napakamot ako sa batok ko.

"Um.. Ano po kasi.. Si Gino.." hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin. Nauunahan ako ng hiya.

"Ikaw ba yon?" nagtataka ako nang lapitan niya ako at hawakan ang mga kamay ko. Nakatitig lang siya sa mukha ko na parang bang kinikilala ako. Napataas ang isang kilay ko.

"Um.. Kilala niyo po ako?"

Bigla ba naman niya akong hinila papasok sa kusina. Sumunod nalang ako dahil mukhang mahalaga ang sasabihin niya.

"Ikaw yon, ikaw yon babaeng kinukwento niya sa akin." tinuro ko ang sarili ko. "Sino po si Gino?" tumango siya.

"Oo. Palagi ka niya kinukwento dati. Don sa dati kong karinderya sa Sampaloc. Dun siya lagi tumatambay, lasing. Puro ikaw sinisigaw, parang tanga ang batang yon." hindi ko maintindihan ang matanda. May karinderya siya sa Sampaloc?

"Wait lang po? Kayo yon may-ari ng Sinigangan ni Lola Adeliana?" biglang pumasok sa isipan ko ang dating karinderya na madalas namin kainan nina Gino noon nag-aaral kami sa UST.

"Oo sa akin yon. Kumakain ka din doon diba? Puro mga estudyante ng UST ang customer ko doon." hindi ako makapaniwala sa nakikita. Siya ang matanda noon na palagi kaming pinagluluto ng mga masasarap na ulam, minsan pa nga pinagtitirhan niya kami ng pagkain kapag late kaming lumabas ng school.

"Sabi ko na nga ba, babalik ka e. Ikaw lang ang hinahanap ng batang yon." nalulungkot ako sa narinig. "Lola, alam niyo ba kung nasaan si Gino?" tanong ko na kaagad. Ayoko na magpaligoy ligoy pa.

"Hindi nanaman siya pumasok no?" alam ni Lola na wala nga siya. "Saan ko po siya makikita?"

__

Nakasakay na ako jeep patungong Sampaloc. Sabi ni Lola Adel, sa school siya madalas tumatambay kapag nababalitaan niya na absent si Gino. Sa school namin noon, sa UST sa Sampaloc.

Pinapasok naman ako ng guard sa loob matapos ko ipakita ang isang valid ID ko. Hanggang alas-otso bukas ang eskwelahan. Parang kailan lang ay dito pa ako nag-aaral. Madaming masasayang memories. At may mga masasakit din.

Naglakad lakad ako sa Plaza Benevidez. Dito kami madalas paglinisin noon dahil sa dami ng kalokohan ginawa ko. Sabay sabay kaming nagwawalis nina Adrian, Gino, Sandra at Rejie. Parang kahapon lang nangyari.

Umikot pa ako sa bandang Main Hall. Wala akong makitang Gino. I decided na magpunta ng football grounds. Kapag ganito kasing hapon, marami ang tumatambay doon at minsan may naglalaro pa.

Sa lugar din na ito, unang beses kong nakita si Gino na palihim na umiiyak dahil sa pagkamatay ng tatay niya.

"Kristine?" napatalon ako sa biglang pagtawag ng pangalan ko. Nakita ko si Gino na nakahiga sa damuhan. May katabi siyang laptop at isang bote ng tubig.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad. "Hindi ba, dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?" balik niya sa akin. At saka ko naisip na tama naman siya. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Nakatingin lang siya sa mga estudyanteng naglalaro. Magulong magulo ang buhok niya na parang isang araw siyang hindi nagsuklay.

"Um.. Hinahanap kita. Hindi ka kasi pumapasok." mahina kong sambit at pinili kong maupo din sa damuhan. Huhubarin ko na sana ang suot kong sandalyas nang magsalita siya.

"Sorry, nag-alala ka pa. I was busy in communicating with a client na nagtatrabaho dito sa UST kaya lagi ako nandito." paliwanag niya. Hindi niya ako tinitignan. Parang nagsasalita lang siya sa hangin. Iyon lang kaya?

"Sana nagsabi ka man lang. Hindi rin alam nina Mam Janna. Saka wala si Ate Marika."

"Yeah, my bad. Sorry." at saka tumingin siya sa akin pero agad lumihis ang mga mata niya sa ibang direksyon.May bakas pa sa pisngi niya ang kamay ko. "A-ano.. Gino.."

"Ihahatid na kita pauwi. Baka gabihin ka sa daan." biglang sinabi niya at tumayo sa kinauupuan. "Ha?"

"Ihahatid na kita kako. Baka gabihin ka e. Let's go!" aniya at kinuha ang laptop at bote niya. Tumayo siya at nagpagpag ng shorts.Nauna na siya sa paglalakad. Hindi man lang niya ako hinintay. At hindi ko na nasabi pa ang dapat na ihihingi ko ng tawad.

Iniiwasan na ba niya ako?

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nauuna na siyang naglalakad patungo sa parking lot. Inalalayan ko ang sarili ko na makatayo at sinikipan ang muli ang sandalyas na dapat tatanggalin ko sana. Pinagpag ko din ang likuran ng palda ko na nadikitan ng ilan hibla ng damo.

Iniiwasan mo na ba talaga ako Gino?

Alam kong tama ang gagawin niya. Pero bakit ganito? Bakit parang ayaw ko?

__

iamnyldechan