ANG kalansing ng rehas na bakal ang nagpagising sa nakabaluktot na binata.
"Laya ka na! Bilisan mo baka magbago pa ang isip ko," asik ng pulis sa kanya.
Hindi nga siya nag-aksaya ng oras at tumayo na pero nang mapansing masama ang timplada ng mukha ng pulis ay nahinto siya sa paghakbang.
"Sa susunod, huwag mong kakalabanin ang pamangkin ko para hindi umabot sa ganito. Pasalamat ka at pinayagan niyang piyansahan ka ni Miss Valeria kung hindi dito ka na mabubulok."
Nakuha na niya kung sino ang tinutukoy nitong pamangkin. Napakuyom na lang siya ng palad at nagpasiya nang umalis habang mura nang mura sa isipan. Sobrang sama na naman ng loob niya. Iniputan na nga siya sa ulo ng nobya tapos pakiramdam niya ay ang liit-liit na niya. Masyado yatang malupit sa kanya ang tadhana.
Pagdating niya sa visiting area ay nakita roon ang napatayong si Valeria. Hindi niya ito pinansin at tuluy-tuloy lang siya palabas. Ang kaso ay nahabol siya nito.
"Whartoner, wait!"
Labag sa loob niya itong nilingon. Nakakaawa ang itsura nitong mugto ang mata pero hindi siya nagpatalo sa habag. Mas nangingibabaw kasi ang katotohanang pinagtaksilan siya.
"I'm so sorry, Whartoner. Ginawa ko lang iyon dahil tinakot niya akong ipapapatay ka kapag hindi ko siya pinagbigyang masolo ako ng isang araw."
Sarkastiko siyang napangisi. "Hindi mo ako mauuto, Valeria. Alam natin pareho na nag-enjoy ka sa titi ng kumag na iyon."
Umiiling-iling ang lumuluhang dalaga.
"A, dahil mas pogi siya sa akin? Dahil mapera siya at mas magaling, tama?"
Lalong bumalong ang luha ni Valeria at wala siyang planong punasan iyon. Kung sa ganitong paraan niya ito magagantihan upang mabawasan ang sakit ay itutuloy niya.
"Hindi 'yan totoo. Ikaw ang mas higit kahit kanino man."
Siya naman ang napailing at mariing nagsalita. "Kung ganoon naman pala, bakit nagpasindak ka sa lalaking iyon? Akala mo ba hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Kung kinonsulta mo muna sa akin ay di sana walang ganoong nangyari. Minaliit mo ang kakayahan ko. Hindi kita mapapatawad," iyon lang at tinalikuran na niya ito. Uuwi na lang siya sa kanila at pagkakasyahin ang natitirang pera sa bulsa.
TUWING papasok ay nakaugalian na niyang matulala habang nakasalumbaba sa may bintanang malapit sa kinauupuan. Ganoon siya tuwing malalim ang iniisip at minsan pa ay uupo siya sa gilid niyon kapag walang nakatingin. Ilang araw na niya iniiwasan si Valeria dahil namumuhi pa rin siya. Ang problema nga lang paubos na ang pocket money niya. Nalalapit na naman siyang bumalik sa dati na walang-wala at nangyari na nga isang tanghalian nang wala na siyang makapa ni isang singkong duling.
"Naiwan mo ang wallet mo o short ka?" ang usisa galing sa isa sa magagandang babae sa eskuwelahang iyon.
Nahihiya man ay napaamin siya at sinamahan ng pagpapa-cute na hiling niyang sana gumana, "Oo, e."
"Here!" hagikhik nitong sabi bago pasimpleng inilagay ang kung ano sa kamay niya.
Nang tignan niya ay isang libo iyon at calling card. Hindi pa man siya nakakahuma ay tumingkayad na ito at bumulong, "Hiroshi Madrigal. STEM student. Be my guy and everything is yours," saka siya nito dinilaan sa tainga bago walang pakundangang umibis ng takbo papuntang grupo ng kababaihan.
Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nakita niya ang nobyang si Valeria. Tahimik itong umiiyak sa isang tabi. Iyon ang dahilan para magkaroon siyang lakas ng loob paunlakan ang offer ng babae kanina.
Sige, umiyak ka! Tama lang 'yan.
"Umuwi ka sa unit ko at mag-uusap tayo. Kung hindi ka pupunta, magpapatira ako ulit kay Jared," bulong ng babaeng tumabi sa kanya nang mailapag niya ang order na pagkain.
Kahit galit siya sa nagawa ni Valeria ay hindi maintindihan kung bakit selos ang namayani sa kanya ng mga sandaling iyon dahilan para kaladkarin niya ito papuntang rest room saka marahas hinalikan hanggang unti-unting naging maalab ang sumunod na tagpo. Natalo ng nadaramang pagmamahal ang galit niya.
"W-Whartoner!"
"Valeria..."
Nang matapos ang pinagsaluhang mga sandali ay napagpasiyahan niyang bumalik muli sa piling nito. Subalit hindi niya maipapangakong katulad pa rin siya ng dati lalo na kapag nariyan ang nang-aakit na si Hiroshi, ang babaeng nakilala niya sa kantina. Pinagbigyan niya rin kasi ito ng isang libong ligaya nang minsang yayain siya nito sa isang night club kapalit ng limpak-limpak na salapi.
"BAKIT ginabi ka? Kanina pa ako rito. Ipinaghanda pa naman kita ng tuyo na gusto mo kahit bawal iyon dito sa condo," mangiyak-ngiyak na salubong ni Valeria sa kanya.
Base sa amoy ng buong unit at nakahaing iniinipis na sa mesa ay hindi na nito kailangang ipaliwanag kung anong ulam.
"Sorry, may ginawa kami project ng mga kagrupo ko," pagsisinungaling niya pero ang totoo ay buong tatlong oras siyang nakipaglampungan sa iba.
"E, bakit puro ka hickeys sa leeg? Hindi ako tanga, Whartoner. Oo nga at minsan akong nagkamali pero sana maisip mong itinama ko na iyon at hindi na naulit pa pero ikaw? Parati mong ginagawa at sa Hiroshi pang iyon na pinagsawaan na ng kung sinu-sinong lalaki. Bakit, Whartoner ha? Mga ganoong babae na ba ang tipo mo?"
Nagpanting ang tainga niya pero nagtimpi siya dahil totoo naman ang isinusumbat ng nobya.
"Sinubukan ko na ang lahat nang makakaya ko para maging maayos tayo pero wala. Hirap na hirap na akong pakisamahan ang lalaking may bayag nga pero walang paninindigan. Mag-break na lang tayo, Whartoner. Kung gusto mo sa 'yo na lang ang condong ito dahil puro pasakit naman ang natamo ko sa 'yo."
Padabog itong lumabas. Hila-hila ang malaking maleta. Hindi na siya magtataka na sa pangalawang pagkakataon ay iniwan na naman siya.
Napahawak siya sa sentidong tinungo ang fridge para kumuha ng beer in can. Wala siyang balak habulin si Valeria. Uminom siya nang uminom hanggang wala nang matira.
"Kung ayaw mo na sa akin. Di na kita pipilitin," boses lasing niyang kanta habang pasuray-suray papuntang sofa.
"Kasalanan ko ang lahat. Ako. Ako. Ako may gawa nito. O, ano, 'tay proud ka ba sa bunso mong anak o ikakahiya mo ako? Wala. Wala kang pake," aniyang may luha sa mga matang pumikit at doon ay tuluyan nang nakatulog.