kasabay ng mga mabibilis na habang ng kanyang mga paa palayo sa kanyang tahanan.. ay bigla itong napahinto. at mula nga sa may dikalayuan ay kanyang napagmasdan ang kanyang tahanang nag aalab at inaabo ng mga mamimintang at akusa..
" babalik ako.. babalik ako.. at ang lahat ng ginawa nyo saakin ay ibababik ko sa inyo" mga salita ni joanna bago tuluyang tumakbo nang kanyang marinig na tila may nakakita na sa kanyan. Tumakbo sya ng tumakbo na parang isang kabayo sa kalye na nakawala sa unang pagkakataon at tinahak ang daang walang kasiguraduhan.
sa maayos na barong barong ay nahanap ni joanna ang kanyang sarili. " papa gising na po sya" ani ng isang babae. " asan ako" tanong ni joanna.
" nakita kita sa kakahuyan na walang malay at maraming galos..ang akala ko ay patay kana mabuti na lamang at malakas kang humilik" wika ng isang lalaki. "sino kayo" tanong ni joanna. " ako nga pala calde at yan ang aking anak na si lina" pakilala ni calde." kamusta po kau" pangungumusta ni lina .
ngunit tanging pagiwas at katahinikan lamang ang ipinakita ni joanna.
may ilang araw narin na namalagi si joanna sa tahanan ng mag amang calde at lina. dahil narin sa kawalan ng mapupuntahan ay di narin natanggihan ni joanna ang alok ng mag ama na manirahan muna sya pansamantala sa naturang tahanan iyon kahit na hindi nila gaanong kilala ng isat isa..
minsan habang pinagmamasdan ni joanna ang mga tanin na bulaklak sa paligid ng bahay na iyon ay agad sya nilapitan ni lina." napansin ko lang po bakit madalas nyo pong pinagmamasdan ang mga bulaklak na tanin ni papa" ngunit di kumibo si joanna. " napansin ko rin po na tila may mabigat kayong dinadala, mas maraming beses pa po atang kumukurap ang mga mata ko kesa sa nagsasalita kayo.. ano po ba ang problema..hindi po ba kayo masaya dito? " ani ni lina.
kaya agad na pumitas ng bulaklak si joanna at humarap kay lina at iniabot ang pinitas na bulaklak. " nais kong mag pasalamat sayo at sa iyong papa.. napakahirap nang paniwalaan na nagtiwala agad kayo sa akin.alam mo lina mapalad ka dahil may mabuti kang ama" ani ni joanna. "asan po ba ang iyong pamilya" tanong ni lina. "ako,?? bugtong hininga nito.. " matagal nang panahon na kong ulila matagal na panahon na kong walang mga magulang..naalala ko pa nga ng mga panahon na iyon.. halos masira ang pantalon ng aking ama dahil ayokong bumitaw sa kanyan dahil nais nya akong iwanan sa ampunan at doon ipaampon matapos mamatay ng aking ina labing limang taon ang lumipas. halos araw araw kong nasasaksihan ang kanilang pag aaway..hindi raw kase magawang mahalin ng aking ina ang aking ama bagay na hindi ko maintindihan. naalala ko pa tanging ang ina ko lamang ang palagi kong nakakausap at nakakasama..bihira nalang kasing umuwe ng bahay ang aking ama kaya minsan na lamang kami mag kita.di ko nga matandaan kong ilang beses lamang syang naroroon sa tuwing kaarawan ko.