Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 24 - Chapter 22

Madison

Isang taon ang lumipas. Sa loob ng isang taon wala akong ibang ginawa kung hindi pag-aralan ang tungkol sa pamamalakad sa mga ari-arian ng Madrigal.

Laging nasa tabi ko si Francis at nakaalalay sa akin. Habang lumilipas ang panahon ay mas naging malalim din ang ugnayan namin. Tatlong buwan lang siyang nanligaw sa akin at sinagot ko na rin agad.

"Mahalin mo lang ang ginagawa mo at hindi ka mahihirapan, mahal."

Tumango ako kay Francis at inabot ang makapal na papeles na iniabot nito sa akin.

Nakatukod ang siko sa mesa at ang baba ay ipinasalo sa kanyang kamay na pinanood nito ang ginagawa kong pagbuklat sa papel.

"Ganito talaga kalawak ang ektarya ng lupa nila lola sa Laguna?" Namamanghang tanong ko at pinagkatiigan ulit ang mga numerong nakasulat. Pati litrato ng bawat tanim dito ay nakaprint sa papel.

"In fact, maliit pa iyan. Kung mapapaalis lang ang mga nakatira sa iba pang lupain ng lola at lolo mo ay lalaki pa iyan."

Umiling ako. Tiyak na hindi nanaisin nila lolo at lola na magpaalis ng mga taong walang matutuluyan. "Sa tingin ko okay na'to. Hindi gugustuhin nila lola na manira ng tahanan ng mga taong walang matutuluyan."

Inilipat ko ang pahina at isang litrato nang malawak na taniman ng mga gulay ang nakita ko.

"Kung gugustuhin mo naman ay puwede mo silang paalisin dun, mahal. Tutal sa'yo naman ang lahat ng 'yon," suhesiyon ni Francis.

Napabuga ako ng hangin. Inilapag ko ang mga papel sa mesa at tiningnan si Francis.

Nakapalumbaba pa rin ito at parang walang ibang ginagawa kung hindi pagmasdan lang ako.

"Alam mo naman na ayoko nang ganun. Lumaki ako sa hirap kaya alam ko ang mararamdaman nila kapag ninakawan ko sila."

"Pero hindi mo naman nanakawin. Sa'yo ang lahat ng 'yon. SA'YO." Madiing wika ni Francis at tumuwid nang upo.

Dinaan ko nalang sa paghinga nang malalim ang pagkainis ko sa sinabi niya. Ayoko na mag-away na naman kami ng dahil lang sa mga bagay na'to.

"Kamusta ang naging lakad mo kahapon?" pag-iiba ko sa usapan at sa kanya na muna ibinaling ang aking atensiyon.

"Aalis ulit ako ngayon."

Gusto ko mang tanungin na saan siya pupunta. Pero mas minabuti ko nalang na itikom ang aking bibig.

"Tawagan mo nalang ako kapag nakarating kana sa pupuntahan mo. Mag-ingat ka lagi." Paalala ko rito at tumayo nang tumayo na rin si Francis.

Mabilis kong sinimpan ang aking mga gamit at iniwan ang bayad sa mga nakain namin.

Halos takbuhin ko ang paglabas sa restaurant nang iwan ako ni Francis. Mabilis ko naman siyang naabutan pero nakasakay na agad siya sa sasakyan niya at nakadungaw nalang ang ulo sa bintana.

"Mag-taxi ka nalang o magpasundo sa driver mo. Baka isang buwan akong mawawala."

Agad nitong pinaharurot ang sasakyan pagkasabi nun. Naiwan akong tulala at nakatanaw sa papalayo niyang sasakyan. Hindi pa ako nasanay. Buwanan naman talaga kung umuwi siya.

Naiintindihan ko naman na marami talaga siyang trabaho na sa ibang lugar ginagawa.

Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko na bakit nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag. Parang pakiramdam ko nanlalamig na siya sa akin.

Nawala na ang kilig sa amin at hindi ko rin maintindihan kung mahal pa ba niya ako. Ganun na ba kalaki ang pagkukulang ko sa kanya? Hindi ako sweet na nobya at aminado akong mas nabibigyan ko pa nang pansin sila lolo at lola kaysa kay Francis.

Sabi naman niya naiintindihan niya na mas priority ko ang pamilya ko at hindi niya ako masisisi. Pero bakit pakiramdam ko, hindi na niya ako maunawa.

Inalog ko ang ulo para mawala ang pag-iisip ko.

"Baka talagang busy lang siya. Para naman sa future niyo 'yon, Madison. Tiis lang."

***

"Why so early, honey?"

Panandaliang gumuhit ang pagtataka sa magandang mukha ng babae. Pero nang makabawi, agad itong lumapit sa lalaki na madilim ang mukha at halatang may kinaiinisan na bagay o tao.

"Bakit ba ang aarte niyong babae sa buhay? Palay na nga ang lumalapit sa manok tinatanggihan pa."

Pabagsak itong umupo sa sofa at sinandal ang likod doon. Itinaas din nito ang dalawang hita na bahagyang nakabuka. Tipikal na upo ng lalaki kahit saan man siya umupo.

"Puwede mo naman kasing iwan, e," natatawang wika ng babae at lumapit sa kinauupuan ng lalaki.

Walang pasabing kumandong ito paharap sa lalaki na hindi manlang nito tinanggihan. Hindi alitana na halos maramdaman na nila ang init ng katawan ng isa't isa.

"Gusto mo palamigin na'tin ang ulo mo?" mapang-akit na wika nito at ikiniskis ang pribadong katawan sa kinauupuan.

Hindi na siya nagulat nang maalab na sinakop ng lalaki ang labi niya. Dahil makipot ang labi niya, halos masakop lahat ng lalaki iyon at gigil na gigil.

Napaungol nalang siya nang hapitin siya nito papalapit sa katawan ng lalaki at nagtama ang dibdib niya sa matigas nitong dibdib.

Napangiti siya nang maramdaman na parang hayok na hayok ang lalaki na maangkin siya. Siya lang talaga ang makakapagbigay ng hinahanap nito.

"Fuck!" may gigil at nahihirapang asik ng lalaki.

Iniangat nito ang babae at inihiga sa sofa. Bago nagmamabilis na hinubad ang lahat ng saplot. Pati ang babae ay ganun din ang ginawa. Para nilang hinahabol ang oras sa pagmamabilis.

Nang kapuwa hubad na. Agad na pumatong ang lalaki sa babae. May kabigatan man ito pero hindi nagawa ng babae na magreklamo dahil iba ang sinisigaw ng kanyang katawan.

Mainit ulit silang naghalikan, parehas ang mga kamay na naging malikot at dinadama ang bawat parte ng katawan na wala ng tumatabing kahit na manipis na tela.

Bumaba ang labi nito sa panga niya, sa leeg hanggang sa marating ang dibdib niyang tayong-tayo ang korona dahil sa ginawang paghaplos ng lalaki doon. Parang isang sanggol itong gutom na gutom na sumipsip doon, habang ang isang kamay ay walang sawa na minamasahe ang isa. Tanging pag-ungol na lamang ang lumabas sa maganda niyang labi.

Napa-igtad siya nang dumako ang kamay nito sa kaselanan niya at pinaraan ang daliri doon. Daliri pa lang ay hindi na niya maintindihan agad ang nararamdaman.

"I-I want you now.," nahihirapang wika niya na agad namang sinunod ng lalaki.

Ito lang talaga ang may kayang baliwin siya sa ganitong bagay. Hindi siya nagkamali na ito ang pinipili niya.

Mahigpit siyang napayapos sa likod nito nang magsimula na silang gumalaw habang sinusundan ang ritmo na sila lamang ang nakakarinig.

"I-I love you, babe."

Napangiti ang babae sa itinuran ng lalaki. Bago sakupin ang labi ay tinugon niya muna ito. "I love you too, Fran..."