Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 29 - Chapter 27

Tanging gapang nalang ang nagagawa ni Madison. Kumakalmot ang kanyang mga kuko sa malamig at matigas na kalsada sa pagpupumilit na makalayo sa taong gustong pumatay sa kanya. Tanging ang dalawang braso at kamay nalang ang pag-asa niya. Manhid na ang kanyang mga binti at paa. Hindi na niya maramdaman ang sakit sa parte ng katawan niyang iyon. Para na siyang lumpong hindi malaman kung anong gagawin para makatakas sa kamay ng hayop na taong ito. Buong katawan niya ay nakasayad sa kalsada at ang tanging kamay ang siyang humihila sa buong bigat ng katawan niya. Makakatakas ba siya? Makakatakas ba siya kung dinaig niya pa ang isang kuhol sa kanyang paggapang.

Wala na... Wala na siyang pag-asa. Pero ayaw niyang sumuko. Hindi niya kayang tanggapin na sa ganito lang siya mamamatay. Lumaki siya sa pangbubugbog at hindi siya makakapayag na dito rin siya mamamatay. Hindi niya matatanggap na lumabas sa balita at ang nakalagay ay namatay siya sa bugbog at bali sa mga katawan. Gusto niyang mamatay nang may dangal at ipinagtatanggol ang sarili. Pagod na siya. Pagod na siya na maging duwag at tinatakbuhan ang problema.

"Nakakatuwa pa lang pagmasdan na nahihirapan ka, Madison. Napakalaking bagay na ako ang dahilan nun."

Humalakhak si Ophelia. Para na itong isang halimaw na hayok na hayok sa dugo at laman. Wala na siyang ibang iniisip kung hindi ang pahirapan ang batang ito at kitilan ng buhay. Sa pamamagitan ni Madison ay parang napaghigantihan na rin niya ang nanay nito. Nakapaghiganti na siya, may pera pa siya. Kung sinuswerte nga naman.

"Isang pirma lang, Madison. Isa lang at mabubuhay ka."

Tumungo ito sa ulunan ni Madison at lumuhod dun. Hinawakan niya nang mahigpit ang buhok nito at puwersahang iniangat ang ulo para magkatitigan sila.

Kahabag-habag na ang itsura ng kawawang bata. Putok ang labi at tadtad na ng sugat ang balat sa mukha, leeg, maging ang dibdib nitong litaw na dahil sa gula-gulanit na damit.

"M-Mamamatay akong hindi niyo mapapakinabangan ang kayamanan nila lola! Mga halimaw! Nang dahil sa pera ay pinili niyo pang pumatay!" Nanggagalaiting sigaw ni Madison at dinuraan ang mukha ng babae.

Lumawak ang ngisi sa labi ng babae at hinayaan na tumulo ang dura ni Madison hanggang sa mawala at matuyo.

"Matigas ka, okay. Kay daling pekein ng pirma. Kay daling bolahin ng iyong tangahing mga lolo at lola. Madamot ka 'di ba?!"

Halos tumalsik ang laway nito sa pagmumukha ni Madison sa sobrang kagigilan nito sa kanya. Hanggang ngayon ay katanungan parin sa kanyang isipan kung bakit ang laki ng galit nito sa kanya. Sa kanyang nanay na tahimik na sa langit.

Inumpog nito ang kanyang mukha sa kalsada. Naiharang nalang niya ang dalawang palad para kahit papaano ay mabawasan ang sakit. Pero nagawang hawakan ni Ophelia iyon at halos baliin na nang pilipitin.

"A-Aray... T-Tulungan niyo ako! T-TULUNGAN NIYO AKO!"

Walang tigil na humingi nang saklolo si Madison pero imposible na may makarinig sa kanya dahil dinala siya ni Ophelia sa putol na kalsada kung saan walang nagagawing tao. Tanging ibong pang-gabi ang saksi sa kasawiang nararanasan niya ngayon.

Nang napagod si Ophelia ay sumalampak ito sa kalsada at tuwang-tuwa na pinagmasdan si Madison. Napahalakhak pa siya nang makitang nagtatangkang tumayo ito. Pero nauuwi rin sa pagbagsak.

"Dapat kasi hindi kana sumama pa kay Francis. Masyado kang nabulag ng lalaking iyon. Pag-ibig nga naman."

Iniangat ni Madison ang ulo at itinukod ang dalawang palad para makatayo. Pero upo lamang ang tanging nagawa niya.

"Huwag niyong idamay rito ang anak niyo! Kayo ang halimak at sakim, buong buhay ko ay nakaalalay siya sa akin at siya ang dahilan kung bakit nakaalis ako sa madilim kong buhay!" Nanggagalaiting sigaw niya. Kung magagawa niya lang tumayo at susugudin niya ang babaeng ito at ipaparanas ang sinapit niya.

Natatawang umiling-iling si Ophelia. "Napakatanga, napakatanga. Binilog kalang niya. Sa tingin mo papatulan ka ng isang lalaking ubod ng kisig habang ikaw ay ubod ng pangit. Magising ka bata. Ang bilis umamin ni Francis na mahal ka niya dahil may kailangan siya sa'yo. Kung wala ka ganto ka, o..."

Kumuha ito ng isang lupa at ibinato iyon kay Madison.

"Nakaalis sa madilim na buhay... Tanga! Siya pa nga ang naghatid sa iyong hukay."

"Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan. Sinisiraan niyo lang siya para madamay siya sa mga pinaggagagawa niyo sa akin-"

Naputol ang mahaba-habang sasabihin ni Madison nang tumayo na si Ophelia. Puno ng galit ang mata nito at puno ng kompiyansa sa gagawin.

"Mabuti pa'y tapusin na natin 'to. Nakakapagod makinig ng mga drama mo sa buhay."

"A-Anong gagawin mo? Huwag kang lalapit." Kinakabahan si Madison nang makitang may kinuha si Ophelia sa bulsa ng suot nitong jeans. Lumabas sa bulsa nito ang isang matalim, makintab, at matulis na kutsilyo. Tumama ang sinag ng buwan doon na lalo lamang naghatid nang kilabot sa buong katawan ni Madison.

"Pasensya kana ha. Hindi ko puwedeng pekein ang pagpatay sa'yo dahil ako naman ang malilintikan."

Napaka-lakas ng loob niya para humingi pa ng dispensa sa kanya. Kahit lumuhod ito sa harapan niya ay hindi niya magagawang patawarin ito.

"Mahabag ka mama... Alam kong may konsensiya kapang naiiwan diyan sa puso mo. Hindi mo ikatatahimik at ikakaganda ng buhay ang pagpatay sa akin. I-I can give you the money that you want." Wala na siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang makiusap rito at sana kagatin ang alok niya.

"Sorry baby girl. Pero napag-utusan lang ako."

Tinakbo nito ang puwesto niya. Napasigaw nalang sa sobrang takot si Madison at hindi na nagawa pang umiwas sa amba nitong saksak. Dumaplis ang una at tanging nahiwa ay ang kanang balikat niya. Umagos doon ang masagana niyang dugo. Pulang-pula at parang walang katapusan sa pag-agos.

"Opss... Sorry mintis."

"Please po. Huwag niyong gawin ito."

Nagbingi-bingihan si Ophelia at dinaganan si Madison. Patuloy naman silang nag-agawan sa patalim. Hindi ininda ni Madison na ang mismong talim ang nasakop ng kanyang buong palad. Kada pagpupumilit na saksakin siya ni Ophelia ay humihiwa naman sa laman niya sa palad.

"Puwede pa po kayong magbago. Puwede pa."

Nginisian lang siya ni Ophelia at buong lakas nitong hinigit ang patalim. Bumalot roon ang dugo na galing mismo sa palad ni Madison.

"Masaya ako sa buhay ko. Babye!"

Napapikit nalang si Madison at inantay na lumubog ang patalim sa kung saang parte man ng katawan niya. Sa pagpikit ay parang napunta siya sa ibang mundo. Wala siyang maramdaman na sakit sa katawan at wala siyang marinig na kung anong ingay. Ganito ba talaga kapag mamamatay kana? Parang pinamamanhid ang katawan mo at nararamdaman.

Suko na siya. Alam naman niyang sa una palang ay talo na siya. Pero ayos na rin at sinubukan niya.

Kaso paano ang lola niya? Ang lolo niya? Si Shiela? Ang mga kapatid niya at si mama Fely? Magluluksa kaya sila sa pagkawala niya? Sa mismong labi niya ba ay sasabihin nilang mahal nila siya? Si Francis? Mapapatawad niya kaya si Madison ganung hindi niya matutupad ang pagpapakasal rito? Ang mga pangarap nila. Sa kabilang banda ayos narin na mawala na siya. Wala ng kasakitan na mararanasan, hindi na siya malulungkot at makakasama na niya ang mahal na mahal niyang magulang.

Napakunot ang kaniyang noo nang mapansin na wala pang patalim na bumabaon sa kanyang katawan. Hindi sa inaantay niya talaga iyon at ninanais baka kasi nagbago na ang isip ni Ophelia.

Pagkamulat niya ang nakabulagtang katawan ni Ophelia ang nabungaran niya. Dulat ang mata nito habang hawak ang patalim na dapat ay sa kanya nakasaksak ngayon.

Nahihirapan na ginapang niya ang babae na naghihingalo. Kinakabahan at puno nang takot na napatingin siya sa patalim na nakasaksak sa mismong dibdib nito.

"S-Sino pong may gawa sa inyo nito?" Hindi niya maiwasan ang lukubin nang pag-aalala para sa ina ng kanyang minamahal. Hindi niya kakayanin na makitang lumuluha ang kanyang mahal dahil sa nangyari sa ina nito.

Hindi na magawang umusap ni Ophelia at nalagutan ng hininga na dulat ang mata. Hindi niya matanggap na siya pa pala ang mauuna sa batang dapat na papatayin niya na nagawa pang damayan siya kahit pa tinangka na niyang patayin ito.

"Gumising po kayo... Hindi kayo puwedeng mamatay! Hindi, masasaktan si Francis... Mama..." Naluluhang inug-ug ni Madison ang balikat ng babae pero wala na. Patay na si Ophelia.

Nanginginig ang kamay na hinugot niya ang kutsilyong nakabaon sa dibdib ni Ophelia. Hindi niya magawang titigan iyon dahil sa takot at kilabot na nadarama. Hindi niya akalain na si Ophelia pa ang unang malalagutan ng hininga sa kanila. Dapat siya 'yun e. Dapat siya.