Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 37 - Chapter 35

Chapter 37 - Chapter 35

Madison

Maingat kong siniksik sa bulsa ang aking cellphone sa suot kong slack. Iniwan kong naka record button ang aking cellphone. Wala pa ding kabawas-bawas ang baterya para hindi mabilis ma lowbat sa buong magdamag niyang pagrerecording.

Habilin sa akin ni Maddox na laging i-silent ang cellphone at dapat laging naka-recording para kapag may narinig akong puwedeng ibalita sa kanya ay agad kong maii-record.

Huminga ako nang malalim. Ito na. Ito na ang simula nang paninilbihan ko sa lalaking dati kong nobyo. Sana nga lang at tumagal ako.

Bumukas ang pinto ng silid na kinatutuluyan ko. Iniluwa nun si mang Nerma na kapuwa kaparehas ng damit ko ang suot niya rin ngayon.

"Gising kana pala. Mabuti naman at maaga kang magising, Ana."

"Kanina pa po ako gising. Pina-una ko lang pong maligo sila ate Maria."

Bale tatlo kaming natutulog dito. Apat nga dapat pero nag-resign ang isa sa hindi malamang dahilan. Dalawang double deck ang higaan tapos wala ng ibang gamit pa at tanging isang palikuran pala na nagsisilbi ring paliguan.

Nakakatuwa lang at mabilis ko na nakasundo ang mga kasama ko rito. Tinuturing nila akong bunsong kapatid na lubos kong ikinasasaya. Nakakuha rin ako ng ilang impormasyon sa kanila. Sa kanila ko nalaman na si Francis na pala ang nakatira sa bahay na ito at ang nobya niya. Marami akong katanungan na gustong tanungin sa kanila pero iniiwasan ko muna ang maging mausisa. Ayoko naman na isipin nila na masyado akong interesado sa buhay ng mga nakatira dito. Na alam ko na iyon ang sadya ko rito.

Gusto ko mang tanungin din ang tungkol sa dati naming kasam-bahay dito ay hindi ko magawa. Sapagkat, tiyak na magtataka sila. Lalo na si Shiela na parang nakilala pa nila.

"Hala siya! Halika na ineng at mag-umagahan na. Mabilis at baka abutan ka ng nobya ni sir."

Mabilis na hinakbang ni manang Nerma ang pagitan sa amin. Kinuha nito ang braso ko at hinigit ako papalabas ng silid. Hinila ko nalang ang pinto para magsara 'yon.

"Magandang umaga, Ana." Kinawayan ako ni ate Maria nang magtungo na kami sa kusina. Kanya-kanya silang puwesto habang kumakain.

"Magandang umaga po sa inyong lahat." Masiglang bati ko sa kanilang lahat.

Ipinag-higit ako ni manang Nerma ng upuan. Bago palang ako uupo dun pero naunahan na ako ni manang nang siya na ang nag-upo sa akin.

"Masyado ata siyang natataranta?" takang tanong ko sa aking isipan. Ganun ba kalupit ang bagong nobya ni Francis. Kaya ba mabilis niya akong napalitan dahil iisa ang likaw ng bituka nila.

"Pagpasensiyahan mo na si manang, ha? Natataranta talaga 'yan kapag nandito ang jowa ni sir." Bulong sa akin ni Steph at iniabot sa akin ang tinapay na siyang mismong nagpalaman. Isa rin siya sa kasamahan ko sa silid para sa kasam-bahay dito.

Hindi ko tinanggihan ang tinapay na iniabot niya at kinagat agad. May tinapay pa man sa loob ng bibig ay hindi 'yon naging hadlang para mag-usisa ako.

"Nobya? May nobya na pala si sir. Anong pangalan niya?" Kunwari ay namamangha kong tanong. Pero sa loob-loob halos parang gustong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

"Oo meron na girl. Ingat ka dun may pagkademonyita pa mandin si ma'am Laylanie. Naku, lahat pinagseselosan." Mahinang bulong sa akin ni Steph.

Natigil ako sa pagnguya sa piraso ng tinapay na nasa loob ng bibig ko. Para akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ng bagong nobya ni Francis. Pamilyar sa akin ang ngalan niya pero hindi ko mapagtanto kung saan at kailan ko siya narinig.

"Uy, natulala ka ata girl. Basta kapag may nakasalubong ka na babaeng sobrang tangkad at parang kawayan dito ay si ma'am na agad 'yon ha--Aray ko naman!"

Halos mapasubsob sa tagiliran ko si Steph nang batukan ito ni Eunice. Si Eunice ay may kaitiman at halatang seryosong-seryoso sa trabaho ang kanyang itsura.

"Hoy babae! Tigil-tigilan mo ang paglalarawan kay ma'am na parang isang patpating kawayan. Palibhasa inggit kalang sa beauty niya." Mabagal na umirap si Eunice kay Steph.

Sa akin naman nito ibinaling ang tingin. Seryoso ako nitong tiningnan. "Kung gusto mong tumagal dito huwag kalang maging pakelamera at tatagal ka." Inismiran muna nito si Steph na ang sama na ng hilatsa ng mukha bago umalis si Eunice sa kusina.

"Ang sabihin mo sip-sip kalang, girl! Palibhasa, loyal kay ma'am." Nakatayong sigaw ni Steph habang nakatutok ang tingin sa dinaanan ni Eunice.

Mukhang kailangan ko rin na mag-ingat kay Eunice.

"Steph, ika'y nga ay magtigil. Husmiyong batang ito." Saway ni manang dito.

Lumapit si manang sa puwesto namin at nagawang kutusan ng isang kamay si Steph na umuusok na sa galit.

"Manang naman eh..." Nagdadabog na umupo si Steph bago sinalpakan ng isang tinapay ang bibig. Hindi na muli ito umimik.

Lumapit sa akin si manang at inilapag ang itinimplang isang tasa ng kape. "Ubusin mo na 'yang kinakain mo at higupin mo na ito."

"Salamat po."

Tumango lang sa akin si manang.

Mabilis ko namang inubos ang kinakain ko at dahan-dahan na inihipan ang kape. Nang alam kong hindi na ako mapapaso ay saka ko lamang ito hinigop hanggang sa maubos at masaid ang laman.

Parehas na parehas parin ng dati ang timpla ni manang. At saka maalaga parin siya. Mapa si Madison o Ana pa man ako ay nandiyan siya para alagaan ako. Kung puwede ko lang sanang sabihin kay manang na ako ito. Na ako si Madison ang makulit niyang helper sa kusina kapag wala si lola sa bahay.

Hinugasan muna namin ang pinagkainan bago kami nagsimulang magtrabaho. Nung una ay inilibot-libot at pinapamilyar pa nila ako sa gagawin ko sa araw-araw hanggang sa lumipas ang araw at linggo nasanay na ako sa ginagawa ko. Hindi ko naman magawang pumuslit sa silid ni Francis dahil parang laging may matang nakatutok sa lahat ng kilos ko.

Hindi ko pa man nakikita ang karibal ko sa puso ni Francis pero ito namang si Eunice ang nagsisilbi ni Laylanie na mata at tainga rito. Hindi rin ako nakatoka sa paglilinis sa silid sa taas kaya wala akong sapat na dahilan para magtungo roon. Hindi katulad noon na ako si Madison. Kahit anong oras ay puwede akong magparoon at magparito sa bahaging itaas ng bahay na ito.

"Ang sarap talagang dukutin ng mata niyan ni straw."

Napahagikhik ako sa sinabi ni Steph. Parehas kaming nakatoka sa labada ngayon. Maayos namin na ibinibilad ang nagkakapalang carpet na halos isang linggo lang ata ang pinalilipas at pinapalitan agad.

"Bakit parang ang inet naman ng ulo mo kay Eunice? Mabait naman siya, ah. Baka loyal lang talaga siya kay ma'am." Usisa ko rito.

Nagtulong kami sa pagsampay ng pulang carpet sa sampayan at maging sa pagbuka nun.

"Mabait bagang?! Sipsip lang siya kay ma'am, Ana. Feelingera kasi ang negrang iyon na feeling magugustuhan siya ni sir." Lumapit si Steph sa akin at bumulong. "Secret lang natin 'to ha? Pero alam ko pinagtangkaan ni Eunice na lasunin si ma'am. Mabuti na lang at nakita ni manang."

Nagulat ako sa nalaman ko. "Talaga?"

"Oo girl. Sayang nga lang at hindi pa nalason si ma'am tas hindi pa naisuplong si negrita."

Napalayo ako kay Steph nang mabingi ako sa ginawa nitong tunog na nagpapahiwatig na inis na inis siya.

"Hindi kaya ikaw ang may pagnanasa kay sir, Steph?" Hindi ko maiwasang itanong 'yon. Lalo pa at ramdam ko ang inis niya sa dalawang babae lalo na sa amo namin.

Agad nanlaki ang mata ni Steph. Sunod-sunod na umiling ito. "Walangya ang word na pagnanasa girl, ha! Oo, guwapito si sir pero naku never-ever akong mahuhulog sa charm niya. Basta guwapo, manloloko no."

Natawa ako sa kanya pero agad kong isineryoso ang aking mukha nang magtanong ako sa kanya. "Namana ba ni sir itong bahay na'to? Ang laki kasi."

Tumango si Steph. "Oo, alam ko nangibang bansa daw ang tunay na nagmamay-ari nito. Biglaan nga daw. Ni hindi nga daw nagpaalam sabi nung mga umalis na dating katulong dito."

"Ano kayang dahilan? Baka may alam kapa Steph." Nanigkit ang mata ni Steph kaya sinundan ko pa ulit ang sinabi ko. "A-Alam mo naman, baguhan ako 'di ba kaya palatanong pa, hehehe."

Ngumuso si Steph at humawak sa baba na itsura ng tao kapag nag-iisip. "Alam ko-"

"Matatapos ang ginagawa niyo kapag tsismisan lang kayo nang tsismisan, no?"

Biglang sumulpot sa kung saan si Eunice at nakaangat ang kilay na tiningnan kami.

Mabilis kong kinuha ang kamay ni Steph at inilingan siya. Mabuti naman at nakuha niya ang nais kong iparating. Kung gusto niyang magtagal dito at ako, kailangan namin na umiwas sa gulo.

Tikom parehas ang aming bibig na tinapos ang ginagawa.

Atleast, may bago akong nalaman tungkol kala lola. Nasa ibang bansa pala sila. Ngayon ang tanong kung saang bansa sila naroroon? At bakit sila lumuwas nang hindi manlang ako hinanap? Kinutuban tuloy ako bigla nang hindi maganda.