Chapter 11 - Ten

Wala ako sa sarili na umuwi nang hapon na iyon. Iba't ibang scenario ang tumatakbo sa utak ko. Kung bakit nawala si Gino noon, at ang kasalanan nagawa ko. Hindi ko na alam paano pa siya haharapin. Napaka kapal na ng mukha ko.

Naiiyak ako habang naglalakad at pasakay ng MRT. Hindi ko na pinapansin kung mabangga ako ng mga nasasalubong ko. Basta tuloy ako sa paglalakad. Nahihiya ako at nadidismaya sa nalaman. Alam din kaya ni Gino ang mga kahihiyan kinaharap ko noon panahon na iyon. Mga panghuhusga at pangungutya.

Dumating ako sa bahay ng alas-siete ng gabi. Matamlay kong ibinaba ang gamit ko at basta humiga sa sofa. Bumuhos na ang mga luha ko.

"Sorry.." sambit ko.

Hindi ko namalayan ang pagtawag ni Adrian sa phone ko.

__

Binuksan ni Gino ang isang Johnie Walker na itinago niya sa ilalim ng mesa. Ayaw kasi niyang mahuli siya ni Marika na patagong umiinom. At dahil alas-nuebe na, wala na din ang mga empleyado.

Nakatingin siya sa nakakaakit na mga ilaw ng mga poste at sasakyan mula sa kahabaan ng Ortigas Avenue. At ilan pang gusali na katabi lamang ng Villamontes.

Naalala niya ang sinabi ni Violet nang magtagpo sila sa elevator kanina. Naiinis siya sa katotohanan, naging mahina siya sa mga panahon kailangan siya ng dating kasintahan. Pero hindi niya masisisi ang sarili. Nasaktan siya dahil sa buong pag aakala niyang tapat sa kaniya ang dalaga. At ang inaakala niyang may babalikan pa siya.

"Bakit ka sumuko agad Kristine.." sambit niya at tuluyan bumagsak ang mga luhang pinipigilan ng takot niya. Kinuha niya ang isang martini glass.

Noon umalis siya, at nasaktan. Akala niya matitiis niyang iwanan si Violet. Pero sa pagmamahal niya dito, bumalik siya para sana maunawaan ng maayos ang lahat. Kaya lang, mas hindi pala niya kakayanin ang mga nalaman. Dahil salo na ng ibang bisig ang babaeng pinakamamahal niya.

__

Pagmulat ko, tumatama na ang sikat ng araw sa mga mata ko. Nakatulog ako sa sofa at hindi na nakapagpalit pa ng damit. Namamaga ang mga mata ko, at nakatulog ako sa kakaiyak. Nakita ko ang phone ko sa sahig. May tatlong missed calls at isang message mula kay Adrian.

You're not answering my calls. Tumawag ka kapag gising mo or before you go to work.

Dinial ko ang numero ni Adrian. Nagriring pero sinagot niya agad.

"Hello? Mahal." sabi ko. "Violet, ikaw ba yan? Kagabi pa ko tumatawag."

"Sorry, Mahal. Pagod ako galing trabaho tapos pag-uwi ko nakatulog na ako." paliwanag ko. "Kumakain ka ba sa tamang oras?" tanong niya. Hindi ako makasagot. Hindi ako kumain last night.

"Ah.. Oo naman.." mabilis pero alanganin kong sagot.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Mahal, please update me whatever your doing. Okay. Mag-iingat ka lagi at kumain on time. I love you." sabi pa ng asawa ko. "I-I love you too." sagot ko na tila patanong ang tono. At saka ko pinatay ang phone ko.

Inayos ko ang pagkakahiga ko.

"Paano ko pa siya haharapin ngayon.." tanong ko sa sarili at muling pumikit. Habang tumatagal kasi, nahihirapan na akong harapin pa siyang muli. Kinuha ko ulit ang phone ko at hinanap ang number ni Mam Janna. Hindi na muna ako papasok dahil mabigat talaga ang katawan ko.

Tamang tama din kasi ang timing ng katamaran ko. Ngayon din na ayaw ko muna harapin si Gino.

Nagpaalam ako kay Mam Janna, na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Ang pinaka sikat na alibay ng mga empleyadong tamad pumasok.

Nagreply si Mam Janna ilan minuto matapos kong magtext.

Okay. Sabihin ko nalang kay Mam Marika. Get well soon.

Iyon lang ang reply niya. Huminga ako ng malalim. Mukhang buong araw akong hihilata nito sa bahay.

Tanghali na ng muli akong magising. Nakatulog ulit kasi ako at medyo uminit ang sala kaya't nagising ako. Mag aalas-dos na at hindi pa din ako kumakain. Umakyat ako ng kwarto para maglabas ng damit ko at maligo. Gusto ko sana maglaba kaya lang masama talaga ang katawan ko. Siguro dahil sa nakakapagod na byahe araw araw mula pagpasok at pag-uwi. Minsan pa nauulanan ako sa hapon.

Pagkatapos kong maligo. Bumaba ako sa kusina para maghanap ng makakain. At dahil tamad din akong magluto. I decided na lumabas nalang at bumili ng lutong ulam sa kapit bahay namin na karinderya.

Nagsuot ako ng Islander na tsinelas at nagbitbit lang ng folding umbrella. Nakashorts lang ako at tshirt na maluwag. Para komportable ako. Ilan bahay lang naman ang pagitan mula sa karinderya.

"Hala!" nagulat nalang ako nang makita itong sarado. Kapag linggo lang naman itong sarado.

"Nakakainis naman. Nagugutom na ako." sabi ko pa sa sarili ko. Ayaw ko naman maglakad papuntang 7-11. Umikot ako. Uuwi nalang ako at magluluto ng noodles. Basta ang mahalaga makakain ako.

Binilisan ko ang lakad pauwi sa bahay. Napakahapdi kasi sa balat ang init ng tanghalian.

"Sino yon?" napansin ko ang isang lalake na nakatayo sa harap ng gate. May payong siyang itim at may dala naman siyang paper bag sa isa pa niyang kamay. Paglapit ko.

"Gino!" naisigaw ko ang pangalan niya nang makita siya. He's really here. Hindi ako nagkakamali.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad. Hinuhuli ba niya ako na nagdadahilan lang ako kaya absent ako?

"I heard you're sick kaya dumaan ako dito." sabi niya at ipinakita ang dala na paper bag. Sinilip ko iyon at laman ay mga tupperwares.

"Kaya ka nagkakasakit kasi tamad ka." para naman akong sinaksak sa puso sa sinabi niya. Harapan talaga? Hindi man lang ako nakailag.

"Hindi kana sana dumaan dito." sabi ko naman at binuksan ko ang gate.

"I'm also.. worried about you." hindi ko alam kung mainit lang ba talaga ang panahon o itong mga pisngi ko ang nag-iinit. Umatras nanaman ang dila ko at walang lumalabas na sa tinig sa lalamunan ko.

"Let me take care of you just.. today.." bulong pa niya. Para akong kinukuryente ng tinig na lumilibot sa buo kong katawan. Walang ibang gustong sabihin ang sarili ko kundi..

"Ah. Sige.."

I let him inside our house. Kapag nalaman ito ni Adrian, for sure mag-aaway kami.

"Nice house for a small family." sabi lang niya habang nililibot ng mga asul niyang mga mata ang bahay namin. Naupo siya sa sofa at ipinatong ang dala sa kaharap na mesa.

"Feel at home ha." nahihiya pa ako dahil magulo ang bahay. Hindi talaga ako pupwedeng maiwan sa bahay. Walang mangyayari.

"May dala akong pagkain. Kumain ka muna para makainom ng gamot." aniya at lumakad siya papasok sa kusina. Napatakip ako sa mata ko nang abutan niya ang mga hugasin pa sa lababo at mga kalat sa hapagkainan.

Nakakahiya.

"Nako.. Kristine.. Dapat talaga sayo working adult lang at hindi house wife." sabi niya at saka sinimulan itiklop ang manggas ng suot niyang long sleeve. Binuksan niya ang gripo at mabilis dinampot ang sponge.

"Ako na diyan. Nakakahiya." sabi ko pero hindi siya nagpapigil. "Maupo kana at kumain. Malilipasan kana naman." utos lang niya at hindi na ako pumalag. Kumuha na ako ng mga plato.

Pinagmamasdan ko lang siya na naghuhugas ng mga pinggan. Lagi siyang ganito.. Maalaga.

Binuksan ko ang mga dala niyang tupper wares. May bagong luto na menudo, chopsuey, nilaga at adobo. May pritong tilapia din at atsara. Naglalaway na ako sa amoy palang.

"Sige na kain kana. Sasabayan kita." sabi niya matapos maghugas at naupo sa tabi ko. Bago din saing ang dala niyang kanin. Dumampot na agad ako ng ulam. Natatakam na talaga ako sa mga pagkain.

Pagsubo ko ay parang nagkalakas ang katawan ko. Siguro dahil kagabi pa ako walang kain kaya bagsak na bagsak ako.

"Ugali mo talaga ang kalimutan ang sarili mo. Kaya ka nagkakasakit." narinig ko siyang nanenermon. Sumalubong ang kilay ko.

"Please, huwag ngayon, Gino ha. Masarap ang kain ko." sagot ko at pinuno ko ang bibig ko. Nakita ko siyang ngumiti. Malaking bagay sa akin na makita siyang masaya. Maibsan man lang ang sakit na nadanasan niya sa akin.

"So, you're staying here alone? Kailan ba babalik si Adrian?" pag-iiba niya ng mood. Nilunok ko muna ang kinakain ko.

"Next month? First week ang alam ko." sagot ko. "Hindi ka niya dapat iniwan mag-isa." Nag-aalala talaga siya.

"Kaya ko naman." pagmamalaki ko pa. Tumingin siya sa akin.

"Kaya mo? Eh yon kalat dito hindi mo nga maligpit." humaba ang nguso ko sa sinabi niya. Pilosopo pa din siya sumagot.

"Sorry naman." sagot kong pasuplada. Halos maubos ko ang mga ulam na dala niya. Sa sobrang busog ko ay hindi agad ako nakatayo.

"Ako na maghuhugas. Magpahinga kana diyan." wika niya at inilapag sa mesa ang isang capsule ng Alaxan at isang baso ng tubig.

Nahihiya pa akong kunin iyon. Siya na ang naglinis ng kusina. Pati ang mga naiwan kong maruming damit sa sala ay nasinop na niya.

"Gino.. Bakit hindi ka pa mag-asawa?" lumabas na lamang sa bibig ko. Huminto siya sa pagwawalis.

"I'm not ready yet?" patanong pa siya kung sumagot. Siguro hindi pa din siya sigurado sa kung anong gusto niyang gawin.

"Ah. Ganun." sabi ko at sabay kumamot sa ulo ko. Nahiga ako sa sofa, habang siya naman naupo at pinunasan ang mukha niya gamit ang nakabulsang panyo.

Tahimik na uli ang paligid. Nakakailang.

"Kristine.." nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Bakit?"

"Can we just be friends again?" hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Gusto niya kami ulit maging magkaibigan? Lumihis ang mga tingin ko sa kaniya. At tumalikod ako sa pagkakahiga.

"Nasaktan kita diba? Gusto mo pa ba maging kaibigan yon ex mo?" Hindi talaga iyon ang gusto ko sabihin. Gusto ko sumagot ng oo. Gusto ko na magtiwala siya ulit sa akin. Pakiramdam ko kaya hindi ako nakakalimot kasi alam ko na may nasaktan akong tao. At si Gino yon. Kailangan ko ng kapatawaran.

"I just missed the times na komportable tayong mag-usap. Yon hindi ka naiilang sa akin. Gusto ko lang iyon, Kristine at wala ng iba." aniya pa. Siguro nga we need to move on. Iyon ang solusyon sa mahabang panahon sama ng loob.

"O sige Gino. We can be friends again." sagot ko lang. Maybe its the time na magsimula kaming muli bilang magkaibigan para unti unti nanamin matanggap na hindi na kami magkakabalikan.

__

Biyernes nanaman, at mag-iisang linggo na wala si Adrian. Maaga ako pumasok para makabawi sana sa pagkakaabsent ko last time.

"Okay kana niyan?" tanong ni Sir Leo sa akin nang magkasalubong kami sa elevator. "Ah, opo. Sorry ha Sir Leo, umabsent ako." umiling siya.

"Okay lang, wala naman gaanong trabaho non. Si Jed nasa Manulife nang araw na iyon. Siya ata naghatid non weekly report niyo." kwento pa ni Sir Leo. Malaki ang utang ko kay Jed, siya kasi ang sinabon ni Sir Jeron, panigurado.

Pagkadating namin sa office, naroon na si Jed na sumalubong agad sa akin. Tuwang tuwa siya na makita ako. For sure, nag-alala ito nang umabsent ako.

"Ate Vi! Naipasa ko ng maayos yon report kay Sir Jeron at hindi ako sinabon ngayon." pagyayabang niya. Natawa ako. Ibigsabihin, nag exert ang skills niya.

Binaba ko ang gamit ko. "Buti naman." paupo na sana ako nang biglang dumikit sa akin si Mam Janna.

"Ikaw ha. I heard Mam Marika kahapon. Binisita ka daw ni Ex." namula ako sa narinig. Habang pabungisngis pa kung tumawa si Mam Janna sa gilid ko.

"Ah.. Ano.. O-okay na kami." mabilis kong sagot. "Ha? Ganon. Wala ng comeback?" parang nalungkot pa siya sa sinabi ko. Natawa ako.

"Okay na siya na magkaibigan kami."

"Talaga? Akala ko may comeback. Pero okay na din siguro iyon. At least alam mo na wala siyang sama ng loob sayo diba?" tumango ako. Okay na nga kaya sa akin iyon? Ang maging magkaibigan kami.

"Goodmorning guys!" natigilan kami nang dumaan sa harapan namin si Gino. Nakangiti siya na para bang ngiti niya noon kapag may gagawin kaming kalokohan.

"Goodmorning Kuya Gino!" lumingon ako kay Jed nang tawagin niyang Kuya si Gino.

"Jed, yon Book of Accounts, ibalik mo sa Finance mamaya." sabi lang niya dito. Hindi ko alam kung anong nangyari non absent ako. Pero maganda ito dahil ngayon panatag na akong harapin siyang muli.

__

iamnyldechan