Chapter 5 - Four

Nangangalumata pa ako dahil sa puyat. Maaga kaming umalis ni Adrian sa Cavite para dumiretso sa mga kaniya kaniya namin trabaho. Umalis kami sa bahay nina Mama ng alas-kwatro ng madaling araw. At nandito ako sa opisina ng alas-siete. Dalawang Cafe Amerikano na ang nauubos ko. At pakiramdam ko babagsak na ang mga mata ko sa antok.

"Wow. Himala. Ang aga." pang aasar ni Jed sa akin. Binaba niya ang dalang bagpack saka naupo sa tabi ko. Magkatabi lang kasi kami ng cubicle kaya malaya siyang asar asarin ako.

"Wag ngayon, Jed. Masakit ang ulo ko." pagsusumamo ko sa kaniya. Nakasandal ang kalahati ng mukha ko sa mesa. Pati paggalaw ng katawan ko ay mas mabagal pa sa pagong. Nakita kong inilapag ni Jed ang isang Biogesic.

"Kapag naabutan ka na ganyan ni Sir Jeron. Pareho tayong masasabon ng maaga." babala niya saka humaba ang nguso ko at umikot ang mga mata ko.

"Ano bang akala ng baklang yon! Boss siya dito? Supervisor lang siya." sabi ko at saka sumandal sa swivel chair ko. Narinig kong tumawa si Jed. Pareho kasi kami ng saloobin sa baklang bisor namin.

"Bali balita, bibisita dito yon biggest client natin." lumingon ako kay Jed. Nagbubukas na siya ng laptop. "Talaga? Ayos. Makikita natin siya in person." sabi ko na tila namamaos pa. Mukhang sisipunin pa ata ako.

"Sabi daw ni Mam Aida. Gwapo daw." bulong pa ni Jed sa akin. Natawa nalang ako. Wala na akong interes sa mga gwapong lalake. Of course, may asawa na ako. Ang mga mata ko nalang ay nakatingin sa iisang lalake.

Napukaw ng atensyon ko ang isang pop up message sa desktop. Kinatatamaran ko pang kunin ang mouse at buksan ito.

I opened the message.

"Shit!" napahawak ako sa labi ko sa litratong naka attach sa message. Its a picture taken during our college years. Its me and Gino noon ika pitong anibersaryo namin.

"Woah! Hindi yan ang asawa mo ah?" nagulat ako when Jed saw the picture. Tinakpan ko ang desktop ng mga kamay ko. "Tumigil ka nga diyan!" sigaw ko sa kaniya but he insist at pinagpilitan silipin ang litrato.

"May jowa ka pala dati. Mas gwapo kay Kuya Adrian." pang aasar pa niya. Tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Sumisilip na kasi ang iba namin katrabaho na kadarating lang. Dinig na dinig ba naman sa buong opisina ang boses niya.

"Shh. Stop it Jed. This is not funny." matigas kong sinabi saka mabilis na binura ang message. Hindi na nakakatuwa ang nangyayari. Last time, Gino called me. And then we met in person at pagkatapos ngayon may magsesend sa akin picture namin noon.

"May kamukha siya." anito Jed at nanahimik sa kinauupuan niya.

"Jed, please wag mo ipagsabi yon nakita mo. Its just my ex-boyfriend." pakiusap ko.

"I know Ate Vi. Wala naman masama to see some old pictures. Pero may kamukha talaga siya.." bumuntong hininga ako. Ayoko nang pakinggan pa ang sasabihin ni Jed. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Knowing that Gino is a threat.

Sinubukan kong tumayo at magtungo sa comfort room. I need to wash my face. Pagewang gewang pa ako sa paglalakad at parang gusto ko nalang bumagsak.

"Bilisan niyo. Nandiyan na daw yon bago natin client." narinig kong pinagkukwentuhan ng dalawang employee mula sa Finance Department. Nagmamadali silang magtungo sa office namin. Mukhang doon dinala ni Sir Jeron ang kliyente na galing pa daw sa States. Wala talaga akong interes doon pero dahil isa ako sa mga Financial Consultant, kailangan ko siyang makilala. Binawi ko ang pagtungo sa restroom. At tumuloy kasunod ng dalawang babae sa office namin. Sa pinto palang ay nakita ko na silang nakasilip at nagnanakaw ng sulyap sa nasabing negosyante.

Gwapo daw.. Yan ang bukambibig nila. Kahit si Jed, iyan din ang sinabi.

"Nasaan si Violet!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Boses nanaman iyon ng demonyito namin Supervisor. Nahihiya akong lumapit kaya yumuko ako at inisnab ang pagtawag ng baklang yon.

"Violet Castillo!" tinaas ko ang kamay ko nang hindi na siya magbunganga sa pangalan ko. Nang makita niya ako ay salubong na ang mga kilay niya.

Tinawag niya ako para ipakilala ang negosyante. Habang si Jed , nakasunod sa akin. Kinuha ko sandali ang laptop ko at notepad sa mesa bago sumunod sa meeting room. Hindi na nga ako nakapagretouch at haharap ako sa kliyente na para akong hinabol ng kabayo sa itsura ko.

"Magulo ba?" tanong ko kay Jed habang hinihimas ang buhok ko. Umiling siya saka pinunasan ang pisngi ko na may namuong pulbos.

"Letche talaga yan Bisor na yan." inis na sinabi ko. Tatlo kaming Financial Consultant ang pinapasok sa meeting room. Si Jed kasi ang tumatayong trainee ko. Kaya kailangan din siya sa loob. Kaharap ko sa mesa sina Irene, Mia at Jobet na isa din trainee. Nilapag ni Jed ang dalang folder. Magkatabi kami habang nasa unahan naman ang dalawang dalagita.

Maya maya pumasok si Sir Jeron. Inalam muna niya kung kumpleto na kami. And then he called the client na manggagaling sa opisina niya.

Nakayuko lang ako at walang tinitignan. Nahihilo na kasi ako dahil sa matapang na pabango ni Mia na halos katabi ko lang. Talagang nag-ayos pa sila ni Irene, dahil alam nilang gwapong lalake ang makakaharap namin kaya't napakapupula ng mga labi nila.

"Goodmorning. This is our new client from States, Mr. Gino Rosso Villamontes." parang wala akong narinig dahil lutang ang utak ko.

"Violet!" sigaw sa akin at saka ko lang namalayan nakatingin silang lahat sa akin. Nakatayo na pala silang lahat at kinakamayan ang kliyente namin.

Nanggagalaiti na ang mukha ni Sir Jeron na panay senyas sa akin na tumayo ako at makiharap ng maayos sa bisita.

"Its fine. I think she's tired." nagulat ako nang marinig nanaman ang pamilyar na tinig na iyon. Inangat ko ang paningin ko and I just realize its Gino.. Its him again!

Umatras ako mula sa kinatatayuan.

Siya nanaman. Ano bang gusto niyang gawin!

"Nice to meet you again, Mrs. Castillo.." sambit niya habang pinagmamasdan ako. Nanatiling tinutunaw ako ng mga mapupungay niyang mga mata. I never thought this day would come again, its the same way how he stares at me.

Nakangiti lang siya. Habang ako hindi alam ang gagawin. Isang araw, bumalik siya at gumugulo na ng ganito ang isipan ko. Ano ba talagang gusto niya? Ano ang pakay niya?

Wala ako sa sarili at nanatili akong tahimik hanggang sa matapos ang meeting kasama siya. Nakikita ko kung paano siya makipag usap kina Sir Jeron pero ang mga mata niya hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Can I have a request?" nagulat ako nang magsalita siya. "Oo naman Sir Gino. Ano po ba iyon?" magalang na tanong ni Sir Jeron. Ayoko ng ideya na lalabas sa bibig niya. Pero anong magagawa ko? Naiipit ako sa sitwasyon at sa trabaho ko.

"I need her to be my consultant." nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi. Nakatingin siya sa akin habang sapo ng kanan palad niya ang pisngi niya.

"Si Violet po?" tanong agad ni Sir Jeron na tunog hindi makapaniwala. Gino nodded.

"Yeah. Wala akong consultant and because its been years since I came here. I need to familiarize my field including your firm." paliwanag niya. Nakikiusap ako na huwag pumayag ang bisor namin. Pero nakangiti na siyang parang aso sa akin at saka sumang-ayon sa gusto ni Gino.

"Oo naman. Bukas na bukas din, papupuntahin ko siya sa Villamontes." anito at sinenyasan akong ngumiti na kunwari pumapayag na ako. Umiling ako. Kailangan magmatigas ako.

"Why are you hesitating!" mataas na ang boses ni Sir Jeron. Kinakabahan ako. Ipapahiya na niya ako sa mga kaharap namin.

"Don't you want a promotion?" nagulat ako when Gino spoke. Tama siya, its like a promotion that I need for a long time. Mababa ang sinasahod ko bilang consultant. At dahil dumadami ang babayarin namin ni Adrian kailangan na kailangan ko ang promotion. Lalo at lumalaki na din ang gastos sa maintenance ni Mama. Hindi ko pupwedeng paandarin ang pride ko ngayon. Or I'll lose my job.

"Sir Gino, pwede rin po ba akong sumama. I'm Ate Violet's trainee." napanganga ako sa sinabi ni Jed. Is he out of his mind? Talagang nagamit niya ngayon ang malakas na confidence niya.

Narinig kong tumawa si Gino. He won't accept it for sure.

"Oo ba, para hindi naman nag-iisa si Violet sa bagong trabaho niya. And you said you're a trainee so it will be a new experience." aniya at ngumiti. Narinig ko pang napa-yes si Jed na nakatayo sa likuran ko.

"Jeron, please send them to my office, tomorrow." utos niya at saka maayos na tumayo sa kinauupuan. Pinagpag niya ang suot na coat bago nagpaalam. He smirks at me at tila nainsulto ako sa ginawa niyang iyon. Hindi na ako nakakatwiran pa. Panay pa ang pagsasaya ni Jed na nasa likuran ko.

"Wow naman, Violet. Mukhang makukuha mo na yon promotion na gusto mo." wika ni Mia sa akin na yumakap. Hindi ko alam kung sinuwerte ako ngayon o panibagong kamalasan ito. Pero tadhana na nga kaya ang gumagawa ng paraan para magkalapit ang mundo namin ni Gino.

"Ate Violet, paano ba yan? Aalis na tayo sa impyerno na to.." natutuwang sinabi ni Jed sa akin. Yes, naiinis at hindi ako natutuwa sa Supervisor namin. Kaya lang dapat nga ba akong matuwa?

"Jed, pasalamat talaga ako dahil kasama kita bukas." bulong ko sa kaniya. Ngumiti ang binata sa akin.

"They way he looked at you Ate kanina. Parang balak ka niyang balikan." kinilabutan ako sa sinabi ni Jed. Yes, he remembers my ex-boyfriend's face na kanina lang niya nakita sa isang spam message sa akin. Kaya alam niyang ang kaharap namin kanina at ang ex ko ay iisa.

"Please, don't say that." pakiusap ko. Nag-aalala talaga ako sa kahihinatnan ng mga nangyayari ngayon. Its like it was planned.

"Nako Ate. I told you. Lalake din ako no. Kung naka move on yon, hindi ka niya titignan ng ganon." pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Ibang tao na ang nakakapansin ng mga kilos ni Gino na tila may pahiwatig.

Sabay kaming bumalik ni Jed sa cubicle namin. Nagpadala na si Sir Jeron ng mga assignments namin once magtransfer kami sa Villamontes, bukas na bukas din.

"Malayo pa din iniisip mo Ate?" bati sa akin ng binata matapos makabalik sa mesa niya. Nakatulala lang ako sa wallpaper ng laptop ko. Hindi ko alam saan magsisimulang gumawa ng report.

"Jed, Hindi ko alam kung kakayanin ko magtrabaho doon." malungkot kong saad. Naiisip ko si Adrian.

"Ate, you can always separate work from personal life. Isipin mo si Sir Gino as our boss not as your ex boyfriend para hindi ka mailang. This kind of scenario is normal for everyone." paliwanag niya. I get his point. Normal na nagbabalik ang ex sa kasalukuyan. Normal iyon so why I'm affected?

Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko pinakawalan.

Siguro kaya ako ganito kaapektado because I haven't got any proper answers from his sudden disappearance.

__

iamnyldechan