Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TO BE WITH YOU AGAIN

đŸ‡”đŸ‡­RILL_CRUZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
71.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - chapter 1

Ang kamatayan daw ng isang tao ay parang magnanakaw sa gabi....biglaan. hindi ito mabangis na hayop sa gubat o kalyeng madilim na walang puno't halaman ngunit nakakatakot.
iilan nga ba ang takot o iilan nga ba ang hindi kapag kamatayan na ang pinauusapan.
sa napakalaking bansa sa estado unidos sa bayan ng nerbraska ay makikilala mo ang isang babaing tila di takot sa salitang kamatayan.
kung minsan ay mas ninanais pang sumayaw sa kadiliman kesa masilaw sa liwanag ng katapusan. kung minsan naman.
ang kanyang malikot na kaisipan ay lumilikha ng mga sasakyan upang tumungo sa ibat ibang planeta nang saganoon ay matakasan nya ang mundo nais nyang nang takasan.
sa ikatlong araw ng ikatatlong linngo ng buwan agusto ay ipinagdiriwang ng bayan san pelipe sa nebraska ang taonang pesta ng mga makukulay na bulaklak o mas kilala sa tawag na floresa de amor na yumayabong sa araw ng tagsibol sa naturang nayon.
masaya at masagana nilang ipinagdiriwang ang taonang tradisyon. mula sa mga nagpalalakihang mga arko ay di mo malayong isipin na tila ikaw ay isang mumunting higad dahil sa mga naglalakihang mga bulaklak nito na ginawa galing din sa mga malilit at pinagsamasamang mga bulaklak habang ito ay dumadaan sa iyong harapan. habang sinasabayan ito ng nga makukulay na banderitas, nagsasayawang mga tao at nagtatakbuhang mga bata na nangangarap na mapasama sila sa kanilang kinakaaliwan.
sa kunpol ng mga tao mula sa maliit na siwang ng saradong bintana sa may di kalayuan ay walang sinuman ang nakakapansin sa isang babaing nagkukubli habang kanyang pinagmamasdan ang lahat ng kaganapang nagaganap ng mga sandaling iyon. malungkot ang babaing iyon at salungat ang kanyang nararamdaman sa nararamdaman ng mga taong kanyang nasa kapaligiran at singdilim ng kanyang kasuutang ang lugar na kanyang kinatitirikan at ang lugar kung saan mo sya matatagpuan.
sya si joanna ang babaing nakulong sasariling kalungkutan, ang babaing natabunan ng kanyang saring hukay, ang babaing tila isang bata na nagtatago sa ilalim ng higaan dahil takot na kainin ng mababangis na halimaw.
sa matining na tunog ng kampanang kanyang narinig ay tumulo ang kanyang mga luha.mga luhang dumaloy patungo sa kanyang nakaraan at mula doon ay bumalik ang kanyang nakararan. Nakaraang hinding hindi nya matakasan.
Sa maliit na hardin sa likod ng antigong sibahan sa bayan ng nebraska ay bumaling ang tingin ni joanna sa kanyang kasintahan na tumayo at tumalikod sa kanyang harapan habang nakataas ang dalawang mga kamay nito bago ito umiling na wari'y nag sasabing ayaw nya na o suko na sya at kanya nang winawakasan ang kung ano mang namamagitan sa kanila ni joanna. bago ito tuluyang lumayo at iniwan si joanna nang walang kahit anung binigkas.
mula sa marahang kulansing ng mga palamuting ilaw sa puno dahil sa marahang hangin ay naiwan si joannang magisa sa lugar na iyon na tulala at balot ng pag tataka. ang kanyang mga luhang ay pilit pinipigilan ng kanyang isipang sumisigaw na sana ay magising na sya sa bangungot na kanyang kinalalagyan.. ang kanyang mga katawan ay nanigas at ang kahit kanyang mga paa ay di nya magawang maihakbang upang habulin ang taong kanyang minamahal.
at ang mga tanong sa kanyang sarili ay tuluyang nanahan sa kanyang puso at isipan na kanyang dinala at di na binitawan.