Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 23 - Chapter 21

Chapter 23 - Chapter 21

Madison

Pilit na ngumiti ako sa mga kaibigan ni Francis na lumapit sa akin. Kung ano-ano ang sinasabi nila. Wala naman akong maikomento dahil hindi ko magawa na makasingit sa sinasabi nila.

"Wala talaga sa isip ko that Francis courting a girl like you. Half of my life kasama ko si Francis, kaliwa't kanan ang girls niya pero mukhang nagayuma mo siya." Tumawa pa ang babae na nagpakilala sa akin na si Bianca. Maganda si Bianca at talagang makakabingwit ng mga naggagwapuhang lalaki. Dahil bukod sa maganda, halatang may sinabi ito sa buhay at maganda ang hubog ng katawan.

"I-"

Naitikom ko nalang ang bibig ko nang magsimula naman na magsalita ang kasama nitong si Alex.

"Yep, lahat ng babae hangad si Francis. Pero ingat ka gurl, baka napaglalaruan ka lang niya."

Hindi na ako pumayag na hindi makapagbigay ng komento. Inis na inilapag ko ang babasaging baso na may laman na juice sa lamesa. Sapat na iyon para malaman nila na naiinis ako.

"Akala ko ba ay kaibigan kayo ni Francis? Bakit grabe niyo siya siraan sa akin? Bakit kayo ba ang masasaktan kapag nagkataon?"

Tinaasan ko sila ng kilay at inintay ang komento nila pero walang nagsalita. "Hindi 'di ba? Mas kilala ko si Francis kaysa sa inyo. Kaya huwag kayong umasa na maniniwala ako sa sasabihin ninyo."

Kinuha ko ulit ang baso ko at tiningnan ulit ang dalawang babae na ito. "Maiwan kona kayo," paalam ko at tinungo ang labas ng silid na ito.

Pakiramdam ko sinasakal ako sa loob. Alam ko naman na hindi talaga kami nararapat ni Francis sa isa't isa. Pero anong magagawa ko? Puso ko ang sinusunod ko, eh.

"Bakit nandito ka? Galit kapa ba sa akin?"

Awtomatik na lumingon ako sa likuran ng marinig ko ang tinig na iyon. Agad na kumalma ang inis na namumuo sa aking dibdib nang mapagmasdan ko ang maamo niyang mukha.

"Hindi naman, gusto ko lang talagang lumabas," malumanay na wika ko at isinandal ang likod sa pader.

Lumapit sa akin si Francis at ginawa rin ang puwesto ko.

''Sorry."

Nagmaang-maangan ako at nagtatanong na tumingin kay Francis. "Sorry para saan? May nagawa ka bang mali na ikakagalit ko?"

"Sorry. Alam ko naman na nasaktan ka sa sinabi ko. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka at maranasan mo rin ang lahat nang nais ng mga babae kapag ikakasal na sila."

"Ayoko nga. Hindi kita mapapatawad. Binabasted na kita," pagtataray ko rito. Pero sa loob-loob ko gustong-gusto ko na siyang yakapin nanag mahigpit. Hinahanap-hanap ko ang init ng mga bisig niya kapag ako'y nakakulong doon.

"M-Madison... Anong gusto mong gawin ko? May sinabi ba sila Bianca at Alex sayo? Hindi totoo iyon, mahal. Kahit baligtarin pa ang mundo, mahal parin kita," nagmamakaawang tumungo ito sa harapan ko at lumuha.

Nakonsensiya naman agad ako. Agad ko siyang niyakap at inalo. "Shh... Joke lang po iyon. Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Ikaw kaya ang una kong minahal."

Narinig ko ang pagtawa nito. Tiningala ko siya at pinahiran ang butil ng luha na tumulo mula sa mata niya. "Hindi ko akalain na mapapa-iyak ako ng isang babae. Ano bang sekreto mo at mahal na mahal kita, Madison?"

"Ginayuma kita."

Sabay kaming natawa sa biro ko. Kumalas ako sa yakap at tinungga na ang huling laman ng baso.

Agad kinuha ni Francis ang baso at kinuha ang isang kamay ko.

"Bumalik na tayo. Baka hanapin kana ng lola at lolo mo."

Nagpatianod nalang ako sa paghila niya sa akin.

Pabalik na sana kami sa silid nang maputol ang pagpasok namin nang may tumawag kay Francis.

"Fran."

Unang lumingon sa likod si Francis kung saan nanggagaling ang boses. Hindi ko na nilingon ang babae dahil bago ko palang lilingunin ito ay saktong dumaan na siya sa gilid ko.

Kasing tamis ng isang prutas ang amoy ng babae. Parang bigla akong natakam sa mansanas ng maamoy ko siya. Maging ang buhok niya na nahawi sa mismong harapan ko ay humahalimuyak ang bango.

"Lay-"

Kusang nabitawan ni Francis ang kamay ko na hawak niya nang hagkan siya ng babae. Parang naging mabagal ang lahat sa akin. Simula sa pagbitaw niya sa kamay ko hanggang sa yakapin niya rin pabalik ang lalaki.

Napalunok nalang ako ng wala sa oras nang makaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong higitin ang babae at ipamukha sa kanya na akin lang ang lalaking niyayakap niya.

Selos? Nagseselos ba ako? Normal lang naman siguro na maramdaman 'yon kapag mahal mo ang isang tao, 'di ba?

"I miss you. Tinatakbuhan mo ba ako, little boy?" malambing na tanong nito at inilambitin ang dalawang kamay sa batok ni Francis.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila. Para namang nagbalik sa huwisyo si Francis at agad na kinalas ang nakalambitin na babae sa kanya.

Lumapit agad ito sa akin at tiningnan ako ng hindi ko maintindihan na tingin. Hindi ko maitago ang inis ko sa tagpong iyon kaya inirapan ko siya na ikinalunok niya.

Akala ko iiwan na niya ako at babalik sa babaeng iyon pero hinapit ako papalapit ni Francis sa kanya at nakangiting humarap sa babaeng salubong na ang kilay. Hindi maiitago ang inis sa mukha niya. Kung saan siya naiinis? Hindi ko alam.

"Laylanie, this is Madison Madrigal." Pakilala sa akin ni Francis at idiniin pa ang pagbanggit sa apilyido ko.

Parang may isang anghel na dumaan sa harapan ni Laylanie dahil agad na nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Ang inis ay napalitan nang pala-kaibigang tingin.

"Oh, I see. You're a Madrigal, ang nag-iisang tagapagmana ng kayaman ng matandang mag-asawang Madrigal," daretsahang wika nito. Para bang sa sinabi niya ay kilalang-kilala na niya ako at ang pamilyang pinagmulan ko.

Lumakad ito papalapit sa amin na parang isang beauty queen. Litaw na litaw ang mahahabang biyas nito na sumusungaw kapag nalakad dahil sa mahabang slit ng dress na suot. Ang makinis at maputing balat ng babae ay lalong naging maputi dahil sa itim na itim na suot nitong dress.

Para siyang isang diwata sa aking paningin. Nakakasilaw at nakakahanga ang akin niyang ganda. Ako ngang babae ay halos tumulo na ang laway sa paglalakad pa lamang niya. Paano pa kaya ang mga lalaking katulad ni Francis.

Speaking of Francis. Iginawi ko ang aking tingin kay Francis. Malinaw na malinaw kong nakikita ang paghanga niya para sa babae.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganun siya makatingin dito. Maganda si Laylanie na kumpara sa akin na isa lamang basahan na biglang napadpad sa mamahaling bahay.

Nang nakalapit si Francis sa puwesto namin, walang paalam na hinalikan nito ang labi ni Francis. Nanlaki na lamang ang mata ko dahil doon. Ni hindi manlang inisip ng babaeng ito na nandito ako. Na ako ang hawak-hawak ni Francis at hindi siya.

"Don't worry, it's a friendly kiss," nakangising wika sa akin ng babae at nilampasan na kami.

Agad akong humiwalay kay Francis at walang pasabing iniwan ito. Inaasahan ko na susundan niya ako pero paglingon ko sa aking likuran ay ibang gawi ang kanyang tinatahak.

Para akong sinuntok sa dibdib nang makaramdam ng kirot doon. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya ako pinili at masakit iyon.