Ingat na ingat na inihakbang ng isang lalaki ang kanyang paa. Takot na takot na makagawa ng ingay.
Bawat hakbang ay katumbas din ng kaba sa kanyang dibdib. Ngayon pa ba siya kakabahan, gayong ilang beses na niyang ginagawa ito.
"Tangna," impit siyang napadaing nang hindi sinasadyang nasipa ang isang bagay na may katigasan. Marahil ay lamesa iyon o upuan. Kung pwede lang talaga niyang buksan ang ilaw ay kanina pa sana niya ginawa.
"Yari sakin ang babaeng iyon mamaya." May gigil ngunit may pananabik na naibulong niya.
Maingat niyang inaapa ang bawat dinadaanan. Bawat kilos ay puno nang pag-iingat. Magaan at mabagal ang kaniyang ginagawang paghakbang. Kahit malalim na ang gabi ay hindi posibleng may magising sa mga kasamahan niya.
Nang makita niya ang malamlam na ilaw na nagsisimula sa isang kwarto na nagsisilbing tambakan ng mga gamit na hindi na kailangan ay agad siyang nakaramdam nang init. Nakasiwang ang pinto noon kaya may iilang sinag ng ilaw ang nakasilip.
Agad siyang tumigil at sinimulang kalasin ang sinturon sa suot na kupas na pantalon. Ibinulsa niya ang sinturon at halos manginig pa ang kamay sa pagbaba ng zipper ng kanyang pantalon.
Kanina pa siya nagpipigil. Hindi na niya kaya ang init na nararamdaman para sa babae.
Hindi na niya inalintana pa kung makakalikha siya nang ingay sa ginawa niyang mabibilis na yabag. Lumilipad ang isip niya at tanging sa init lamang na nararamdaman nakatuon ang atensiyon niya. Kung paano niya masasagutan ito.
Malalalim ang paghinga na narating niya ang silid. Kumakabog ang kanyang dibdib nang itulak na niya ang pinto at kinandado iyon ng ayos. Kandadong siguradong walang makakaistorbo sa gagawin nila.
Halos lumuwa ang kanyang mata sa nasilayan nang mapako ang kanyang tingin sa sahig na may nakalatag lamang na karton. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Napakurap siya nang ilang beses bago pinasadahan ng tingin ang iba't ibang bahagi ng katawan ng babaeng halos hubad na. Napaka kinis noon, bawat parte ng katawan nito na hindi natatakpan ng tela ay sobrang puti at sigurado siyang kaylambot niyon dahil ilang beses na niya iyong nahaplos at pinanggigilan. Paano pa kaya ang bahaging natatakpan ng tela? Isipin palang niya ay ginaganahan agad siya.
"Tutunganga kalang na diyan?" Pagsusungit ng babae sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Lalo lamang nabuhay ang nais niyang gawin rito dahil sa ikinilos nito.
Wala siyang inaksayang oras. Tuluyan niyang hinubad ang lahat ng saplot at mabilis na lumapit sa babae.
Agad rin naman na naghubad ang napakagandang babae sa mismong harap niya.
Hindi nga siya nagkakamali. Nang madako ang paningin niya sa itinatago nito ay lalo lamang siyang nanabik. Ang balakang nito ay may kalaparan at ang baywang ang sadyang maliit. Habang ang hinaharap ay nagmamalaki.
Ilang lalaki na ba ang binaliw ng babaeng ito dahil sa angkin nitong alindog?
"Are you not going to kiss me?" May inis ngunit pabulong na iwinika nito.
Ito ang gusto niya sa babaeng ito. Sabik na sabik sa kanya gaya nang pananabik niya rito.
"Masyado namang mainit ang ulo mo babe."
Hindi na niya inantay pang sumagot ito. Agad niya itong dinamba. Sabay silang lumapat sa sahig habang nakadagan siya rito. Sabik na sabik nilang hinalikan ang isa't isa. Ang kanilang mga dila ay waring nag-aaway kung mag espadahan. Wala silang pakealam kung halos masipsip na nila ang laway ng isa't isa.
Nang halos kapusin na ang hininga ay saka sila tumigil at tinitigan ang isa't isa. Malalim ang hinga nila parehas na akala mo ay nakipagkarerahan sila.
Nang tangkang hahalikan niya ulit ang babae ay sinalubong agad ng palad nito ang labi niya.
"Naligo ka manlang ba ha?" Mataray na tanong nito.
Tumango siya sa tanong nito. Agad na lumanding ang labi niya sa leeg nito at sumipsip-sipsip doon nang pakawalan na nito ang labi niya.
"Buti naman. Ayaw kong mag-amoy lupa ako dahil sa matandang iyon."
Nagsimula narin gumala ang kamay ng babae. Bawat daanan ng kamay nito ay sinasayaran nang may diin na naghahatid ng kakaibang init sa kanyang katawan.
"Huwag ka ng magselos babe. Ikaw lang naman mahal ko."
Hindi na niya pinagsalita ito at sinakop muli ang labi. Gumanti rin ito nang mapusok na halik. Habang ang kamay niya ay dumantay sa dalawang hinaharap nito at minasahe iyon. Napakalambot at napakainit.
Wala na silang inaksaya pang oras. Ginawa na nila ang dapat gawin. Pinag-isa nila ang katawan nila. Ginawa nila iyon hindi dahil sa pagmamahal kundi upang masagutan ang init na ninanais na maramdaman ng kanilang katawan.
"Oh, Ramon, hindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang pinili ko," bulong ng dalaga habang ang hininga ay halos kapusin sa indayog na kanilang ginagawa.
"Ako din, babe."
Napamura siya sa sarili ng sa wakas ay nailabas na niya ang kanina pa niyang pinipigil.
Napaka swerte niya at napunta siya sa pamilyang ito. Salamat kay matandang Fely at nakilala niya ang magandang dilag na ito.
***
Madison
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil marahil sa uhaw. Maingat akong tumayo sa kama at tahimik na tinungo ang palabas ng aking bagong kwarto. Oo, bago na ang aking kwarto. Simula kasi ng magkaroon ng negosyo sila mama ay tuluyan ng naging bodega ang aking lumang silid. Doon lahat itinambak ang mga lumang gamit sa bahay na ito upang mas lumawak ang espasyo.
Pupungas-pungas na tumungo ako sa kusina. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil sanay na ang aking mata sa dilim. Bukod pa roon kabisado kona ang pasikot-sikot sa bahay na ito.
Matapos uminom ay agad din akong lumabas sa kusina. Pero napatigil ako sa paglabas at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagtatago nang makita kong may lumabas na dalawang tao sa aking lumang silid. May pinto na iyon ngayon kaya rinig na rinig ko ang pagbukas sara noon at ang mas ikinagulat ko nang mapagmsdan ko ang dalawang taong lumabas doon. Salamat sa malamlam na ilaw na siyang tumulong sa akin upang makilala sila.
"Kuya Ramon? Hannah?" Nagtatakang naiwika ko.
Minabuti ko ang pagtatago nang mapatapat na sila sa kusina. Hindi rin naman nagtagal at lumakad na sila patungo sa hagdanan. Saka ako lumabas sa aking pinagtataguan at sinundan sila.
Magkasunod silang pumanhik papaitaas. Tahimik din akong pumanhik papaitaas. Nang mapatapat sa kwarto niya si Hannah ay hindi agad ito pumasok.
Nanlaki agad ang aking mata sa aking nasilayan. Madilim man ngunit malinaw sa aking mata ang ginawa nila. Mabilis na nagdikit ang labi ng dalawa at parang walang nangyaring pumasok sa kanya-kanyang kwarto.
Naiwan ako roong tulala na nakatingin sa kwarto ni mama kung saan pumasok si kuya Ramon.
Isa lang ang masasabi ko. Taksil sila. Pinagtataksilan nila si mama. Sabi na nga ba, hindi ako nagkakamali sa hinala ko tungkol sa kanila.
May galit na tiningnan ko ang pinto ng silid ni Hannah. Kusang kumuyom ang dalawa kong kamao.
"Bakit mo ito nagawa sa sarili mong ina?" May bahid man nang galit ngunit may pagtataka ko ring tanong.
Hindi ko lubos maisip na kaya niyang magtaksil sa sarili niyang ina.