Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 27 - Chapter 25

Chapter 27 - Chapter 25

Madison

Nanginginig ang aking tuhod habang tinatahak ang papasok sa bahay nila Francis. Kung hindi nga niya hawak ang siko ko ay baka nabuwal nalang ako bigla.

"Hey, calm down. Hindi nangangain ng tao si mama." Natatawang wika ni Francis at binitiwan ako para siya ang magbukas ng pinto.

May kalakihan din ang bahay nila Francis. Makalumang style ang ayos. Alam ko kasi hilig ng mama niya ang mga antique o lumang bagay kaya siguro ganito ang ayos ng bahay nila. Hindi naman nakakatakot. Iyon nga lang matatakot ka sa nagmamay-ari ng bahay.

Lihim akong napatawa sa itinuran ko sa isipan ko. Nakakatakot naman kasi talaga ang mama ni Francis. Parang kaya niya akong balian ng leeg ano mang oras. Sa kilay palang mahahalata mo ng may pagkamasungit siya. Sana nga lang huwag na siyang mapang-mata.

"Welcome sa bahay namin. Ituring mong bahay mo rin ito."

Niluwagan ni Francis ang pagkakabukas ng pinto at sabay kaming pumasok doon.

Napangaga nalang ako sa nakita ko. Iba na ang ayos ng bahay sa loob. Hindi na siya sinaunang panahong at ang mga gamit ay parang sa mga gamit narin sa mansiyon nila lola. Masasabi ko na malaki ang pinagbago nito.

"Buti naman at tinanggap mo ang paanyaya ko Madison. Akala ko tatanggihan ako ng manugang ko."

Agad akong humawak sa braso ni Francis nang makita ko ang isang babaeng prenteng nakaupo sa sofa. Naka itim siyang bestida habang ang lipstick ay pulang-pula. Makinis din ang kanyang balat at may kaputian. Hindi nga lang maiitago ng ilang wrinkles ang tunay niyang edad.

"W-Wala naman po kasi akong ginagawa." Nauutal na paliwanag ko. Kung puwede nga lang po na tanggihan ko. Sabi ko sa loob-loob ko.

Inalalayan ako ni Francis na magtungo sa upuan at naupo kami dun. Halos lumunok ako nang paulit-ulit ng makatapat ko pa sa upuan ang mama niya.

Tumayo agad si Francis at lumapit sa mama niya para halikan ito sa pisngi. May ibinulong ito dun na ikinatango ng mama niya. Hindi ko naman narinig dahil sa tensiyon at kaba.

"Hindi mo ba ako hahalikan sa pisngi, Madison."

Halos magkanda buhol-buhol ang dila ko ng hindi ko maintindihan ang isasagot. "A-ano po kasi..."

"Iha, malapit ka ng maging Navarro. Huwag ka nang mahiya sa akin." Nakangiting wika nito at inantay ang paglapit ko.

Nanginginig ang tuhod na tumayo ako. Muntik pa nga akong mapabalik sa pagkakaupo. Inalalayan lang ako ni Francis at binulungan ako na kaya ko yun.

"N-Natutuwa po ako na nagkita ulit tayo," wala sa sariling wika ko at hinalikan ito sa kanang pisngi. Para nga lang akong napaso na bumalik sa inuupuan ko.

"I see. Takot ka parin sa akin Madison. Pagpasensiyahan mo na ako at kalimutan mo na ang nangyari sa una nating pagkikita."

Tumango nalang ako sa sinabi nito at pinagmasdan ang bawat kilos niya.

May kinuha itong isang bell at ginalaw ang kamay para tumunog iyon. Nakailang galaw lang siya sa bell at agad na lumapit ang tatlong katulong na nakahanay. Pare-parehas sila ng damit. Puti at itim na pinaghalo. Maging ang puyod sa buhok ay iisa.

"Dalahin niyo rito ang ginawa kong cake para sa mamanugangin ko." Seryosong wika nito at ako naman ang binalingan ng tingin.

Napaayos ako nang pagkakaupo dahil sa tingin niyang iyon. Napalunok ako nang mapansin ko ang matalim niyang tingin pero agad iyong nagbago at naging malalam ang kanyang mata. Iyon nga lang, mukha parin siyang masungit dahil sa kilay niya.

"Sana maibigan mo ang ginawa ko, alam ko naman na isang pipitsuging cake lang naman ang nagpapasaya sa isang simpleng tao." Nakangiting wika nito.

Napakuyom ako ng kamao nang ang dating sa akin ng salita niya ay panlalait. "S-Salamat po." Simpleng sagot ko.

Dumating agad ang mga katulong at inihanda mismo sa harapan ko ang sinasabi ng mama ni Francis na ginawa niya para sa akin.

"Thank you." wika ko ng iabot sa akin ng isang babae ang maliit na slice ng cake na nasa babasaging platito.

"Mas masarap yan, Madison kung malamig pa." Nakangiting wika ng mama ni Francis at parang sabik na sabik na inaantay ang gagawin kong pagsubo.

Nag-aalangan ako kung kakainin ko ba iyon o hindi. Paano kung may lason pala iyon? Paano kung may iba siyang inilagay na baka ikasama ko?

"Ako na muna ang titikim."

Inagaw sa akin ni Francis ang kutsarita at sumandok nang kaunti doon. Walang pag-aalinlangan na sinubo niya ang pagkain at kinain.

Nais ko sana siyang pigilan pero huli na. Napapikit nalang ako sa kaba. Inaantay ko na bumula ang bibig ni Francis or what. Pero walang nangyari. Nakahinga ako nang maluwag. Masyado ata akong naging mapanghusga.

Bukas-palad kong kinain ang cake. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari. Napaubo nalang ako.

"M-Masarap po..." ngiwing wika ko. Sa totoo lang hindi. Lasa siyang mapait na hindi maintindihan. Bakit imbes na matamis ay naging mapait at maalat?

"Masarap daw, Francis." Natutuwang wika ng mama ni Francis.

Natuwa rin naman ako sa nakita kong saya sa kanyang mukha. Baka nagkamali nga lang ako nang husga sa kanya.

Kahit iba ang lasa, inubos ko ang cake niya. Nilunok ko lahat. Ginawa ito ng mama ni Francis kaya dapat magpasalamat ako at kahit sa simpleng pasasalamat ay masuklian ko siya.

"Salamat po," pasasalamat ko rito. Hindi na ako kinakabahan at ramdam ko rin na nag-adjust na ako.

"Tawagin mo nalang akong mama." Nakangiting wika nito at ibinuka ang bisig para mag-alok ng yakap.

"Mama..."

Walang pag-aalinlangan na niyakap ko si mama Ophelia. Masaya ako, masaya ako na makasundo ang magulang ng taong mahal ko.

***

"Here, drink this."

Tinanggap ko ang iniabot ni Francis at inisang tungga iyon. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Hindi na nga ako nagkang-uuwi sa bahay. At eto ako ngayon, nakahiga sa kama ni Francis.

"Thank you."

Napangiwi ako nang gumuhit ang kirot sa aking sintido. Biglaan naman ata ang sakit ng ulo ko.

"Ano pang masakit sa'yo? Dalahin na kaya kita sa doctor."

Umiling ako sa sinabi ni Francis at malamlam ang mata na tinitigan siya. "Huwag mo lang akong iwan, ayos na ako."

Nag-aalala na lumapit si Francis sa akin. Nahiga siya sa tabi ko at ginawa kong unan ang isa niyang braso.

"Matulog kana. Hindi kita iiwan."

Sana nga mahal ko. Sana nga huwag dumating ang araw na magkalayo tayo. Dahil hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko.

Hinaplos nito ang buhok ko hanggang sa makatulog ako.