Chapter 7 - Six

Gumaan ang pakiramdam ko knowing that Ate Marika will supervised us for a short period of time.

"Coffee po nandito na." sabi ni Jed saka ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa mesa. Bumalik siya sa inuupuan niya habang nagbabrowse sa cellphone niya. Habang magkaharap kami ni Ate Marika at nagkukwentuhan. She invited us to her office.

"Hindi ko akalain na ikaw yon tinutukoy ni Gino. If I know, ako pa susundo sa inyo sa Manulife." masaya niyang wika. Ngumiti ako. She's been kind to me eversince, at natutuwa ako na hindi siya nagbago. Despite of what happened.

"Ako nga din, Ate. Sabi ko na ikaw yon e. Kanina pa kita tinitignan." sabi ko at humigop sa tasang hawak ko.

"But, Gino said you were already married? Totoo ba?" she sounded disappointed. Tumango ako then she sighed. "Akala ko pa naman kaya babalik si Gino because he wants to reunited with you. Ayon pala, huli na." inis niyang sinabi. Pinilit kong ikinukubli sa mga ngiti ko ang mga pagtatanong na yon.

"Samantalang hindi siya nag-asawa or girlfriend man lang kasi akala ko he is saving it for you. Tapos nag-asawa kana pala. Sayang naman." pag ulit niya. Alam ko na siya ang unang unang manghihinayang sa relasyon namin ni Gino. Siya din kasi ang unang nagsabi noon, na susuportahan niya kaming dalawa.

"I bet naman, that Gino is happy now with the life he has." sabi ko.

"Happy? Gino? You got it wrong, Violet. Because.." naputol siya sa pagsasalita nang makita namin ang isang lalakeng nakatayo sa may pintuan.

"Hindi ko kayo binabayaran para makipagkwentuhan lang." nagulat ako when Gino spoke and sounded aggravated. Napatayo agad si Jed sa padekwatro niyang pagkakaupo.

"Hey. I just welcomed them kaya nandito sila sa office ko. Don't be so strict." pakiusap ni Ate Marika. Naiilang ako sa gitna nilang dalawa. Tumayo ako at yumuko bilang paghingi ng tawad. I should be professional.

"Sorry. We won't do it again." sabi ko habang nakaharap sa kaniya at saka lumipat ang tingin ko kay Ate Marika. "Mauna na po kami." paalam ko , then Jed and I exited the room.

Paglabas ng kwartong iyon, pakiramdam ko nakahinga ako sa pagkakalunod sa sarili kong hangin. The aura was intense. Siguro dahil sa pinapakitang presensya ni Gino. I've never seen him mad like that before. Akala ko nga hindi na darating sa punto na makikita ko siyang magalit. Dahil hindi siya marunong magalit. He always had this long string of patience na parang hindi nauubos. At ngayon kasing bilis ng nauupos na sigarilyo nalang ang pagtitimpi niya.

How did he changed like that?

__

"That is absurd." wika ni Marika sa nakababatang kapatid. Lumihis ang tingin ni Gino sa pinto para silipin kung may nakikinig pa. At saka pinakawalan niya ang mabigat na dinadala.

"I need to do that." matipid niyang sagot. "For what? Para matakot sayo si Violet?" Marika begin to raise her voice.

"Ate, if you just saw how Kristine looks at me. Ibang iba na.. I don't think mababawi ko pa siya.." may lungkot na pahiwatig ang mga sinabi ni Gino. Bumuntong hininga si Marika at nilapitan ang kapatid.

"Hey.. Wag kana man sumuko.. Sumuko kana noon diba? Hindi mo pa ba siya ipaglalaban ngayon?"

"Madaming ng bagay ang nakatanim sa utak niya ngayon. White lies that totally changed her love into hatred." saad niya sa magaspang na tono.

"Yes.. Pero hindi kaya nitong bulagin ang isang pagmamahal na noon palang ay nakatanim na." sabi pa ni Marika at itinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib ng kapatid.

"Nandito ka pa.. She's just confused." she continued. At sabay niyakap si Gino. "She will understand soon."

__

Tinulungan ako ni Mam Janna na makapagsimula sa bagong tasks ko as Financial Consultant ni Gino. At dahil nasa Finance Department ako, mas mapapadali ang pag-aaral ko sa pagtakbo ng pera ng kompaniya. Jed, on the other hand ay tinuturuan ni Sir Leon. Magkasama sila sa Inventory.

"Mabilis kana man pala matuto." bati ni Mam Janna sa akin. I blushed dahil galing ang papuri sa isang Finance Supervisor na mas maraming experience kaysa sa akin.

"Salamat po." nahihiya ko pang sinabi. "Ang dami na kaya nahired na Consultant dito. Kaya lang ayon na demote kasi hirap sila sa pakikitungo sa Boss." aniya at kinuha ang ilan folder sa ibabaw ng mesa niya saka inilipat sa mesa ko. Nacurious ako kung bakit.

"Bakit po? Masungit ba si Sir Gino?" pagtatanong ko. But from what I remember. Hindi siya masungit.

"Hindi naman. Pag kasi gwapo ang kaharap, natatameme sila. Ayaw ni Gino ng ganoon." hindi ko maiwasan matawa sa narinig. Parang isa ako sa nga babaeng iyon kung aalalahanin ko kung paano ko nakilala si Gino.

"Totoo, ayaw talaga ni Gino ng ganoon." bungisngis kong sinabi at tumingin sa akin si Mam Janna. I just realized I call Gino in his firstname as if we were close.

"Este, si Sir Gino. Mukhang ngang ayaw niyang tinitignan." pag iiba ko. Sinalo ko ang dibdib ko. Kinabahan ako doon.

"Pero alam mo, mabait naman yon. Sabi ni Mam Marika sa amin, non nagsisimula kami dito. Sir Gino was just testing us kaya siya nagsusuplado." paliwanag niya. Nangiti ako. He is always like that. Testing everyone's loyalty. At masasabi ko na ito ang paraan niya para malaman kung mapagkakatiwalaan ang isang tao. Masasabi kong hindi pa din pala siya nagbabago.

Halos kahalati ng araw ay hawak kami ni Mam Janna, pagkatapos niya akong turuan sa pag-aaral ng Book of Accounts, nagkayayaan silang kumain ng lunch.

"Sumabay na kayo sa amin, Violet at Jed!" tawag sa amin ni Sir Leo na nag aayos ng gamit niya. May isang maliit na cafeteria na katabi lang ng gusali. Doon daw sila kumakain every breakfast, lunch at dinner. Masarap at affordable ang pagkain kaya nirefer nila kaming kumain doon.

"Sama na tayo Ate Vi para makaclose natin sila." bulong ni Jed sa akin na panay hila sa braso ko. "Oo sasabay tayo." inis kong sagot sa kaniya. Binitbit ko ang shoulder bag ko at nagtatakbo pasunod sa kanila sa elevator.

Pero bago pa man magsarado ito..

"Wait, hindi niyo ako hinintay." nagulat ako nang harangin ng palad ni Gino ang pagsasara ng pinto.

What! Kasama naman siyang kakain!

Umatras ako at doon pumwesto sa likuran ni Sir Leo at Mam Janna. Habang si Jed nasa harapan at katabi si Gino.

"Kasabay kana min kakain Sir Gino?" excited na tanong ni Jed. "Oo, lagi namin kasabay yan si Sir, hindi ba namin nabanggit?" tanong agad ni Sir Leo.

"Oo, lagi ko sila kasama kumain. Ako pa nga nagturo ng cafeteria sa baba e." sabi pa ni Gino. Hindi ko maiwasan matawa habang pinapakinggan sila. The way Gino talked with his employees ay parang mga barkada lang niya.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa nasabing kainan. And I didn't expected na madami ang kumakain doon. Nakakuha agad ng pwesto sina Sir Leo. Doon ako naupo sa tabi ni Mam Janna at Sir Leo habang kaharap ko naman si Gino. Nakakailang.

"Manang, oorder kami!" tawag ni Gino sa isang matandang may dalang menu. Pagkakita niya sa amin, nakangiti na siya.

"Nako, ang gwapong suki ko nandito na ulit. Kailan ka bumalik?" she's looking at Gino. Magkakilala sila?

"Last week lang Manang Adel. Order nga po kami non specialty niyo. May mga bago kaming recruit eh." sabay tumingin siya sa akin at kay Jed. Nahiya ako at yumuko.

"Oo ba. Sige sige bibigyan kita ng libreng barbecue ha. Kasi kakauwi mo lang." sabi pa ng matanda at kinurot sa pisngi si Gino. Naririnig kong nagtatawanan sina Mam Janna.

"Sir Gino talaga oh. Sobrang close mo diyan kay Manang Adel." sabi ni Mam Janna.

"Oo, parang nanay ko na yan e. Saka non.. " tumigil siya at tumingin sa akin. Saka lumihis ang mga mata kay Jed. "Kamusta ang first day dito sa Villamontes?" pag iiba na niya ng usapan.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Bakit parang may hindi ako alam? Bawat tingin ni Gino sa akin ay may ibigsabihin. Lalo akong nananabik na alamin yon pero natatakot ako sa pupwedeng isugal ko kapag ginawa ko iyon.

Si Adrian..

__

Hanggang alas-singko lang ang office hours ng Villamontes. Ibigsabihin hindi ako mahihirapan bumyahe papauwi. Nagliligpit na si Jed ng gamit niya mula sa kabilang mesa. Habang ako tinatapos nalang ang summary report na isesend ko sa Manulife.

"Galingan mo ulit bukas ha, Violet." sabi ni Mam Janna pagkadaan niya sa mesa ko. Nakangiti siya habang dala ang tasa niya. Galing siya sa pantry.

This is the kind of workmates I admire. Iyon susuportahan at hindi ka hihilahin pababa. Humahanga ako dahil ganito ang mga empleyado ni Gino.

Magkakasabay kaming bumaba ng lobby. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala kaming kasamang Gino.

Si Jed, sumabay kina Sir Leo na sumakay ng jeep patungong Greenhills habang ako nagtungo sa istasyon ng Santolan para doon sumakay ng MRT.

Si Mam Janna sinundo ng asawa niya sa tapat ng Villamontes. Kaya mag-isa nalang akong uuwi. Naglalakad ako, at dala ko lang ang isang paperbag na may laman brownies. Nabili ko iyon sa isang branch ng Brownies sa gilid ng Mcdo.

Nakatingin ako sa wrist watch ko habang nakapila na ako sa pagpasok ng MRT. Dahil alas-singko, karamihan ay papauwi na kaya't mahaba ang pila.

"Ang bagal ng usad." bulong ko habang lipat lipat ang tingin ko sa oras. Pinagpapawisan na ako at sirang sira na ang make up sa mukha ko. Mabuti nalang nagbaon ako ng tsinelas, kaya't hindi ako hirap sa paglalakad.

Ilan minuto pa ang lumipas nakahanap ako ng space sa loob ng tren. Nakasiksik ako sa isang grupo ng mga estudyante. Huminga ako ng malalim. Matagal-tagal ang byahe ko dahil sa SM North pa ako bababa. Naghihintay pa ang tren ng mga sasakay.

"Dito ka din pala sumasakay?"

AH!

Napasigaw ako nang makita si Gino na nakatayo sa gilid ko. Nakahawak siya sa pinakamataas na barendilyas. Pinagtinginan tuloy ako dahil sa walang preno kong sigaw. Nakakahiya.

"Anong ginagawa mo dito!" tanong ko sa kaniya. Hindi ba't may sasakyan siya?

"Pinahatid ko si Manang Adel kaya I decided to take the train." paliwanag niya. Nagtataka ako bakit ganoon siya kalapit sa matanda at ipinahatid pa niya gamit ang sasakyan niya sa bahay nito. Habang siya nandito, nakikipagsiksikan sa tren.

Natahimik ako sa kinatatayuan ko. Naririnig ko ang ilan babaeng estudyante sa likod ko na nagbubulungan.

"Ang gwapo niya no. Ang tangkad pa..." sabi ng isang dalaga. Napaismid ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng lalake? Hinawakan kong mabuti ang dala kong paperbag. Paghinto ng tren sa sumunod na istasyon, lalo pang sumikip ang natitirang espasyo sa loob. At kahit ayokong dumikit sa kaniya ay doon kami lalong walang mapagpilian.

"You better hold here. Baka ma-out of balance ka." sabi niya habang tinuturo ang isang bakal na nasa tabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You don't have to remind me." sabi kong pasuplada sa kaniya. At dahil matigas ako, I tried to hold on something maliban lang sa tinuturo niya.

"Oh fuck." I whispered, and realize na hindi ko abot ang bakal na nasa harapan ko. Napahiya pa ako sa sarili kong kagagahan.

I heard him chuckled. Asar!

"I told you hold this." he grabbed my hand at doon inilagay sa bakal. Nagpipigil pa siya sa pagngiti.Lumipat siya ng pwesto para hindi siguro maging awkward sa amin dalawa. Sinundan ko siya ng tingin. Nakatayo na siya sa likuran ko habang nakaharap siya sa kabilang pinto.

I don't know why but I felt weird having him around.

Hindi na siya nakakatakot pang harapin.

Muli sumagi sa isipan ko ang mga panahon sabay pa kaming sumasakay ng MRT.

__

December, 2009

Nagmamadali ang dalawa na sumingit sa pila. Mag-aalas onse na at may isang oras nalang sila para bumyahe patungong Sampaloc. May klase silang dalawa ng alas dose.

"Madadapa ako, Gino!" sigaw ni Violet sa nobyo. Pero hawak lang siyang mabuti ng binata hanggang sa mahabol nila ang pagsasara ng pinto ng tren.

Pareho silang hingal na hingal at pawisan. Humugot agad si Gino ng towel sa bag at saka pinunasan ang mukha ni Violet.

"Sorry ha. Sabay pa tuloy tayong malelate." sabi ni Gino. Umiling ang dalaga. "Okay lang. Sana sinabi mo na dito tayo sasakay edi nagrubber shoes ako." natawa si Gino. Miyerkules kasi at suot nila ang pang araw araw na uniporme kaya't nakablack shoes din si Violet. Pinaupo niya ang nobya habang siya nakatayo sa harapan nito at nakahawak sa mga bakal.

"Bakit di ka din maupo?" tanong ni Violet.

"Baka mamaya may tumayo dito sa harapan mo e. Sabihin mo nanaman nakakita ka ng gwapo." hindi maiwasan matawa ni Violet sa sinabi nito. Hindi bagay kay Gino ang maging sensitibo.

"Masyado kang seloso." biro ni Violet.

"Hindi no. Dapat ako lang gwapo sa paningin mo." at sabay natawa ang dalaga.

__

iamnyldechan