Chereads / Killing Me Softly (Filipino) / Chapter 19 - Chapter 17

Chapter 19 - Chapter 17

Madison

Isang linggo ang lumipas na para lamang akong hangin kay lola. Hindi niya ako kinakausap o tinitingnan man lamang. Ramdam na ramdam ko ang tampo niya sa akin. Sumasabay man siya sa akin sa hapag pero hindi na katulad noon na inaasikaso pa niya ako at walang patid ang kuwentuhan namin.

"Lo-" Naputol ang aking pagtawag kay lola.

Mabilis akong tumayo sa hapag-kainan at balak na sundan ito. Pero may kamay na pumigil sa akin na siyang ikinatigil ko sa pagsunod kay lola.

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko kay lolo at ibinalik ulit ang tingin sa pinuntahan ni lola pero tuluyan na itong nakaalis.

Umiling si lolo na sa tingin ko ang ibig sabihin niya ay huwag.

"P-Pero po?" Pagtutol ko.

Binitiwan ni lolo ang braso ko na kapit niya at tinapik ang upuan na kalapit niya.

Tumungo ako doon at umupo.

Pinagkatitigan muna ako ni lolo bago magsalita. "Apo, malaki parin ang tampo sa iyo ng lola mo. Lalo na at pinalipas mo ng linggo na hindi kapa humihingi nang tawad."

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni lolo. "A-Akala ko po kasi madadaan nang paglipas ng araw ang tampo niya sa akin." Pag amin ko rito. Imbes kasi na humingi ako nang tawad kay lola ay nagawa ko rin na iwasan ako. Nababahala kasi ako na baka hindi niya tanggapin ang paghingi ko ng sorry.

"Hindi ganun apo. Ang lola Amanda mo ay iba. Ang gusto niya kapag may nagkasala agad sa kanya ay hihingi agad iyon ng pasensya dahil ayaw na ayaw ng lola mo na siya ang hihingi nun kung hindi naman siya ang may mali sa simula pa lang."

Ngumiti si lolo at umiling kalaunan. "Alam ko na."

"Po?" Kunot noong tanong ko. Anong alam ni lolo?

"Parehas mataas ang pride niyong mag lola. Hindi kayo lalaki pero parang kay taas ng mga ihi ninyo." Tumawa si lolo na ikinatulala ko lamang. Hindi ko makuha ang nais niyang sabihin. Anong ihi?

"Po?" Tanong ko ulit.

Nginitian ako ni lolo at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Gusto mo bang magkaayos kayo ng lola mo?"

Tumango ako sa tanong nito. "Opo."

"May sasabihin ako sa iyo na talagang hindi matatanggihan ng lola mo."

Lumapit si lolo sa tainga ko at ibinulong doon ang sasabihin niya. Napangiti na lamang ako nang mapagtanto ko kung ano iyon.

"Salamat po, lolo. Aalis na po ako."

Tumayo na ako sa pagkakaupo nang matapos na si lolo sa sasabihin niya.

"Sige na, humayo kana agad ng hindi kana abutin ng gabi. Ang bilin ko"

Tumango ako kay lolo at nagpasalamat ulit.

Pagkaalis sa hapag-kainan agad kong kinuha ang aking cellphone at mabilis na tinawagan si Francis.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang labas ng bahay.

Iginala ko ang aking tingin habang ang cellphone ay nakadikit sa aking tainga upang marinig ko ang tugon ng aking kausap.

"Hi," masiglang bati ko rito.

Narinig ko pa ang paghikab nito bago sagutin ang bati ko. "Hello, love. I miss you."

Napakaantukin talaga ng lalaking ito.

Napangiti ako nang marinig ang malambing niyang boses. "I miss you too."

"How are you?" Tanong nito sa kabilang linya.

"I'm okay. Puwede ba tayong magkita? Kailangan ko lang ng tulong mo."

Sinenyasan ko si manong Bert nang makita kong nakaupo ito. Agad naman itong lumapit sa akin.

"Saan po tayo ma'am?"

Sinenyasan ko muna si manong Bert na sandali lang muna. Agad naman iyong naintindihan ng matanda.

"Love?" Takang tanong ko sa kabilang linya nang mapagtanto kong hindi pa ito sumasagot sa tanong ko.

"Ano nga ulit iyon? Sorry ha? May kinuha lang ako."

"Sabi ko, puwede ba tayo magkita?" Pag-uulit ko at sinenyasan kay manong na kunin na ang sasakyan.

Agad namang umalis si manong at nagtungo sa paradahan ng sasakyan. Ilang minuto lang ay bumalik na ito lulan ng isang itim na sasakyan.

"Sorry, Madison. I'm busy. Bawi ako sayo next time. Miss na miss na kita pero tambak lang ang paper works ko."

Rinig ko sa kabilang linya ang parang nagmamabilis na kilos nito. Nalungkot ako sa sinabi nito dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya. Hindi ko naman magawang puntahan siya sa bahay nila dahil lihim pa ang namamagitan sa amin. Saka, kahit ako rin ay hindi ko pa malaman kung ano bang mayroon sa amin.

"Okay lang. Ingat nalang always." Agad kong pinindot ang end button. Pinagkatitigan ko ang pangalan ni Francis na nakalagay sa phone book ko. "I love you," bulong ko.

"Ma'am?"

Agad ko nang itinabi ang aking cellphone ng tawagin na ako ni mang Bert. Lumapit na ako doon at sumakay na sa sasakyan.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong nito at sinilip ako sa salamin bago binuhay ang makina ng sasakyan.

"Sa pamilihan po manong. Kayo na lang po ang bahala."

Ipinaubaya ko na kay manong kung saan kami tutungo. Hindi ko pa gamay ang lugar at pamilihan sa lugar na ito kaya siya ang sinama ko. Kung ako ang masusunod, gusto ko pa sanang bumiyahe mag-isa dahil takaw atensiyon ang sasakyan na ito.

Minabuti ko na lamang na ipikit ang aking mata habang nasa biyahe. Wala ako sa mood para panoorin ang view habang bumibiyahe. Pakiramdam ko ay sobrang lungkot ko ngayon. Ewan ko, marahil ay gawa kay lola. O dahil din siguro na hindi ako sanay na iba ang kasama. Nasanay kasi ako na si Francis ang aking kasama sa ganitong mga lakad.

Masyadong tahimik ang biyahe. Pero kapag si Francis ang kasama ko ay hindi namamatay ang oras. Lagi siyang gumagawa ng paraan para may pagkuwentuhan kami. Tipong paulit-ulit niyang kinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay, ang kakulitan niya noong panahong paslit pa siya. Never niyang tinanong kung ano ang kuwento ng buhay ko, na ayaw ko rin namang pag-usapan pa. Pero ang makita kong kumikislap ang mata niya habang nagkukwento sa sarili niya ay sapat na. Sapat na iyon para malaman kong masaya siya.

"Ma'am nandito na po tayo," anunsiyo ni mang Bert.

Iminulat ko ang aking mata. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago sumilip sa bintana ng sasakyan.

Sa isa palang maliit na pamilihan ako dinala ni mang Bert. Para sa akin ang tingin ko ay para iyong mall. May dalawang palapag at halatang bagong palit ng pintura o bagong gawa pa lamang ito.

"Sabihin niyo ma'am kung lilipat po tayo. Dito ko nalang po kayo dinala gawang malayo pa po ang mall sa lugar natin baka po abutin tayo ng gabi."

"Ayos lang po."

Ngumiti ako kay mang Bert bago bumaba ng sasakyan. May iilan-ilan na napapatingin sa gawi ko na hindi ko na lamang pa pinansin.

"Sasamahan ko pa po ba kayo ma'am?"

Napatingin ako kay mang Bert na nakasungaw ang ulo sa bintana. Inilingan ko ito bago ko tuluyang inilakad ang aking paa papasok sa pamilihan.

Nanlalambot ang aking tuhod habang humahakbang. Bawat hakbang ko ay kasabay rin ng tambol ng aking dibdib. Kinakabahan ako sa mga matang nakatutok sa akin. Pakiramdam ko ngayon, para akong isang materyal na kailangang kilatisin.

Huminga muna ako at kinalma ang aking sarili bago tuluyang makapasok sa pamilihan.

Pero hindi pa ako nakakapasok ay agad na akong nabigla nang may humigit sa akin.

Takang napatingin ako sa taong humigit sa akin. Nakasuot siya ng uniporme at mukhang isa siya sa trabahador dito.

"Bakit po?" Magalang kong tanong.

Pinagmasdan nito ang mukha ko. Mayamaya, parang napapasong binitiwan nito ang braso kong kapit at tiningnan ako nang nagbabanta.

Nangunot ang aking noo. Anong ginawa ko? May nalabag ba akong patakaran dito?

"Miss kung babalakin mo lang na magnakaw dito ay binabalaan na kita." Daretsahang wika nito.

Nagpantig ang dalawa kong tainga dahil sa itinuran niya. Mabilis din akong nilukob nang inis dahil doon.

"Wala akong intensiyon na masama. Nais ko lamang mamili," maikli kong paliwanag.

"Sanay na ako sa ganyan bata. Hindi mo ako madadaan sa maganda mong damit. Iyang mukhang iyan, ang mukha ng nga batikan sa pagnanakaw." Nagawa pa nitong duruin ng hintuturo ang noo ko na siyang lalo kung ikinainis.

Ito ang ayaw na ayaw ko kapag lumalabas ako. Ang insultuhin ako dahil sa itsura ko. Ang paratangan ako sa gawaing wala akong intensiyon na gawin. Kahit pala, kahit anong ganda ng kasuotan mo, kung pangit ang anyo mo ay wala ding saysay. Huhusgahan ka, kaagad ng mga tao sa paligid mo.

Hinuli ko ang hintuturo ni manong at ibinaba iyon. Nais ko sanang pabalya iyong alisin pero mas pinili ko na lamang na huwag gawin. Ayoko ng gulo. Lalong ayoko na mapahiya dahil lamang sa maliit na pang-iinsulto.

"Pasensiya na po. Aalis na lamang po ako para mapanatag ang loob niyo. Sa susunod po mag lagay na lamang kayo ng karatula na nagsasabing bawal ang mukhang halimaw sa pamilihan niyo para mainform po ako. And by the way, please accept this card manong, pakitawagan po ang numerong iyan."

Humugot ako ng isa sa card na ibinigay sa akin ni lola. Naglalaman iyon ng pangalan ng kompanya at ang numero para makapanayam ang kompanya. Iniabot naman iyon ni manong at binasa.

"M-Madrigal?" Kinakabahang tanong nito. Tumingin ito sa akin at sa card.

Ngumiti na lamang ako at minabuti pang umalis nalang sa lugar na iyon. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nung lalaki pero minabuti ko na lamang na bumalik sa sasakyan.

"Wala kayong pinamili ma'am?" Nagtatakang tanong ni mang Bert.

"Wala po, wala po silang stock ng hinahanap ko," pagsisinungaling ko.

"Uuwi na po ba tayo?"

"Sa tindahan nalang ng bulaklak po kung may alam kayo at sa kahit maliit na lang po na tindahan na mayroon ng mga recipe na kailangan ko sa pagluluto," malungkot kong wika at isinandal ang aking likod bago ipinikit ang aking mata.

Nakakapagod ang araw na ito.