Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 34 - Chapter 32

Madison

Lutang ang aking isipan habang matulin na tumatakbo ang sasakyan. Hindi ko parin maintindihan kung tama ba na pumayag ako sa nais ng lalaking ito. Sa paningin ko, isa siyang baliw na handang maghanap nang paraan para makuha lang ang gusto.

"Bakit tahimik ka?" Nakangiting nilingon ako ni Maddox.

"Ay, ikaw. Bakit masaya ka?" Nakataas ang kilay na ganti kong tanong.

"Kasi mababawi ko na ang sa akin."

Siya lang pala ang malaki ang mapapakinabangan sa plano niyang ito. Samantalang ako, mahahanap ko lang si mama pero hindi pa sure kung totoo.

"Paano mo nakilala ang mama ko ay matagal na siyang patay?" Nagtatakang tanong ko.

Kaya lang naman ako sumama sa kanya dahil balak kong tumakas. Wala akong balak na sundin ang gusto niya no. Patay na si mama at isang kabaliwan na makilala niya ang isang taong matagal ng nakalubog sa lupa.

"Patay?" Natatawang tanong nito at may paghampas pa sa manibela. "Napakadali mo talagang lokohin, bata. Ang sinasabi mong patay ay buhay na buhay pa."

Hindi ko na ito kinausap pa. Bahala siya sa mga pinagsasasabi niya. Baka maluwag na talaga ang turnilyo nito sa isip kaya kung ano-ano na ang pinagsasasabi. Makakuha lang talaga ako ng tiyempo at iiwan ko na 'to.

Napatingin ako kay Maddox nang itigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ko nang bumaba ito.

"Iihi. Sama ka?" Ngiting aso na sinabi nito.

Maisip ko palang na kasama siya sa pag-ihi ay kinikilabutan na ako. Iniiwas ko ang aking tingin at umirap. "Umihi ka mag-isa mo."

Mabilis akong lumingon sa gawi niya nang marinig ko ang yabag niya. Tutok ang aking tingin sa ginagawa niyang paglalakad. Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makatakas. Mabilis kong nilock ang pintuan ng sasakyan at lumipat sa driver seat.

Kabadong-kabado na hinagilap ko ang susi. Natagpuan ko 'yon na nakasuksok sa susian. Mabilis kong binuhay ang makina. Pero kahit anong pilit ko ayaw niyang mabuhay.

"Akala ko ba katulad lang 'to nung sa video games." Inis na inis kong binuhay ulit ang makina pero ayaw talaga.

Kabadong-kabadong nilingon ko ang daan na tinahak ni Maddox pero wala pang ni anino ni Mddox ang lumilitaw dun.

"Mabuhay kana please... Gusto ko nang makatakas sa lahat ng 'to."

"Hindi kasi ganyan ang tamang pagbuhay ng makina."

Anak ng pusang gala! Nanlalaki ang aking mata na napatingin sa bintana sa driver seat. Seryosong nakatingin sa akin si Maddox. At sa palagay ko, alam na niya kung anong binabalak ko.

"Buksan mo ang pinto." Madiin na pagkakasabi nito.

Umiling ako. Natatakot ako sa itsura niya. Baka kung anong gawin niya sa akin.

"Madison. Bubuksan mo ang pinto o mapipilitan akong sirain 'to." Paninindak nito.

Hindi ako nagpadala sa takot at mahigpit na hinawakan ang pang-lock ng pintuan. Tiningnan ko sa mata si Maddox ang nakikiusap ko siyang tinitigan. "Hindi na ako sasama sa'yo, pakiusap. Kung buhay si mama, salamat. Pero wala na akong balak na makita pa siya."

Napatalon ako sa gulat nang malakas nitong hinampas ang bintana. "Putangina! Ganon-ganon na lang 'yon. Halos mamatay ako sa pagliligtas ko sa'yo tapos simpleng hiling ko na tulungan mo ako hindi mo magawa. Hoy babae, hindi ako makakapayag na isang tulad mo lang ang sumira sa plano ko."

Kinalampag nito nang kinalampag ang sasakyan na lalo lamang naghatid sa akin ng takot. Ibang-iba ang Maddox na nakikita ko ngayon. Hindi na siya 'yung Maddox na namimilosopo at laging masungit.

"Bakit ba ako pa ang pinili mong tumulong sa'yo? Puwede ka naman maghanap ng iba."

"Sa tingin mo kung hindi ikaw ang kailangan ko, ililigtas kita? Ang tanga ko naman kung aaksayahin ko lang ang oras ko para sa walang kuwentang tao."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Sino nga naman ako para pag-aksayahan ng oras? Isa lang naman akong pangit sa mundong ito na walang nagmamahal.

"T-Tama. Sino nga ba ako para pag-aksayahan ng oras? Isa lang naman akong pangit na naghahanap nang pagmamahal." Tinigilan ko na ang pagpigil ko kay Maddox upang hindi makapasok. Bumalik ako sa dapat kong inuupuan at hindi na nag-abala pang tumakas.

"Sorry. Hindi ko intensiyon na masaktan ka." Binuhay ni Maddox ang makina at normal na pinatakbo ang sasakyan. "Kailangan ko lang talaga ng tulong mo, Madison. Pasensiya na kung nadamay ka sa problema ko. Pero ikaw lang kasi ang kilala kong malapit kay Francis Navarro."

Agad akong napatingin kay Maddox nang banggitin niya ang pangalan ng taong pilit kong kinalilimutan. "B-Bakit? Paano mo siya nakilala? Huwag mong sabihin na kakampi ka niya." Agad kong isiniksiik ang aking katawan sa upuan. Sabi na nga baga eh. Kilala niya si Francis kaya hindi na ako nagtataka na kilala niya rin ako.

"Hindi ako ang kalaban mo dito, Madison. Si Francis 'yon at gusto kong makipagtulungan ka sa akin para mapabagsak siya."

Umiling ako. Hindi ko gusto ang plano niya. Gusto ko nang lumagay sa tahimik. Ayoko nang gantihan sila. "Ayoko na, Maddox. Ipagpapasa-Diyos ko nalang sila at ang taong pumatay sa nanay niya."

Kunot ang noo habang nagdidrive si Maddox. Mahigpit ang hawak nito sa manibela. "Pumatay? May proweba ka ba para maituro mo kung sinong pumatay sa nanay niya."

Agad kong kinuha ang patalim sa maliit na bag na labit-labit ko. Tinaggal ko ang balot na tela nito. Lumantad sa paningin ko ang nangingintab na patalim na may nakaukit na isang ibon sa puluhan. "Tanging ito lang ang hawak ko. Pero umaasa ako na kapag nahanap ko ang pumatay kay mama Ophelia ay babalik ang dati kong buhay."

"Shit..."

"May problema ba, Maddox?" Tanong ko dito nang hindi makaalpas sa pandinig ko ang pagmumura niya.

"Kung hindi ako nagkakamali ang nagmamay-ari ng patalim na 'yan ay isa sa mga tauhan ni Francis."

Mabilis akong naniwala sa sinabi niya. Alam ko nakakapagtaka na kilala niya ako at si Francis. Pero ngayon kailangan ko munang magtiwala sa kanya dahil baka kahit papaano bumalik pa ang dati. Malay ko, kapag nalaman ko ang tunay na salarin ay mahalin ulit ako ni Francis. Baliw na kung baliw, pero hanggang ngayon ay si Francis parin. Kahit saksakin niya ako nang harap-harapan, siya parin.

"Sino at saan ko siya mahahanap?"

"Makipagtulungan ka sa akin at makukuha mo ang gusto mo."

Parang gusto kong tumakbo ang oras nang mabilis. Bigla akong nabuhayan ng loob. Ang isipin na magkakaayos kami ni Francis ay ang siyang hinahangad ko talaga. Sana nga lang at hindi ako nililinlang ng lalaking 'to.