Chereads / My Lover, Intruder - TAGALOG / Chapter 13 - Twelve

Chapter 13 - Twelve

Nakatingin lang ako sa bintana habang hinihintay ang dumadaan nagtitinda ng taho. Kada alas-siete kasi ay dumadaan ito sa harapan ng bahay lalo kapag weekends. At dahil wala akong pasok, gumising ako ng maaga para maglaba.

Tahoooooo!

Sigaw ng lalake at nagtatakbo ako palabas ng bahay. Dala ko ang isang mug at bente pesos. Nakashorts lang ako at long sleeve na lumabas. Kasabay ko bumili ang ilan bata mula sa kapitbahay.

"Ano nangyari diyan?" nagulat ako nang ituro ng isang bata ang peklat sa bandang pulso ng kanan kamay ko. Nakalimutan ko na wala akong suot na relo. Tinakpan ko kaagad ang kamay ko.

"Nasugat dati.." sabi ko at tumawa. Hindi naman na nagtanong ang bata kaya nakahinga ako ng maluwag. Bumalik ako sa bahay at doon tumambay sa terrace habang hinihigop ang mainit-init na taho. Katabi ko ang phone ko at bigla nalang itong umilaw. Lumabas ang pangalan ni Gino.

Pagbukas ko ng message niya.

Busy ka ba ngayon araw? Baka free ka, samahan mo naman ako, may kikitain akong investor.

Napangiwi ako sa nabasa. Ako talaga, ang pinili niyang itext at isama? May April na kaya siya. Hindi ako nagreply. Maya maya, tumunog ulit ang phone ko.

Bawal tumanggi. Nakalimutan mo ang birthday ko, so dapat bumawi ka.

Sabi ng text niya at napahalakhak ako. "Talagang lalakeng to." naiinis akong nagreply sa kaniya.

Susunduin kita in an hour. Better to get ready.

Reply niya. Hindi man lang ata niya binasa ang text ko sa kaniya. Wala talaga itong pinapakinggan. I don't have any choice. Padabog akong, umakyat sa kwarto ko.

Nagmadali akong maligo at magbihis. Kilala ko si Gino. On time siyang dumating and for sure makakarinig ako sa kaniya kapag nalaman niyang mabagal ako kumilos.

"Ano ba isusuot ko?" tanong ko nang buksan ang closet ko. May isa pa akong dress na nakahanger. At isang bagong damit na binili ni Adrian para sa akin.

"Wait! Bakit ako poporma na kasama si Gino?" umiling ako. Sasamahan ko lang naman siya. Sasamahan..

Kinuha ko ang isang jeans sa cabinet at isang hoody sleeves na may logo ng Mickey Mouse. Makulimlim naman ang panahon at mukhang uulan mamayang hapon. And for sure, malamig sa pupuntahan namin.

Nilagay ko lang sa isang sling bag ang phone, wallet, panyo at alcohol bottle. Pagkatapos ay bumaba ako sa sala at nagsuot ng isang pares ng sneakers.

Hindi pa ako lumalabas ng bahay ay narinig ko na ang busina ng sasakyan niya. Tumakbo na ako at sinarado ang bahay at gate. Dala ni Gino ang puting Montero Sport niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa harapan.

"Hi.. Kristine?" patanong pa siya nang makita ako na pasakay ng sasakyan.

"You are wearing a hoodie?" sumama ang tingin ko sa kaniya. "May problema ka sa suot ko? Off work naman tayo diba? Saka sabi mo.. sasamahan lang kita." pagsusungit ko at sabay inilihis ang mga mata ko sa kaniya.

"Sorry.. You really have this weird kind of fashion ano?" pabiro niyang sinabi at nagsimulang magmaneho. Hindi ko siya pinansin. Hindi nga din ako nagtanong kung saan kami pupunta. Casual clothes din ang suot ni Gino.

Ilan minuto pa, ay nakita ko na tumigil kami sa isang hotel. Shangri-la Manila to be exact.

"Wow. First time ko dito." sabi ko na namamangha sa nakikita. Mataas ang gusali at alam ko na may kamahalan ang accomodations dito.

"Let's go." yaya niya ng ibigay sa isang Valet ang susi ng sasakyan para ipark ito. Dala lang niya sa bulsa ang wallet at phone.

"Yon susi ng car mo?" paalala ko pa sa kaniya. "You don't have to worry, iaabot sa akin ni Diego mamaya." nakangiti pa niyang sagot. Nagulat ako, kilala niya ang empleyado dito. It means, madalas siya dito?

Nakasunod lang ako sa kaniya papasok sa loob. May isang babaeng hotel employee ang lumapit sa kaniya at tila may pinaalam. Nasa likod lang niya ako at pamasid-masid sa paligid.

"Violet? Is that you?" nagulat ako at para pang nakakita ng multo. I saw April, really again?

"Kasama ka pala ni Gino? I thought so. Hindi talaga yan nagpupunta na mag-isa dito." sabi pa niya. Nahiya ako sa suot ko sa itsura ni April. Naka peach dress siya na halos nasa hita lang niya at maayos nakapusod ang buhok nito. I think she wears make up too.

Samantalang ako, mukhang stalker sa suot ko.

"Kristine, let's.. " he paused nang makita na kasama ko na si April. Niyakap pa niya ito na akala mo hindi naman sila nagkita kahapon. Wow ha.

Hindi na ako umiimik habang nabuntot kay Gino. Nagmumukha akong third wheel sa kanilang dalawa. Panay tuloy ang tingin ng mga kasabayan namin pasakay ng elevator.

"Why are you wearing a hoodie, Violet? May sakit ka ba?" asked April. Umiling ako. "Ah.. Baka kasi umulan mamaya." ngisi ko naman sagot. Ang plastik ng dahilan ko.

"Ganyan talaga yan si Violet, kakaiba ang taste sa pananamit." sabi naman ni Gino na tumatawa. Kumulot ang noo ko sa kaniya. Pinapahiya ba niya ako o pinaprangka.

"Gusto mo ba, kunin mo yon mga bagong dress doon sa room ko. I think mas kasya sayo yon. Slim ka unlike me, I gained some weight." napaawang ang mga labi ko. Nakakahiya. Masiyado na siyang mabait sa akin.

"Ha. Eh, nakakahiya. Saka okay na ako sa suot ko." umiling siya. Hindi niya ako papayagan tumanggi. "Sige na, sayang yon. I think mas lalabas ang ganda mo don. Tutal alas-tres pa ang simula ng party ni Lolo." lumingon ako kay Gino na kunwari walang alam.

"May party?" tanong ko pa sa kaniya. Tumango pa siya. Loko talaga to!

Pagbukas ng elevator, hinila na ako ni April papunta sa isang kwarto.

"Puntahan kana lang namin, Gino sa party hall." paalam pa ni April at hindi na ako nakapagsalita. Pumasok kami sa isang kwarto, I think room ni April. Pagbukas palang ng pinto, nakita ko na agad ang kahon kahon mga bagong damit.

"Wow, ang dami ha." sabi ko pa na namimilog ang mga mata. I loved dresses. Hindi halata pero kikay ako. Ayon lang, because I'm a working adult now. Nakakalimutan ko na minsan I need to enjoy life as a woman.

"Bigay yan ng mga manliligaw ko." sabi ni April. Nagtaka ako, may manliligaw pala siya. Sino si Gino?

"Si Gino?" umiling siya. "Gino? Isang beses lang ako binigyan ng damit non. Birthday ko?" tumawa siya. "Mga suitors ko yan from the industry. Nanliligaw so they could earn my trust, alam mo na mga paraan ng mga negosyante." I get her.

Naupo ako sa kama. Madaming mga bulaklak at kahon. For sure, expensive ang mga damit na ito. "Pumili kana diyan. Wag kana mahiya." ngiti niyang paunlak sa akin.

Binuksan ko ang isang kahon. Its a silk dress. Silver with some dazzling sequence on the lower part. Mababa ang neckline niya kaya alam ko na hindi ako pupwede magsuot nito.

"Try this." sabi ni April at inabot sa akin ang isang paper bag. Sinilip ko ang laman. Isa siyang color blue skater dress, hanggang hita ko siya at may hindi gaanong malalim na neckline.

"Ito nalang siguro?" hindi pa ako sigurado pero gusto ko ang damit.

"Suutin mo mamaya sa party ni Lolo." sabi niya habang namimili na din ng susuutin. "Kunin mo na din itong isang pares ng heels. Para mas bagay sayo." inabot niya sa akin ang isang kahon.

Hindi ko maintindihan bakit niya ito ginagawa. Mabait siya, sobra.

"Alam mo ba, matagal ko na gusto si Gino." nagulat ako sa nabanggit niya. Sabi ko na nga ba, mapupunta kami sa ganitong usapan.

"Since we met in Italy. Sabi ko sa sarili ko, na siya na yon gusto kong lalake," kwento niya. "Kaya I really tried to be friends with him. Napakasuplado kasi niyan at tahimik. Napakahirap i-please." totoo ang sinabi niya. Mahirap kunin ang loob ni Gino.

"Pero mabait siya. At mapagbigay na tao."

That's true. Hindi ako nag-aalinlangan sa katotohanan na iyon.

"Kaya lang, hindi ako ang gusto niya." lumingon ako kay April na nagsusukat ng damit sa harapan ng salamin. "Ha? But you are kind and beautiful." mabilis kong sinabi para maibsan ang lungkot sa mga mata niya.

"I hope that's all I need to pursue a man's heart. Right? But Gino is different. Hindi siya nakukuha ng ganda, yaman o kabaitan."

"What do you mean?"

"He said that he bound himself to not love again." hindi ako makapagsalita sa narinig. Sinabi ba talaga iyon ni Gino?

"Kaya nga, hindi ko pinilit ang sarili ko. I stay as his friend because that's what he needs. Siguro kaya niya nasabi yon because he can't really get over from his past girlfriend." she continued. Kasalanan ko nga.

"May.. May na-nabanggit ba siya sayo tungkol d-don?" nanginginig ako. Ayoko malaman ni April na ako ang dahilan ng pagiging matigas ni Gino.

"Wala nga e. Kahit sino sa amin naging kaibigan niya. Wala siyang binanggit about don. Masakit siguro talaga yon naranasan niya sa babaeng iyon." ayoko nang magsalita.

"By the way, let's get you dress." nag-iba na ang mood ni April at saka hinila ako papasok sa wardrobe.

__

iamnyldechan