Nakasakay ako sa silver na Nissan Almera habang nagmamaneho si Adrian. Its friday night. Nasa likod ang isang maleta na dadalhin ng asawa ko. Nakasandal lang ako at nakatulala sa labas ng bintana. Nalulungkot na ako habang iniisip ang ideya na mawawala si Adrian sa tabi ko. Nasanay ako na nandito siya.
"Were here." sabi niya at tumingin ako sa hinintuan namin. Its the parking lot of NAIA terminal. Binaba namin ang dala niyang gamit at sandali ko siyang sinamahan sa Departure Area.
Hawak ko sa kamay ko ang passport at plain ticket niya. May tumatawag pa sa phone niya habang hinihintay ko siya.
"Mahal, magccheck in na ako." sabi ni Adrian at ibinigay ko sa kaniya ang gamit niya. May tatlong oras pa bago ang flight niya. I decided to just wait for the airplane to leave tutal at Linggo naman kinabukasan.
"Ingat ka don, Mahal. Tumawag ka when you arrive at Singapore." sabi ko sa kaniya at yumakap. "Of course Mahal. Tatawag ako." paalam niya at hinayaan ko na siyang makaalis. Naupo ako sa isang waiting seat sa harapan ng Departure Area. Kitang kita ko ang mga papalipad na eroplano.
Pumikit ako. Hindi ako makakauwi sa Cavite this weekend dahil wala akong makakasama bumyahe. Hindi rin naman papayag si Adrian na gamitin ko ang kotse na mag-isa. Siguro I would just stay alone at the house.
__
Dumilat ang mga mata ko. Walang tumutunog na alarm clock. Its almost eleven in the afternoon. Alas tres ako umuwi ng bahay. At hindi agad ako nakatulog, nanood lang ako ng tv at hanggang sa makatulog na ako dito sa sala.
Tinatamad pa akong bumangon, kaya halos gumapang ako papasok ng kusina para sana maghanap ng kakainin. Binuksan ko ang isang kitchen cabinet.
"Bakit walang laman?" sabi ko at naalala ko na hindi ako nakapag grocery nitong nakaraan linggo.
"Ano ba naman yan.." dismayado kong reaksyon dahil mapipilitan akong lumabas at mag grocery. At dahil gutom na ako, kakain nalang ako sa malapit na fast food.
Nagpalit ako ng maong shorts at isang maluwag na tshirt. Nagdala ako ng isang maliit na sling bag laman ang phone at wallet ko. Hindi ko na dinala ang susi ng kotse at sasakay nalang ako ng jeep patungong SM North.
Tinext ko si Rica na samahan ako kahit hindi ko sigurado na magrereply siya. Kapag kasi Linggo, nandoon siya sa bahay ng parents niya sa Alabang.
Sumakay ako ng jeep patungong SM North. Kainitan ang panahon dahil tanghali ako umalis ng bahay. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako. Kalahating oras ang byahe ng jeep patungo sa SM.
Pagbaba ko, naghanap agad ako ng fast food sa first floor.
"Nako naman!" at saka ko lang naalala na Linggo at family day. Madaming tao sa mga malls. At madalas sa mga kainan. Mahaba ang pila sa Mcdo at hindi na aabot ang sikmura ko.
Nahihilo na ako. At naduduling na ako habang nakapila at naghihintay sa mabagal na responde ng staffs sa mga customer. I decided to take a sit. Kahit na umusad na ang pila. Hindi ko na talaga kaya dahil nanlalambot na ang tuhod ko.
Pumikit ako. Hindi talaga magandang ideya na magpagutom ako.
"What are you doing here?" napadilat ako sa narinig na tinig. "G-Gino!" nagulat ako nang makita siya sa harapan ko at nakatayo. May dala siyang trolley na may laman paperbags na galing Landmark. Sa itsura niya ay hindi siya galing sa trabaho. Naka shorts lang siya at tshirt na itim. Magulo ang buhok niya at suot ang isang salamin.
"A-Ano.. Ah.. Namamasiyal ako bakit." sabi ko na pasuplada at nilihis ang tingin sa kaniya.
"Really, wala si Adrian?" tanong niya at hindi ko alam kung paano sasagot. Dahan dahan akong tumango.
"Ah. So you're alone?" hindi ko pwede sabihin na mag-isa ako and for sure magpupumilit siyang sumama.
"May kasama ako and in fact,she's on her way." pagyayabang ko. He smirks at me. Naiinis ako sa itsura niya. Nang-aasar ba siya?
Sandali pa siyang nagtagal sa kinatatayuan niya. Nananalangin akong umalis na siya.
"O sige.. Aalis na ako.." he paused. At tumingin sa akin. Nagtataka ako kung bakit. At saka ko lang narealize na maingay na ang tiyan ko. I blushed.
Nakakahiya!
"Do you want to eat muna?" malumanay niyang tanong. Hindi na ako makahindi. Sa totoo lang, gutom na ako. At hindi ko na alam paano pa kakayanin pumila para makabili ng pagkain. Siguro, for now. Tatanggapin ko ang offer niya. Or pipiliin kong tumirik ang mata ko sa gutom.
Niyaya niya ako sa food court ng SM North sa second floor. Akala ko kakain siya sa mamahalin restaurant.
Itinabi niya sa upuan ko ang pushcart na dala niya.
"Anong kakainin mo?" tanong niya. Lumingon ako sa paligid. Madaming makakainan, mahirap mamili. Mahalaga sa akin kumain ako.
"Ikaw na bahala." sagot ko at iniwanan niya ako. Sinundan siya ng mga mata ko. Nagtungo siya sa isang food stall. Nakapila siya.
He acts like he's a normal person. Parang walang malaking kompaniya na nakapasan sa likod niya. Naisipan kong silipin ang laman ng paper bags. And just I thought it was groceries.
Mag-isa siyang namimili? How about Ate Marika?
Pagbalik niya sa mesa, may dala na siyang tray. Nagulat ako sa mga pagkain.
"May kare kare, saka boneless bangus. Bumili na din ako ng letchon kawali." hindi ko alam kung tiyan ko ang nararamdaman ko o ang puso ko. Those dishes he bought was all my favourites. Walang palya mula sa inumin. He bought me a black gulaman.. At isang bottled mineral water.
"Kain na." yaya niya sa akin. Bumili siya ng sinigang, laing at chopsuey na alam kong hilig niyang kainin. May atsara pa at dalawang pirasong saging. Inabot niya sa akin ang tissue na kasama sa binili niya.
Tahimik lang ako, habang nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Hindi siya nagbago mula sa pagkain.
"Hindi ba magagalit si Adrian na kasama mo ako?" tanong niya. Naisip niya pa iyon samantalang kailan lang nagpakita siya sa akin saying he came back because babawiin niya ako.
"Umalis kagabi si Adrian patungong Singapore." sagot ko and he didn't respond. Kumain na kami.
Napansin ko ang ilan buhok sa baba niya. Para bang hindi niya naahit. Pero it does look good on him. Wala naman hindi bagay sa kaniya.
"May gagawin ka pa after this?" bigla niyang binanggit. Umiling ako. I don't have plans for the day.
"Good. Samahan mo nalang ako." napaawang ang labi ko sa narinig. "Ha? Para saan?"
"I treat you food so you treat me company." ngiting sagot niya. At hindi na ako makatanggi. Dapat talaga hindi na ako sumama sa kaniya.
__
Tulak tulak ko ang push cart sa loob ng Department Store. Habang si Gino nasa Men's Wear na namimili ng neckties at long sleeves. I never thought na makikita ko siyang namimili ng sarili niyang gamit. Noon nag aaral kami, this is the only thing he hates to do. Ayaw niya ng ganitong errands. Kaya madalas si Tita Millia ang namimili ng gamit niya. At kahit binatilyo na si Gino noon, si Tita pa din ang bumibili ng bago niyang boxers. He is truly a Mama's boy.
"Ano'ng mas maganda?" tanong niya at iniharap sa akin ang dalawang kulay ng long sleeve. Pareho na bagay sa kaniya ang kulay. But he likes peach much.
"Heto. Bagay sayo to." tinuro ko ang peach colored na sleeves and he smiles. Nahiya ako bigla at tumingin sa iba.
Lumipat kami sa bilihan ng sapatos. Naisipan ko munang umupo habang namimili siya. Pagbalik niya may dala na siyang kahon ng Converse at World Balance. Naupo siya tabi ko para magsukat.
"Ah, bakit hindi mo ata kasama si Tita Millia na umuwi dito?" curious kong tanong. Kasi kung nandito man ang Mama niya hindi siya ang gagawa nito.
"Si Mama?" tumango ako at bahagya siyang tumahimik. Sinuot niya ang isang pares ng sapatos at tumayo.
"Patay na si Mama." nabitawan ko ang hawak kong kahon. Saka pinulot iyon ni Gino. Hindi ako makagalaw. Parang imposible naman ang sinasabi niya. Walang sakit si Tita Millia.
"P-Paano.." nanginginig ang tinig ko. Gino sighed at saka binuksan ang isa pang kahon.
"She had a heart attack and died a year matapos kong bumalik dito sa Pilipinas. Its almost five years? Matagal na." kwento niya. "You thought kasama ko siyang umuwi, because if she is. She would be in this kind of errands. At hindi ako." tama ang sinabi niya.
Ngumiti siya. "Kaya nga sinanay ko na ang sarili ko na wala na si Mama. Wala ng magbababy sa akin." pabiro niyang sinabi. Pakiramdam ko kumikirot ang kaliwang dibdib ko sa nalaman. Hindi ko akalain maagang mawawala si Tita Millia. Siya ang halos pangalawang nanay ko noon nag-aaral kami. Madalas niyang ipagluto si Gino ng lunch at lagi kaming may baon magkakabarkada. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na maaga siyang mamamaalam.
I know Gino. Hindi niya ito agad agad matatanggap.
"Wag mo na masiyadong isipin yon. Mama is happy na sa heaven. She would be proud of you kapag nakita ka pa niya ngayon." sabi pa niya at sinimulan nang itulak ang pushcart.
"Ha? Bakit naman?"
"Because you're a fully grown woman now. Matured at hindi na isang babaeng pasaway." nakatawa niyang sinabi at nauna sa paglalakad.
Oo inaamin kong pasaway ako noon kadalagahan ko. Palaging nadadawit sa gulo si Gino at ganundin ang buong barkada. Kaya lagi kaming laman ng Dean's Office at halos lahat ng community service ay nagawa na namin.
At ang Mama ni Gino lang ang naniniwala na magiging successful ako despite of my attitude. Hindi ako matalino, nahihirapan ako sa Academics at tamad akong mag-aral. Pero dahil kay Tita Millia nagsikap ako. Dahil gusto ko maging deserving para kay Gino.
But now, its all just a part of a memory...
__
Hinatid ako ni Gino sa tapat ng bahay. Alas singko pasado na kami nakauwi. Bumaba ako ng sasakyan niya. Sumilip lang siya bintana.
"See you bukas." sabi pa niya.
"Ah salamat." sagot ko nalang at hinintay siyang makaikot ng kurbada . Binuksan ko ang gate at ipinasok ang mga ipinamili ko.
Hindi ko maialis sa isipan ko ang mga nalaman tungkol sa magulang ni Gino. Mahirap mawalan ng ina lalo at alam kong close ni Gino ang Mama niya. Paano kaya niya nakayanan ang lungkot?
Kung alam ko lang siguro ang pinagdaanan niya noon. Mas maiintindihan ko siya ngayon. Pero huli na.. Tapos na kaming dalawa.
__
iamnyldechan