Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 38 - Chapter 36

Chapter 38 - Chapter 36

"Are you sure about this, brad?" nag-aalalang tanong ni Jack sa kaibigan.

Matigas na tumango si Maddox. Wala na 'tong atrasan. Kailangan niya na ring kumilos. "Hit me hard. Hanggang sa hindi ko na makilala ang sarili ko."

"Puwede naman kitang iretoke nalang. Kagaya kay Madison, right?"

Napapikit siya. Kinalma niya muna ang sarili bago imulat ulit ang mata at salubungin ang nag-aalalang tingin ng kaibigan. "Buo na ang desisyon ko. Isipin mo nalang na bayad ko 'to sa lahat ng kasalanan ko."

"But. P-Pero hindi ko kayang saktan ka. I treat you as my brother. At hindi ko kayang makitang ako mismo ang magpapahirap sa'yo." Nanginginig ang labi na wika ni Jack at ibinaba ang kamao.

"Ibigay mo sa'kin 'yang patalim." Maatoridad na utos ni Maddox.

Umiling si Jack. Naluluhang tiningnan niya ang kaibigan. "Nababaliw kana ba, Maddox?! Bakit ba kailangan mong gawin ang lahat ng 'to?!"

Pabalyang tumayo sa pagkakaupo si Maddox. Tiningnan niya nang matalim ang kaibigan. "Oo baliw na ako Jack. At habang buhay akong mababaliw kung hindi ko maiipaghiganti si Ana."

"Pero-"

"Pasensiya na pero sa pagkakataong ito, hindi kita pakikinggan."

Masama ang loob na nilisan ni Jack ang silid na kinaroroonan ni Maddox. Hindi niya akalain na hahantong ang lahat sa ganito.

"Sorry." Bulong ni Maddox.

Walang kurap-kurap na kinuha niya ang patalim at hiniwa ang sariling balat.

"Kulang pa 'to. Hindi pa sapat ang lahat ng ito."

***

Madison

Lumilipas ang araw at linggo. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit? Bakit ko nagagawang mahalin muli ang lalaking dapat ay kinasusuklaman ko. Galit na galit ako sa sarili ko. Sa puso ko, dahil isang kabaliwan na mahalin ko ulit siya.

Oo, habang tumatagal ako sa puder ni Francis ay bumabalik lahat. Para akong dalagita na bago pa lamang umiibig. Hind ko mapigilan ang aking sarili na muli siyang tanawin at hanapin. Maging ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ay nakakalimutan ko na dahil sa pesteng nararamdaman kong ito.

Katulad ngayon. Kay Francis lamang tutok ang aking tingin. Sa kanya habang abala siya sa pagpipindot sa keyboard ng laptop niya.

"Uy, tulala kana naman."

Napalingon ako kay Steph nang sikuhin ako nito. Hilaw akong ngumiti sa kanya. "May iniisip lang."

"Aysus! May iniisip? Ikaw ha. Napapansin kita na lagi kang nakatingin kay sir." Sinundot-sundot ako sa tagiliran ni Steph. Napaigtad naman ako dahil nagdulot iyon ng kiliti.

"H-Hindi ah." Pagtanggi ko. "Amo ko siya no. Hanggang dun lang ang koneksiyon namin."

Tinaas-taasan ako ng kilay ni Steph. Talagang trip ako ng babaeng ito. Masyado ata kasi akong halata. Ay naku, Madison.

"Pero girl mukhang may sintang-pururot din sayo si sir no. Lagi ka kaya niyang tinitingnan." Pabulong na wika nito.

Nagpantig ang tainga ko at para akong nabuhayan ng loob. "Talaga?!" Tarantang tanong ko.

"Oo nga. Lagi ka niyang tinitingnan."

Bagsak ang balikat ko sa narinig ko sa sinabi niya. Tingin lang naman pala. Akala ko kung ano na.

"Baka nagkakamali ka, Steph. May nobya na si sir di 'ba?" Pagpapaalala ko rito.

Hinigit naman ako nito paupo sa bench sa hardin. Libre ang oras namin ngayon kaya malaya kaming nakakakilos kung anong gustuhin namin.

"Nobya lang 'yun, 'nu kaba. Asawa nga naaagaw."

Sinimangutan ko naman si Steph sa sinabi niya. "Bakit parang pakiramdam ko, ipinagtatabuyan mo ako? Gusto mo ba akong mapahamak Stephanie?!" May diin na pagbanggit ko sa buong pangalan nito.

"Hindi no." Pagtanggi nito. Maya-maya, bigla nitong kinurot ang pisngi ko na ikinangiwi ko. "Hindi ko ipapahamak ang mukhang anghel na ito." Lalo pa niyang pinanggigilan ang pisngi ko na ikinakaba ko.

Paano kung masira ang mukha ko? Paano kung maging pangit uli ako?

Nabigla si Steph nang malakas kong hawiin ang kamay niya. Maging ako ay nabigla rin sa ikinilos ko.

"S-Sorry."

Nakahinga naman ako nang maluwag ng ngitian lang ako nito. "Okay lang. Nakakagigil ka kasi eh." Tumayo ito sa pagkakaupo at pinagpag muna ang slack na suot bago ako tingnan. "Tara na, Ana. Baka hanapin na naman tayo ni negrita." Nginisian muna ako nito bago maglahad ng kamay sa akin.

Mabilis kong ipinulupot ang aking braso sa braso ni Steph at sabay kaming lumakad papasok sa loob ng bahay.

"Basta kapag may something kayo ni sir, sabihin mo sa akin ha."

Napatango nalang ako sa kakulitan nito. Hindi ata titigil ang babaeng ito na ireto ako sa amo namin. Kung alam lang nito ang tunay na dahilan kung bakit nandito ako ay baka siya pa ang unang umiwas sa akin.

***

Napahigpit ang hawak ni Maddox sa bote ng alak na kanyang iniinom.

Inis na inis niyang tinungga ang laman ng alak. Hindi ininda ang pait na dulot nun sa lalamunan. Parang sa panlasa niya ay isa na lamang iyong natural na tubig.

"Sinungaling!"

Nagngitngit ang kanyang mga ngipin nang tingnan niya ang kanyang cellphone at ni isang text o tawag ng babaeng inutusan niya ay wala.

Inis niyang ibinagsak ang bote ng alak. "Mga babae nga naman, mga sinungaling." Naiiling na wika niya.

Panandalian siyang napalingon sa taong umupo sa kanyang tabi. Nang makilala 'yon ay agad niya ring binawi ang tingin at tahimik na uminom ng alak.

"Talaga palang ginawa mo." Pinagkatitigan nito ang mamula-mulang mga sugat sa kanyang mukha. Tiyak na mag-iiwan iyon ng maiitim na peklat.

Inagaw nito ang alak na iniinom niya at walang pasabi na nakitungga rin.

"Kamusta si Madison?"

Nagkibit-balikat lang siya.

Tumikhim si Jack. "Wala ka manlang bang balak na sabihin sa kanya ang lahat?"

"Sabihin? May sarili akong buhay, hindi ko kailangan na sumali sa problema niya." Walang kabuhay-buhay na sagot niya.

Hindi na siya nagulat nang kuwelyuhan siya ng kaibigan. Matatalim ang mga mata na tinitigan siya nito. "Bakit ganyan ka Maddox?! Hindi ka manlang ba naaawa sa kanya? Buong buhay niya, ipinagkait mo ang dapat na sa kanya."

Dala na rin marahil ng tama ng alak kaya nagawa niya ring hapitin ang kuwelyo ng damit ng kaibigan. "Bakit si Ana ba nabigyan nila ng karapatan ha?! Hind 'di ba. Hanggang sa mamatay siya, ikinahihiya niya ang sarili niya."

Kusang bumitaw ang kamay ni Jack sa kuwelyo ng kaibigan. Nahahabag na tiningnan niya ito. "Mali ka, Maddox. Kahit kailan, hindi nagtanim ng sama ng loob si Ana sa mga Madrigal."

Pabalyang binitiwan ni Maddox ang kuwelyo ng kaibigan.

"Wala akong pakialam! Gaya ng sinabi ko sa puntod niya, ipaghihiganti ko siya." Nagngingitngit sa galit na asik nito.