Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 33 - Chapter 31

Chapter 33 - Chapter 31

Patuloy na humihithit ng sigarilyo si Maddox habang nakasandal sa isang puno. Malayo ang kanyang tingin, maging ang kanyang isip.

Kating-kati na siyang lumuwas at balikan ang mga may utang sa kanya pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Ito pa nga at dumagdag pa sa problema niya ang babaeng kasalukuyang nanunuluyan sa maliit nilang tahanan. Kung puwede niya lang sanang sipain ang babaeng iyon para mawala na sa buhay niya. Kaso hindi niya magawa dahil aaminin niya, malaki ang maiiambag nito sa mga pinaplano niya. Lalo na at iisa lang ang kalaban nila.

"Francis Navarro." Ikinuyom niya ang kamao nang banggitin ang nakakaadwang pangalan ng lalaking iyon. Kotang-kota na ang lalaki sa kanya. Masyado na itong nagpapasarap sa buhay na ninakaw. Hindi siya papayag na lumipas ang taon na 'to na hindi nababawi ang dapat na sa kanya.

Itinapon niya ang halos nangangalahating sigarilyo sa lupa at gigil na pinag-aapakan iyon hanggang sa mamatay ang sindi. Katulad ng sigarilyo, mabilis din na mauupos ang lalaking 'yon.

Salubong ang kilay na umalis siya sa pagkakasandal sa puno at tinahak na ang daan papauwi sa bahay nila.

Naabutan niya na masayang nagkukwento ang dalawang babae na hindi na niya ikinataka. Sa pamamalagi ni Madison sa bahay na 'to wala ng ibang ginawa ang dalawa kung hindi ang magkukwentuhan at magtawanan.

Higit isang linggo na ang babae sa kanila. Nababahala na siya sa nagiging ugnayan nito at ng ina-inahan niya. Gaya ng inaasahan niya, hindi talaga mapipigilan ang nararamdaman kaya kahit anong gawin niya ay hindi niya mapaglalayo ang loob ng dalawa. Pero masyado pang maaga. Hindi niya naman magawang pagbawalan ang mama Alicia niya, tiyak na kurot lang ang maaabot niya mula rito. Kung hindi lang sana isang pasaway ang babaeng iyon ay baka wala siyang problema ngayon.

"Mag-usap tayo, Madison." Maatoridad na utos niya sa babae. Nagpaalam muna ito kay Alicia bago sumunod sa kanya.

Sa likod-bahay sila pumunta. Gusto niyang klaruhin sa babaeng ito na kaya niya dinala ito sa bahay nila ay hindi upang magpasarap lang. Gusto niya na malaman nito ang plano niya para rito. Ito na ang oras para maningil siya.

"Bakit mo ako pinatawag?" Maaliwalas na ang itsura nito. Hindi katulad nung panahon na nagpapagaling pa ito at binabawi ang lakas na nawala.

"Gusto kong sabihin na baka bukas o sa susunod na araw ay aalis na tayo."

Nangunot ang noo ng babae. Hindi makapaniwala na tinuro nito ang sarili. "Ako? Ikaw at ako? Aalis?" Hindi makapaniwala na sinabi nito at tinawanan siya. "Sorry, Maddox pero hindi ako sasama."

Tangkang tatalikuran na siya ng babae nang mahigpit niyang hinigit ang braso nito. "'Pag sinabi kong aalis tayo. Aalis tayo." Pinagtagis niya ang bagang sa inis.

"Ayoko nga. Mas gusto ko na dito. Tutal naman, 'di ba sinabi mo nang ulila ako." Inilapit nito ang mukha sa kanya at nginitian siya nang buong panunusot.

"Kapag hindi kapa lumayo. Mapipilitan akong-"

"Mapipilitan na ano, Maddox?" Naglalaro sa mata nito ang buong kasiyahan sa panunusot sa kanya. Imbes na matakot sa banta niya ay lalo lang itong naistihan.

Ugh... Hindi niya talaga kakayanin ang pagiging makulit ng babaeng ito. Parang hindi siya 'yung babaeng nakita niya noon.

"Hahalikan kita." Gusto niyang sapakin ang sarili sa isinagot. Wala siyang balak na gawin 'yon. May asawa siyang tao at wala siyang balak na pumatol sa bata. Kapag nangyari 'yon, tiyak na may sapi na siya.

"H-Hahalikan mo ako?" Gulat na tinangka ng dalaga na lumayo sa kanya.

Nakaisip siya ng paraan para makaganti rito. Oras niya naman para ito ang lokohin. Mabilis niyang pinadulas ang dalawang kamay sa baywang nito at hinapit ito. Halos magkadikit na ang kanilang mga dibdib. Gasino na lang ang hibla ng agwat nila.

"Hindi mo ba gusto 'yon?" Siya naman ang halos idikit ang mukha rito. Halos magbunyi siya sa loob-loob niya nang panay ang iwas ng dalaga.

"Lumayo ka nga. Nakakadiri ka!" Itinukod nito ang dalawang palad sa dibdib niya at tinulak siya. Pinagbigyan niya naman ito. Bigla niyang binitiwan si Madison pero hindi niya inaasahan na mawawalan 'to ng balanse.

Malakas niyang tinawanan ang babaeng napaupo sa lupa. Masama siyang tiningnan nito.

Tumigil siya sa pagtawa at naglahad ng palad rito. "Need help?" Nakangising tanong niya na nahahaluan niya nang panaka-nakang pagtawa.

"Tulungan mo mukha mo." Nakakapit sa baywang na tinayo siya ng babae. Matalim na tiningnan siya nito na ikinaseryoso niya. "Kahit anong sabihin mo, hindi ako sasama sa'yo. Alam ko may utang na loob ako sa'yo pero hindi ibig sabihin nun ay papayag na ako sa mga gusto mo. Well, thank you sa tulong mo pero sorry dahil buhay ko'to at ako ang masusunod."

Matagal silang nagsukatan nang titig bago niya nagawang unang sumuko. "Okay, sorry for forcing you. Pero hindi mo ba gusto na umuwi o balikan manlang ang mga nanakit sa'yo?" Kung kailangan niyang pakiusapan 'to, gagawin niya. Kailangan na kailangan niya ang babae.

"Wala na akong babalikan."

Tinalikuran siya nito. Hindi siya makakapayag na tumanggi ang babaeng ito sa gusto niya. Masisira ang plano. Ilang taon na ang lumipas. Ilang taon na ang naaksaya niya.

"Hindi mo ba gustong malaman kung bakit ka tinangkang patayin ng nobyo mo?"

Napangiti siya nang natigilan si Madison sa sinabi niya.

"H-Hindi." Pagtanggi nito. Napangiti siya sa pagtanggi ng babae.

Hindi maalis sa labi niya ang ngiti nang mapadpad ang tingin niya sa nakakuyom na kamao ni Madison. Nanginginig 'yon sa galit.

"Paano kung sabihin ko na alam ko kung nasaan ang nanay mo." Wala siyang pagpipilian kung hindi ang sabihin 'yon. Wala siyang balak na sabihin kay Madison ang nalalaman niya. Gusto niyang si Madison ang makaalam nun.

"S-Si mama."

Mablis na nakalapit ito sa puwesto niya. Hinawakan nito ang kuwelyo niya at nakatingkayad na tiningnan siya nang nagbabanta. "Nasaan si mama? Paano mo siya nakilala?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Bakit hindi ka sumasagot?" Hinigpitan nito ang hawak sa kuwelyo niya.

Malumanay na tinanggal niya ang kamay nitong nakakapit sa kuwelyo niya at ginulo ang tuktok ng buhok nito. "Easy bata. Magkikita din kayo, pero bago 'yon gusto ko muna na malaman kung sasama ka sa akin at handang gawin ang lahat nang sasabihin ko."

Tumayo ito nang ayos at tinitigan siya sa mata. "Oo. Kahit ano pa'yan."

"Great. Maghanda kana at bukas na bukas din luluwas tayo. May ipapakilala ako sa'yo na tiyak na ikatutuwa mo."

Iniwan niya ang dalaga na nakakunot ang noo dahil sa sinabi niya. Hindi na siya makapag-antay pa para bukas.

Kinuha niya ang cellphone at nagtype ng numero. "Hi, Jack ready your clinic tomorrow. Darating na ang una mong pasiyente."