Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 30 - Chapter 28

Chapter 30 - Chapter 28

Madison

Nanginginig ang aking kamay na pumilas ng kapirasong tela sa kasuotan ko at ibinalot ang duguang kutsilyo dun. Hindi ko magawang lingunin si mama Ophelia. Ilang oras nalang at tiyak na lalabas na si haring araw. Para na akong bangag at wala sa sariling nakatulala lang. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko na iwan si mama Ophelia dahil unang-una sa lahat wala akong kasalanan. Hindi ako ang pumatay sa kanya. HINDI.

Hinubad ko ang damit ko at inihakbang ang aking paa papunta sa kinahihigaan ni mama. Tanging bra nalang ang suot ko at sa baba ay gula-gulanit na jeans.

Nanginginig ang aking tuhod, bukod sa masakit iyon at nahahabag ako sa nangyari kay mama.

Nanubig ang aking mata nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Pabagsak akong lumuhod sa tabi niya at humagulhol. "M-Ma... Sorry... Sorry kasi hindi kita naipagtanggol. Dapat kitang kamuhian pero nananaig ang pagmamahal ko para sa anak niyo."

Inilapat ko ang aking kanang palad sa mata niya at isinara iyon. Sabi nila kapag nalagutan ka daw na mulat ay makasalanan ka. Hindi ako naniniwala. Oo, masama si mama pero lahat ng iyon ay may dahilan. Hindi niya magagawang pagtangkaan ang buhay ko kung hindi siya nagpaalipin sa salapi. Kung hindi lang sana siya nasilaw.

"T-Tulungan niyo po si Francis na matanggap ang nangyari sa inyo." Huminga ako nang malalim at tinaklob na ang aking gula-gulanit na damit sa mukha niya. Napagawi ang tingin ko sa dibdib niyang basang-basa ng dugo. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng sariwang dugo. Buti na lamang at tumigil na iyon sa pag-agos.

Hinawakan ko ang kamay ni mama. Mahigpit na nakakapit iyon sa puluhan ng patalim na siyang dapat ay ipangkikitil niya sa buhay ko. Ibinuka ko ang palad niya at inalis ang patalim dun bago inihagis iyon sa malayo. Tanging ang ibinulsa ko lamang ay ang patalim na ginamit ng taong pumatay kay mama. Magagamit ko 'yon para mahanap ang taong pumatay sa kanya. Handa akong maging saksi para makamit nila Francis ang hustisya.

"Paalam, salamat po sa lahat."

Tumayo na ako at iika-ikang inihakbang ang aking paa. Sana may mapadpad na sasakyan para makauwi ako agad sa bahay.

Hindi pa ako nakakalayo ng nalalakad nang may matanawan akong mga tao. Lima sila sa tantiya ko. Agad akong nabuhayan ng loob.

Ikinaway ko ang aking kamay at buong lakas na sumigaw upang makuha ang atensiyon nila.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Agad kong nakuha ang atensiyon nila. Habang humahakbang sila papalapit sa akin ay naging malinaw ang mukha nila.

"Francis..."

Nabawasan ang kaba sa aking dibdib nang mapansin ko na si Francis ang isa sa mga kalalakihan na iyon. Nandito na ang superhero ko. Ligtas na ako.

Paika-ika akong lumakad para mapalapit sa puwesto nila pero napaatras ako nang mapansin ko ang mga dala nila. Nilukuban ako ng takot sa dibdib nang mapagtanto kong mga baril iyon. Tama ba ang sinabi ni mama? Balak din ba akong patayin ni Francis?

Madilim ang mukha na lumalakad si Francis at ang mga kasama niya papalapit sa akin pero agad kong pinihit ang aking katawan at kumaripas ng takbo.

"Oh Diyos ko. Tulungan niyo po ako."

Sumuot ako sa kakahuyan. Hindi ko ininda ang bawat sanga at baging na humahampas sa iba't ibang parte ng katawan ko dahil sa pagtakbo ko, makalayo lang ako sa kanila.

"Hanapin niyo siya mga tanga! Patayin niyo agad kung makita niyo!"

Namanhid ang aking tainga sa narinig kong isinigaw ni Francis. Ang dating anghel niyang itsura sa isipan ko ay naging isang halimaw na. Hindi ko matanggap na kaya niya akong patayin ng hindi niya manlang pinakikinggan ang paliwanag ko.

Alam ko masakit para sa kanya na mamatayan. Matatanggap ko sana kung ako ang may sala. Pero hindi eh. Biktima lang ako. Biktima lang.

"Minahal mo ba talaga ako?" bulong ko at agad na nagtago sa isang malaking puno.

Sunod-sunod ang narinig kong mabibilis na yabag. Kada may maririnig silang kalos-kos ay agad nilang pinapuputukan.

'Diyosko... Tulungan niyo po ako.'

Tanging dasal nalang ang pinanghahawakan ko. Wala akong laban sa limang armadong lalaki. Isang maling galaw ko lang at tiyak na babaon sa bungo ko ang bala ng baril na 'yon.

Nang lumayo sila sa kinatataguan ko ay agad akong lumabas. Mabilis akong tumakbo papalihis sa gawi nila. Tinahak ko ang daan na kinalalagyan ng labi ni mama.

"Tangna boss! Nandito 'yung babae."

Naalerto ako sa sigaw na 'yon. Walang lingon-lingon at ang buong lakas ko ay inilaan ko sa pagtakbo. Pinigilan ko ang aking sarili na maluha dahil hindi pagluha ang tutulong sa akin. Puno na rin nang galit ang aking dibdib. Galit para sa mga taong minahal ko ngunit sila pa pala ang tatraydor sa akin. Akala ko, makakalayo na ako sa madilim kong buhay. Pero tama si mama Ophelia, si Francis pa pala ang naghatid sa hukay na kalulubugan ko.

Napasigaw ako nang may magpaputok sa gawi ko. Gumuhit ang kirot sa aking mukha nang maramdaman ko na ang aking kaliwang balikat ay parang bumigat at namanhid. Nilingon ko iyon saglit at napagtanto ko na may tama ako. Natamaan ako.

Sunod-sunod ang naging pagbaril nila sa gawi ko. Naging mas maingat na ako sa ikinilos ko. Hanggat kaya ko pa ay sinubukan kong iwasan ang bala kahit pa imposible lalo na at nakatalikod ako sa kanila.

Isa pang pagbaril at natamaan naman ang kanan kong balikat. Pagod na pagod na ako at para na akong hihimatayin. Nanlalabo na ang aking paningin at umiikot na ang bawat bagay na nakikita ko.

"Tangina!" Naluluhang mura ko nang bigla nalang akong nabuwal at napadapa sa kalsada.

Nahampas ko ang kalsada nang hindi ko na nagawa pang tumayo. Pinilit ko pero kusang sumusuko ang aking tuhod.

Palapit na nang palapit ang mabibilis na yabag sa akin. Hanggang sa makalapit na nga sila.

Naluluhang itinaas ko ang aking ulo para makita ang taong tumigil sa ulunan ko.

"F-Francis..."

Naluluhang wika ko at nagsusumamo na tiningnan ito. Wala na akong mabakas na pagmamahal at awa sa mukha niya. Tanging nakikita ko lang ay ang galit sa kanyang mga mata at ang nais na patayin ako.

"Bakit mo pinatay si mama?!" Nanggagalaiting sigaw nito at sinipa ang mukha ko na nakatingin sa kanya.

Pakiramdam ko hihiwalay ang ulo ko sa pagsipang ginawa niya. Hindi pa ito nasapat. Puwersahang itinayo ako nito habang mahigpit na hawak ag buhok ko.

Nagpupumaslag ako at sinipa-sipa siya pero para siyang isang pader na hindi manlang natinag.

"Hayop ka! Pinatay mo si mama."

"Hayop ka rin!" ganting asik ko rito at dinuraan siya. "Sinungaling ka. Sinungaling ka! Plano niyong patayin talaga ako nang dahil sa lintik na perang 'yon!"

Natakpan na ang pagmamahal ko para sa kanya nang paninibugho. Pinagkaisahan nila ako at nilinlang. Hindi ko akalain na sila pa pala ang sasaksak sa akin nang nakatalikod at paharap. Mga traydor!

Pabalya nitong binitiwan ang pagkakahawak sa buhok ko kaya napabagsak ako sa kalsada. Dumaloy ang sakit sa buong katawan ko dahil sa malakas na pagkakabagsak.

"Buti naman pala alam mo na. Tutal, alam mo na. Bakit hindi pa natin tapusin?" Ngumisi sa akin ito. Ikinasa nito ang baril at itinutok sa noo ko.

Napapikit ako at napalunok sa takot. Nanginig ang katawan ko sa sobrang takot at tinangkang ilihis ang nguso ng baril sa noo ko pero lalo lamang na idiniin ni Francis 'yon sa noo ko.

"Anong gusto mo? Patayin kita nang dahan-dahan o mabilisan? I let you to choose. Tutal may pinagsamahanan naman tayo at minahal mo naman ako. 'Yon nga lang hindi kita minahal."

"H-Hindi mo ako minahal?" Nauutal na tanong ko.

Tumawa si Francis na parang may nakakatawa sa pagtatanong ko. "Ikaw mahalin ko?! Katangahan. Nakakasuka kaya ang pagmumukha mo. Kung wala lang akong kailangan sa'yo matagal na kitang ginilitan."

"Hayop ka! Mamatay kana! Mamatay kana!"

"Sorry mahal pero mauuna ka." Nakangising wika nito at idinukdok ang baril sa noo ko.

"Pero pumili ka muna..."

Pikit-mata akong sumagot. "Kill me softly please... "

"Killing you softly, accepted."

Hinanda ko na ang sarili ko sa susunod nilang pananakit. Bukas ang mata na tiningnan ko si Francis sa mga susunod na gagawin niya. Umalis siya sa harapan ko. Tanging ang mahabang kalsada ang natanawan ko.

"Babantayan pa ba namin boss?" rinig kong tanong ng isa siguro sa kasamahan ni Francis.

"Huwag na. Lumpo na 'yan"

Tama si Francis, wala na akong lakas para makatayo pa o makatakbo.

Nabuhayan ako nang loob nang mapansin ko na may humaharurot na sasakyan ang lumitaw sa kalsada. Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako dahil hindi iyon napapansin nila Francis. Walang kaingay-ingay na nakalapit ang sasakyan at bumaba ang isang nakahood na lalaki na may baril. Hindi ko alam pero parang biglang naramdaman ko na mabubuhay pa ako.

"Dapa!" Sigaw niya na agad kong ginawa.

Walang tigil na nagpaputok ang lalaki. Narinig ko ang tarantang pagsigaw nila Francis.

"Magtago kayo!"

Narinig ko ang papalayong mga yabag nila. Agad kong iniangat ang aking ulo nang tumigil na ang lalaki sa pagbaril.

Lumapit sa akin ang lalaki at walang kahirap-hirap na binuhat ako. Nagpaputok ulit siya ng ilang beses bago isalpak ako sa loob ng sasakyan. Wala manlang akong makitang taranta o takot sa bawat kilos niya.

Tahimik lang siya at walang kakaba-kabang pinaharurot ang sasakyan.

Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Paano kung isa lang din ito sa palabas nila?

"Hindi ako kalaban. You can relax yourself now." Walang kaemo-emosyon na wika nito. Tutok lang sa kalsada ang mata nito.

Wala akong pagpipilian kung hindi ang maniwala sa sinabi niya. Kailangan kong mabuhay at magtiwala sa taong hindi ko kilala.

"S-Salamat." Wala sa sariling naiwika ko at binalak sanang silipin ang mukha niya pero lalo niya lamang ibinaba pa ang hood ng jacket na suot niya.

"Saka ka na magpasalamat kapag siguradong makakaalis ka na ng buhay. See those rascal. Hindi nila tayo titigilan hanggang hindi ka nila napapatay."

Lumingon ako sa likuran at halos manlaki ang mata ko nang makitang may tatlong kotse ang sumu-sunod sa amin.

Natatakot na hinawakan ko ang braso ng lalaki at hinigpitan ang hawak dun. "Pakiusap ilayo mo ako sa kanila."

"Fasten your seatbelt. Ihahatid natin sila sa impiyerno."

Kinilabutan ako sa sinabi nito pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakakapit nang mahigpit sa seatbelt na nakadikit sa katawan ko. Nanunuot sa katawan ko ang lamig ng bakal nito.

Ibinaba ng lalaki ang hood niya kaya malaya kong napagmasdan ang itsura nito. Blangko ang mukha niya at matatakot ka na salingin siya dahil pakiramdam ko sa tingin niya palang ay kaya na niya akong patayin.

"Welcome to hell." Nakangising wika nito at pinaharurot nang mas mabilis pa ang sasakyan.