Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 28 - Chapter 26

Chapter 28 - Chapter 26

"Kamusta ang pinagagawa ko sa'yo?"

Malawak ang pagkakangiti ng isang babae na umupo katapat ng taong sadya niya. "Siyempre pasok sa plano. Anghel na ako sa paningin niya friend. Konting oras lang at mapapasakamay din natin ang gusto mo."

Parang pumalakpak ang dalawang tainga ng kausap nito. Tuwang-tuwang nilagok nito ang kopitang naglalaman ng isang mamahaling alak. Kulay dugo iyon pero ang amoy ay humahalimuyak sa bango.

"Siguraduhin mo lang na magagawa mo agad ang nais ko. Isang pirma lang at magbubuhay reyna tayo kaibigan ko."

Nag-aalangan na ngumiti ang babae rito. Kakailanganin pa niya nang mahaba-habang oras para mapapayag ang babae ng hindi ito nagtataka. "Pero hindi pa sa kanya nakalagay ang lahat ng yaman."

"Hindi pa ipinanganganak ang batang iyon ay nasa kanya na ang lahat ng pinaghirapan ng dalawang uto-utong matandang iyon." Naikuyom nito ang kamao sa inis. Hindi niya akalain na sa isang pangit na bata na punta ang lahat ng dapat ay sa kanya lang. Simula nang tumuntong siya sa buhay Madrigal ay inangkin na niya ang lahat ng pagmamay-ari nila. Buong buhay niya naging mabuti siyang anak sa dalawang matandang iyon kaya oras na para maningil naman siya.

"Paano kung hindi ko siya mapapirma?"

"Saktan mo. Saktan mo. Kung hindi patayin mo. Tutal iyon naman ang kahihinatnanan niya kapag tapos na ang lahat ng ito." Parang nababaliw na wika nito. Tuwang-tuwa siyang balikan ang ala-ala na pinagsamahan nila. Ang pag-iyak nito, ang pagmamakaawa. Kating-kati na ang kamay niyang saktan ulit ang babaeng iyon. Sisiguraduhin niyang lahat ng tungkol at konektado rito ay makakatikim sa kanya. Pagod na siya. Pagod na siyang mamuhay ng mas mahirap pa sa daga.

Nabigla ang babae sa sinabi nito. Pero mas minabuti nalang niyang sarilinin ang iniisip. "Bakit hindi nalang ikaw? Tutal malambot naman ang loob sa'yo ni Madison."

"Ayokong madungisan ang kamay ko." Maikling paliwanag nito at nagsalin ulit ng alak.

"Magtagumpay kalang Ophelia at sinasabi ko sa'yong mamumuhay reyna ka."

Hindi pa man hawak ang pera ay nasasabik na agad si Ophelia. Kung kailangan niyang pumatay ay gagawin niya para sa ngalan ng salapi. Dahil sa mundong ito, kung sino ang mahina ay dapat ng winawakasan. Sorry nalang si Madison at isa siya dun.

***

Madison

Nagising ako na wala sa tabi ko si Francis. Nag-iisa ako sa madilim at malamig niyang silid. Hindi pa man ayos ang aking pakiramdam pero tumayo na ako upang lumabas ng silid na ito. Bigla akong nakaramdam nang pagkauhaw.

Nakahawak ako sa aking ulo nang tahakin ko ang hallway ng pangalawang palapag ng bahay nila.Tahimik na ang paligid at baka tulog na ang mga tao.

Dahan-dahan lang ako sa naging paglalakad ko. Ayoko naman na makabulayaw ng mga natutulog.

Naging mas maingat pa ako lalo ng ang hagdan na ang aking nilalakaran. Patay ang ilaw at ang sinag ng buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa bahay na ito. May isa kasing malaking bintana sa bahay nila na bubog aat hindi nakalugay ang kurtina roon kaya ang liwanag ng buwan ang nagbibigay kahit papaano ng liwanag dito.

Nang makarating ako sa baba ay naging normal na ang lakad ko. Tinahak ko na ang papunta sa kusina. Pero ng nasa tapat na ako ng pintuan ng kusina ay napatigil ako nang makita kong may dalawang bulto ng tao dun na nag-uusap.

Binalak ko sana na lumabas at batiin si mama Ophelia ng siya ang makilala ko sa isang tao roon. Pero naputol ang tangka kong paglapit nang maulinigan ko ang sarili kong pangalan. May kadiliman kasi ang lugar kaya hindi ko mamukhaan ang isa. Buti na nga lang at bukas ang pinto kaya malaya ko silang nakikita kahit pa nakadungaw lamang ako.

"Puwede mo nang gawin ang gusto mo kay, Madison, Ophelia. You can kill her anytime, anywhere. Pero if you want, torture her first. Tutal sanay na siya sa sakit ng katawan."

Parang isang boses ng demonyo ang naririnig ko. Sa sobrang takot ay hindi ko makilala ang boses niya. Tarantang nahanap ako nang matataguan. Sa isang kasing laki ng tao na vase ako nagtago.

Nilukob ako nang takot sa aking dibdib. Kasabay na rin ng takot ay ang aking pagtataka. Bakit? Bakit nila gusto na kitilin ang aking buhay? May nagawa ba akong mali at ang ganti nila ay ang pagpatay sa akin?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong hanapin si Francis at magsumbong. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at sabihin ang narinig kong balak ng mama niya. Pero. Ina niya iyon, baka hindi niya lamang ako paniwalaan at pagtawanan pa sa aking mga isusumbong.

"Tulungan mo ako Francis," piping wika ko at dinalangin na sana ay makaalis na sa lugar na ito.

Nakarinig ako nang sunod-sunod na yabag papalapit sa puwesto ko. Nagsimula akong pagpawisan nang malagkit nang abot-abot na ang kaba at tako ko. Wala akong laban. Hindi ko kaya ang lumaban sa taong may patalim o kung ano pa man. Ang kaya ko lamang ay tumakbo at magtago.

"Aalis na ako, Ophelia. Inaasahan ko na bukas ay wala na ang babaeng iyon."

Sino kaya ang babaeng ito at parang kay laki-laki ng galit niya sa akin. Nilakasan ko ang aking loob. Nanginginig man ay nagawa kong lumabas sa aking pinagtataguan upang silipin ang taong iyon. Pero huli na dahil nakalabas na siya. Maging si mama ay wala na rin.

Pagkakataon ko na iyon. Halos takbuhin ko ang front door para makalabas at makauwi na. Bahala nang lakarin ko ang papauwi sa amin basta makatakas lang ako sa tangka nila sa buhay ko.

"M-Mama..."

Nahigit ko ang aking paghinga ng saktong buksan ko ang pintuan ay si mama Ophelia ang bumungad sa akin. Kapuwa kami nagkagulatan. Akala ko aalis din siya. Akala ko hindi na siya babalik at sasamahan ang kausap niya.

"Madison. Bakit parang gulat na gulat ka at takot na takot?" nakangising tanong nito.

Parang nalunok ko ang aking dila at tanging pagtibok lang ng aking puso ang naririnig ko. Hindi ko magawang maigalawa ang paa ko para tumakbo at lumayo sa lugar na ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at para akong na estatwa sa aking kinatatayuan.

'Tangna, Madison. Mamatay kana lahat, hindi mo pa magawang tumakbo.'

Napaluha nalang ako sa takot. Mamamatay na ata ako. Mamamatay ata akong hindi ko manlang nagagawang lumaban. Duwag. Duwag! Napakaduwag ko!

"May masakit ba sa'yo? Masama daw ang pakiramdam mo sabi ni Francis." Sinapo nito ang aking noo na ikinagalaw ko sa aking puwesto.

Parang napapaso na lumayo ako sa kanya at naiilang na nginitian siya. Kailangan kong... Kailangan kong magpanggap muna na wala akong alam para makaalis ako sa lugar na ito nang matiwasay.

"A-Ayos na po ako mama. Uuwi nalang po ako at baka nag-aalala na sila lola." Pinilit kong maisaayos ang aking boses para magmukha akong normal sa harapan niya.

"Huwag na Madison, gabi na. At alam ko ipinagpaalam kana ni Francis na magbabakasyon kayo ng higit isang buwan."

Nangunot ang aking noo. Nilakasan ko ang aking loob at pinatapang ko ang aking mukha. "Salamat po sa pag-aalala niyo pero uuwi na po ako. Si Francis nalang po ang kakausapin ko tungkol diyan."

Nilampasan ko si mama pero napatigil ako nang hawakan ako nito sa braso ko. Nung una ay hindi mahigpit hanggang sa mapapiksi nalang ako nang ang hawak niya sa aking braso ay may halo nang gigil at pananakit.

"Makulit ka rin talaga no. Wala sana akong balak na ituloy ang plano pero mukhang alam mo na." Madilim ang mukha na sabi nito.

"Bitiwan niyo po ako." Puno parin nang paggalang na utos ko rito.

Tinawanan lang ako ni mama Ophelia at masyado akong nagulat sa sunod na ginawa nito.

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula rito. Pumiksi ako sa hawak niya. Nang hindi parin niya ako binitiwan buong lakas ko siyang kinagat na lalo lamang niyang Ikinagalit.

"P*tangina kang bata ka! Bumalik ka rito!"

Naluluhang tumakbo ako. Para na akong tangang hindi ko maintindihan kung saan ako pupunta. Hanggang sa sobrang katangahan ko ay natalapid ako at naabutan ni mama.

Sinakyan ni mama Ophelia ang likod ko at hinigit ang buhok ko. Halos humiwalay ang anit ko sa sobrang sakit nang ginagawa niya. Pinagsasampal niya rin kaliwa't kanan ang mukha ko. Ang dalawa kong tainga ang napuruhan. Parang naalog ang utak ko at eardrums ko sa sobrang lakas nun. Dinaig ko pa ang isang punching bag sa ginagawa niya sa aking pananakit.

"T-Tama na po... Tama na po..."

"Anong tama na?! Kulang pa 'yan, Madison. Kulang pa ang buhay mo sa lahat ng kasalanan ng nanay mong malandi!"

Hapong-hapo na umalis si mama sa likod ko. Akala ko titigil na siya. Pero namilipit nalang ako sa sakit nang tadyakan nito ang likuran ko. Hindi lang isa, dalawa o tatlo hanggang sa mawala na ako sa bilang. Tanging sakit nalang sa aking likuran ang naramdaman ko. Parang nagkanda bali-bali ang buto ko sa likod at hindi kona magawang tumayo pa at lumaban.

Ito na ba ang katapusan ko?