Chereads / TO BE WITH YOU AGAIN / Chapter 10 - chapter 10

Chapter 10 - chapter 10

minsan may pagkakataoon na tumatagal ang pag buhos ng nyebe sa ohama..dahilan kung bakit ang lahat ng mga mamamayan doon ay mas ninanais na manatili sa harapan ng kanilang ng tyimeniya. " ina mayroon po ba kayong larawan ng inyong ina?" tanong ni lina. "wala akong ni isang larawan ng aking ina lina.. at kung may ala ala mang iniwan sa akin ang akin ina.. iyon ay ang pangangaral at ang pagmamahal nya saakin" wika ni joanna.
"naalala ko pa noon.. kaming dalawa nalang araw araw ni mama ang magkasama sa bahay..lagi naman kasing wala si papa.. alam mo lina..hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nya saakin ng gabing iyon bago sya mawala.. habang sinusuklay nya ang aking mga buhok habang ako ay nakatingin sa mga laruang talang umiilaw na nakadikit sa kisame ng aming silid..sinabi nya ..na lahat daw tayo ay isinilang ng may kanya kanyang.. kapalaran..at wala raw masama ang maging totoo ka sa iyong sarili.. dahil ang pagiging totoo sa sarili daw ang susi sa bawat magandang araw.. lahat daw tayo ay maganda sa mga sarili nating pamamaraan.. ang mahalaga lamang daw ay magkaroon tayo ng pananalig at ipagmalaki kung ano at sino ka..kaya ikaw lina.. kapag ikaw ay lumaki na ..sana ay wag mong kalimutan ang lahat ng pangangaral ko sayo" kwento ni joanna bago sya yakapin ngahigpit ni lina.
kapag ang malilit na mabalahibong mga daga ay naglabasan na mula sa kanilang mga lungga sa ilalim ng lupa ay nangangahulugan ito na patapos na ang araw ng taglamig. tulad ng tyokolateng dinarang sa init na agarang natunaw..ay sa wakas ay handa naring unatin ng mga bulaklak ang kanilang mga tangkay para sa araw ng tagsibol.
isang makalat at magulong hapon ang gumising kay lina. " ano po ang nangyayari dito" tanong ni lina na makita nag kalat sa lamesa at sa sahig ang napakaraming mga damit. "hindi ko kase alam aking susuutin ..inimbitahan kase ako ni merry sa isang kasiyahan mamaya" wika ni joanna nang biglang dumating si merry. "hindi ka parin nakabihis?" tanong ni merry. "ang totoo nyan naguguluhan talaga ako kung ano ang aking susuutin" wika ni joanna. " hmmm ako ang bahala sayo" wika ni merry.
Lunan ng karuwaheng may kalumaan ay agad na tinungo nila merry at joanna ang nasabing kasiyahan. sa pagbaba nila ng karuwahe ay bakas sa mga mukha ni joanna ang kaba at pagkailang dala narin marahil ng kayang kasuutan at kulurete na si merry mismo ang naglagay. sa isang karatula sa itaas ng pintuan ng lugar na iyon na nag sasabing tumuloy ang lahat.. ay muling bumalik kay joanna ang nakaraan.
mula sa ilaw na kurteng bola na may ibat ibang mga kulay habang umiikot kasabay ng mga taong nagsasayawan at nag iinuman..ay nagulat si joanna nang bigla siyang hilahin ng kanyang kasintahan at pinaupo sa isang malambot na upuan. mula sa upuang iyon kung saan sila umiinum ay tumayo ang kanyang kasintahan at inaya syang sumayaw sa intablado kasabay ng maraming mga taong naroron. masayang ang gabing iyon.. wala kahit sino ang nakakaramdam ng lungkot ng mga sandaling iyon.. at mula nga doon ay ipinaramdam ni joanna ang kayang mahigpit na yakap sa kanyang kasintahan bago ito bumulong.