Nang makita ni joanna ang kabuuhan ng bilangguang iyon ay nagulat sya sa kanyang mga nakita. dahil sadyang napakagulo ng lugar na iyon at kaliwa't kanan ang mga matang nakatingin sa kanya na tila nais syang kainin habang sya ay naglalakad.
sa isang malakas na kalambag ng pintuan bakal ay nagulat si joanna." dito ang iyong selda" wika ng babaing pulis na tumulak sa kanyang papaloob ng selda. sa pagkabagsak ni joanna sa lapag mula sa kanyang pagkatumba at nakita nya mula sa sahig ang mga nagkalat na damit sa seldang iyon at mula doon ay muling bumalik sa kanyang ang naraan.
sa isang malakas na pag bukas ng pintuan at sa mga damit na dali daling pilit nilalagay sa isang maleta ay lumabas si joanna mula sa likuran ng kanyang kasintahan. doon ay nagmamakaawa si joanna na kung maari ay wag siyang iwanan ng kanyang kasintahan at ayusin na lamang nilang ang hindi nilang pagkakaunawaan. ngunit tila buo na ang loob ng kanyang kasintahan na sya ay iwanan. at nagawa pa nitong itulak si joanna sa sahig bago pa sya nito tuluyang iwanan.
sa isang malakas na tapik ay naputol ang mga ala alang iyon. " hoy ikaw..tutunganga ka na lamang ba diyan... doon(itinuro ang isang higaan) diyan ang iyong higaan" wika ng isang babae na kapwa nya sa kasama sa seldang iyon bago pa tumayo si joanna. " nakapatay karin" tanong ng kanyang kasama. " kung ano man ang nagawa ko hindi ko iyon ginusto..at papaano mo naman nalaman na nakapatay ako?" sagot ni joanna. " kapag narito kana sa lugar na ito.. nangangahulugan na may mabigat ka nang kaso.. at iyon ay ang pag patay.. sinasadya mo man o hindi.. hinding hindi mo na mababago ang tingin sa atin ng mga tao.. isa na tayong mga krimenal" wika ng babae. " hindi ako krimenal na katulad nyo" sagot ni joanna. " at naniniwala ka naman sa sarili mo... bakit kase hindi mo na lamang tanggapin sa sarili mo na ito na ang bago mo kapalaran" wika ng babae bago iabot ang kanyang kamay kay joanna. " ako nga pala si aura at ikaw" wika ni aura. " joanna." sagot ni joanna matapos iabot ang kamay. " siguro nga tama ka...para sa paningin ng iba ako ay isa ng krimenal... ngunit para saakin ay hindi isang kasalanan ang ibigay ang katarungan sa aking kaibigan na sya ring nagligtas ng aking buhay.. mas tatanggapin ko pa na pagbayaran ang aking ginawa kung ang kapalit naman noon ay ang buhay nya. buhay na kumuha ng buhay ng kaibigan ko.." wika ni joanna. "wag kang mag alala nandito lang ako at naiintindihan kita" wika ni aura bago yakapin si joanna.
mula sa mga yakap na iyon ay nabuo ang isang pag kakaibigan..pagkakaibigan na di na inaasahan na sya palang mag bibigay sa kayang ng lakas ng loob upang kayanin ang bawat araw na kanyang mararanasan sa kulungang iyon nang dahil sa isang kasalanan na ayaw nyang pagsisihan.