Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 45 - Wakas

Chapter 45 - Wakas

Madison

Akala ko nung una hindi na ako makakaalis sa puder ni mama Fely at ng mga kapatid ko sa ama. Pero isang araw biglang dumating sa buhay ko si Francis Navarro. Para siyang isang anghel na sumagot sa dalangin ko. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang lolo at lola ko. Kay Francis ko rin naranasan ang umibig, mabigo at masaktan.

Sabi nila, hindi natin mapaplano ang mangyayari sa hinaharap. Tama! Hindi ko nga naplano. Iniisip ko nun kami na ni Francis ang magkakatuluyan, iintayin niya ako sa harap ng simbahan at sabay kaming manunumpa, magkakaroon ng mga anak at apo. Pero kabaligtaran ang nangyari. Biglang nagkaroon ng twist ang buhay ko, hindi ko inaasahan na peke lang pala lahat ang pinaramdam niya sa akin. Tinangka akong patayin ng mama niya at ni Francis mismo.

Para na akong pinagbagsakan ng langit at lupa nun. Pero biglang dumating ang nag-ala superman na si Maddox sakay ng kanyang kotse. Walang takot na iniligtas niya ako sa kamay ng mga taong nananakit sa akin. Tinalon ang bala at nakipagratratan siya sa mga tauhan ni Francis. May agimat ata ang loko. HAHAHA

Lumipas ang taon hindi ko namalayan na mahuhulog ang loob ko sa mayabang, hambog, bastos, walang modong lalaking 'yon. Gigil na gigil talaga ako sa kanya nung una lalo na ng malaman ko na kilala pala niya ang tunay kong ina. Pero sa kabila ng lahat ng masakit na pinagdaanan ko ay hindi niya ako iniwan. Sabay naming hinarap ang bagong bukas. Iwinaglit ang lahat ng takot at nagsimula ng bago.

Dahil kay Maddox nagkaroon ako ng bagong pag-asa. Muli kong binangon ang aking sarili at kinalimutan ang nakaraan. Nagpursige ako hanggang sa maabot ko ang gusto ko. Ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Natupad ko ang isang maliit na pangarap na 'yan. Nakilala ko si mama, nakasama ko ulit si lolo, lola, si Maddox at may bonus pang dalawang chikiting.

Oo, sa hinaba-haba pa nang pag-iinarte ni Maddox kami rin naman pala ang magkakatuluyan. Biruin mo may dalawang anak na kami pero hindi ako masabihan ng simpleng I love you. Pero gaya ng ginawa niya, hindi ko siya sinukuan hanggang sa makamit ko ang matamis niyang halik at mahal kita na salita.

Isa lang ang masasabi ko, kahit anong hirap ng buhay laban lang. Hindi masamang sumugal sa bawat laban. Tandaan na hindi laging panalo kapag susugod sa isang giyera. Puwede kang umuwing luhaan o umuwi na tagumpay. Sa buhay ko, sumugal ako nang sumugal. May oras na lagi akong talo at muntik na akong sumuko. Pero buti nalang at nandiyan ang mga mahal ko. Sa kanila ako humugot nang lakas hanggang sa wakas napanalo ko rin ang laban ko. Laging tandaan na hindi tayo nag-iisa. Kung pakiramdam mo na nag-iisa ka, huwag kang susuko at mawalan ng pag-asa dahil may isang tao o mga taong darating sa bawat buhay natin para mahalin tayo at para suportahan tayo sa lahat ng adventure natin sa buhay.

Author's Note: Una sa lahat bago po matapos ang istoryang ito. Nagpapasalamat ako sa nagbasa at sumubaybay. Marami pong salamat sa nagtiyaga at magtitiyaga palang na basahin ito. Sana kahit isang simpleng kuwento lamang ito ay kapulutan niyo ng aral. Thank you po❤️