Tahimik na nakamasid si Maddox kay Madison na mahimbing na natutulog. Balot na balot ang buong mukha nito ng puting gasa. Hindi niya maiwasan sa sarili na panaka-nakang tingnan ito. Hindi pa man niya nakikita ang buong mukha nitong natatakpan ay talagang nae-excite na siya.
Mahigpit niyang hinawakan ang mga litratong nasa isang supot. Mga larawan iyon ni Madison bago ito sumang-ayon sa nais niyang magparetoke. Humiling ito na kuhanan muna niya ng litrato ang kanyang dating mukha. Habang inooperahan ito, naisipan niyang ipadevelope lahat 'yon. Iyon lamang ang kaya niyang ibayad sa babae. Ang sundin ang hinihiling nito.
Bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan nila. Pumasok ang lalaki dun na nakadamit pang doktor. May hawak-hawak itong maliit na salamin at ilang papel na hindi niya malaman kung ano ang nakasulat.
"Kumusta siya? Hindi pa ba nagigising?" Tanong agad nito at lumapit kay Madison na mahimbing pang natutulog.
Tumayo sa pagkakaupo si Maddox. Nilapitan niya ang babaeng halos isang oras na atang natutulog.
"Talaga bang matagal ang tulog kapag nagparetoke?" Nagtatakang tanong niya. Nag-aalala na siya para sa babae. Baka mamaya niyan ay kung napano na ito.
"Nope." Tumawa si Jack. Tinapik nito ng isang beses ang balikat ng babae. "Wake up, little girl. Alam ko na kanina ka pang gising."
Hindi manlang natinag si Madison sa ginawang pagtapik ni Jack.
"Baka tulog pa siya talaga," naiwika niya.
Tumawa si Jack. Hinigit nito ang isang silya at umupo doon. "Mahirap talagang gisingin ang nagtutulog-tulugan lang Maddox."
"Ohh." Namimilog ang labi na nasabi niya.
"Go kiss her. Gisingin mo ang sleeping beauty mo." Nakakalokong wika nito.
Tiningnan ito ni Maddox nang masama. Lumapit siya sa ulunan ni Madison. Itinapat niya ang kanyang labi sa tainga nito na nababalutan din ng tela at bumulong. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Jack, no? Kapag hindi kapa bumangon, hindi ako magdadalawang isip na punitin ko ang telang 'yan at gawin ang sinuhesyon niya."
Lihim siyang napa-ngiti nang mabilis pa sa alas-kuwatro na nakaupo si Madison sa kinahihigaan nito. Panay ang salita nito ng kung ano na hindi niya mawari dahil sa tumatakip sa buong mukha nito.
"Next time, ibulong mo rin sa akin ang binulong mo sa kanya, Maddox. Mukhang effective siya na pampa-gising." Natatawang tumayo sa kinauupuan si Jack.
Lumapit si Jack kay Madison. Inilapat nito ang dalawang palad sa balikat ng babae at iniharap sa gawi niya. "Okay, little girl. Tatanggalin na natin ang tumatabon sa pretty face mo, ha. Kanina pa kasing atat na atat ang prince charming mo dito. Palibhasa iisa ang muk-Aww..."
Napatigil sa sinasabi si Jack ng suntukin nang mahina ni Maddox ang tagiliran nito. Imbes na patulan ay nginisian lang siya ng doktor.
"Ang dami mong sinasabi. Tanggalin mo nalang kaya 'yang tumatabon sa mukha niya."
"Yes, sir." Sumaludo muna si Jack kay Maddox na halatang inip na inip na sa kakaintay.
Hindi na pinatagal pa ni Jack. Maging siya rin ay nae-excite sa maaaring kalalabasan ng ginawa niya. Let us say na si Madison ang una niyang naretoke. Kaya hindi niya maiitanggi ang kaba at saya na nadarama.
Dahan-dahan ang naging pagtanggal ni Jack sa tumatabon sa mukha ng dalaga. Hanggang sa maging isa nalang at tuluyan ng bumungad sa harapan nila ang bagong mukha ng dalaga.
"Open your eyes."
Mabilis na kinuha ni Jack ang maliit na salamin at itinapat iyon sa harapan ng mukha ni Madison.
Unti-unting bumukas ang mga mata ng dalaga. Sa una ay naging malabo pa ang lahat. Pero ng maging malinaw ang kanyang paningin. Napatakip nalang siya sa bibig sa gulat. Tulala lang si Madison na nakatingin sa salamin.
Napalunok si Maddox sa pagkamangha. Tulala lang siyang nakatingin at pinag-aaralan ang mukha ng dalaga. Sumikbo ang kanyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. Nasa harapan niya ngayon ang mukha ng babaeng ilang taon na siyang dinadalaw sa panaginip.
"Ana..."
Mabilis na lumapit si Maddox kay Madison at niyakap ito nang mahigpit.
Tulalang nailapag ni Madison ang salamin. Ni hindi niya magawang itulak manlang ang lalaki dahil sa pagkabigla.
"Sabi na nga ba at buhay ka. Saan ka ba nagpunta?"
Sinapo ni Maddox ang mukha ni Madison. Napalunok si Madison nang mapansin ang tubigang luha ng lalaki. Umiling-iling siya at ngiwi ang labi. Mukhang nadala ng emosiyon ang lalaki.
"Maddox, ako ito si Madison. Nagbago man ang mukha ko pero ang katauhan ko ay iyon parin."
Parang natauhan naman ang lalaki. Napapasong binitiwan nito ang mukha niya at iniiwas ang tingin. "S-Sorry, nabigla lamang ako."
Maging si Madison din naman ay nabigla. Hindi niya inaasahan na puwede pa palang magbago ang itsura niya. Sa loob ng ilang taon na paghihirap niya sa itsura niya ay natapos agad ng ilang oras lamang.
"Anong plano mo ngayon, Maddox?" Singit na tanong ni Jack.
Kinalamay muna ni Maddox ang sarili. Sinulyapan muna nito ang dalaga bago humarap sa kausap. "Babawiin ko ang sa akin."
"Hindi kapa rin ba susuko, bro?"
Tumalim ang mata ni Maddox at matigas na umiling. "Hindi ako susuko, hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Nakapagsimula na ako. Tapos susuko pa ako."
Tinapik ni Jack ang balikat ng kaibigan. Nag-aalala siya para sa kapakanan nito pero wala siyang magagawa para pigilan ito sa nais niya. Naiintindihan niya naman ito dahil kahit kung siya ang nasa sitwasyon nito ay baka isugal niya rin ang lahat makapaghiganti lamang. "Basta kapag kailangan mo nang tulong, nandito lang ako."
"Salamat." Niyakap ni Maddox ang kaibigan. Tinapik-tapik ni Jack ang likuran nito. Simula pagkabata ay sila na ang magkasama. Kaya wala silang ibang malalapitan kung hindi ang isa't isa. Nagsama sila sa hirap at ginhawa ng buhay. Natuto silang makibaka sa malupit na mundong kanilang kinalakihan. Pero ngayon, mukhang si Maddox na lamang ang susunong sa bagyong kinahaharap niya ngayon.
Unang kumalas sa yakap si Jack at nakangiting tiningnan si Madison. "Ingatan mo sana ang sarili mo bata. Gamitin mo din ang mukhang iyan para magbagong buhay. Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataong ibinigay sa'yo. Maiwan ko na kayo."
Sila nalang dalawa ni Maddox ang naiwan sa silid. Si Maddox na walang ibang ginawa kung hindi ang pag-aralan lamang ang bago niyang mukha. Napapayuko tuloy siya sa hiya. Para kasing tagos kung tumingin ang lalaki.
"Ana. From now on, iyon na ang magiging pangalan mo."
Tumango nalang si Madison sa sinabi ng lalaki. Napag-usapan na nila ito at wala na siyang balak pang tumutol sa mga plano nito. Kailangan niya ng kasagutan sa mga katanungan sa isip niya at mahahanap niya lamang ang sagot dun kung tutungo siya at mamamasukan sa mga Navarro.