Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 43 - Chapter 41

Chapter 43 - Chapter 41

Napahawak sa dibdib si Maddox nang makaramdam ng biglaang kaba. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng pamilyar na emosyon na ito. Huling kinabahan siya ay noong pumunta siya sa tinitirahan ni Ana at natagpuan nalang na nakabitin ito habang ang leeg at buong katawan ay sinasalo ng isang lubid.

Wala siyang nagawa ng oras na 'yon. Nablangko siya sa nakitang nakasabit na katawan ng isang minamahal. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong kitilin ang sariling buhay lalo na at wala naman itong pinakikita na nalulungkot ito at problemado. Sana pala, hindi niya hinayaan na umalis sa tabi niya si Ana nun. Eh, di sana buhay pa ito ngayon at kasama pa niya. Sana tahimik siyang nabubuhay ngayon nang walang mabigat na problemang dinadala sa dibdib.

"Huwag naman ngayon." Malakas niyang tinapik ang dibdib. Binaliwala ang nararamdaman.

Wala siyang sinayang na oras. Kailangan niyang mahanap agad si Madison. Huwag naman sanang si Madison ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng takot at kaba.

"Madison!" Buong lakas niyang isinigaw ang pangalan ng dalaga. Pero wala siyang makuhang tugon kundi ang echo lamang ng sariling boses.

"Madison, nasaan kana?!" Wala siyang pakialam kahit pa may makarinig sa pangalan na isinisigaw niya. Subukan lang ng hayop na Francis na 'yon na saktan ang kawawang bata na 'yon! Sisiguraduhin niyang, babalian niya ito ng buto.

Nang napadpad siya sa kusina. Agad niyang inihanda ang kamao nang may biglang humigit sa kanya. "Sino ka?!" Nanunubig ang mata ng babaeng humila sa kanya. "Sino kaba?! Kapag hindi ka sumagot, tatama sayo 'tong kamao ko." Inambahan niya ito ng kamao.

Pero mabilis na lumayo ang babae sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa matandang kasama nito.

"Hijo, nakikiusap ako sayo, iligtas mo ang alaga ko."

Nangunot panandalian ang noo niya. Pero nang mapagtanto na si Madison 'yon ay agad niya itong nilapitan at tinanong. "Nasaan po siya?! Bakit wala siya rito?!"

Umiwas nang tingin ang matanda. Humagulhol ito. "K-Kasama siya ni Francis."

Itinulak niya ito sa sobrang inis. Dinuro niya ang dalawang babae sa sobrang galit. "Lintik na'yan! Bakit niyo siya hinayaan na sumama dun?! Hindi niyo ba alam na si Francis ang nagtatangka sa buhay niya ha?!"

Garalgal ang boses na sinagot siya ng mas bata sa dalawa. "A-Alam po namin."

Nakadagdag lang sa init sa ulo niya ang sinagot nito. Gusto niya sanang sakalin ang babae kung hindi niya lang nakontrol ang sarili. Anong klaseng tao ang mga nakatira dito?!

"Mga wala ba kayong utak?! Kapag may nangyaring masama sa kanya ay babalikan ko kayo." Dinuro niya ang dalawa matapos pagbantaan. May galang siya sa babae at mas nakakatanda sa kanya. Pero ngayon, mukhang maging ang mabuting asal niya ay nawala na.

"P-Pasensiya po talaga. Pinagbantaan niya kasi kami na papatayin kami at ang pamilya namin."

Hindi na inantay pa ni Maddox ang paliwananag ng dalawa. Lumisan siya sa lugar at mabilis na kinontact ang asawa.

"Please, kahit ngayon lang tulungan mo ako Laylanie. Alam kong mas matimbang ang lalaking 'yon kaysa sa akin pero hayaan mo akong iligtas si madison." Pakiusap niya rito habang mabilis na tinatahak ang madilim na kalsada.

"Wala din akong alam Maddox. Pero may isa akong alam na lugar na tiyak kong pagdadalahan niya kay Madison." Malalim ang hinga ng babae sa kabilang linya. Halatang kinakabahan din ito at natataranta sa nangyayari.

"Sa lumang building ng bumagsak na kompanya nila Navarro."

Mabilis niyang pinatay ang tawag pero nabasa niya pa ang huling mensaheng natanggap galing kay Laylanie.

Please don't kill him. Hayaan mong batas ang maghatol sa kanya.

Iwinaglit niya ang kirot na naramdaman sa dibdib. Kailangan niyang tanggapin na hindi na sa kanya ang puso ng babaeng minamahal niya. Marahil, kasalanan niya rin naman kung bakit iniwan siya nito at mas piniling sumama sa iba.

Ang mahalaga ngayon ay si Madison. Patawarin sana siya ni Laylanie kung hindi niya matutupad ang nais nito.

***

Madison

"Nasaan si lola, Francis? Bakit naman dito nila naisipan na makipagkita sa akin."

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Madilim, amoy kalawang at malansa ang paligid.

Tahimik lang ang kasama ko. Daretso lang ang tingin nito. Hindi ko rin mahulaan ang iniisip niya maging ang emosyon niya ngayon.

"Nasaan ba talaga tayo? Baka naman, biglang gumuho 'to." Panandalian akong binalot ng takot sa dibdib. Baka mamaya niyan, bumigay ang building na ito at matabunan pa kami.

"Fran..." Hinawakan ko ang kamay nito. Tumigil ito sa paglalakad. Blangko ang mata na nilingon ako nito. "Ayos kalang ba? Malayo pa ba sila lola?" Tanong ko ulit.

Napatalon ako sa gulat nang sigawan ako nito. "Puwede ba, tumigil ka sa kakatanong mo?! Nakakarindi ka! Gusto mo bang makita ang lola mo o magtatanong ka nalang, ha?!"

Yumuko ako sa takot nang sigawan niya ako. Ganun na ba ako kaingay? Dati naman kahit sobrang kulit ko hindi niya ako sinisigawan. Sinasabayan pa nga niya ako at tatawa sa akin. Pero bakit ngayon, galit agad siya? Talaga bang hindi na niya ako mahal?

"Sorry." Maikling wika nito. Kahit mukhang labas sa ilong 'yon ay ayos lang. Atleast alam kong, alam niya na nasaktan niya ako.

Kinuha nito ang kamay ko at hinigit ako papalakad. Hinayaan ko nalang na magpatianod sa kanya.

Mahabang hagdan ang dinaanan namin bago kami makarating sa rooftop. Mahirap dahil may kadiliman ang mga dinaanan namin pero ayos lang basta makita ko si lola. Nananabik na talaga ako na mayakap siya.

"Si lola ba 'yon?" Itinuro ko ang isang tao na nakatalikod sa gawi namin. Nakatayo ito habang tinatanaw ang baba siguro ng building.

Hindi ba nalulula si lola? Nakakahanga, malakas talaga ang loob ni lola.

"Oo."

Bumitiw ako kay Francis at nagsimula na humakbang papalapit sa puwesto ni lola.

Pero napaatras ako nang unti-unti kong nasilayan ang kabuuan ng likuran nito. Hindi si lola 'to. Natitiyak ko. May kakulubutan na ang balat ni lola at may katabaan. Pero ang taong nakatalikod sa akin ngayon ay mukhang bata pa at sexy.

"Hindi si lola 'to, Francis." Umiling ako. "Nasaan si lola?!"

Humarap ako kay Francis. Tinakbo ko ang pagitan namin at malakas siyang sinuntok sa mismong mukha niya. "Hayop ka! Niloko mona naman ako. Nasaan si lola, ha?! Nasaan?!" Dibdib naman nito ang pinagsusuntok ko. Susuntukin ko pa sana ito sa mukha nang saluhin niya ang dalawang kamao ko at malakas ako na itinulak.

Napalamyak ako sa sahig. Matalim ko siyang tiningnan at binaliwala ang sakit na naramdaman ko sa pang-upo nang itulak niya ako. "Hayop!" Nanggigigil na asik ko.

Nakangisi na pinahid nito ang dugo sa gilid ng labi. Kulang pa 'yon! Kulang pa ang simpleng pagsuntok ko sa kanya.

"Malakas ka pala sumuntok."

"Hayop ka! Minahal kita nang buo pero bakit ito ang sinusukli mo ha?! Dahil ba pangit ako?! Dahil ba uto-uto ako ha?!" Pinagduduro ko ito habang nakalamyak pa ako sa sahig.

"Ang harsh mo naman sa anak ko Madison."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako makalingon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig lalo na nang lumakad ang nagmamay-ari ng boses na 'yon at pumuwesto sa harapan ko.

"Na miss mo ba ako, Madison?"

Napatingala ako rito. Wala pa man siyang ginagawa sa akin pero kusa nang nagtuluan ang luha sa mga mata ko. Nanginig ako sa takot. Niyakap ko ang tuhod ko. Umaasa ako na ang pagyapos dun ay mababawasan ang takot na nadarama ko. "H-Huwag po... Huwag niyo po akong sasaktan, mama..."

Lumuhod ito. Humaplos ang palad nito sa pisngi ko. Ang pulang pintura sa mga kuko nito ang nabalingan ko ng tingin. "Bakit naman kita sasaktan anak ko? Ganun na ba ang tingin mo kay mama ha?"

Umiling ako. Nangangatog ang aking labi na sinagot siya. "Hi-Hindi po mama, A-Alicia."

"Sinungaling!" Hinawakan nito nang mahigpit ang panga ko. Ang matulis nitong kuko ay kumaskas sa balat ko sa mukha. "Hanggang ngayon pala ay tanga ka parin, Madison. Gumanda lang ang mukha mo pero uto-uto ka parin." Pabalya nitong binitiwan ang panga ko.

Pinagpag nito ang nadumihang tuhod at tumayo. "Parehas talaga kayo ng ina mo! Parehas mga tanga!"

Nangunot ang aking noo. "Pero kayo po ang ina ko."

Natawa si Francis sa sinabi ko na agad ding sumeryoso ang mukha ng tingnan ito nang masama ni mama.

"Gaga! Francis, sabihin mo nga sa kanya ang history ng pokpok niyang nanay." Inis na umirap si mama. "Arghh... Bobita!" Nagmartsa ito papalayo sa puwesto namin at umupo sa lumang silya na naroroon.

Naluluha akong tumingin kay Francis. "Alam mo? Kailan mo pang alam na hindi siya ang nanay ko ha?!"

"Kailan nga ba?" Kumapit ito sa baba niya at parang nag-iisip. "Simula nang makilala kita." Parang tuwang-tuwa pa na sagot nito.

Eh di ibig sabihin. Hindi nagkataon na nakilala ko siya. Ibig sabihin planado ang lahat ng ito. Simula sa una palang. Niloko nila ako! Pinagkaisahan nila ako.

Tumawa muna si Francis bago magsalita. Ngayon ko nakita ang lahat ng masasamang ugali ng taong ito. Makasarili ito, mukhang pera at baliw! Nagsisisi ako na minahal ko siya! Napaka-gaga ko!

"Once upon a time in a far, far away." Iminuwestra pa nito ang kamay na nagpapahiwatig nang malayo. "May mag-asawang matanda na itago nalang natin sa pangalang Amanda at Reynaldo." Nginisian ako ni Francis. Kung hindi lang ako nangangatog sa takot ay baka suntukan ko ulit siya. "Akala ni Amanda baog siya kaya nag-ampon sila ng bata at ayun ay si Ashira dahil dakilang inggitera si Ashira, hindi niya matanggap sa sarili nang nagkaroon ng anak ang mag-asawa. Si Alicia."

"Si mama..." Nag-aalalang pagtawag ko rito.

"Gaya ng ibang fairy tale. Nag-agawan sa iisang lalaki ang dalawang babae, at doon ka na nga nabuo ni Alicia at ni Fernan. Hindi matanggap ni Ashira na natalo siya kaya ninakaw niya ang sanggol. Pinalabas niyang anak ka niya para makuha ang papa mo pero wala eh. Huli na dahil may iba ng pamilya ang prinsipe nila."

"Anong nangyari kay mama? Sa tunay kong ina?"

Umismid ang peke kong ina. Tumayo ito at siya na ang humarap sa akin.

"Ako na Francis. Ang pangit mo magkuwento anak. Dapat ata kitang ibalik sa elementary."

"Okay, mommy." Sumaludo si Francis sa ina bago natatawang umupo sa kinauupuan kanina ng nanay nito. Parehas silang mga baliw. Hindi na nakakapagtakang mag-ina sila.

Tumingin ako sa mama ni Francis. Madilim ang tingin nito sa akin. Ngayon ko na pagtanto na kaya pala ganoon niya ako ituring nun dahil hindi siya ang tunay na nanay ko.

"Akala ko kapag nalaman ni Fernan na may anak siya sa akin sa katauhan mo ay pipiliin niya ako. Pero hindi, ginago niya kami parehas ng nanay mo. Nag-asawa siya ng iba habang kami ay hindi makaahon sa kagaguhang pinakita niya sa amin. Sa galit ko, ikaw ang pinagdiskitahan ko. Bakit ko nga ba, pinipilit na mahalin ako ng isang lalaking hindi naman kayang gawin ang gusto ko diba?" Lalo pang dumilim ang mukha nito. At sa tingin ko, anumang oras ay sasabog na ito sa galit. "Galit ako sa magulang mo, Madison! Inagaw nila ang lahat sa akin. Pamilya, pag-ibig at karangyaan. Maging katinuan ko ay inagaw nila. Hindi ako makakapayag na maging masaya kayo!" Ngumisi ito. "Buti na lamang at nadispatsiya kona ang mama at papa mo."

"Anong ginawa mo sa kanila?! Pinatay mo ba si papa at mama?!"

Iniangat nito ang dalawang kamay at pinakita sa akin. May iilan ugat na bakat dun. Kitang-kita dahil may kaputian siya. "Ito. Itong mga kamay ko ang kumitil sa buhay ng lalaking minahal ko. Habang mahimbing siyang natutulog, sinakal ko siya hanggang sa malagutan ng hininga." Tumawa ito at pumalakpak. "Amazing right? Gusto mo ba sa ganun karin mamatay?"

Tumayo ako at tinangka siyang sugurin pero mabilis na umigkas ang palad niya at malakas akong sinampalan. "Napaka-sama mo! Tinuring kitang isang ina-minahal at inalagaan pero bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Dapat sayo makulong sa kulungan!"

"Iyon ay kung mabubuhay kapa." Humakbang ito papalapit sa akin na ikinaatras ko.

"Anong gagawin mo sa akin? Huwag kang lalapit. HUWAG!"

Wala akong nagawa nang mabilis akong nahawakan ni Francis. Pinagsisisipa ko siya, inuntog at kinagat upang makaalpas ako pero dahil lalaki nasayang lang ang lakas ko.

"Sorry mahal ha. Dapat pala tinikman muna kita bago kita dinala rito." Dinilaan ni Francis ang kaliwang tainga ko na ikinatayo ng mga balahibo ko. Kinilabutan ako sa isiping may hangad siya na hindi maganda sa sarili at katawan ko.

"Bitawan mo ako!" Malakas ko siyang siniko sa tiyan pero lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang hawak ang dalawang kamao ko. Tinawanan lang ako ni Francis at parang nababaliw na ini-uugay ang katawan.

"Sweet. Sayang nga lang at hindi kita bet para sa anak ko. Anak ng malandi!" Sinampalan ako ni Ashira. Sa sakit nun ay parang namanhid ang kaliwang pisngi ko.

Para makaganti, ginawa kong suporta ang katawan ni Francis. Mahigpit akong tumuon sa dibdib niya. Buong lakas kong iniangat ang isang paa ko at sinipa ang mama niya.

Lugmok ito sa sahig. Ngiting tagumpay ako nang makita ko pa mismo sa mukha niya ang bakat ng ilalim ng suot-suot kong pang-paa.

"Hayop kang babae ka! Bruha! Dapat ka ng mamatay."

Napalunok ako nang tumayo ito at lumapit sa akin na may hawak ng patalim. Ang takot ko ay lalo pang nadagdagan ng mamukhaan ko ang patalim na hawak niya. Katulad na katulad 'yon ng patalim na tumarak sa dibdib ni mama Ophelia.

"I-Ikaw ang pumatay kay mama Ophelia?" May takot at bahid ng galit na tanong ko. "Napakasama niyo! Pinatay niyo ang walang laban na matanda."

"Halos patayin ka na nung babaeng 'yon pero inaalala mo parin siya. Inuuod na siya, Madison. At for your information, my dear. Hindi ako. Hindi ako ang pumatay sa kanya." Naiiling na wika nito habang nang-iinsulto ang itsura.

"Sino kung ganun?"

"Hindi pala sayo sinabi ng kaibigan mong si Maddox. Hindi niya ba kinuwento kung sino siya, Madison?

Natigilan ako sa pangalang sinabi nito. "Paano mo nakilala si Maddox? Anong kasalanan niya sa'yo?"

Lumapit sa akin si Ashira at idinikit ang patalim sa leeg ko. Nanuot sa bahagi ng katawan kong yun ang lamig at hatid na kilabot nito sa katawan ko. Konting maling galaw ko lang at magigilitan ako nang wala sa oras.

"Gaya ko, galit siya sa pamilya mo. Ginamit ka lang niya nung una Madison. Sayang nga lang at kumaliwa ang batang iyon. Palibhasa bulag sa pag-ibig, tse. Sorry nalang siya at mas pinili ni Laylanie ang anak ko." Pinatunog nito ang daliri. Bagot itong tumingin sa akin. "Tama na nga ang huntahan. Tinatamad na ako."

Napahiyaw nalang ako sa sakit nang bigla nitong hiniwaan ang pisngi ko. Halos gusto kong gumulong sa hapdi ng hiniwa niya. Rumagasa ang dugo don.

"Maganda ka diba? Tingnan natin kung hindi ko maalis ang retoke mo."

Para siyang isang demonyo sa paningin ko. Wala siyang sawa na pinaghihiwaan ang mukha ko. Maging ang mata ko ay pinuntirya niya buti na lamang at sa talukap lamang.

"Ma! Tama na!"

Nandidilim ang paningin ko nang bigla akong bumagsak sa sahig ng bitiwan ako ni Francis. Inagaw nito ang patalim sa ina at tinapon sa hindi kalayuan.

"Bakit mo ako pinigilan?! Huwag mong sabihing nababakla kana?! O baka may pagtingin ka nga sa babaeng 'yan?"

Gumapang ako. Mukha ko lamang ang nasugatan pero parang buo kong katawan ay natuod dahil sa sakit.

"Hindi ma. Hindi ko lang kaya na makitang nadudungisan ang kamay niyo. Hayaan mo ng ako ang tumapos nito."

Lalo ko pang binilisan ang paggapang. Humanap ako nang mahahawakan. Hanggang sa makahawak ako sa bakal at nakatayo. Pero huli na dahil nasa harapan ko rin si Francis.

Lumuha ako. Luhang hindi ko alam kung tubig paba o dugo ang tumutulo pababa sa mukha ko. "A-Alam ko minahal mo rin ako, Francis. Ramdam ko 'yon." Pinilit kong aninagin ang mukha nito. Idinikit ko ang dalawa kong palad sa dibdib niya at dinama ang ritmo na ginagawa ng puso nito. "A-Alam ko na hindi ka masama. Na... Nabubulag kalang, Fran.... Nakikiusap ako, pakawalan niyo nalang ako."

Halos lumuhod na ako sa harapan nito pero wala manlang akong makitang awa at pagmamahal sa mata niya. Galit lang 'yon at kasiguraduhan na mapapatay ako.

Wala itong sinabi. Malakas ako nitong tinulak.

Napaigik ako nang tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay. Paglingon ko, halos magkandaduling-duling ako nang matanaw ko kung gaano kalayo sa lupa ang kinalalagyan namin.

"Hindi, Fran... Huwag! Huwag mo akong itulak!" Ikinapit ko ang kamay ko sa bakal nang itulak ako ni Francis. Mahigpit ang paghawak ko doon sa takot na mahulog.

Intensiyon niyang ihulog ako sa mataas na lugar na 'to. Tiyak na kapag nahulog ako ay siguradong patay ako.

"Ayoko! Ayoko!" Nakipagbuno ako sa kanya. Humawak ako sa kuwelyo niya nang iangat na niya ako. Nagsisipa ako. Natamaan ko siya sa tagiliran na ikinabagsak niya.

Tatakbo pa lang sana ako nang mabilis niyang nahawakan ang paa ko. Nahilo ako nang bumagsak ako sa sahig. Pakiramdam ko, naputol ang buto sa ilong ko dahil sa lakas nang pagkakabagsak ko.

May likido din na dumaloy dun at nalasahan ko pa mismo nang tumulo sa labi ko.

"Patayin mo nalang siya! Ano ba Francis?!" Gigil na sigaw ng mama niya. Kinuha nito ang patalim at humakbang papalapit sa amin.

Nataranta ako nang malapit na siya sa puwesto ko. Pinagtatadyakan ko ang mukha ni Francis upang makabitaw ito sa paa ko.

Saktong tayo ko ay ang amba ng patalim sa mismong dibdib ko. Napakaswerte ko lang at nasalag ko yon ng braso ko.

"Mamatay kana!" Tinangka pa ulit akong saksakin ng mama ni Francis pero yumuko ako at tinalapid siya.

Hindi ko inaasahan na ang pagkatumba niyang palang iyon ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Francis.

Sa pagkatumba niya. Hindi niya inaasahan na ang patalim na dapat sa akin niya isasaksak ay sa mismong noo ng anak niya naitarak.

Naitakip ko ang aking palad sa bibig ko. Nanginginig ako sa takot nang makita ko mismo ang naghihingalong si Francis. Hindi ko naman intensiyon na sa kanya maisaksak ang patalim. Nais ko lang naman iligtas ang buhay ko.

"A-Anak... Francis, hindi ko sinasadya. Hindi sinasadya ni mama."

Nabato ako sa aking kinatatayuan. Imbes na tumakas ay nakita ko nalang ang sarili ko na nagluluksa sa pagkamatay ng dati kong minamahal.

"Francis..." Naluluhang tawag ko rito. Lumuhod ako at binalak na damayan ang kanyang ina pero malakas ako nitong itinulak. Napaupo ako sa lakas nun.

"Ikaw ang dahilan! Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang anak ko. Halimaw kang bata ka! MAMATAY KANA!"

Binunot nito ang patalim sa noo ni Francis. Itinutok nito iyon sa akin. Takot na takot ako para sa sarili ko. Nilamon na naman ako nang karuwagan at maging pagkilos ay hindi ko magawa.

Pero kung mabubuhay nga ba ako ay para saan pa? Matagal ng wala si mama at papa? Hindi ko na alam kung buhay ba si lola at lolo? Kaya para saan pa? Para saan pa at pipiliin ko pang mabuhay ako? Siguro kailangan ko nalang tanggapin na ito na nga ang katapusan ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Bukal sa loob na inantay ko ang kamatayan ko pero tanging putok lamang ng baril ang narinig ko.

Bang!

Napangiti ako. Tapos na siguro ako. Akala ko sa patalim ako mamamatay pero sa bala pala. Buti na lamang bago ako malagutan ng hininga ay nalaman ko ang katotohanan. Minahal pala talaga ako ng tunay kong ina. Iyon nga lang, inagaw ako sa kanya. Nakakalungkot na hindi ko siya nakasama. Sana, sa pangalawang buhay ko ay makilala ko siya.