Tumatakbo ako patungo sa parking lot nang malaman kong susunduin ako ni Adrian. Humahampas sa beywang ko ang body bag na dala ko. Wala akong balak ipaalam sa kaniya na bukas ay iba na ang workplace ko. I don't want to cause Adrian any troubles. Lalo na ngayon na masiyado din siyang abala sa trabaho.
"Let's have dinner outside." sabi niya nang makasakay ako ng kotse. Binaba ko ang dala ko sa may backseat.
"Talaga? Aba.. May goodnews ka ba at bigla kang nag-aya na kumain?" nakatawa kong tanong sa kaniya. Nakangiti lang siya at nagsimulang magmaneho. Hindi niya sinabi ang dahilan bakit siya nagyaya kumain. Tumuloy kami sa isang western restaurant sa Tomas Morato.
Nag order siya ng isang buffet. Pakiramdam ko parang hindi na kami kakain bukas dahil sa dami ng pagkain binili niya. I don't know what's got into him.
"Mahal, ano ba talaga ang meaning ng panlilibre mo ngayon?" curious kong tanong. Hindi na kasi ako mapakali sa ideya na may nagaganap at nag-aya siyang lumabas. Nakangiti sa akin ang asawa ko, he seems excited.
"I was promoted Mahal. At kasama ako sa Singapore to attend a management training." nagulantang ako sa narinig. This is what he dreamed of.. Ang maging candidate for a higher position. Parang sunod sunod ang swerte namin ngayon.
"Really! That's a big news." tuwang tuwa ako at napatayo sa kinauupuan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinagkan sa labi. His effort paid off at napakasaya ko because he deserves it.
"I was in shock pa din, Mahal. Kaya lang..." he paused and look worried. Alam ko ang ipinahihiwatig ng mga mata niya. "Maiiwanan kita dito, Mahal. I'll be gone for weeks. At mag-isa ka lang dito."
Ngumiti ako. He still worries.
"Ano ka ba, hindi naman ako mapapano dito. At isa pa, hindi mo pwedeng tanggihan yan." sabi ko at saka hinawakan ang mga kamay niya. "Don't worry, ilan weeks ka lang naman mawawala. We could call each other every once in a while." hindi to ang oras para pigilan ko siya, its our jobs that matter the most. Like Jed said, kailangan ihiwalay ko ang trabaho sa personal na buhay.
"I know Mahal. Kaya lang walang gigising sayo or make your breakfast. For sure, mangangayayat kana naman niyan after I'm gone." tumataba na nga ako sa masasarap na pagkain niluluto niya.
"Grabe ka sa akin, Mahal. Don't worry mas maaga pa ako sayo gigising." biro ko at natawa kaming pareho. Lumapit sa amin ang isang food server at inayos ang mga pagkain inorder ni Adrian. Its like a despedida.
Nalulungkot ako sa ideya na mawawala sa tabi ko si Adrian ng maikling panahon. At natatakot sa pag-iisip that Gino is just out there.
"Mahal, nabalitaan mo ba na, Gino just came back." halos mabulunan ako sa kinakain. Did Gino called him? Nagkita na kaya sila. Sari saring scenario ang tumatakbo sa utak ko. Nakakapraning.
"T-Talaga.. K-Kailan pa?" hindi ako makatingin kay Adrian habang nagsasalita siya.
"Well, some of our classmates told me. Nakipagkita daw si Gino sa kanila, kamakailan lang. Hindi ko akalain, na babalik pa siya." His tone changed. I knew it. Hindi talaga magandang ideya na banggitin si Gino.
"Mahal, I know Gino.. At alam kong kilala mo din siya." anito habang nakatingin sa iniinom. "Please, ayokong magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya." pakiusap niya. Alam ko naman na manggagaling sa kaniya iyon. Kahit naman ako ayoko na, tapos na lahat sa amin ni Gino.
"Yes, Mahal. Wag ka mag-alala. What matters to me is our growing family." sambit ko at gumaan ang pakiramdam niya. Ngumit siya at kinuha ang palad ko at saka hinalikan.
"I know, Mahal. Ganundin ako." inubos namin ang lahat ng pagkain na binili niya. He said na aalis siya sa darating na weekend. Kaya kailangan ko siyang asikasuhin. Although he already knew about Gino's comeback, hindi ko pa din nasabi sa kaniya ang totoo. I am working under Villamontes starting tomorrow.
Siguro ay pansamantala ko munang itatago sa kaniya ang totoo.
Maaga akong nagising para sana ipagluto si Adrian. Gusto ko man lang na magampanan ang mga tungkulin ko bilang asawa bago siya umalis. I will missed him, of course kaya't hindi ko sasayangin ang oras na kasama siya.
"Wow, ang daming pagkain!" namangha siya sa mga inihain ko. May baon na din kaming lunch at meryenda. Nakangiti ako habang kaharap ang coffee brewer. Naghahanda ako ng kape niya. Suot ko pa ang blue apron na ginagamit niya kapag nagluluto.
"You really are amazing." saad niya at yumakap mula sa likuran ko. Dumampi ang labi niya sa bandang leeg ko leaving an intimate sensation. Nagpakawala ako ng mahihinang pag-ungol sa lalamunan ko. When was the last time we made love? Hindi ko na matandaan.
"Mahal..." nasambit ko habang unti unting gumagapang ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko. Mariin niya itong pinisil at saka nanlambot ang mga tuhod ko.
I feel the moist of his kiss in my nape. Mainit, humahagod, at nag iiwan ng kakaibang kilabot.
"Aah.. Mahal..." paulit ulit ako habang lumilikas ang kamay niya sa loob ng suot kong blouse. Ang malikot na paggalaw ng labi niya sa leeg ko at gumagapang sa mukha ko.
Our eyes meet.
Pumikit ako. At saka humarap kay Adrian so we can enjoy each others lips. Naamoy ko na ang kapeng barako na humahalimuyak sa buong kusina. And the perfume Adrian used.
I'm starting to get turned on.. I need more..
"Mahal.." dumilat ako nang tumigil si Adrian sa paghalik sa akin. Nakatingin siya sa phone ko na tuloy tuloy sa pagba-vibrate sa ibabaw ng mesa. Kumulot ang noo ko. Were almost there. At naudlot talaga.
Ngiting aso ako sa pagkuha sa phone ko. I saw Jed's number. Hindi ko alam bakit siya tumatawag.
"Is that Jed?" asked Adrian pagkabalik sa upuan niya. Inaayos na niya ang gumulong necktie niya. Tumango ako.
"Baka may early meeting kayo, kaya tumatawag." I don't think its about meeting. Ito ang unang araw na lilipat kami ni Jed, pansamantala sa Villamontes. For sure, nakausap na siya ni Sir Jeron kaya panay na ang tawag niya sa akin.
I don't have any choice but to get there early.
"Ihahatid na kita." sabi ni Adrian nang mapansin inaayos ko na ang bag ko. Umiling ako. "Wag na, Mahal. Matatraffic ka pa kung iikot ka." pag alibay ko.
"Are you sure? Mahal?" tumango ako at saka yumakap sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Oo. Kumain kana diyan okay. Aalis na ako." paalam ko and he just nod. Naiwan ko na siyang kumakain sa may hapagkainan.
Naiinis ako dahil napakagandang tyming talaga ni Jed para tumawag. Maaga pa, its almost eight ng umaga. Alas-nuebe pa bukas ang opisina. Bakit sila nagmamadali.
Nakababa ako ng jeep at sasakay ng MRT station papuntang Muñoz. Naglalakad na ako patungo sa istasyon.
"Ate Violet!" nagulat ako sa sumisigaw. And I saw Jed na kumakaway sa loob ng isang puting Montero Sport. Nasa kabila silang kalsada. How could Jed afford that kind of car?
Binalak ko sana na tumawid sa kabilang kalsada pero sumigaw agad si Jed at sinabing hintayin nalang umikot ang sasakyan. Umikot ito sa pinakamalapit na U-Turn slot. Saka tumigil sa tapat ko. Binuksan ni Jed ang pinto.
Sumilip ako sa loob. May isang lalake ang nakaupo sa driver's seat na hindi ko kilala. While Jed was seating at the back seat katabi ang isa pang bakanteng upuan.
"Upo kana dito, Ate." yaya niya at wala akong kamalay malay na sumunod. Ibinaba ko ang dala kong gamit sa gilid. Pagkaandar ng sasakyan, nagsalita ang driver.
"Were going to Villamontes." nagulat ako. Agad agad!
"Ha? Ngayon agad. May naiwan pa ako sa office." siniko ako ni Jed na nag eenjoy sa malamig na aircon.
"Ate, I already packed your things. Nasa likod ng sasakyan, you don't have to worry." bumuntong hininga ako. Parang nasa field trip lang si Jed sa sobrang excited.
Sumandal ako sa komportableng upuan. Mabango ang sasakyan, hindi bagay na ipansundo lang ng mga empleyado. Ganito ba kagalante si Gino? I have no idea.
"Bakit ka ba tawag ng tawag kanina ha." naalala ko ang kalokohan ginawa ni Jed.
"Ah, kasi si Sir Jeron kinausap ako. Pinapatawag ka." paliwanag niya. Bumuntong hininga ako. Halos isang oras ang layo, ng Villamontes. At dalawang beses ang layo sa bahay mula sa Manulife. Magiging problema ko ang pag-uwi ko nito.
Binaba kami ng sasakyan sa isang ten-storey building. At dahil alas-nuebe palang ng umaga, sabay sabay ang paglabas-masok ng empleyado sa lobby.
Walang ibang branch ang Villamontes kundi dito sa Ortigas. Kaya lahat ng transaction ay dito dinadala. I've been here once.. Noon buhay pa si Tito Eugenio na ama ni Gino. Napakabait niya dahil hindi niya pinilit ang anak na sundan ang yapak niya bilang isang negosyante. But Gino ended in the same spot. At mukhang napanghawakan niya ng maayos ang kompaniya kaya't lumago ito higit pa sa inaasahan ko.
Nakasunod kami ni Jed sa driver na nagngangalang Rowell. Dala ko ang isang shoulder bag at lalagyan ng laptop ko. Nahihiya akong makihalubilo sa ibang tao. Siguro ay dahil bagong workplace ito. Mas maraming empleyado dito hindi tulad sa Manulife. Napupuno ang mga elevator sa pagsakay at paglabas ng mga tao. Mahaba ang pila sa information desk.
May konting pinagbago ang gusali. Siguro ang architecture designs at ilan renovations na ginawa. Lumaki kasi ang lobby unlike noon, masikip doon at sama sama ang iilan empleyado at mga nag aapply sa isang pwesto. Ngayon ay napakaluwag.
Tahimik kaming sumakay ng elevator. Jed still is excited to see his new workplace habang ako, nanginginig na sa takot. Takot na muli nanaman kaming magkakaharap.
Nasa ika siyam na palapag ang assigned place namin. Ibigsabihin, malapit kami sa head office. Ibigsabihin, abot tanaw ko lang si Gino. Ibigsabihin more chances to have time with him. Nakakairita.
"Ate, I am curious bakit naghiwalay kayo ni Sir Gino?" napabuka ang bibig ko sa wala man lang prenong pagtatanong ni Jed. Ipapahamak talaga ako nito sa mga makakarinig sa kaniya.
"Ngayon mo talaga itatanong yan.." bulong ko sa kaniya. Tahimik lang sa kinatatayuan niya si Rowell.
"I was curious. Mukha naman kasing mabait si Sir Gino. Saka sabi nila, wala pa siyang asawa."
Tumingala ako at nakita ang nakapalibot na salamin sa buong elevator. The space is triggering my phobia.
"Nagkamali ako na minahal ko si Gino.." sambit ko.
Bumukas ang pinto at sumunod kami kay Rowell. Nagtungo kami sa isang malaking opisina, open space siya, may tatlong cubicle na nakaharap sa malasalamin pader ng gusali. Natatanaw ko na ang buong Ortigas..
May isang lalake at dalawang babae ang nakatutok sa kaniya kaniyang trabaho. Nahihiya tuloy ako na lumapit sa kanila.
"Mam Violet. Dito po ang mesa ninyo habang si Jed dito naman po.." wika ni Rowell at inilapag niya ang dalang gamit sa mesa ko. Jed was so happy at naupo agad sa upuan niya. The new ambiance is really relaxing.. Tahimik, may magandang view at napaka professional ng mga bago namin kasama.
I am hoping na sana wala sa palapag na ito ang opisina ni Gino.
"Goodmorning." nagulat ako nang sumulpot sa amin ang isang babae. Nakangiti siya at dala ang isang brown folder. Nagpaalam sa kaniya si Rowell. Her presence makes me think na nasa higher position siya. Does she related to Gino?
"So you're both from Manulife no? Nabanggit ni Gino." nagsasalita siya na parang komportable siya sa amin. Hindi ko alam kung bakit. But she called Gino in his firstname kaya paniguradong mataas ang katungkulan niya.
"I am Marika Bèumont.." hindi pa man siya nakakatapos sa pagsasalita ay nagtriggered sa utak ko ang pangalan na iyon.
"Ate Marika?" sambit ko at lumingon siya sa akin. She looks puzzled that I called him Ate.. But then gumuhit sa mukha niya ang isang malaking ngiti.
"Is that you Violet Kristine?" pagkatanong niya ay yumakap siya ng mahigpit sa akin. Napatalon pa kaming dalawa habang sabik kami sa muling pagkikita.
Ate Marika is Gino's step sister. And much like tumayong Ate ko noon nakilala ko siya non' highschool kami when I first met Gino.
__
iamnyldechan