halos dalawang buwang ang lumipas dahil na rin sa matyagang panunuyo ng lalaki iyon kay joanna ay di na naiwasang mahulog narin ang loob ni joanna sa lalaking matyagang nanuyo at nag antay ng tamang oras.. at wakas ay ibinigay narin ni joanna ang kanyang matamis na oo para sa lalaking iyon.
sa isang tawag kay joanna ay naputol ang lahat ng kanyang alaala at nakita nya nalamang ang sarili nya sa isang halamanan habang umiiyak " ayos lang po ba kayo bakit po kayo umiiyak" tanong ni lina. " nandyan ka pala.. oo ayos lamang ako.. may naalala lamang ako" wika ni joanna.
hindi nga napigilan ni calde ang kanyang nararamdaman para kay joanna..gayon paman ay hinayaan na lamang ni joanna ang lahat ng iyon..at sila ay naging masaya na lamang.. hanggang isang araw... nagising nalang sila joanna at lina sa hinihingal na si calde habang ito ay nagmamadaling gisingin sila at pinagmamadali silang umalis. " ano ang nangyayari.. calde.. bakit ka nagkakaganyan" wika ni joanna habang yakap si lina. " joanna makinig ka sakin.. mag madali na kayo kunin nyo lahat ng gamit nyo ni lina at umalis na kayo dito" paliwang muli ni calde. " anong ibig mong sabihin calde di kita maintindihan" pagtataka ni joanna habang yakap ang natatakot na si lina. "nandito na sila..nadito na ung mga taong humahabol sayo nung gabi nakita kita sa gubat" ani ni calde..
"papaano iyon nagyari" pagtataka ni jaonna. "hindi na iyon mahalaga.. ang mahalaga ay makaalis na kayo ni lina. " papa ano po ang nangyayari" tanong ni lina. "lina anak makinig ka kailangan mong sumama kay joanna" pagliwanag ni calde. " ayaw ko po papa.. di ako aalis dito kong di kita kasama" ani ni lina. "lina anak diba ang sabi mo saakin lagi kang makikinig kay papa.. kaya sige na sumama kana umalis na kayo" pagpupumilit ni calde.
" hindi mo naman kailangan na gawin ito.. ako nalang ang aalis upang di na kayo madamay pa" ani ni joanna. " makinig kayo sakin..matagal ko nang alam na minamatyagan nila tayo dito..alam ko rin na matagal na nilang alam na nandirito ka joanna ..naghahanap lamang sila ng magandang pag kakataon at ngayon iyon..
narinig ko na maaaring madamay rin kami ni lina dahil sa pagkupkup namin sa iyo.. patawarin mo ko joanna.. sa kasakiman ko at sa takot ko na mawala ka sa akin ay inilihim ko ang lahat ng iyon" paliwanag ni calde. " pero bakit mo iyon ginawa" tanong ni joanna. " dahil mahal kita.. at alam kong alam mo na mahal kita.. at alam ko rin na hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo.. gayumpaman.. ay hindi na iyon ang mahalaga para sakin..dahil alam kong minahal mo na ang anak ko.. si lina.. at alam kong magiging mabuti kang ina para sa kanya" wika ni calde. " anong ibig sabihin mo...wag mo naman sanang gawin ang iniisip ko" pagtataka ni joanna. "ikaw na ang bahala kay lina.. joanna ipangako mo sa akin na aalagaan at di mo pababayaan si lina.. umalis na kayo.. bilisamln na ninyo sa likod na kayo dumaa... ako na ang bahala sa kanila.. ililigaw ko sila" pag pupumilit ni calde. " calde.. Hindi mo naman ito kaylangan gawin" wika ni joanna." Nag mamakaawa ako joanna.. ayukong lahat tayo mamatay dito.. kaya umalis na kayo" wika ni calde na sinunod nalamang ni joanna.