Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

"Good eve, ma'am." Pagbati ng isang lalaking may tamang taas at tamang laki ng pangangatawan. Balot na balot ito nang suot na jacket na kulay itim na pinarisan ng maluwang na jogging pants.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pag-eehersisyo nang biglang tumawag ang amo niya. Ang suot na sando ay pinatungan nalang ng jacket upang kahit papaano ay magmukha siyang pormal sa harapan nito.

Gaya ng dati, sa isang coffee shop sila mag-uusap.

"Maupo ka," utos nito na agad na sinunod ng lalaki.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" May pagtatakang tanong niya. Halos mag-iisang taon na rin ang huli niyang trabaho rito.

"Gusto kong kumalap ka ng mga impormasiyon tungkol rito."

Napababa ang tingin ng lalaki sa kulay kayumanggi na sobre na iniabot nito. Agad niyang binuksan iyon at lumantad agad ang pamilyar na mukha ng babae sa litrato.

"Sigurado po ba kayo dito? Akala ko po ba ay tapos na ito?" Nagtatakang tanong niya at sinara ang sobre.

"No more questions, Eric. Just do it for me." Pinal na wika ng babae at inis na inis na hinilot ang sintido.

Napalunok naman si Eric sa nakitang kilos ng amo. Naninibago siya rito. Lagi lamang kalmado ang babae pero ngayon ay halatang problemadong-problemado ito.

"Okay ma'am. I will do my best. Kapag nakakalap agad ako ng information agad ko po kayong tatawagan." Hindi niya alam kung magiging madali ang trabahong ito. Dahil mukhang ang unang gumawa nga ng trabahong ito ay palpak. Paano pa kaya siyang may mintis minsan ang ginagawa.

"Salamat. Gusto ko na wala ng ibang makakaalam nito." Seryosong wika ng ginang at tinitigan siya sa mata nang daretso.

Napalunok siya bago tumango rito. "O-Opo. Maasahan niyo po ako." Dalangin nga ay huwag sanang sumapi ang pagiging madaldal niya.

"Maiwan na kita."

Paalam ng babae na tinanguan niya lang. Nagbayad muna ito ng kapeng hindi manlang nabawasan bago tuluyang lumabas sa shop.

Naiwan naman si Eric na kunot-noong nakatingin sa litrato. "Madison..." Naibulong nalang niya sa hangin at sinimulan na ring lisanin ang lugar.

***

Madison

"Lola saan po kayo pupunta?"

Hinabol ko si lola nang lumakad ito papalabas ng pinto ng bahay pero hindi ko naabutan dahil agad siyang sumakay sa sasakyan at umalis agad iyon.

Nilukob ako nang kalungkutan at bagsak ang balikat na pumanhik papasok sa loob ng bahay. Pagod na pagod at nanlalata na ibinagsak ko ang aking katawan papaupo sa sofa.

"Ayos po lang ba kayo ma'am?" Tanong ni Shiela na naantala ang pagpupunas ng mga paso nang mapansin ako.

"Oo." Pagsagot ko. Agad itong bumalik sa ginagawa.

"S-Shiela..." Mayamaya ay pagtawag ko rito. Napakasinungaling ko. Hindi ako ayos.

Inilapag muna ni Shiela ang ginagamit na pangpunas bago nakangiting hinarap ako. Pero ang ngiti niya ay napalitan ng pag-aalala nang mapansin na malungkot ang aking mukha.

"Ano pong problema ma'am? May masakit po ba sa inyo?" Tarantang lumapit ito sa akin at sinalat ang noo ko. "Wala naman po kayong lagnat. Maayos naman ang temperatura niyo."

Pinigilan ko ang kamay nito nang tangkang dadamahin naman ang leeg ko. Umiling ako na ikinababa ng kamay nito. "Wala akong sakit Shiela. Pero dito masakit." Itinuro ko ang aking kaliwang dibdib kung saan nakalagay ang aking puso. Ang puso kong masyado na namang nasasaktan sa nangyayari.

"Ano pong nangyari? Puwede niyo po akong kausapin." Nag-aalalang tanong ni Shiela at hinawakan ang kamay ko.

Humapdi ang aking dalawang mata nang marinig ko ang sinabi niya. Walang paalam na niyakap ko ito at sa kanyang balikat ako umiyak.

"H-Hindi ko na kaya Shiela... Ayos lang na hindi ako maalala ni Francis. P-Pero... Pero, sila lolo at lola hindi ko kaya. Para akong sinasakal sa tuwing iniiwasan nila ako." Nag-uumiyak na sumbong ko.

Hinagod-hagod ni Shiela ang likod ko at tinapik-tapik iyon nang mahina. "Naiintindihan kita ma'am. Masakit ang hindi pansinin ng taong mahal mo. Pero maam, baka naman po masyado lang silang busy."

Kumalas ako nang pagkakayakap kay Shiela at inilingan ito. "H-Hindi. Hindi. Iba ang busy sa pag-iwas Shiela. Ramdam ko, ramdam ko ang pag-iwas nila sa akin. Para akong may isang nakakahawang sakit dahil sa ginagawa nila."

Hindi ko maiwasan na masaktan at the same time magtampo kala lola. Puwede naman nilang sabihin kung may nagawa akong mali. Puwede naman e, ng sana mabago ko. Para hindi ako nagmumukhang manghuhula sa ginagawa nila.

"Sinubukan niyo na po ba silang tanungin ma'am?"

Umiling ako sa tinanong ni Shiela at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Nakaramdam ako nang bahagyang hiya sa sinabi niya. Mukhang padalos-dalos ata ako. Bakit nga ba hindi ko muna tinanong sila lola? Baka may sapat naman silang dahilan.

"Ma'am huwag niyo pong mamasamain ha. Pero dapat po tanungin niyo muna sila don, malay niyo po talagang busy lang sila."

Humarap ulit ako kay Shiela at tipid na nginitian ito. "S-Susubukan ko. Salamat."

"Wala pong anuman." Tumayo sa pagkakaupo si Shiela at yumuko nang bahagya sa akin. "Maiwan kona po kayo."

Matapos magpaalam agad din itong umalis at iniwan akong nag-iisa sa sala.

Napahinga ako nang malalim. Dapat nga siguro na sundin ko ang sinabi ni Shiela. Dapat hindi muna ako magpadalos-dalos at huwag munang magtampo kala lola kung hindi ko pa alam ang tunay na dahilan.

Patayo na sana ako sa pagkakaupo nang may dalawang braso na dumantay sa balikat ko at nagawang yapusin ako.

Nung una ay tinangka kong tanggalin ang brasong nakayap sa akin pero nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ay agad akong kumalma. Nagtatalon ang puso ko sa sobrang saya.

"Francis..." Nakangiting sinalubong ko ito.

Maaliwalas na ngumiti rin sa akin si Francis at inalis ang pagkakayakap sa akin. Tuwid itong nakatayo roon habang nakabuka ang dalawang bisig na parang nagsasabing yakapin ko siya.

Wala naman akong inaksayang oras. Agad akong lumapit rito at niyakap siya nang mahigpit.

"Akala ko nakalimutan mo na ako." Nanunulis ang nguso na wika ko. Malaki rin ang tampo ko sa kanya pero hindi ko siya kayang, hindi pansinin kapag nasa harapan ko na siya.

"Paano kita malilimutan kung nandito ka."

Tinuro nito ang puso niya. Idinikit ko naman ang isa kong tainga roon at masayang pinakinggan ang pagtibok ng puso niya. Walang espesyal. Hindi na katulad ng dati ang pagtibok nun. Binalot ako nang kaba at lungkot sa dibdib nang mapagtanto ko na hindi na kami parehas nang nararamdaman kapag magkasama kami.

"Ano, para parin bang hinahabol ng kabayo ang tibok niyan?" Natatawang tanong ni Francis nang mapansin na pinakikinggan ko ang puso niya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Kahit pa sa totoo ay wala na. Wala nang espesyal sa puso niya o marahil nag-iba na ang tibok nito para sa akin.

"Bakit pala napauwi ka nang maaga? Akala ko ay isang buwan kang mawawala." Kumalas ako ng yakap kay Francis at lumayo nang bahagya.

Kumunot ang noo panandalian ni Francis nang mapansin ang ginawa kong agwat. "Umuwi si mama at gusto ka niyang makasama ng isang araw."

"M-Mama?" Kinakabahang tanong ko. Hindi maganda ang naging unang pagkikita namin ng mama niya. Nasinghalan niya agad ako dahil inakala niyang isa akong bagong utusan sa pamamahay nila. Nagalit siya ng hindi ko sinunod. Hindi ko rin naman siya kilala nung una kaya nagawa kong sagutin siya nang pabalang. Puno nang kaplastikan ang araw na iyon.

"Don't worry, tanggap kana niya at wala naman siyang magagawa dahil ikaw ang pinili ko."

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Francis. Pero sa loob-loob ko ay parang gusto kong magback-out sa unang pagkakataon.