Madison
Halos manigkit ang aking dalawang mata sa mensaheng ipinadala sa akin mula sa email.
Problemadong hinilot ko ang aking sintido at napasandal nalang sa swivel chair na aking kinauupuan. Akala ko nagbago na sila. Why they always end up, do that such things? Hindi pa ba sila nadadala? Ilang beses pa ba? Ano bang gusto nilang mangyari? Ang malagutan muna ng hininga bago tumigil.
"Hey."
Parang biglang napawi ang pagod ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa aking baywang ng taong dahilan kung bakit gumanda ang buhay ko at ang taong siyang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa mapanakit na mundong ito.
Sumandal ako lalo at hinayaan na malunod sa napakabango niyang amoy. Hinanap ng dalawang kamay ko ang kamay nito at masuyo ko iyong hinawakan.
"Kumusta araw mo, mahal?" Masuyo kong tanong dito at panaka-nakang hinahaplos ang kamay nito.
Lumalandas ang aking hintuturo sa malambot at makinis nitong palad. Malinaw na malinaw kong nakikita ang iilan na ugat na naglitaw sa parteng iyon.
"Ayos lang. Namiss kita."
Napatili ako nang walang pasabing dinungaw ako nito at ninakawan ng halik sa labi.
"Your lips is my stress reliever."
Agad na nag-init ang aking mukha sa ginawa niyang iyon. Nahihiya man pero hindi ko maitago ang kilig sa kanyang ginawa.
"P-Pakukulong kita..." Kunwari ay banta ko rito pero hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tumungo sa aking harapan.
"Kaya mo bang mabuhay ng wala ako, Madison?" seryosong tanong nito.
Napalunok ako. Bakit ba nalilimutan ko lagi na, mahirap biruin ang lalaking ito. "Hindi po." Ngumuso ako at nagpacute rito. Kung ibang tao iyon ay baka masuka pa sa ginawa ko. Pero itong lalaking nasa harap ko ngayon ay iba. Lagi niya akong pinapasaya at siya ang dahilan kung bakit kumakabog ang aking dibdib na parang kinakabahan at na eexcite tuwing kasama ko siya.
"Good."
Mabilis na nagbago ang mood nito. Kanina sa seryoso mode tapos ngayon sa malambing mode naman. Hay, lagi talaga ako pinapahanga ng lalaking ito.
"Come, I want to hug you." Ibinuka nito nang maluwag ang dalawang braso.
Nakangiti na lumapit ako rito at tinugunan ang yakap nito. Tiningala ko ito upang makita ko ang reaksiyon niya.
"Mahal kita..." Namumula ngunit taos-pusong wika ko.
Napapikit ako nang lumapat ang labi nito sa tuktok ng ulo ko. "I love you too, Madison. I can't wait na maangkin kita nang tuluyan. Kailan kaya ang araw na 'yon?"
Kumalas ako sa yakap nito at lumayo nang bahagya. Malungkot na tumingin ako rito at may pag-aalala. "I-I'm sorry, Francis pero hindi pa ako handa. Saka sila, lolo at lola. Nangako ako sa kanila na sila muna ang uunahin ko."
Gumuhit ang lungkot sa mukha niya pero agad siyang ngumiti. "I know. I can wait. Kaya kitang antayin, basta siguradong sa akin ka babagsak."
"Hambog," bulong ko.
"What? Anong sabi mo?"
Napatawa ako nang makita ko ang reaksiyon nitong nagtataka.
"Wala po. Sabi ko ang pogi mo. Kaya, love na love kita." Ikinawit ko ang aking kamay sa braso nito para higitin ito papalakad. "Gutom na ako, love. Breakfast muna tayo, ha? Kung hindi kapa dumating, hindi pa sana ako kakain."
"Lagi ka bang nagpapagutom, Madison?" Tanong ni Francis at pinagbuksan ako ng pinto.
Sinalubong kami ng malamig na hallway sa pangalawang palapag ng bahay na ito. Nakakasilaw ang naglalakihang ilaw na nakakalat rito. Inadjust ko muna ang aking paningin bago imulat iyon nang ayos. Taon na ang lumipas, pero hindi parin ako sanay sa bahay na ito. Minsan iniisip ko, tama bang dito ako nakatira? Para akong isang pipitsuging palamuti sa bahay na ito na puno nang nagmamahalan at nag gagandahang dekorasyon.
"Hindi naman. Sadyang nagugutom lang ako kapag nakikita kita." Sinundan ko iyon nang malakas na tawa na ikinatawa rin ni Francis.
"Hindi ko alam na mukha pala akong pagkain sa tingin mo, Madison. Anong klase ako ng pagkain, Madison?" Bumulong sa akin si Francis na naghatid ng kakaibang kiliti sa aking tainga. Nagtayuan ang aking balahibo sa bahaging iyon nang maramdaman ko ang mainit nitong hininga.
"R-Rice? O-Oo mukhang kang kanin?" Utal-utal na wika ko. Ano nga bang pagkain? Nabigla ako sa tanong niya eh. Saka hindi ako mapakali sa pabulong effect niya. Kinilabutan ako nang bahagya.
"Rice? The heck... Akala ko, mukha akong fried chicken kasi yummy ako. HAHAHA"
Habang pinagmamasdan ko siya doon ko napagtanto na hulog na hulog na talaga ako. Masyado na akong inlove sa lalaking ito at mukhang hindi ko na kaya pang pigilan iyon. Sana nga lang ganun din siya sa akin. Baka kasi naaawa lang siya sa akin at napipilitan lang na sabihin na mahal ako.
"Hey, anong tingin 'yan? Baka hinuhubaran mo na ako sa isipan mo, ha?"
Kusang umigkas ang kamay ko at mahina siyang tinapik sa braso. "Manyak. Gaya mo pa ako sa'yo."
"Bakit naman sa isipan pa? Puwede namang totohanin," bulong niya sa tainga ko.
Para akong si flash na mabilis na nakabitaw agad sa kanya at nakalayo ng puwesto.
"Bakit lumayo ka? Hey huwag mo akong iwan. Joke lang yun, love."
Hindi ko siya pinakinggan at nauna nang bumaba sa hagdan. Hindi sa dahil naiinis ako o nababastusan sa sinabi niya. Sadyang ayoko lang na ipakita sa kanya ang mala kamatis kong mukha ngayon. Sobrang init na ng pisngi ko at sigurado akong namumula ang buo kong mukha.
"Gutom na ako. Tagal mo kasi, kaya ka naiiwan eh."
"This time, hindi na ako papayag na maiwan," sagot nito mula sa likod ko at ramdam ko ang malalaking hakbang na ginagawa nito.
"Hala siya! Put me down, Francis. Baka mahulog tayo. Sasakalin kita kapag nangyari iyon!"
Nabigla ako nang walang pasabing binuhat ako nito na parang isang sako ng bigas. Nakasabit ako sa balikat nito habang siya ay tawa nang tawa sa pagwawala ko sa pagbuhat niya sa akin.
"Hindi kita ibababa kahit pa maglikot ka diyan. Mang-iiwan ka pero dinaig mo pa ang pagong kung lumakad."
Napangiti nalang ako sa sermon nito. Kung wala lang akong pagtingin dito ay papasa na itong kuya ko. Ang suwerte ng taong mapapangasawa ng lalaking ito. Dalangin ko ay ako. Kahit pa malayo ang agwat namin ay ayos lang para sa akin. Kahit pa marami ang tututol ay susubukan ko. Ipaglalaban ko siya kahit pa sabihin na mukha siyang anghel habang ako ay mukha namang halimaw.
"Mahal na mahal kita, Francis. Ikaw ang kasiyahan sa buhay ko," bulong ko at ngumiti nang malawak.
Hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Malabis man ang aking paglalarawan pero pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga kapag ang kasiyahan ko ay nawala sa buhay ko.