Tanging paghaplos nalang sa likuran ni Madison este Ana ang kayang gawin ni Stephanie. Ngayon lang siya naka-engkwentro ng ganitong sitwasyon. 'Yong may patayan effect baga. Tas ito namang si ateng Madison, may pagka-martyr, aruy ko po, juskoo! Na-i-stress ang beauty niya sa babaeng ito. Halos patayin na pala ng mudra ng jowa pero nagawa parin na mahalin ito at isipin ang kapakanan nito. Hay, buhay pag-ibig nga naman.
Tinapik-tapik niya ang likod ni Madison nang mahina. Kanina pa 'to ngumawa nang ngumawa. Naiintindihan niya naman ang kaibigan. Baka kung siya nga ang nasa sitwasyon nito ay mabaliw na siya.
"Tama na iyan 'te. Walang magagawa ang pag-iyak mo. Kung ako sa'yo. Umamin ka nalang kay Francis."
Namumugtong mga mata ang natunghayan niya nang salubungin ni Madison ng tingin ang mata niya. "P-Pero, paano kung hindi siya maniwala? Paano kung pagtangkaan niya lang din ako? Hindi ko kakayanin! Hindi!"
Nginitian niya ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng kawawang dalaga. "Maraming namamatay sa maling akala 'te." Hinaplos niya ang pisngi nito at pinahid ang butil ng luha na tumulo. "Eh, 'di kapag tinangka ni sir na patayin ka, isusuplong ko siya sa pulis. Laging unli load ko, heheheh."
Kapuwa sila natawa ni Madison sa biro niya. Masaya siya na kahit papaano ay tumatawa pa ito. Mahirap magpakalubog sa lungkot. Hindi maganda 'yon, may mahirap umahon kapag ang emosyon na ang sumakop sa isang tao.
"S-Sasabihin ko ba?" Nag-aalalang tanong nito.
Naunang tumayo si Steph at naglahad ng kamay sa kaibigan. "Nandito ako. Dadaan muna siya sa beauty ko bago sa'yo." Kinindatan niya ito na ikinangiti lamang ng isa.
Ngayon niya napatunayan na ang tunay na kaibigan ay hindi bumabase sa haba ng taon na magkasama kayo. Kahit ilang araw o oras mo palang nakikilala ang isang tao kung magiging kaibigan mo siya ay magiging kaibigan mo siya. Hindi bumabase sa haba ng panahon. Ang pagkakaibigan ay kung ano ang turingan niyo sa isa't isa.
Wala pang taon na magkasama sila ni Madison sa iisang silid pero ang makitang umiiyak ito sa harapan niya ay hindi niya malunok. Paano pa kaya kung nanay niya o kapatid niyang babae ang umiiyak mismo sa harapan niya? Baka masakal niya ang may gawa nun.
"T-Thank you, Steph ha. Patawad kung nadamay kapa."
Ikinawit niya ang braso sa braso ni Madison. Siya na mismo ang humila dito upang lumabas sa silid.
"Wala 'yon, 'nu kaba? Wala pa nga akong nagagawa eh."
Dahil si Steph ang nauuna. Natigil ang tangka niyang paglabas ng pinto nang masilayan niya ang pagmumukha ni Eunice. Makita niya lang talaga ang babaeng ito ay tingin niya lagi wala itong gagawin na maganda. Umaalingasaw agad ang sama ng ugali, hindi pa man nagsasalita.
"Bakit nandiyan ka sa pintuan, Negrita? Huwag mong sabihin na kanina kapa nakikinig sa usapan namin?!" Tinaasan niya ang boses para kahit papaano ay matakot ito. Paano nga kung tama ang hinala niya? Sipsip pa mandin ito. Tiyak na magsusuplong agad ang higad na ito kung narinig nga ang usapan nila.
"Excuse me! Huwag mo nga akong itulad sa'yo na tsismosa! Haler, trabaho ang inuuna ko hindi landi..." Lumingon ito kay Madison na agad na hinarangan ni Stephanie. ". . .na tulad ng isa diyan."
Mabilis na hinawakan ni Steph ang panga ni Eunice upang sa kanya mapatingin. "Hoy! Negritang panget! Hindi malandi ang alaga ko no. Excuse me, mas may say naman siyang makipaglandian dahil maganda siya." Pabalya niyang binitiwan ang panga nito. Inalis niya ang pagkakakawit sa braso ni Madison at namaywang sa harap ni Eunice. "Hindi, tulad mo na maitim na nga naglalagay pa ng uling sa mata!"
"How dare you to..."
Mabilis na humarang si Madison. Bago pa magsabunutan ang dalawa sa harapan niya ay mas minabuti niya na lang ang pumagitna sa mga ito.
Pinagsalikop niya ang dalawang palad at bahagyang yumuko. "Pasensya kana, Eunice. Hindi sinasadya ni Steph na sabihan ka ng masasakit na salita."
Mabilis niyang hinigit ang dalaga. "Ano ba, Ana?!" galit na asik niya rito. Masyado itong mapagkumbaba. Iniharap niya ito sa kanya. "Lagi ka nalang bang ganyan ha?! Laging nagpaparaya. Hindi ka manlang bang marunong magalit?!"
Halos gustuhin ni Stephanie na maglupasay sa sahig nang ngitian lang siya ng sinesermunan niya. Sino ba ang nagluwal sa babaeng ito at masyadong mabait?
"Noong huli akong nagalit at nagtanim nang sama ng loob ay walang nangyari."
Inis na inis na napasabunot nalang sa buhok si Steph. "Halika na nga! Ikaw na ang mabait." Inirapan niya muna si Eunice bago niya hilahin papaalis dun si Madison.
***
Mabilis na kumilos si Eunice nang mapansin na tuluyan ng umalis ang dalawa.
"Kala mo kung sinong magaganda!" asik niya.
Wala siyang sinayang na oras. Agad niyang binuksan ang pinto ng silid na kinatutuluyan nila at daretso ang mga paa sa higaan ng bagong kasambahay.
Maingat niyang binulatlat ang bawat gamit nito. Pero ni isa ay wala siyang nakuhang sagot. Maging ang cellphone ay wala sa bag. Pawisan na siya pero wala pa siyang nakitang bagay na maaring magbuking sa babaeng 'yon.
Umupo siya sa higaan nito dahil sa pagod. Saktong napatuon ang kamay niya sa unan nito nang matigilan siya. May naapa siyang isang matigas na bagay.
Mabilis niyang nilagay sa kandungan ang unan. Hinanap niya ang zipper nito at hinila papabukas. Hindi pa man sigurado pero palagay niya ay iyon na ang hinahanap niya.
Iwinagwag niya ang laman ng unan. Naglabasan ang malalambot na cotton na nasa loob nito. Hanggang sa maubos at matira ang isang maliit na kahon.
Napangisi siya. Sa unan lang pala ang hinahanap niya. "Magaling kang magtago ha."
Wala siyang inaksayang oras. Mabilis niyang tinapon ang punda sa kung saan. Tinanggal niya ang takip ng kahon. Lumantad sa kanya ang may lima o anim na piraso ng litrato.
Nakangiti niyang pinagmasdan lahat 'yon. Hindi niya akalain na malilinlang sila sa maamong mukha ng babaeng 'yon. "Anghel pala ha. Dati palang chaka."
Ibinalik niya ang takip ng kahon. Habang labit-labit ang bagay ay wala siyang ibang maisip kundi ang karangyaan na matatamasa dahil lang sa simpleng bagay na 'yon.
"Thank you at napadpad ka sa lugar na 'to, Ana."
Wala siyang alam kung bakit malaki ang halaga na ibabayad sa kanya ng boss niya para lang makuha ang mga litratong ito. Basta sa tingin niya malaki ang atraso ni Ana sa amo niya.
Well, anong pakialam niya? Yayaman na siya nang walang kahirap-hirap. Poproblemahin niya pa ba ang katulad ni Ana na parang isang lobo na nagpupumilit na mag-anyong isang tupa.