Chapter 8 - Seven

Bago mag alas-siete nakauwi ako ng bahay. Hindi ako pagod dahil sa trabaho, dahil iyon sa byahe. Lagi ko kasing aabutan ang rush hour tuwing uuwi ako. Tapos isa pa si Gino who made me uncomfortable kanina. Bigla ko tuloy naalala ang ilan pangyayari noon college. Napailing iling ako habang nagsasaing. Dapat matagal ko ng binura sa isipan ko ang mga alaalang iyon.

"Wow, ang aga mo ngayon, Mahal." nagulat ako at hindi ko naramdaman dumating na siya. Binaba niya ang dalang briefcase sa sofa at saka mabilis lumapit sa akin para yakapin at hagkan.

"Pagod ka ba?" tanong ko matapos ko magsalang ng sinaing. Naupo siya agad at hinila ang pitsel ng tubig. Nagsalin siya ng maiinom.

"Medyo. Ang dami ko iniintindi bago umalis. Kailangan kasi alam na non kapalit ko yon mga iiwanan kong trabaho. Kaya hands on ako sa kaniya." sabi pa niya at isinandal ang batok sa upuan.

"Kayang kaya mo yan. Ikaw pa." sambit ko at hinalikan siya sa labi.

Thank you, Kristine.

Nagulat ako at bahagyang lumayo kay Adrian na nakapikit. I just heard Gino's voice inside my head. Bakit ko siya naiisip?

Inaya ko ang asawa ko na kumain bago kami tuluyan magpahinga. Pagkatapos ay, nauna akong umakyat sa kwarto para ayusin ang maletang dadalhin niya sa Friday ng gabi. 12 midnight ang check in niya.

Nasa shower room pa si Adrian habang tinitiklop ko ang mga dadalhin niyang polo at pantalon.

Hindi ko maiwasan maging mapalagay sa mga nangyayari. Kapag nakaalis si Adrian, mas lalo akong mapapraning.

Patulugin ko kaya si Rica dito habang wala akong kasama. Hindi pwede. Magtatanong siya kung bakit.

Natutuliro na ako. What more will happen habang tumatagal ako sa Villamontes? I don't want to cheat.

Its a mortal sin. Hindi.. Hindi pwede..

Nakatulog ako sa pag-iisip at hindi ko namalayan. Naiwanan ko ang mga gamit ni Adrian na hindi ko natapos tiklupin. Paggising ko nalang kinabukasan, ay nakasuot na ako ng pajamas ko. Baka binihisan ako ni Adrian, habang tulog.

__

Nangangalumata akong pumasok. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil kailangan kong gumising ng maaga, para ipagluto ng breakfast si Adrian. Tapos babyahe ako ng Ortigas. Maabutan ko nanaman kasi ang rush hour sa umaga. At hindi ko maafford ang malate.

"Goodmorning!" nanindig ang balahibo ko habang nasa harapan ako ng isang elevator at hinihintay itong magbukas. Hindi pa man ako lumilingon, I know its Gino.

"G-Good m-morning.. Sir." may nginig pa sa pagbati ko. Hindi ko siya tinignan at nakayuko lang ako habang nagsasalita. Bakit ba lagi kaming nagkakasabay!

Nagdadasal ako na sana may kasabay kaming pumasok sa elevator. Ayokong dalawa lang kaming sasakay. Hindi ako makakahinga.

"Bukas na!" narinig ko siya sabay hinila niya ako papasok sa loob. Hindi na ako pumalag. Magkasama kami sa loob paakyat sa ikasiyam na palapag.

Naaaninag ko ang itsura niya sa salamin ng elevator. Nasa likod ko siya at doon nakatayo. Tahimik lang siya habang hawak ang phone na tila may tinitignan.

Hindi na ako magtataka bakit nakakaintimidate ang itsura niya sa paligid ng mga kadalagahan. Kung dati gwapo siya sa paligid ng mga kolehiyala. Ngayon mas gumwapo siya sa paligid ng lahat ng kababaihan. Bata, matanda o may asawa.

Napahawak ako sa labi ko. Pati talaga may asawa? Anong naiisip ko?

"You okay? Nahihilo ka ba?" nagulat ako nang lumapit siya. He thought na nahihilo ako dahil hawak ko ang bibig ko. "O-okay lang ako." sagot ko but he is not convinced.

"May phobia ka pa din ba sa enclosed places?"

He remembers? ..

Bumukas ang pinto ng elevator at mabilis akong lumabas. Iniwan ko na siya ng walang paalam at nagtungo agad ako sa opisina. Parang may vibration ang dibdib ko kanina. Sa sobrang lakas ng kabog nito ay hindi ako nito pinapayagan huminga.

He remembers na claustrophobic ako..

Nanginginig akong naupo. At binaba ang dala kong gamit. Adrian doesn't remember na takot ako sa mga enclosed places. Kahit lagi ko sinasabi, pero napagod na akong magpaalala kasi lagi kaming sumasakay ng elevator kaya nasanay akong tiisin ang takot dito. Kahit minsan nagpapasama ako sa pagbabanyo lalo sa maliliit na cubicle ay iniwasan ko dahil ayokong makaabala sa asawa ko.

And yet its seven years..

"Goodmorning Ate Vi!" binati ako ni Jed pagkadaan niya sa likod ko. Kasabay niya si Mam Janna na may dalang kape na galing Mcdo.

"For you." sabi niya at binaba sa mesa ko ang kape. Nagpasalamat ako at tinanggap iyon.

Inilihis ko ang pag-iisip ko tungkol kay Gino. Nagfocus ako ngayon sa trabaho at sa trabaho lang.

__

"Kaya mo na bang irevised ito?" asked Mam Janna ng iabot sa akin ang isang USB. "Ah opo. Kaya ko na po." sabi ko at tinanggap ang binigay niya. Nakadukdok lang ako sa harapan ng computer. Medyo lumamig na din ang kapeng itinimpla ko pa kaninang alas-nuwebe.

Napansin kong labas masok ng opisina si Sir Leo. Kanina pa siya ganito at, nakita ko nanaman siyang lumabas galing sa opisina ni Ate Marika.

"Paakyatin niyo nalang kasi. Baka sabihin pa non, pinagbabawalan siyang makita si Gino!" nagulat ako sa sigaw ni Ate Marika mula sa labas ng pinto. Lumapit agad si Sir Leo sa telepono at tila may kinausap. Nagtataka ako bakit kakaiba ang kinikilos nila. Hinila ko ang upuan ko papunta sa mesa ni Jed.

"Anong meron?" bulong ko sa kaniya. Lumingon sa akin si Jed. "May investor.. hindi.. anak ng investor ang naghahanap kay Sir Gino." sabi niya at nakatingin din siya sa hallway patungong elevator.

"Sinong anak?" curious kong tanong. Natigilan si Jed sa pag-iisip. "Its.. Rosette.. Rosette ano yon.." nakalimutan niya ang buong pangalan. Maya maya napansin namin ang ilan lalakeng nakaitim at tuloy tuloy sa pagpasok sa loob. Natahimik kaming lahat.

Nakatayo sila sa pinto na para bang may hinihintay.

"Behave kayo guys. Mag aalboroto si Sir Gino nito." narinig ko si Mam Janna na bumubulong sa amin. Nakita ko kaagad ang isang babaeng naka itim na fitted dress. Mataas ang takong ng heels na kumakatok sa tiles na lapag. Nakasalamin siyang tinted, at sumasayaw sa likuran niya ang mahabang buhok. She looks familiar.

"Where is Gino? I want to see him." manipis pero malamig ang tinig ng babae. Walang umiimik sa amin lahat. Nakayuko lang ako habang si Jed nakatanaw sa divider. Hindi rin lumalabas ng opisina si Ate Marika.

Tumingin ako kay Mam Janna na umiiling.

"Ikaw? Where is Gino?" halos mahulog ako sa upuan nang tapikin ako nito sa balikat. Lumingon ako sa babae pagkatanggal niya ng salamin.

"Fuck." naibulong ko.

"Violet!Is that you?" she recognize me. Dahan dahan akong tumayo. Now I remember this woman. She is Rosette Maria Araneta. Isa siya sa may malalim na pagkagusto kay Gino eversince college.

"Rosette! What are you doing here!" boses ni Gino. Nakatingin na kami sa kaniya. Nakayuko lang ako, ayaw kong may lumabas sa bibig ni Rosette na alam kong pagsisisihan ko.

Tumawa si Rosette. "Hindi ko alam na dito nagtatrabaho ang ex- girlfriend mo." nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Lumihis ang tingin nilang lahat sa akin.

"Ano ba Rosette, marami akong ginagawa." sigaw ni Gino. He sounded irritated. Ayokong sumabay. Lumakad palayo si Rosette. Nanlulumo ako sa lumabas sa bibig niya.

"Heto na, may pinapadala si Daddy." sabi pa niya at sumunod siya kay Gino papasok sa isang kwarto. I just saw her looking at me giving a grin. Naiinis ako sa kaartehan niya. Hanggang ngayon walang pinagbago ang bitchesa niyang ugali. Parang nakahinga ng maluwag ang bawat isa sa amin nang mawala siya.

"Violet? Magkakilala kayo ni Sir Gino at ni Ms. Rosette?" tanong agad ni Mam Janna sa akin. Ayaw ko naman magsinungaling.

"Opo. Since college." nakayuko ako habang sumasagot sa kanila. "Kaya pala, sabi ni Sir Gino bago ka dumating. That we should treat you well." sabi pa ni Sir Leo. Nakaramdam ako ng hiya. Wala naman akong balak pang ungkatin ang nakaraan or ipagyabang na minsan naging ex ko ang may-ari ng Villamontes. Baka mas lalo pa akong mahiya kung malalaman nila kung bakit kami naghiwalay.

"I guess what a small world, ika nga." sabi ni Mam Janna. "Hey, if you need to talk someone. Wag ka mahiyang lumapit." wika pa niya. Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Nahalata siguro niya na hindi ko gustong lumabas sa bibig ng ibang tao ang matagal ko ng tinatago.

Bumalik kami sa normal, at nagpatuloy sa trabaho. Inalis ko sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Alam mo ba, ako ang pinakamatagal na empleyado ni Sir Gino dito." nagulat ako nang lumapit si Mam Janna sa akin. "Talaga po?" she nodded.

"Oo kaya kahit sabi niya tawagin ko nalang siyang Gino. I insist kasi boss ko pa din siya." patuloy pa niya. "Pero alam mo, sa tagal ko nagtatrabaho dito. He never showed sincerity to any woman who liked him. Akala ko nga bakla yan si Gino." hindi ko maiwasan matawa.

"But so you know, nang dumating ka dito. He always look at you he never did to anyone." hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Mam Janna.

"Pero may asawa na po ako. Saka mag ex nalang kami." dahilan ko.

"Yeah, too bad for him no." napahawak ako sa kwelyo ng suot ko. Sumisikip ang paghinga ko na tila sinasakal ako. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Don't worry. Your secret remains here." ngiting sabi pa ni Mam Janna at lumapit na siya kay Jed.

Bakit niya sinabi yon? Too bad for him? But actually he can pick any girl he wants? Why settle for a married woman like me? Bakit ako.. Naghihiganti ba siya?

Lutang nanaman ako sa maghapon. Hindi ko na nga alam kailan umalis si Rosette pero ayoko na muli pa kaming magkabanggaan. Kung gusto niya si Gino, sa kaniya na. Magsama sila.

Alas-singko y media ako nakapag out. At dahil mag isa lang akong nagtutungo sa Mrt Station. Nauna na akong umalis kina Jed. Tumatakbo na ako para di ako gabihin sa paglalakad.

"Ay tokwa." sabi ko nang muntikan akong madulas sa nilalakaran. Nakalimutan kong magpalit ng tsinelas. Sandali kong hinubad ang heels ko at nagpalit.

"Dito ka talaga nagpapalit ng tsinelas?" nabitawan ko ang bag ko. Pagkaangat ng tingin ko, I saw him once again.

"Bakit ka nandito?" gulat kong tanong kay Gino. Palagi nalang ba kaming magkakabangga sa daan.

"Uuwi na. Eh ikaw?" he talks casually na parang hindi ako umiiwas sa kaniya at hindi siya mukhang stalker sa ginagawa niya.

"Uuwi na din." matigas kong sagot saka nagmadaling umalis. Hindi ko hahayaan sabay nanaman kami sa pagsakay ng tren. Nakakarami na siya.

"Kristine!" narinig ko siya. Pumikit ako, nagkunwaring walang naririnig. Kailan ba niya titigilan ang pagtawag sa akin ng Kristine?

Binilisan ko ang paglalakad.

"Kristine! Ano ka ba!" sigaw niya at hinawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako at napahawak ako sa dibdib niya. He almost hugged me.

Bumusina ang isang kotse na humaharurot sa daan. Hindi pa naka pula ang stoplight. Halos manlumo ako na muntikan na akong masagasaan kundi ako hinila ni Gino.

"Ano ka ba! Sinabi ko sayo ayusin mo yan tinatawiran mo!" natigilan ako nang magsisigaw na si Gino. Binitawan niya ang braso ko.

"S-sorry." nasambit ko.

"What if something happened to you! Anong gagawin ko ha! Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako!" tuloy tuloy siya.

Those words remind me of something beneath the past.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Para kaming mag-asawa na nag aaway dahil sa maling pagtawid sa kalsada. I looked like a poor kid being scolded by her older brother. He's always been this overprotective. Naiinis nga ang ibang kababaihan sa ganitong pag-uugali ng mga lalake. But not Gino, dahil pagkatapos niyang manermon at mag-alala. He will hug you and remind you how much he cares for you.

__

February, 2010

Nagmamadaling umangkas ng bike si Violet.

Kasalukuyan, Intramurals sa unibersidad at may kaniya kaniyang palaro at aktibidad ang bawat kurso.

May mga sports competition, cheering squad battle, at iba't ibang booths mula sa mga iba ibang departamento.

"Violet! Hindi kana man marunong umangkas diyan e. Kagagalitan ako ni Gino." sigaw ni Rejie sa dalaga.

"Marunong ako umangkas. Saka marunong tong si Joseph magbike." pangangatwiran pa ni Violet. Napahinga ng malalim si Rejie. Ayaw talaga kasing magpapigil ng kaibigan. At wala si Gino para pumagitna. Dahil miyembro ito ng Student Government, abala ito sa paglilibot sa campus para imonitor ang mga kaganapan sa mga aktibidad.

Kaya malaya si Violet na maging pasaway.

"Nako, pag nakita ka ni Gino. Lagot tayo pare-pareho doon." sabi pa ni Rejie at pinayagan na niyang hiramin ni Joseph ang isang bike na pinaparentahan niya.

Madami ang nagbabike at nagrerenta sa kaniya para hiramin ito at ilibot sa campus sa loob ng trenta minutos. Magbabayad lang ng limang piso kada renta. At ang maiipon pera ay idaragdag sa pondo ng klase. Ito ay ilan lang sa plataporma ni Gino bilang Vice President ng Student Government. At dahil second years na sina Rejie, obligado na silang sumali sa ganitong programa.

"Joseph! Ingatan mo si Vi!" sigaw na muli ni Rejie habang pinapanood magbike ng pagewang gewang ang kaibigan habang nakaupo sa likod si Violet.

"Talagang pinayagan mo?" narinig niyang sinabi ni Sandra.

"Anong gagawin ko? Pasaway ni Violet. Ang kulet!" sabi niya. Pinunasan ni Sandra ang namuong pawis sa noo nito at inabutan ng water jug.

"Aaah!" nabitawan ni Rejie ang water jug nang madinig ang sigaw ni Joseph. Malayo palang nakita nilang nakatumba na ang bike at nakaupo sa sahig si Violet. Nagtatakbo sila papunta dito.

"Patay.." sambit ni Sandra nang makita ang galos ni Violet sa tuhod. Napasalo nalang sa noo si Rejie sa nakita.

"Please, wag niyo na sabihin kay Gino." nakikiusap si Violet sa kanila. Tumayo naman si Joseph at nagpagpag ng suot. May gasgas siya sa kaliwang siko.

Nagkatinginan ang tatlo. Sinoman ang sundin nila, pare pareho silang pagagalitan.

"What happened here?" nanigas ang tatlo sa kinatatayuan nang marinig si Gino sa likuran nila.

"Gino! Ang aga mo naman dumalaw sa booth namin?" nakatawang sabi ni Rejie. At saka hinagis kay Violet na nasa likod niya ang towel nito.

"Nandito kasi si Kristine, kasama niyo so I just wanna.." he paused and saw Violet's bruise na pilit tinatakpan ng dalaga ng towel.. "Ano yan!" sigaw niya agad at napapikit si Sandra.

"What happened to this?" tanong niya at hinawakan ang tuhod ng dalaga. "Its just bruise. Wala yan, malayo sa bituka." katwiran ni Violet. Nagsalubong ang kilay ni Gino.

"Wag mo sabihin, ipinilit mo nanaman ang gusto mo kina Rejie." totoo ang sinabi ni Gino at naiinis siya.

"Eh ano naman, gusto ko magbike e." sagot pa niya at tinanggal ang kamay ni Gino sa tuhod niya.

"Kristine! Ano ka ba! Hindi mo ayusin ang ginagawa mo. What if wala ako and something happened? Hindi ka nag-iingat." Gino always been overprotective.

"I'm sorry.." nasambit ng dalaga nang mapansin nagagalit na ang nobyo. Bumuntong hininga si Gino. Nakita naman niyang nagsisisi ang dalaga sa ginawa. Hinawakan niyang muli ang tuhod ng dalaga at dahan dahan idinampi ang labi sa gasgas nito. Nagulat sina Sandra.

"Don't make me worried again." wika pa nito.

Gino is always been overprotective. And he will always be..

__

iamnyldechan