Nakayuko lang ako sa mesa habang hinihintay ang pagsapit ng lunchbreak. Napakasipag ko kasi dahil natapos ko ang ginawa kong column. Wala tuloy akong choice na maghintay ng break time.
"Guys!" nagulat kami nang tawagin kami ni Ate Marika. Nakasilip siya sa pinto ng opisina niya.
"Wag na kayo bababa for lunch ha. Kasi may mga dalang pagkain yon darating na client ni Gino." nagtaka ako kung sino yon.
"Yes! Makakalibre!" excited na sinabi ni Jed. Hindi naman siguro si Rosette iyon dahil hindi naman niya ugali na maging mapagbigay.
"Nako, maybe its Ms. April." narinig ko si Mam Janna. Sino si April? "Sino yon Mam Janna?" nagtanong agad si Jed. "Matagal na kliyente ni Sir Gino. Mas mabait yon kaysa kay Rosette." at tumawa siya.
"Yeah, mabait na maganda pa." dugtong naman ni Sir Leo. Mukhang kilalang kilala nila ang April na iyon. Hindi naman pagalit kung magsalita si Ate Marika kaya for sure gusto din niya ang taong yon.
At dahil hindi na kami bumaba for lunch. Naghintay nalang kami sa pantry. Maya maya, may mga pumapasok na tauhan na may mga dalang bila-bilaong pagkain.
"Wow." bungad agad ni Jed nang ilapag ito sa mesa namin. Madaming pagkain, pang fiesta.
"Para po sa inyo yan." magalang na sinabi ng babaeng may dalang pagkain. Pagkaalis niya, sinimulan namin pagkaguluhan ang mga pagkain.
"Iba talaga si Ms. April no. Galante kung manligaw." aniya Sir Leo. "Ha? Manligaw?" lumingon sa akin si Mam Janna.
"Oo. Matagal na yan nanliligaw kay Sir Gino. Iba din kasi itong Boss natin. Siya ang nililigawan." pabiro niyang sagot. Hindi na ako magtataka kung bakit madami ang nagkakagusto sa kaniya.
"Talaga.." napatingin ako sa mga pagkain. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana.
"Ayaw mo kumain, Ate?" nag-aalala si Jed. "Ha. Kakain ako." mabilis ko naman sagot. Bakit ba ako biglang nalungkot? Hindi ba dapat masaya ako dahil baka ang Ms. April na iyon ang bagay kay Gino. Magkaibigan nga kami diba?
Tinikman ko lang ang palabok at baked mac na nakahain. Matapos non, bumalik na ako sa mesa ko para simulan ang susunod na column na gagawin ko.
"Salamat Gino pinaunlakan mo yon imbitasyon ni Lolo sa Sabado." narinig ko ang mahinhin at manipis na tinig ng isang babae. Yumuko ako, kunwari hindi ako nakikinig.
"Wala yon. Alam mo naman si Lolo, kapag wala ako for sure, magtatampo yon." biro pa ni Gino. Nakita ko silang nagtatawanan habang papalabas sila sa opisina. Masaya si Gino na kausap siya.
Naninikip ang dibdib ko. Para bang hindi ako makahinga sa ideya na iyon. Bakit ganito?
__
Alas-sais na ako nakatapos sa mga trabaho ko. Naisave ko na sa isang flashdrive ang dalawang column na ginawa ko. Mag-isa nalang ako sa opisina. Maaga nag-out si Sir Leo dahil may pupuntahan siyang birthday. Habang sabay lumabas sina Jed at Mam Janna kaninang alas-singko.
Nagliligpit na ako ng gamit, nang makita kong lumabas si Ate Marika sa office niya.
"Oh, nandito ka pa Violet?" gulat niyang tanong. Tumango ako. "Pero uuwi na din ako." sabi ko pa at kinuha na ang bag ko.
"Sama ka sa amin nina Gino. Lalabas kami for dinner." nabitawan ko ang bag ko. Sabi ko na nga ba, mag-aaya si Ate Marika.
"Ha.. Eh, baka magalit pa si Gino." sabi ko at nagmamadali na ako.
"You can go with us." narinig ko ang tinig niya mula sa hallway. Dala na niya ang bag niya at isang jacket. "Oh, payag si Gino so halika na." excited na sinabi ni Ate Marika at hinawakan na ako sa braso ko.
Sumakay kami sa kotse ni Gino. Isang BMW na Gran Coùpe na bago lang labas ngayon taon. Napaka komportable sa loob. Malakas ang aircon at halatang bago ang sasakyan.
"Saan tayo kakain?" tanong agad ni Ate Marika na nakaupo sa backseat. Napilitan akong umupo sa harapan dahil doon niya ako inutusan umupo.
"Nagpareserve na si April sa Vikings." nagulat ako sa narinig na pangalan. Kasama namin ang babae kanina. Akala ko kaming tatlo lang. Mukhang maiilang ako mamaya.
"Okay ka lang may kasama tayong iba?" lumingon ako kay Gino. Bakit niya ako tinatanong?
"Ha. Ah! Oo naman.. Bakit mo pa ako tinatanong? Eh. Kayo naman nag-invite." sabi ko at kunwaring tumawa. Napaka plastik ko talaga.
Nagmaneho na si Gino patungo sa Bonifacio Global City. Madami kasing makakainan doon pero hindi ko alam kung bakit sa Vikings kami kakain. All you can eat buffet doon. Hindi rin naman kasi mapili si Gino e. Kahit sa lugawan, kakain ito.
Wala pang isang oras ay nakarating kami sa lugar. Pinauna kami ni Gino sa loob habang nagpark naman siya ng sasakyan. Hawak ni Ate Marika ang kamay ko habang papasok kami sa loob.
"Hey, wag kang papatalo don kay April ha." bulong niya sa akin. "Ha? Bakit naman?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Susukuan mo na talaga si Gino?" kung magtanong niya sa akin, ay parang pupwede pa kaming magkabalikan dalawa. Tulad nga ng sinabi niya kahapon. Okay na siya na magkaibigan kami. Bakit pa kailangan makipagkumpetensiya?
Sinalubong kami ng babaeng nagngangalang April. Maganda siya, mahinhin at mukhang mabait. Nakangiti siya sa amin at sa pamamaraan niya ng pakikipag-usap ay talaga naman magiging komportable ka.
"Hey, don't hesitate to ask something ha." paalala pa niya sa akin. Ngumiti lang ako, nahihiya ako sa kaniya. Hindi naman talaga ako dapat kasama dito.
Maya maya dumating si Gino, napansin kong nagbago ang suot niyang polo. Nakasuklay din ng maayos ang buhok niya. Naupo siya sa tabi ni April habang kaharap naman niya ako.
"Kain na, gutom na ako." sabi ni Ate Marika. Dumating ang mga pagkain namin. Madami, at talagang hindi ko matatanggihan ang kumain.
"Isa isa lang ang pagkain, Kristine." natigilan ako nang marinig sa kaniya iyon. Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. Nagsalo salo kami sa pagkain, may desserts pa nga at wine na inorder ni Ms. April. Hindi ko alam kung ano ang okasyon at bakit ganito kadami ang pagkain ngayon araw.
"Happy Birthday To You."
"Happy Birthday To You."
"Happy Birthday To You."
Narinig ko ang isang grupo na kumakanta ng Happy Birthday To You. May dala silang plato na may piraso ng isang brownies at may kandila nakatayo dito. May dalang ukelele ang isang lalake at kumakanta naman ang babae. Papalapit sila sa mesa namin..
At saka ko lang narealize..
"Gino..." nakatingin na ako sa kaniya. Nakangiti siya habang tinitignan ang grupong papalapit sa amin.
Birthday niya ngayon..
Birthday niya ngayon?
At nakalimutan ko...
Binaba ang plato sa harapan niya. At paulit ulit ang pagkanta nila ng Happy Birthday. Pinatungan nila ng korona si Gino. Habang si Ate Marika sinimulan na ang pagkuha sa kaniya ng litrato. Pumapalakpak si April at kumakanta din.
"Blow your candle." sigaw ni Ate Marika. Pumikit siya at dahan dahan umihip sa kandila. Nahihiya pa siya habang tinatanggal ang korona sa ulo niya at nagpasalamat sa mga bumati sa kaniya.
"Talagang, nagpasabi ka pa sa kanila, April." sabi niya dito. Mukhang plano ni April ang lahat.
"Of course, kailan ko ba nakalimutan ang birthday mo?" para akong tinusok sa narinig.
Ako dapat ang nagsasabi non sa kaniya.
Bigla akong tumayo. "Mag.. Mag ccr lang ako." sabi ko at umalis ako na hindi hinihintay ang sagot mula sa kahit sino sa kanila. Hinanap ko ang comfort room. At doon nagkulong ako sa isang cubicle.
"Its his birthday today?" tanong ko sa sarili ko at binuksan ang calendar sa phone ko. Its fourteenth of the month, and yes its his birthday.
"Bakit ko nakalimutan?" hindi ko namalayan, tumulo ang luha ko. Noon, ako ang unang bumabati sa kaniya. Ako ang unang nagpapaalala sa kaniya na birthday niya dahil madalas nga niya iyon makalimutan. Ako ang nag-aabala para isurpresa siya.
At ngayon..
Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito ako kaapektado?
Dapat masaya ako.. Dahil may isang tao na magpapaalala sa kaniya ng birthday niya.
Matamlay akong lumabas ng CR. Natanaw ko sila na nagkukwentuhan, at hindi ko gugustuhin na istorbohin sila. Nakita ko kung gaano na kasaya si Gino kasama ang April na iyon. Masaya na siya..
"Kristine.." tinatawag ako ni Gino papunta sa mesa nila. Tumango lang ako at sumaling muli sa kanila.
Ang tapang mo, Violet.
Ang tapang mo na harapin siya ulit.
__
Pinagmamasdan ko sa Instagram post ni Ate Marika ang mga pictures na kinuhanan niya sa Vikings. Pinilit kong magkunwaring masaya at nakatawa. Wag lang makahalata si Gino. But from what I've seen lately, his happiness was genuine.
Bumuntong hininga ako at dumapa sa pagkakahiga. Hinihintay kong mag alas-diyes dahil tatawag sa akin si Adrian. Pero hindi maialis sa isipan ko ang nakita kanina.
"Tanggapin mo na Violet, its not you. Its April na. Stop assuming. May asawa kana." paulit ulit kong sinabi sa sarili ko. Dapat iyon ang itatak ko sa utak ko. Hindi ko na kakayanin kapag gumawa nanaman ako ng pagkakamali na pagsisisihan ko.
__
iamnyldechan