Madison
Mainit na sinag ng araw ang tumatama sa pisngi ko ang siyang nagpamulat sa akin.
Unang sumalubong sa paningin ko ang kisame ng aking silid na mayroong maliit na gagamba ang nagsisimulang maghabi ng kanyang maliit na tirahan.
Patuloy ko lang itong pinagmasdan. Bawat sapot na nanggagaling sa kanyang puwitan ay ang siyang nagsisilbing haligi ng kanyang tirahan.
Ngayon ko lang naisip na sadya palang napakahirap ng buhay ng isang gagamba. Hirap na hirap siyang gumawa ng tirahan tapos sa isang iglap lamang ay sisirain ng mga taong nais lamang ay maging malinis ang kanilang sulok ng bahay.
Napakibit-balikat na lamang ako. Ano bang pakialam ko sa isang gagamba? Wala naman silang magagawa para makaahon ako sa gantong klase ng buhay.
Tinatamad man ay nagawa ko parin na bumangon sa aking higaan. Masakit ang aking katawan buhat nang maghapon na paglalampaso ng sahig at paglalaba ng mga damit na dinaig pang construction worker ang mga nagsuot sa amoy at dumi nito. Pati paglilinis ng bahay ay kargo ko.
"Aray ko po..." reklamo ko ng hindi ko sinasadyang naiunat ang aking dalawang braso. Ngalay na ngalay ang mga iyon at parang dinaig ko pa ang nakipag bugbugan sa mga basagulero sa sobrang sakit niyon.
Hinayaan ko munang mag-adjust ang aking katawan bago ako tuluyang tumayo at sinimpan ang aking pinaghigaan.
Matapos nun, pinasayadan ko ng aking mga daliri ang aking buhok. Hinayaan ko na ito ang magsilbi kong suklay. Hindi na rin ako nag-abala pang tumingin sa salamin para pagmasdan ang aking itsura. Ayaw ko na agang-aga e, masira ang aking mood. Sapat na ang aking itsura para masira nito ang aking buong araw.
Nang masiguradong ayos na ang lahat saka ako tuluyang lumabas sa aking silid. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Sanay na ako na tuwing umaga ay ako pa lamang ang kumikilos. Halos tanghali na kasi ay bago palang gigising ang mga kasama ko sa bahay.
Panay na ang tilaok ng mga manok ng kapitbahay pero ang aking mga kasama ay pasyahan parin ng hilik.
Napailing nalang ako. Hindi paba ako masasanay ay halos buong buhay ko ay ito na ang kinagisnan ko.
Napatigil ako sa paglalakad at iniangat ang aking ulo para matanaw ang pangalawang palapag ng bahay. Pasyahan ang kalabog doon at may musikang hindi ko mawari kong anong lengguwahe ang inaawit ng singer. Isa lang naman ang kilala kong mahilig sa ganung klase ng kanta.
"Maaga atang nagising si bunso?" takang tanong ko sa sarili.
Napangisi ako, "Ano kayang nakain nun at maagang gumising?"
"Ay wala pa pala akong niluto..."
Tarantang tumungo ako sa kusina. Nalimutan ko na wala pa nga palang handang almusal. Malilintikan ako nito eh. Lalo na at baka pare-parehas na silang gising.
"Kawali... Kawali... Nasan kana?"
Halos mag kanda hilo-hilo ako kahahanap ng kawali. Sa sobra atang taranta ay naging makakalimutin na ako.
"Gotcha!" masiglang wika ko nang makita ko ang kawali sa isang gilid na taob na at wala ng laman.
Kinuha ko agad ito. Unang bumungad sa akin ang kawaling may iilan-ilan pang natirang pinaigang toyo ng adobo. Inilapag ko muna ito sa lababo at kinuha ang isang malaking balde at sumandok ng tubig doon bago simulang hugasan ang kawali. Nang matapos nagtungo naman ako sa lagayan ng stock ng mga biniling pagkain.
"Itlog lang." Napasimangot ako nang mapansin na tanging limang piraso lang ng itlog ng manok ang nakita ko doon. Wala akong ibang choice kundi ang itlog ang iluto. Bahala na ang mga kasama ko kung magrereklamo sila.
Naggayat agad ako ng sibuyas at bawang, binati ko na rin ang itlog at sisimulan na iprito ito.
"Anong almusal, chaka?"
Hindi ko pinansin ang naging salubong na iyon ni bunso sa akin. Nakangiting nilingon ko ito.
"Magandang umaga bunso. Upo kana diyan. Tapos na itong niluluto ko."
Nakita ko pa ang pagsimangot nito bago mabibigat ang hakbang na tinungo ang mesa. Padabog din nitong hinila ang monoblock bago nakasimangot na umupo doon habang magka-krus ang dalawang braso.
"Hindi pa ba luto yan?" bugnot na tanong nito.
"Luto na bunso."
Nakangiting lumapit ako sa lamesa at inilapag doon ang piniritong itlog. Humahalo pa sa hangin ang usok na dala nito.
"Anong gusto mo, gatas o kape bunso?" Nakangiting tanong ko rito.
Umangat ang kilay nito at tiningnan ako ng may pagkaasiwa. "Tigilan mo nga ako sa ganyan chaka. Stop calling me bunso. I'm not a kid anymore. At saka sino kaba para tawagin akong bunso, ha?!"
Nanalaytay ang lungkot sa aking mukha. Hindi ko alam pero para akong sinakal nang marinig ko ang mga salitang iyon.
Lumunok muna ako bago siya sagutin. "A-Angel, kapatid mo pa rin ako. Ate mo ako. Kaya bunso ang tawag ko sayo dahil ikaw ang huling anak ni papa."
Inis na inis na tumayo ito. "Napaka boba mo talaga kahit kailan. Anak kalang sa labas kaya at isa kalang utusan dito. Naiintindihan mo?!"
Kinalma ko ang sarili ko. Nakakabata ko siyang kapatid. Bata pa siya kaya natitiyak kong hindi niya alam ang mga salitang nagsisilabas sa bibig niya.
"Sige na, kumain ka na Angel," utos ko rito. Nang hindi ito kumilos, lumapit ako dito at hinawakan ito sa balikat para paupuin ito. "Kukuha lang kitang pinggan at kutsara. Saka pati gatas ipagtitimpla lang kita."
Akala ko ayos na ang lahat. Pero mukhang mainit talaga ang ulo ni Angel.
"Ano ba?! Huwag mo nga akong hawakan." Gigil na tinaggal nito ang pagkakahawak ko sa kanya.
"S-Sorry," hinging paumanhin ko. Nagitla ako nang walang pasabing itinulak ako ni Angel. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa sahig. Hindi naman ako napahiga pero sapat na ang pagtulak niyang iyon para tumama ang pang-upo ko at masaktan ako nang sobra sa bahaging iyon ng katawan ko.
"Kahit kailan talaga ay wala kang pinagtandaan."
Wala manlang akong makitang pagsisisi sa ginawa nito sa akin bagkus inis lamang at pagkaasiwa. Inaasahan ko sana na hihingi ito nang paumanhin dahil hindi niya naman gusto na saktan talaga ako.
"At ito."
Kinuha nito ang niluto ko at may pandidiring tiningnan iyon. "Itlog? Hindi ako mahirap para pakainin mo ng ganitong pagkain." Pinagkatitigan pa nito ang piniritong itlog at parang diring-diring pumilas ng kaunting bahagi nito. "Ano ako bumbay para purgahin mo sa bawang at sibuyas?!"
Hinawakan ko ang balakang ko at tumayo na. "W-Wala na kasing ibang lulutuin pa. Akala ko gutom kana kaya iyan nalang agad ang niluto ko. Pero kung gusto mo, ibibili kita. Ano bang gusto mong pagkain?" Nagawa ko parin ngitian ito kahit pa sa loob-loob ko ay nasasaktan ako.
Hindi ba talaga nila kayang itrato ako nang tama?
"Nawalanan na ako nang gana," nakabusangot na wika nito. Inilahad nito ang pinggan na naglalaman ng piniritong itlog sa akin. Tangkang kukunin ko na sana iyon pero nabigla ako nang bigla agad nitong binitiwan ang hawak-hawak kahit hindi pa lumalapat iyon sa palad ko.
"Anong ginawa mo?!"
Bahagyang napataas na ang boses ko. Naiinis ako. Ang pinaghirapan kong lutuin ay nasa sahig na kasama ang ilang bahagi ng pinggan na ngayon ay basag na.
"Ang tagal mo kasing abutin eh. Nangalay ako kaya nabitwan ako," ngising wika nito.
Napaluhod ako sa sobrang sama ng loob. Nanginit din ang dalawang mata ko na hudyat na ako ay naluluha. Walang pag-aalinlangan na hiniwalay ko ang itlog sa basag na pinggan. Maging ang pakiramdam ko ata ay namanhid na dahil kahit nagalusan ako ng basag na bahagi ng pinggan ay hindi ko manlang ininda.
"Kainin mo 'yan, tutal mukha ka naman aso."
Nagawa pa akong sipain sa hita ni Angel bago tuluyan nitong lisanin ang kusina.
"Ano bang nagawa ko sa kanila? At ganto nila ako tratuhin." Naluluhang tanong ko sa sarili ko at maluha-luhang napapikit nalang ako.
Hanggang kailan ba ako magdurusa sa puder nila?