Naglalakad na kami patungo sa isang kwarto. Sabi ni April, birthday ng Lolo niya ngayon. At bukas aalis na din ito at doon na maninirahan sa France. Kaya pinagpilitan nito na imbitahan si Gino sa huling pagkakataon.
"Bagay sayo yan dress. For sure Gino will be surprise. Kasi sabi niya you have a bad taste in fashion." napangisi ako sa narinig. Wala talaga siyang alam kundi asarin ako.
Pagpasok namin sa kwarto ay nagsisimula na ang isang maliit na pagtitipon. Madami ang pagkain pero iilan lang ang bisita. Siguro mga kamag-anak ni April.
Nakita ko kaagad si Gino, na may kausap. Paglingon niya sa amin ay yumuko ako.
Pasimple kong hinihila ang laylayan ng damit ko. Siguro kasi hindi na ako sanay na magsuot ng maigsi. At mas maigsi ito sa mga pangkaraniwan dress na sinusuot ko.
"Wow.." narinig ko si Gino. Nakatayo na siya sa harapan ko at nagkabanggaan ang mga mata namin. He is exploring my dress. At talaga naman napansin ko pa ang pagkagat niya ng ibabang labi habang pinagmamasdan ang itsura ko. Lalo akong nahihiya. Hindi dahil maigsi ang suot ko kundi nakatingin sa akin si Gino.
"Hey, stop making her embarrassed. Go talk to your clients." pagtaboy sa kaniya ni April. Hindi na siya nakapagsalita pa at napilitan siya na iwan kami. Its a good idea na din, dahil hindi ako makahinga kapag nasa paligid ko siya. Niyaya naman ako ni April na kumain at ipakilala ako sa iilan kaibigan niya.
Nawala sa paningin ko si Gino, kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon na ienjoy ang party na iyon. April was very accomodating. Hindi niya ako iniiwan sa kinatatayuan ko, she always dragged me wherever she went para hindi ako ma out of place.
"Here, try champagne." sabi niya at ikinuha ako sa nag-iikot na waitress ng isang champagne glass. Pagkatikim ko ay agad nagustuhan ko ang lasa. Papalapit na muli sa amin si Gino. Nakaramdam nanaman ako ng hiya.
"April, hinahanap ka ng Lolo mo. Ako na muna bahala kay Kristine." sabi niya at wala ng nagawa si April kundi iwanan kami. Tumayo sa tabi ko si Gino.
"The party is nice, right?" tanong niya habang nakatingin sa mga bisita. Tumango lang ako.
"You look stunning in that dress.." nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi siya nakatingin sa akin pero lahat ng lumalabas sa bibig niya ay patungkol sa akin.
"S-salamat.." nahihiya pa ako.
"Ngayon lang uli kita nakitang nagsuot ng mga ganyan damit. You should wear some of it sa office." sabi pa niya. Dati madami akong collection ng mga dresses. Pero non pinagbawalan ako ni Adrian na magsuot ng maiigsing damit, lahat yon tinago ko na at iniwan sa bahay namin sa Cavite.
"Wala na akong mga dress na tulad na sinusuot ko dati." sagot ko. "Edi, bibilhan kita." nagulat ako nang marinig iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magtatatalon sa tuwa. Isa lang ang ibigsabihin, masaya ako.
Pagbalik ni April ay nagkayayaan kaming kumain muli. Kasama na namin si Gino, at tumagal pa ito dahil sa kwentuhan. Nakarami ako ng champagne at sumubok pa ako uminom ng whiskey. Kaya halos magkanda gapang gapang ako matapos ang party.
__
Nagising nalang ako non nasa sasakyan na ako ni Gino. Nakasandal na ako sa may front seat pero wala pa siya. Sumilip ako sa labas, I saw him with April.
Nag-uusap sila. I think? ..
Sinilip ko na ang oras mula sa silver wrist watch ko. Its almost, seven of evening. At hindi ako pupwedeng umabot ng alas-diyes sa daan. Tatawag si Adrian sa akin ng ganoon oras. Akma ko sana na buksan ang pinto ng sasakyan. . Nang makita kong hinalikan ni April si Gino. Napatakip ako sa bibig ko at dahan dahan yumuko.
Hindi ako nagkamamali. Hinalikan ni April si Gino. Sumilip ulit ako and exactly. I saw them kissing. Pumikit ako.
At inisip ng paulit-ulit na baka si April na ang tamang babae para sa kaniya. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit sa puso.. Tiniis ko ang mga luha ko na gusto ng bumagsak. Huwag ngayon, huwag dito.
Tahimik ako at nagkunwaring tulog nang pumasok sa kotse si Gino. Nararamdam ko ang pagmamaneho niya at tila gumising nalang ako nang mapansin kong nasa Ortigas na kami ulit. Nakalagay sa isang paperbag ako mga damit ko at isa pang paperbag na may laman bagong damit na bigay ni April.
"Gising kana pala. Akala ko malalasing ka kanina." biro niyang sinabi nang ayusin ko ang pagkakaupo ko sa harapan. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"Kristine?" tawag niya sa akin.
"Kayo na ba ni April?" ayon na at lumabas na sa bibig ko. Hinihintay ko siya na sumagot.
"No. Bakit? Iyan ba ang sabi-sabi sa office?" tanong niya. Wag na sana siya mag-maang maangan. Kitang kita ko kanina how they kissed.
"Oo? And.." I should be honest. "I saw you two.. kissed," nasabi ko nalang. Hindi na siya sumagot after non. Hindi na rin naman ako nag eexpected na sasagutin niya iyon tanong na yon.
Binaba niya ako sa harapan ng bahay. Binuksan ko ang gate at ipinasok ang mga dala kong gamit. Sa pinto palang ay hinubad ko na ang suot kong heels. Namula ang sakong na parte ng paa ko. Bago kasi ang suot kaya ganoon.
"Kristine.." nagulat ako kay Gino na nakatayo sa likuran ko. Akala ko nakaalis na siya.
"Bakit nanaman?" galit na patanong ko sa kaniya. "Umalis kana Gino. Magpapahinga na ako." pagtaboy ko. Pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan. Pareho kaming nakainom kaya hindi magandang ideya na manatili pa siya dito sa bahay.
"Kristine, just let me explain.." sabi pa niya. "Ano pa ieexplain mo? Sa Lunes mo na iexplain yan okay. Umuwi kana." hinawakan ko ang braso niya at hinila siya palabas ng pinto. Pero nagpumigil siya at sa halip hinila niya ang braso ko. Isinandal niya ako sa pader at doon kinulong.
"Gino! Ano bang ginagawa mo!" galit na sigaw ko. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero matigas siya. He won't let me go.
"Nasasaktan ako, Gino! Please.." pakiusap ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. At isa pa, hindi ako makapanlaban sa pagkakakulong niya sa akin.
"Nasasaktan din ako, Kristine.." sambit niya sa mahinang tinig. Mainit ang hininga niya pero mabango ito na pakiramdam ko hinihipnotismo ako nito.
"Gino, you're good with April. Huwag na natin ipagpilitan na magkabalikan pa tayo kasi.. we will never.." I stopped when I felt something blocked my lips. At sa isang iglap, nakulong ako sa mga labi ng lalakeng ito.
Sinubukan kong lumaban but he won't let me go. I shouldn't be carried away by this kiss.
"I love you Kristine.." aniya at lumapag ang isang kamay niya sa pisngi ko. Ito ang unang beses na muli ay naramdaman ko ang halik niya. Ang lambot, ang init, at bawat kuryenteng gumigising sa akin.
Pinisil ng labi niya ang ibabang labi ko. At lalo pa niyang pinag-igihan ang halik nang sapuin ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko.
Naglalabas na ng mahihinang pag-ungol ang lalamunan ko. Kasabay non ang nakakapasong dampi ng balat niya sa akin. Para ba nitong tinutunaw ang malamig na pakiramdam ko sa kaniya.
He always melts my heart.
Pero hindi na ito pwede.. Hindi na.
"Gino! Tama na!" sigaw ko at sabay itinulak siya ng dalawa kong kamay. Hinawakan ko ang labi ko at saka lumagapak sa kanan pisngi niya ang sampal ko.
"Ayokong pagtaksilan si Adrian. May asawa na ako!" galit ako. Hindi dahil hinalikan niya ako, kundi alam ko na gusto ko iyon.
"I-I'm sorry.." aniya. Bumagsak na ang mga luha ko. At paulit-ulit ko pinupunasan ang labi ko.
"You already kissed with April diba? Tapos isasabay mo ako sa kaniya. How dare you!" Iyon talaga ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako sa ideya na sasabihin niyang mahal niya ako, pagkatapos ko silang makita ni April na naghahalikan.
"Umalis kana Gino! Wag mo na guluhin ang utak ko!" sabi ko habang humahagulgol na ako sa iyak. Nanlambot na ang mga tuhod ko at halos mapaupo ako sa sahig. Salo salo ng mga kamay ko ang mga mata ko.
"I'm sorry Kristine.." sabi niya at kinalong ako ng mga bisig niya. "I didn't mean to hurt you. Pareho lang tayong nasasaktan." patuloy niya.
Hindi ko matanggap na apektado ako sa nakita ko kanina. Ang puso ko, ang isipan ko.. ang katawan ko.. muli nanaman pinaglalaruan ng salitang pag-ibig na to.
__
Lunes. Maaga ako pumasok para sana kausapin si Ate Marika. May dala akong resignation letter. Tatlong kopya, isa sa Manulife, isa sa Villamontes at isang kopya para sa HR. Hindi ko ikinonsulta ang desisyon na ito kahit kanino. Ito siguro ang tamang gawin para hindi na kami magkita ni Gino.
Pag akyat ko sa ikasiyam na palapag, napansin ko na walang tao sa office ni Ate Marika. Madalas, maaga itong pumapasok.
"Sir Leo? Wala pa po si Mam Marika?" tanong ko kaagad kina Sir Leo na nagkakape sa may pantry.
"Wala. Umalis si Marika, papuntang States kahapon pa. Baka next week pa, balik non." nagulantang ako sa nalaman. Siya pa naman ang pag-asa ko na kausapin para sa resignation ko dahil ayaw ko na muna harapin si Gino.
"May ipapasabi ka ba?" umiling ako. Wala dapat makaalam ng gagawin ko. Hindi si Sir Leo, Mam Janna o si Jed. Makakarating ito agad kay Gino.
Susubukan ko nalang siyang iwasan hanggang sa makaisip ako ng paraan na makaalis sa trabaho na hindi siya hinaharap.
Naupo ako sa cubicle ko at humarap sa laptop ko. Napansin ko ang isang pop up message sa Messenger ko. Pagbukas ko, its a reply from Regine.
Hi Violet, free ka ba ngayon araw? Let's meet.
Ngayon araw kaya ang tinutukoy niya? Nagreply ako sa chat niya.
Pagkatapos ng work ko. Maybe five ng hapon. Magkita nalang tayo sa SM North.
I need answers from Regine. Alam ko na siya ang nakakaalam kung ano ang nangyari kay Gino before he disappears.
--
December 2009,
Naglalakad ang bente unong binatilyo na si Gino sa kahabaan ng Sampaloc, Manila. Binalak niyang dumaan ng Dangwa para sana ipamili ng bulaklak si Violet sa nalalapit nilang anibersaryo.
Hawak din niya sa bulsa ang isang maliit na kahon, na naglalaman ng singsing. Inubos niya ang lahat ng naipong allowances para ibili ng regalo ang dalaga. Kumpleto na ang surpresa niya para sa kasintahan.
"Gino!" nagulat ang binata nang marinig ang sigaw ng kaibigan si Adrian. Tumatakbo ito dala ang ilan libro sa bisig.
"Nakarating ka dito?" tanong ng kaklase. Palihim na ibinulsa ni Gino ang dalang pera.
"Ah.. Ano.. Bibili lang ng bulaklak ni Mama para don sa vase niya." pagdadahilan nito. Ngumisi si Adrian at siniko ang binata.
"Wag nga ako, para kay Violet no? Kilala kita." nakatawa nitong sinabi. Bumuntong hininga si Gino. Ayaw kasi niyang malaman ni Adrian dahil matalik na magkaibigan ang nobya niya at ng kaklase.
"O sige. Pero wag mo sasabihin kay Kristine kasi mabubuking ako. Sayang surprise ko." aniya at inilabas mula sa bulsa ang maliit na kahon.
"This is my anniversary gift for her." nakita ni Adrian ang kumikinang na singsing mula sa kamay ni Gino.
"Papakasalan mo na?"
Natawa si Gino at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Hindi pa, pero siguro pag graduate natin." biro pa niya. Umakbay siya kay Adrian.
"Tara, samahan mo nalang ako bumili ng bulaklak." yaya pa ni Gino.
__
iamnyldechan