"VALERIA CHEN!" mangha niyang bati sa buong pangalan nito nang walang halong sama ng loob at sinundan pa ng isa, "Kumusta? Saan ka papunta niyan?" saka maluwang na ngumiti. Hindi niya magawang itago ang kasiyahan.
"Medyo--- I mean, mabuti naman ang kalagayan ko. Kagagaling ko lang sa banko, nagdeposito ng bayad sa tubig at ilaw..." sagot nito na naging mailap ang mata. "Kahit naman hindi na tayo, responsibilidad ko pa ring bayarang ang bills ng condo," dugtong pa.
"Oh shit! Hindi ko alam. Sorry. Hindi ko nagampanan ang dapat na tungkulin ko," natatarantang sabi niya nang makuha ang ibig sabihin ng dalaga.
"Ayos lang iyon. Para saan pa ang maraming allowance kung hindi gagamitin nang tama, di ba? At isa pa, sa atin naman iyon," confident na sabi ni Valeria saka hinawakan ang braso niya. "Tara! Kumain tayo sa pinakamalapit na noodle house, treat ko," hila nito sa kanya at hindi na siya nakatanggi pa.
Sa mga sandaling iyon, tila bumalik ang dating sila. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya kay Valeria lalo pa sa sinabi nitong sa kanila ang condo unit na iyon, ang nagbigay senyales na hindi siya nito tinanggalan ng karapatan sa buhay nito.
"Val..." tawag-pansin niya habang abala ito sa paghigop ng sabaw.
"Mmmm?"
"Salamat." Sa pagiging mabuti mo sa akin sa kabila ng lahat, ang salitang hindi niya kayang sabihin dahil sinasabayan iyon kalabog ng dibdib.
"Alam mo, Whartoner, huwag ka na lang magsalita. Just enjoy the food and cherish this moments," makahulugang sabi nito kaya naglakas-loob siyang hawakan ito sa kamay.
"W-Whartoner..." ang naluluha nitong sabi saka inikot ng tingin ang paligid na kakaunti lang ang tao bago bumaling sa kanya, "Namiss kita. Seryoso ako."
Nabitiwan niya ang kutsara sa mga katagang iyon. Walang sabi-sabing hinatak niya ang dalaga palayo roon at dinala sa lugar na unang saksi ng kanilang pagmamahalan. Noon niya ipinaramdam ang walang katapusang ligaya subalit habang ginagawa iyon ay may ibang taong pumasok sa isip niya. Akala niya mawawalan siya ng gana pero hindi nangyari dahil mas naging agresibo pa siya, isang bagay bagay na ikinatuwa ng kapareha.
PUMASOK din sila ng nobya nang araw na iyon. Hindi sila kagaya ng normal na couple na magkahawak-kamay. Sapat nang sabay silang maglakad. Sapat na ang mga tinginan para masabing nagkabalikan na sila.
Nang tumapat sa classroom niya ay saka lang nagsalita si Valeria.
"See you later, Babe!"
Tinginan ng mga kaklase niya ang sumunod na nangyari pero wala namang nagsalita dahilan para makaupo siya nang matiwasay. Mayamaya pa'y nangalumbaba siyang tumingin sa bintana pero laking gulat nang makitang nakaupo roon ang taong laman ng isip niya kanina. Nakasuot ito ng headphone tapos nakangiti sa kanya. Napalunok pa siya nang ngumuso iyon na tila gustong magpahalik. Pero nagkusot siya ng mata para matapos agad ang kahibangang iyon.
Ang lalaking iyon talaga! Bakit niya ba ginugulo ang isip ko? ang reklamo niya tapos sinubsob ang mukha sa libro. Sa ginawa niyang iyon ay alam niyang naagaw ang atensiyon ng mga kaklase pero wala siyang pakialam.
"Lim, ayos ka lang?"
Napaayos ng upo pagkuwa'y tiningala ang nagsalita at nakita si Bobby, ang top 1 nila.
"O-Oo naman."
Ngumiti ito na katumbas ng pulot-pukyutan bago nagsalitang muli.
"Puwede mo ba akong samahan sa soccer field mamayang hapon? Wala naman si Liu, e," aniya saka siya pinisil sa balikat at umalis din.
SUMAMA nga siya kay Bobby nang sumapit ang dissmissal time para paunlakan ang alok nito. Bukod doon, gusto niya ring malibang. Baka kasi kapag mag-isa lang sa classroom ay kung saan-saan pa siya dalhin ng imahinasyon na walang ibang laman kundi si Wang Ai.
Pinakiramdaman niya ang sarili at nasigurong si Valeria pa rin ang tinitibok ng puso niya. Alam niya ring masaya siyang bumalik na ito sa buhay niya pero kabilang banda alam niya ring may mali sa kanya.
"Shit! Mababaliw ako."
"Ha? May sinasabi ka ba, Lim?" nagtatakang tanong ni Bobby.
Dito naman siya natauhan. May laro nga pala sila at iyon lang ang dapat ang isipin niya.
"Huwag mong piliting sumali kung wala ka sa mood dahil masisira niyon ang konsentrasyon mo. Damay kaming lahat niyan."
"Pasensiya na talaga, Bob kung nangyari ito," sinserong sabi.
"Bù, méiguānxì. Sa katunayan niyan, masaya akong sinamahan mo ako kahit saglit. Parang cheer mo na rin iyon sa akin," nakauunawang sabi at pinisil siya sa balikat kagaya nang ginawa nito kanina.
Nagpaalam din siya na uuwi pero mabilis siya nitong pinigil.
"I don't know exactly what's goin on between you and Liu but..."
Napaawang ang bibig niya nang bitinin nito ang nais sabihin.
"One thing is for sure, I like Whartoner Lim. I like you."
Inis niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanya at saka tumakbo na pauwi. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na may nagtapat sa kanya at kapwa lalaki pa. Mabuti na lang at walang nakarinig na iba. Pero sa kabilang bahagi ng isip ay may isang katanungang naglalaro roon.
Paano kung si Wang Ai ang nagsabi niyon?
Paano nga kaya? Naiiling siyang dali-daling pinundot ang doorbel nang marating ang tapat ng condo unit. Si Valeria ang nagbukas doon na agad niyang sinalubong ng yakap.
"Hey! Anong nangyari? Bakit umuwi ka agad? Akala ko may laro kayo ni Bobby."
"Saglit lang ito. Marami lang gumugulo sa isip ko."
Naramdaman niyang niyakap siya pabalik ng nobya kaya naman kumalma na siya.
"Ikaw ha, kagagawa lang natin ng ano kanina miss mo agad ako," pabirong sabi nito.
Natatawa siyang bimitiw sa pagkakayakap saka inangat ang mukha ng dalaga. Pinagmasdan. Bumalik ang lahat ng tamis at pait ng nakaraan, ang pinagsamahan. Ito ang babaeng nauna sa buhay niya. Ang first touch, first kiss at lahat ng unang experience sa isang babae. Dahil doon ay parang nakita niya ang sariling kasama itong tatanda. Pero biglang pumasok si Wang Ai sa buhay niya, ang dahilan kung bakit naguluhan siya at bago pa man mangyari ang kinakatakutan niya ay kailangan niya iyong itama.
"Magpakasal na tayo, Valeria. Bumuo na tayo ng pamilya," seryoso niyang sabi.
"Sigurado ka?" halos maluha-luha nitong bulalas.
Tumango siya nang nakangiti pero napawi iyon nang bumukas ang pinto at iniluwa ang taong dahilan kung bakit siya minsang nanliit sa sarili.
"Mukhang nagkakasiyahan yata kayo," nakakunot-noong bungad nito.
Nakita niya ang pagkataranta ni Valeria kaya itinago niya ito sa likuran niya.
"Anong ginagawa mo rito, Jared? Hindi ka pa ba nadalang nabugbog kita?" kompronta niya rito.
"Simple lang naman, dito na ako titira," anitong inikot ng tingin ang paligid sa dumiretso ng upo sa nag-iisang sofa sa sala.
"Ano? Hindi puwede---"
"Valeria, ikaw nga itong magpaliwanag sa ex-boyfriend mo nang malaman nito ang totoo. Na mas may karapatan ako rito dahil ako ang fiancé mo."
Naguguluhan siyang inikot ang sarili paharap sa nobyang noon ay nakayuko lang.
"Valeria, sabihin mo namang hindi totoo ang sinasabi ng kumag na 'yan," nagbabasakaling tanong niya.
"I'm sorry, Whartoner. Sasabihin ko naman talaga, ang kaso natalo ako nang kagustuhang magkaayos tayo. Maniwala ka, ikaw ang mahal ko," umiiyak na paliwanag nito bago bumaling ng tingin kay Jared, "Wala ka ba talagang kayang gawin kundi guluhin kami? Oo nga at pinagkasundo tayo ng mga magulang natin pero sa tingin mo ba, gugustuhin kitang pakasalan sa ugali mong 'yan?"
"Narinig mo ba 'yon?" nang-aasar na tanong niya kay Jared.
"Tama na. Mag-impake ka na lalaki nang matapos na. Tanggapin mo nang hindi kailanman naging sa 'yo si Valeria," mayabang na sabi nito at parang wala lang kung maghithit-buga ng sigarilyo.
"Sinungaling!" nagngingitngit niyang sabi at mabilis itong pinagsusuntok kaya naglaglag sa sahig.
"Ano? Lumaban ka. Ngayon mo, sabihin na hindi naging akin si Valeria."
"Masusuntok mo pa kaya ako kung sabihin kong ako ang ama ng dinadala niya?"
Nanlaki ang mga matang binitiwan si Jared nang maalala ang eksena habang pinapatungan nito ang nobya niya. Muli ay nabalot siya ng poot at ubos lakas itong sinuntok.
"Mga walanghiya kayo!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya saka nanghihinang tumayo at pagkuwa'y pinakatitigan ang umiiyak pa ring si Valeria.
"Bakit hindi mo sinabing may laman na 'yan at hindi akin?" iyon lang saka kinuha ang school bag na nag-iisa niyang gamit nang tumira roon. Wala siyang lakas ng loob para kunin pa ang mga bagay na hindi naman siya ang gumastos.
"Whartoner!" tawag pa nito subalit nagbingi-bingihan siya. Alam niya kasing lalambot siya at maniniwala na naman. Iyon ang ayaw na niyang mangyari.