Madison
Tahimik lang akong nakamasid sa apat na taong abalang-abala sa pagnguya ng pagkain. Napalunok ako nang kumalam ang aking sikmura.
Hindi pa nga pala ako nakain. Pagkatapos kong magluto ay naghain agad ako. Sana naman ay may matira pa para sa akin.
"Kamusta ang negosyo, honey?" Malambing na tanong ni kuya Ramon kay mama Fely.
Kumuha muna si mama ng tissue at ipinahid iyon sa bibig nang may buong pagiingat. Daig pa niya ang isang mahinhing dalaga nung sinaunang panahon noon sa kanyang ginawang pagkilos.
"B-Business is good honey. No need to worry about it."
Lihim akong napapangiti habang pinakikinggan ang naging tugon ni mama kay kuya Ramon. Trying hard na trying hard kung uminglish si mama. Natutuwa ako at talagang nae-enjoy ni mama ang pag-asenso nila kahit pa hindi pa naman ganung kalaki ang kinikita nila.
"Ay honey, iyong palang hinihingi ko sa'yo? Baka puwede dagdagan mo pa ng 5k." Malamyos na tinungo ng kanang kamay ni kuya Ramon ang kamay ni mama at masuyong dinampian nang halik iyon.
Magkalapit lang kasi ng upuan ang dalawa kaya malaya silang mag-abutan.
"Why?" May pagtatakang tanong ni mama pero mababase mo sa mukha nito na nasisiyahan siya sa paglalambing na ginagawa ng kanyang nobyo.
Namiss ko tuloy bigla si papa. Ganitong-ganito siya kay mama Fely noon. Kahit pa sabihin na ako ang madalas nagiging dahilan nang pag-aaway nila.
"Alam mo naman si pareng Arnold, honey. Gusto nun bultuhan agad ang pera. Pumayag kana, honey please..."
Tumango naman si mama rito bilang tanda nang pagpayag.
Ang masasabi ko lang ay magaling talagang magpa-ikot ng ulo si kuya Ramon. Kung anong hilingin niya kay mama ay nakukuha niya agad.
"Para naman sa future natin ito at ng mga bata."
Hindi ko alam pero iba ang kutob ko nang dumako ang tingin ni kuya Ramon kay Hannah at kay Angel. Hindi tingin na may pagmamalasakit para sa pagiging pangalawang ama. Ewan pero, hindi ko gusto ang klase nang tingin niyang iyon.
"Bakit walang ice iyong tubig mommy?"
Nakuha ni Hannah ang atensiyon ko nang magreklamo ito. Napakamot ako sa ulo nang maalala kung bakit hindi malamig na tubig ang inilagay ko sa pitchel.
"Madison?" Nagbabantang tanong ni mama.
"M-Ma nasira na po kasi 'yung ref natin. Pagkabukas ko po kanina, hindi na pala gumagana."
Inaasahan ko kanina na sasalubungin ako nang malalamig na softdrinks at tubig kanina nang buksan ko ang ref. Pero nang buksan ko iyon ay patay na ang ilaw at hindi manlang nagbago ang temperatura ng mga nasa loob nito. Doon ko napagtanto na sira na nga ito nang i-plug ko ulit sa saksakan pero wala na talagang nagbago.
"Bwisit! Parehas kayo ng ref na walang kwenta." Pabalang na tumayo si Hannah at walang pasabi na lumabas ng kusina. Tinanaw ko ito at dare-daretso itong nagtungo papalabas ng bahay.
Mukhang kailangan niya nga ng malamig na tubig. Sobrang init ng ulo niya eh. Pero parang ang bilis naman manginit ng ulo ni Hannah? Nakakapagtakang dahil lang dun ay nagalit agad siya.
"Ang batang iyon..."
Nang tumayo si mama sa kinauupuan ay mabilis agad na pinigilan ito ni kuya Ramon at pinabalik ulit sa kinauupuan.
"Ako na honey. Tapusin mo muna 'yang kinakain mo. Alam mo namang ayaw kong nagugutom ka." Pagboboluntaryo ni kuya Ramon upang sundan marahil si Hannah na lumabas.
Sinundan ko ito nang tingin. Nakakapagtakang kaya niya rin pala maging padre pamilya ng tahanang ito. Akala ko ang alam lang niya ay utuin si mama. Pag-ibig nga naman.
"Kumain kana rito, Madison."
Gulat na napatingin ako sa sinabi ni mama. Napakurap pa ako nang tatlong beses para masigurong sa akin nga siya nakatingin at ako nga ang tinutukoy niya.
"A-Ako po?" Nauutal kong tanong at sinamahan ko pa nang pagturo sa aking sarili.
Umangat ang kaliwang kilay ni mama at umangat ang gilid ng labi. "Kakain kaba o hindi?"
"Kakain po," mabilis kong sagot. Hindi kona inaksaya pa ang oras. Agad akong humila ng upuan na kalapit ni Angel na tahimik lang na kumakain.
Nanginginig pa ang aking kamay sa pagsandok ng kanin at ulam. Pinaghalong excitement at gutom ang aking nararamdaman. Excitement dahil ito ang unang pagkakataon na nakasabay ko sila sa hapag. Sayang nga lang at kulang si Hannah at si kuya Ramon. Pero may next time pa naman. Sana sa susunod kompleto na kami.
"Mag dahan-dahan ka nga," saway sakin ni Angel nang bahagya ko siyang nasiko sa pagbabalik ko sa sinandukan ko ng ulam sa gitna ng mesa.
Nag peace sign ako kay Angel at hindi na muli pa siyang tiningnan. Inabala ko nalang ang aking sarili sa pagkain. Gutom na gutom talaga ako. Hindi ko na nga rin pinansin pa ang pasimpleng pagbulong ni Angel nang panlalait sa ginagawa kong pagkain.
"Gross..."
Hindi kona kaya pang pigilan ang aking gutom, wala na akong pakialam kahit pa nagmumukha na akong patay gutom sa ikinikilos ko. Kailangan kong magpakabusog para mamaya ay kape na lang ang iinumin ko para gising ako magdamag sa pagbabantay ng sugalan at tindahan.
"Bakit parang gutom na gutom ka naman ata, Madison?"
Linunok ko muna ang pagkain sa loob ng aking bibig bago ko tinugon si mama. "N-Nalimutan ko po kasi kumain kagabi," pagsisinungaling ko.
Wala naman akong balak magpalipas nang gutom ng gabing iyon. Gustuhin ko mang kumain ay hindi ko naman maatim na kumain ng pagkain na narumihan na. Hindi kasi sinasadya na nabunggo ako ni Hannah nang nagtungo ito sa kusina. Ay saktong kasasandok ko lang ng pagkain nun at nakatayo ako. Imbes na magalit ay hinayaan ko nalang lalo na't nahihilo daw siya nun kaya hindi niya ako napansin.
"Aba'y huwag kang magpalipas nang gutom. Kung magkakasakit ka rin laang ay mabuti pang lumayas ka nalang dito."
Marinig ko palang ang salitang layas ay kinikilabutan na agad ako. Hindi man nila ako tanggap ng buo pero ang paglayas ata ang huli kong magiging solusyon sa problema. Wala ako ni isang kaibigan o ibang kamag-anak kaya wala akong ibang mapupuntahan. Tanging sila mama Fely lang ang mayroon ako.
"Hindi na po mauulit, mama." Itinaas ko pa ang aking kamay tanda ng aking pangako. Nakakatuwa naman at nag-aalala pala sa akin si mama. Sabi na nga ba mahal niya talaga ako.
"Isip bata," bulong ni Angel sa aking tabi.
"Tse. Bilisan mo na diyan at ligpitin mona ito."
Nakangiting sinundan ko nang tingin si mama nang nagsimula na itong umalis sa kusina.
"Asumerang fraggy," sabi ni Angel at inismiran mona ako bago ako iwan na mag-isa.
Nginitian ko naman siya kahit pa nakatalikod na ito sa gawi ko.
Tinapos ko ang pagkain nang may ngiti sa labi.