Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Near The Window

🇵🇭She_Losa
15
Completed
--
NOT RATINGS
37.4k
Views
Synopsis
Niloko ng nobya si Whartoner. Sa kabila ng pagsesenti at kagustuhang mapag-isa nakilala naman ang kaklaseng si Wang Ai. Ang lalaking laging may headphone sa tainga at tulad niya hilig din nitong tumambay sa may bintana. Pero paano kung pati ito ay hindi magiging kanya? May fiancee na rin kasi ang binata. Parang napakamalas niya yata!
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

"ANO, Toner hindi ka pa rin nag-iimpake? Aalis na kami ng Ahia mo," nakapamaywang na tanong ng bihis na bihis na si Aling Acosta sa anak na binatilyong nakahilata pa rin kahit tanghaling tapat na.

"Antok pa ako, 'nay. Kayo na lang kasi!" tamad na sabi niya.

Inis siya nitong pinaghahampas ng tsinelas. "Hay naku! Napakatigas talaga ng ulo mo. Kung hindi ka babangon diyan, ikaw na ang bahala sa sarili mo!"

Doon na ito dire-diretsong lumabas ng kuwarto. Nang mawala sa pandinig ang mga yabag ay napabangon siya para sana habulin ang ina pero nang maisip ang dahilan ng pag-alsa balutan nito ay napangiwi siya.

"Sige, magpakasaya kayo. Bahala na talaga ako!" aniyang tumungo ng kusina kung saan naabutan niya ang kawaling may isang pirasong tuyong nakalubog pa sa mantika.

Pambihirang buhay 'to, himutok niya at nag-umpisa nang magbungkal ng mga gamit. Wala kahit asukal o kape man lang. Hindi rin siya iniwanan ng panggastos na alam niyang imposibleng mangyari dahil hindi na sila mayaman. Noon siguro. Noong maayos at buo pa ang pamilya nila.

Pero ngayon, siya na lang ang naiwan sa bahay.

Isang senior high school na wala na ngang laman ang tiyan tapos wala pang pera.

Natawa siya nang mapakla sa pumasok sa isipan bago sumulyap sa wall clock sa pagbabasakaling malaman ang oras pero bigo siya. Hindi na kasi iyon gumagana dahil maging iyon ay napabayaan na. Dismayado siyang tumakbo na lang sa banyo pero pagkabukas ng gripo, walang kahit isang patak na tumulo. Nagpindot din siya ng switch ng ilaw pero alam niyang niloloko lang niya ang sarili. Wala na kasing liwanag na lalabas pa roon kahit anong pilit. Naputulan na sila kaya nga hindi na siya nagtaka kung bakit nilayasan na ito ng ina at kapatid niyang hindi sanay sa hirap.

"Bakit kailangan mo pang bumalik sa China, Tony? Okay naman tayo rito, a! Puwede bang dito ka na lang? Mag-open ka ng bagong branch."

"Malalaki na ang bata kaya payagan mo na akong umalis. Isa pa, paubos na ang savings ko. Sige na, limang taon lang naman ang hinihingi nila tapos puwede na akong bumalik. Please, Acosta."

"Huwag mo akong utuin, Tony. Alam nating hindi kailanman magiging pabor ang mga magulang mo sa akin. Sige, umalis ka! Makikipagbalikan na lang ako kay Nestor kapag pinili mo ang pera kaysa sa amin!"

"Sige, bumalik ka sa totoong tatay ng panganay mo basta akin si Shoti pati itong bahay."

"Whartoner Lim?" 

Mabilis na tinanggal ang pagkakasalumbaba at napabalik sa reyalidad nang marinig na tinawag ng guro ang pangalan niya. 

"Present, Ma'am!"

"Hindi ako nagche-check ng attendance. Ang sabi ko, pinapatawag ka ni Mrs. Chua sa Discipline Office," pagkasabi ng guro ay nagtawanan na ang buong klase.

"Copy, Ma'am!" aniya at tumayo na para lumabas doon.

NAMAMAWIS ang kamay niyang hawak ang isang papel kung saan nakalagay ang matrikulang kailangan niyang bayaran.

"Kalahati na lang 'yan. Ang kalahati ay binayaran ko na. Pakibigay na lang sa nanay mo nang ma-inform siya. Hindi kasi sumasagot sa tawag namin?"

Hindi na talaga sasagot iyon dahil bukod sa putol na ang landline, lumayas na rin siya sa bahay.

"Hindi ako sigurado kung kaya ko ba itong bayaran, Mrs. Chua. Umalis na po kasi sila nang tuluyan," pagtatapat niya.

"Si Mr. Lim, gusto mo bang tawagan ko?" dugtong pa ng ginang dahil bukod sa kanya ay ito lang ang nakakaalam ng totoong estado niya sa buhay. Ito rin ang tumatayong guardian niya kapag wala nang pagpipilian.

"Huwag na ho," tanggi niya bago laglag ang balikat na naglalakad pabalik sa classroom.

"Whartoner! What happened, babe?" mula sa isang linggo pa lang niyang nobya na si Valeria. Isang STEM Student na ahead ng isang taon sa kanya. Makurba ang katawan na tila ba laging nang-aakit. Pakendeng-kendeng din ito kung lumakad kaya madalas ay sinisipulan ng kung sinu-sinong lalaki. Kung paano naging sila ay dahil lang sa madalas na tuksuhan.  Wala na ngang ligawang naganap basta pinandigan na lang nilang magsyota sila. 

"Tititigan mo na lang ba ako, babe?"

Imbes na sagutin ay hinila niya ito sa isang sulok na walang makakakita. Hinagkan nang mariin. Nang umungol ito ay napangisi siya. Magiging stress-reliver pa yata niya ang labi nito dahil kasi roon medyo gumaan ang pakiramdam niya.

"Date tayo mamaya," lambing nito na sinamantala niya upang ipakita ang isang papel.

"Tulungan mo muna akong bayaran ito, promise paliligayahin kita sa paraang kaya ko."

Kagat-labing tumango si Valeria. Jackpot. Alam na niya ngayon kung anong gagawin para magpatuloy sa buhay.

Sa condominium na pagmamay-ari ng magulang ni Valeria ang tuloy niya pagkatapos ng klase. Sa mga sandaling makatapak siya roon ay alam niyang katapusan na ng pinakaiingatan niyang pagkalalaki. Hindi siya inosente sa mga gustong mangyari ng nobya at handa na siyang pagbigyan ito. 

Nang maglapat na nga ang katawan nila sa kama, hinayaan na niya kung saan iyon mapunta.

Walang sawa niyang hinagod ng kamay ang pinong balat ng nobya. Pababa nang pababa hanggang marating ang dapat marating.

"Heto, dinagdagan ko na dahil baka kulangin ka," nakangiting sabi ni Valeria matapos humugot ng makapal na cash sa pitaka nito. 

Napagtanto niyang bukod sa madali itong kausap ay parang wala lang dito kung magtapon ng pera. Walang ano-anong napayakap siya rito. 

"Salamat nang marami, Valeria. Hayaan mo, iyong-iyo lang ako," masuyong sabi niyang punung-puno ng pangako bago muling inumpisahang angkinin ang kabuuan ng dalaga.

Halos-halos araw-araw nila iyong ginagawa at doon na siya rin siya tumira sa unit nito. Pakiramdam niya ay lagi siyang lumulutang sa alapaap. Kahit ano ay handa niyang gawin, maging tagalaba, tagaluto. Itinodo niya talaga ang effort para hindi magsisi ang kasintahan sa mga luhong ibinibigay nito sa kanya. Pagdating din sa kama ay lagi niya itong pinapasigaw sa ligaya. Lahat na yata ng posisyon ay ipinaranas niya rito. Malaki ang naging papel ng mga porn videos upang maging eksperto siya sa larangan ng sex sa edad na dise otso. Inspirado rin siya tuwing papasok sa klase.

Pero ang kaligayahang iyon ay may katapusan dahil isang hapon ay nahuli niyang pinapatungan na ng iba ang nobya niya.

"Oh, Jared! Make me cum." Ang pakiusap na iyon ni Valeria sa kapareha ay tila milyun-milyong patalim na sumaksak sa kanya pero kahit na namatay na ang isang bahagi sa pagkatao niya ay nagawa niyang kumilos para pagsusuntukin ang lalaking nakahubo.

"Gago ka! Bakit mo kinakantot ang nobya ko ha? Papatayin kitang hayop ka!" 

Dahil sa gulat ay hindi na nakalaban ang lalaki. Bugbog-sarado sa kanya at kung walang pang umawat na armadong kalalakihan ay siguradong napatay niya ito.

"Sa presinto na lang tayo, hijo." 

Sunud-sunuran siyang sumama sa mga ito kahit masamang-masama ang loob niya.

"Huwag kang mag-alala bata, makakalabas ka rin matapos ng beinte kuwatro oras kapag may nagmagandang-loob piyansahan ka," imporma ng katabi niyang pulis sa loob ng patrol car. 

Dumungaw lang siya sa bintana. Wala siyang pakialam kung anong naghihintay sa kanya kinabukasan. Sa isip niya ay naroon ang katagang mas gugustuhin na lang niya makulong habambuhay kaysa muling makita ang babaeng nanakit sa puso at pagkalalaki niya.