Chapter 10 - Nine

Nagtatakbo ako pasakay ng MRT. I'm late!

Humahampas sa katawan ko ang shoulder bag ko habang nagkakaripas ako sa pagtakbo paakyat ng istasyon. Alas-siete na ako gumising at alas-nuebe ang pasok ko. Tapos Lunes ngayon at rush hour na kaya't sabak sa malaking gera nanaman ang pagpasok ko ngayon. Wala na akong pakealam kung magulo ang buhok ko, ang mahalaga hindi ako ma-late!

Hindi na din ako nakapag-almusal o nakapagkape man lang. Tapos ang napili ko pang suotin, yon blouse na binili ko non makagraduate ako noon college. Hindi pa ako naglalaba at tambak pa ang marumi kong damit. Bakit kasi hindi ako na-train sa time management? Kasalanan ko ito dahil umaasa ako kay Adrian.

Sumakay ako ng MRT, siksikan na parang sardinas ang peg namin sa loob. Halo halong amoy ng pabango at pawis ang pumapasok sa ilong ko. Isabay pa ang ilan pasahero na ginawang kapitan ang bag ko na akala mo nanakawin nila. Hindi na bago ito, sa araw-araw na rush hour sa MRT. Pagpasok mo, mabango ka. Paglabas mo, amoy pawis kana din.

Alas-otso y media ako bumaba ng MRT Santolan. Nagmamadali na ako sa paglalakad kahit na nadadapa na ako sa sarili kong mga paa.

"Violet!" nahinto ako nang marinig ko si Mam Janna na tinatawag ang pangalan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako mag-isang late. Sumabay ako sa kaniya paakyat sa opisina.

"Late na po ata ako?" tanong ko habang papasok na kami sa loob ng elevator.

"Hindi no. Si Leo nga pumapasok ng alas-diyes e." nagulat ako sa narinig. Kung sa office namin yan, baka nasesante na si Sir Leo.

"Buti po pumapayag si Mam Marika at Sir Gino." natawa si Mam Janna. "Oo, basta mahalaga pumasok ka ngayon araw, ayon lang bawas yon sa oras sa sahod mo. Hindi na minimum. Saka si Gino alam niyang responsable ang mga employee niya. Nagpapalate lang talaga kami kapag may valid excuse." I get its point.

Alam ni Gino kung kailan kailangan tutukan ang isang tao at kung kailan hindi.

Pagpasok namin sa office, nandoon na si Jed na nakatutok sa laptop niya. Habang si Sir Leo, nagkakape at nakatayo sa harapan ng window glass.

"Almusal kana, may dala akong pandesal." yaya sa akin ni Mam Janna pagkababa ko ng bag ko. Kumakalam ang sikmura ko. Kailangan ko talagang kumain.

Binitbit ko ang phone sa pantry at ganundin ang tasa ko. I tried to message Adrian. Nakita ko sa Instagram ang post niya last night kasama ang ilan trainees habang nagpapapicture sila sa harap ng Merlion.

Namimiss ko ang asawa ko.

"Is that your husband?" nagulat ako nang lumapit si Mam Janna at nakita ang picture sa phone ko. Naupo siya sa tabi ko.

"Ah opo. Si Adrian." sabi ko at nahihiya pa.

"Mukhang mabait no? Hindi gagawa ng masama." nakatawang sinabi niya. Hindi naman talaga ganoon si Adrian. Tipong gagawa ng masama sa asawa niya. Kung tutuusin, he's almost perfect. Ako lang naman itong may kakayahan gumawa ng hindi maganda eh.

"Matagal na kayo?" she asked again. "Mag 3 years na po." sagot ko. "So how is marriage? Nakakasakal no. Non bago lang kami ni Jaypee yon, asawa ko. Palaging may demands, saka ang daming obligasyon." hindi ko naman naranasan iyon kay Adrian. Palagi siyang gumagawa kahit hindi ko na sabihin. Ni hindi ko nga natatandaan na nag-away kami. Kahit non maging boyfriend kami. Kailanman, hindi ko siya nakitang nagalit sa akin.

"Eh, si Gino ba? Paano siya maging boyfriend?" nagulat ako nang banggitin niya iyon. "Po? Ah.." hindi ko alam ang isasagot. Nahihiya ako.

"Nacucurious kasi ako, matagal na namin kilala si Gino pero walang nakakaalam paano siya maging gentleman." sabi pa niya. Yes, a hundred percent chivalry si Gino. Hindi ako magkakaila. "Bigyan mo naman ako ng idea." pangungulit ni Mam Janna. Hindi na ako tumanggi. Wala naman masama na ikwento sa kanila ang nakaraan.

"Si Gino po kasi nakilala ko non highschool pa kami." pambungad ko."Really, ang bata niyo pa pala non. So how is he?" excited niyang tanong. Napansin kong naupo na din si Sir Leo sa tabi namin. Hindi halata pero nakikinig din siya.

"Um.. At first we met, suplado siya. Hindi siya nagsasalita unless may itatanong ka. Hindi siya sasagot sa tanong kung hindi importante but.. kahit ganon siya.." natigilan ako sa pagsasalita then I smiled. Bigla ko kasi naaalala ang mga nakakatawang bahagi na yon ng kabataan ko. I was like a lovesick puppy. Sunod lang ng sunod kay Gino hanggang sa mapansin niya.

"And afterwards?" dugtong ni Mam Janna.

"And after that, he noticed me in the most embarrasing way." iyon ang hindi ko makakalimutan parte nang makilala ko siya.

"Anong pinagkukwentuhan niyo?" nagulat kami pare-pareho nang makita si Gino sa harapan ng pinto ng pantry. May dala siyang tasa.

"Nagkukwento si Violet on how he met you.." nabitawan ko ang hawak kong pandesal.

"Really? Ikukuwento mo talaga yon Kristine?" sabi pa niya na hindi makapaniwala. Umiling ako. Hindi ko naman talaga ikukwento. Nakakahiya talaga yon.

"Hindi ah. Saka..." kunwaring tumingin ako sa wrist watch ko. "Alas-diyes na. Work hours na diba!" sabi ko at nagmamadaling tumayo sa kinauupuan. Tinungga ko kaagad ang tasa ko at saka lumabas ng pantry. Naiwan ko nalang sa loob sina Mam Janna at Gino.

"Anong nangyari don?" ngumiti nalang si Gino.

__

Para akong tanga kanina. Talagang balak ko pa ikuwento ang nakaraan na yon. Hindi ba't move on na tayo. Bumuntong hininga ako habang nakaharap sa laptop ko. Kitang kita ko ang wallpaper na picture namin mag-asawa. Bigla tuloy akong napatanong sa isipan ko, kung bakit nga ba kami naghiwalay?

Kung tutuusin, ang naalala ko lang na kasalanan ni Gino sa akin ay iniwan niya ako non mga panahon kailangan ko siya. Tapos hindi na siya bumalik..

"Okay ka lang Ate?" tanong ni Jed sa akin. Hila hila niya ang upuan papunta sa pwesto ko.

"Hindi ako okay." sarkastiko kong sagot.

"Kasi wala si Kuya Adrian?" tumango ako. Pero hindi rin iyon ang dahilan. "Si Gino.. Napapaisip lang ako. Kung bakit niya ako iniwan dati?" sabi ko pa. Nakatingin ako sa itaas na bahagi ng kwarto. Nakakaduling ang mga maliliit na bombilya nito.

"Natanong mo na ba siya?" lumingon ako kay Jed.

"Tatanungin ko talaga siya? Yan talaga ang best idea mo." tumango ang binata. "Oo, diba pag may gusto ka malaman. Edi itanong mo. Kaysa isip ka ng isip." napaka pilosopo ng sagot niya pero totoo. Handa na ba ako malaman kay Gino ang dahilan niya bakit niya ako iniwan?

Naramdaman kaya niyang hindi na niya ako mahal?

O baka nakahanap siya ng iba kaya umalis siya..

Sari saring agam agam ang nasa isipan ko ngayon. Kaya siguro hindi ako pinapalaya ng nakaraan kasi hindi pa nasasagot ang lahat ng katanungan ko.

Inutusan ako ni Mam Janna na magtungo sa Accounting Department ng Villamontes mula sa ikalimang palapag. Kailangan ko kasing dalhin kay Ate Marika ang approved budget ng kompaniya para ngayon taon. Pag-aaralan ko din ang mga files na yon para sa report na gagawin at ipapasa sa Manulife.

Bumaba ako ng fifth floor. Sa mga pinto palang, nakita ko na ang isang babae na nag-aabang at may hawak na malapad na clearbook. Pagkakita niya sa akin, ngumiti agad siya.

"Thank you. Nag-abala ka pa na kunin to. Madami kasi kaming ginagawa e." dahilan niya paglapag sa kamay ko ng clearbook.

"Wala yon." sabi ko pa at sumakay muli sa papabukas na elevator.

"Wait lang!" narinig kong may sumigaw at hinabol ang papasaradong pinto. Nakita ko si Gino, hingal na hingal. Pagpasok niya sa loob, pinindot niya agad ang tenth floor.

This is not good.

Yakap ko ang clearbook habang siya napasandal sa salamin bahagi ng elevator at saka kumuha ng panyo at pinunasan ang pawis nito. Tahimik kaming pareho. Ugong lamang ng sinasakyan namin ang naririnig ko. At pati ugong ng dibdib ko.

"Um.. Saan ka galing?" nahihiya pa akong magtanong.

"Sa baba. Hinabol ko yon client, nakalimutan niya yon briefcase niya." kwento niya. Tumango lang ako. At pagkatapos katahimikan ulit. Bawat pagbukas ng pinto ng elevator sa kada palapag ay parang gumigising sa isipan ko. Wala kasing sumasabay na empleyado. Walang sumasakay. Para bang binibigyan na ako ng pagkakataon na magtanong.

"Um.. Gino.. Este Sir Gino.. Gusto ko lang magtanong.." putol putol kong sambit. "Ano yon?" ibinulsa niya ang dalawang palad.

"Bakit ka.. Bakit.. Bakit ka umalis non?" sa wakas at nasabi ko din. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa malayo. Nasa ikapito na kaming palapag.

"Remember that night na nagpumilit kang sumama para uminom." sabi niya. Nagsimula na akong kabahan.

"Pinuntahan kita nang malaman kong nalasing ka at tanging kasama mo ay si Lawrence." si Lawrence ang isa sa mga kaklase namin manyak at gago. Hindi ko naman alam na kasama namin siyang mag-iinom non gabing nagkayayaan kami nina Rica.

"And.." tumingin siya sa akin. "I saw you with him..drunk and naked." napuno ng dismaya ang mga mata ko. At para bang gustong bumuhos ng luha mula dito.

"I was so mad that time.. And to think na nahihiya ako sa sarili ko, kasi sa isang tulad lang ni Lawrence mo ibibigay ang sarili mo. Kaya umalis ako." nararamdaman ko ang lungkot at galit sa bawat salitang binibitawan niya.

"That's not true!" sigaw ko. Wala akong naalala na ginusto ko ibigay kay Lawrence ang sarili ko. Mali ang iniisip niya.

"Then how would you explain that? The video, the pictures.." umurong ng kusa ang dila ko. Walang mailabas na katwiran.

"Umalis ako, Kristine. But I came back, kaya lang huli na.." malungkot ang mga mata niya at bumukas na ang pinto ng elevator. "You were with Adrian, already." parang nilamon ng silakbo ng damdamin ang isipan ko.

Total black out.

Nanatili akong nakatayo sa loob ng elevator. At habang papasarado ang pinto, kitang kita ko kung paano mawala sa paningin ko si Gino. Katulad noong panahon, unti unti siyang naglaho.

__

October 2004 ,

Nakasilip ang labing dalawang taong gulang na si Violet sa katabi nilang classroom. Doon sa bintana ay kitang kita niya ang school mate na si Gino na nasa edad labing limang taong gulang. Una palang itong pumasok noon Hunyo ay pakiramdam niya na love at first sight siya sa binatilyo.

"Hoy! Makita kana naman ni Mam Perez diyan. Pagagalitan nanaman tayo." hila sa kaniya ng kaklaseng si Sandra. Nagpapigil ang dalaga.

"Mamaya na. Gusto ko mapansin na niya ako. Limang buwan ko na siyang sinusundan e." pagpupumilit pa niya. Naiinis na si Sandra. Wala na kasing araw na hindi sila napapagalitan, kalalabas nila ng klase ng walang paalam. Isa pang huli sa kanila ay ipapatawag na ang magulang nila ni Violet.

"Halika na. Violet. Pag nakita tayo nina Risa. Gulo nanaman to." pakiusap pa ng kaibigan pero hindi ito nagpatinag. "Mamaya na."

"HOY!" nagulat ang dalawa sa sumigaw. Nakatayo na sa likod nila ang estudyanteng si Risa kasama ang ilan binatilyo.

"Patay.." bulong ni Sandra at sabay hinila ang kaibigan. Alam kasi niyang away ang dulot ni Risa. At sa pagkakakita sa kanila, paniguradong mapapahamak silang dalawa.

"Hindi talaga kayo, madala no. Mga malande!" pumilantig ang tainga ni Violet sa lumabas sa bibig ni Risa.

"Malande ka din!" sigaw niya at sabay tinalikuran si Risa. Umakyat ang galit sa ulo ng dalaga at hinila ang mahabang buhok ni Violet. Bumaliktad siya at napahiga sa sahig. Tuluyan nang nakuha ang atensyon ng ilan estudyante sa paligid. Hinila hila ni Risa ang buhok ni Violet habang nagpupumiglas itong makawala. Pinagkakalat naman at tinapak tapakan ang mga gamit nina Sandra ng mga kalalakihan kasama ni Risa.

"Hindi naman kami lalaban e." naiiyak na pakiusap ni Sandra.

"Wag niyong aawayin si Sandra!" sigaw ni Violet at nakalmot niya sa mukha si Risa. Nabitawan nito ang buhok niya pero lalo itong pagmumulan ng mas malaking away.

Nagkunwaring naiiyak si Risa at hinila ang kasamang binatilyo na si Aljon. Akmang sasaktan nito si Violet nang lumitaw sa harapan nila ang lumilipad na libro. Mabilis itong tumama sa noo ni Aljon, dahilan para bumagsak siya.

"Hoy, kalalake mong tao. Papatol ka sa babae!" galit pero kalmadong binatawan ni Gino. Tinulungan niyang makatayo si Violet. At nagtago naman si Sandra sa likuran niya.

"Gago ka ah. Bago ka lang dito." nanlilisik na ang mga mata ni Aljon dahil sa ginawa ni Gino. Hinila niya sa bag ang dalawang pares ng arnis. Nagulat si Violet.

At saka lumingon sa binata. Pinigilan niya ito.

"Wag na." sabi pa ni Violet. Pero hindi nagpapigil ang binata.

Dahil sa gulo na iyon, pinatawag ang mga magulang ng bawat batang nadawit doon. Kasama si Gino na bago lang sa eskwelahan na iyon.

Naglalakad si Violet palabas ng eskwelahan. Dala niya sa kamay ang sulat na ibibigay niya sa magulang, na kailangan kausapin ng Principal dahil sa gulo na nakabilangan niya. Hindi niya alam kung iiyak siya o maiinis. Pati ang kaibigan si Sandra ay muli nanaman nadamay.

"May sulat ka din?" nagulat siya nang masalubong si Gino sa gate. May pasa ito sa kanan pisngi at may ilan pang gasgas sa braso. Hindi siya makatingin dito dahil siya ang dahilan kung bakit ito napasama sa away.

"Sorry." nasambit na niya at tila papatak na ang luha sa mga mata niya.

"Gino Rosso Villamontes." aniya ng binatilyo at inilahad ang kamay niya. Hindi alam ni Violet ang gagawin. Akala niya ay hindi na siya nito papansinin.

"Pangalan mo?" matipid nitong tanong. "A-Ako s-si Violet.. Violet Kristine.." nanginginig pa siya.. Mabilis kinuha ni Gino ang kamay niya para magshake hands.

"Ingat Kristine.." huling sinabi nito bago sila tuluyan maghiwalay ng daan pauwi.

__

iamnyldechan